webnovel

Bahala Sya Sa Buhay Nya!

Pag alis ni Nicole at Eunice sa presinto, dumiretso sila sa ospital.

Habang nasa byahe tinawagan nito ang asawang si Edmund.

"Bakit Honey, nagpapasundo ka na? Tapos na ba ang Prom?"

Malambing na sagot ni Edmund sa asawa.

"Oo Hon pero hindi ako, si Eunice! Kasama ko sya ngayon at papunta kaming ospital!"

"HA?! BAKIT, ANONG NANGYARI SA INYO?!"

"Hon. huminahon ka, walang nangyari sa amin, kay Kate meron!"

Hindi alam ni Edmund kung papaano sya hihinahon sa sinabi ni Nicole.

Simula pagkabata ay sya na ang tumayong pangalawang ama ni Kate, kaya anak na rin ang turing nya dito.

"Anong nangyari kay Kate at sino ang kasama nya sa ospital?!"

"May gumulpi sa kanya sa CR kaya dinala sya sa ospital nila Ate Nadine!"

"Papunta na rin kami ngayon sa ospital, sumunod ka para sunduin si Eunice.

Kailangan akong maiwan, para kay Ate! Ibilin mo muna si Earl kay Manang bago ka umalis!"

Agad naman tumalima si Edmund.

Hindi maiwasan ni Nicole na hindi pagmasdan ang anak. Nagaalala ito sa kinikilos ni Eunice. Ramdam nya na nasasaktan ang bata.

Ngayon lang may dumating na hindi magandang pangyayari sa buhay ng anak at bilang ina hindi nya maiwasan hindi mag alala.

"Eunice anak, are you okey?"

Matipid na tango lang ang sinagot ni Eunice.

"Anak, kung gusto mo ng kausap, andito lang ako! Kung hindi naman kausap ang gusto mo kahit a shoulder to cry on, andito rin ako!"

"Thanks Mommy!"

At inakap nito ang Mommy nya ng mahigpit na mahigpit.

Pagdating sa ospital, hinanap nila si Nadine at Kate! Wala na ito sa emergency dahil nakakuha na ng room para kay Kate.

"Ate kamusta na si Kate?"

"Hindi pa tapos ang mga test nya, may internal bleeding daw kasi silang nakita! Saka gusto rin nilang ma sure ang condition ng mga internal organs nya lalong lalo na na ang ulo nya!"

"Jusko!"

"Conscious ba si Kate?"

"Oo, kahit nung tinatahi ang ulo nya gising sya! Pakiramdam ko nga nageenjoy pa ang lokong batang yun sa ginagawa sa kanya ng duktor! Samantalang ako mamatay na sa nerbiyos sa nangyari sa kalagayan nya lalo na sa mga test na ginagawa sa kanya!"

Nakahinga ng maluwag si Nicole.

Kanina pa rin nya iniisip ang condition ng pamangkin, pero mukhang matibay ang batang yun! Manang mana sa mga Santiago.

"Kaya ka ba naiwan dito?"

"Pinabalik na ako ng duktor!"

Hindi na nya sinabi na kaya sya pinabalik ng duktor dahil ninenerbiyos na ito at nagaalala na sila.

Sino ba namang ina ang hindi ninerbyusin pag nakita ang mga pinag gagawa nilang test sa anak nila!

"Tita Nadine, sorry po!"

Umiiyak si Eunice na lumapit kay Nadine.

"No, Honey don't say that! Hindi mo kasalanan ang nangyari sa Ate Kate mo!"

"Yes Tita but .... "

"But?"

"I feel guilty po kasi dahil hindi ko man lang natulungan si Ate Kate! Sana kung sinundan ko sya agad ng mas maaga sa loob ng CR baka hindi ganun ang nangyari kay Ate Kate!"

Hindi nya maalis sa isip ang itsura ni Kate ng makita nya sa CR. Ang nakahandusay nitong katawan, ang dugo sa ulo nya at ang itsura ni Kate na puno ng sakit.

"Shhh .... huwag mong sisihin ang sarili mo! You did good and I'm proud of you!"

"Kung hindi ka nagsisisigaw hindi maririnig sa labas ang paghingi mo ng tulong!

May tulong na dumating dahil sa ginawa mo! In fact, I should thank you for that! Ikaw ang nagligtas sa Ate Kate mo!"

"Kaya Eunice, Honey, huwag kang ma guilty, okey!"

Nangiti na si Eunice. Matipid man ang ngiti, okay na rin.

Medyo nahimasmasan na si Nicole ng masilayan ang ngiti ng anak pero aminado syang medyo may kirot sa puso nya dahil sa Tita Nadine nya nag open up si Eunice imbis na sa kanya na Mommy nya.

Mamaya maya dumating na si Kate na nakasakay sa wheelchair at nagkulitan na ang dalawang bata.

Masaya syang makita ang pinsan nyang ito na tumulong sa kanya at hindi sya iniwan.

"Anong sabi ni Kuya Jaime?"

Tanong ni Nicole habang pinagmamasdan ang dalawang batang nagkukulitan.

"Hmp! Bahala sya sa buhay nya!"

Sagot ni Nadine.

'Huh?'

'Anyare?'

'Mukhang kailangan mo ng umuwi Kuya Jaime!'

*****

Pag uwi ng bahay ni Eunice agad itong nakaramdam ng pagod kaya nagpaalam na sa Daddy nya na magpapahinga na.

Pero kahit na matagal na syang nakahiga, hindi pa rin sya dinadalaw ng antok.

Paulit ulit na nagre replay sa mind nya ang nangyari sa Ate Kate nya ayaw syang patulugin.

Galit na galit sya kay Miles hindi lang dahil sa sya ang pinagbibintangan nito.

Galit sya dahil hindi nya makalimutan ang nakita nya pagpasok sa CR, ang walang awang pagsipa nito kay Kate ng paulit ulit.

"Humanda ka Miles! Sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang ginawa mo sa Ate ko at sisiguraduhin ko rin na malalaman ito ng lahat!"

下一章