Kumalat ang balita sa ginawa ni Orly at mga kasama nyang teacher.
Sinigurado ng mga lawyers na kakalat ito hindi lang sa news pati sa social media.
Pinaabot din nila sa DECS ang reklamo kaya may posibilidad na mawalan din sila ng license.
At syempre hindi nila kinalimutan na isama ang pangalan ni Gob. Pancho Abellardo sa lahat ng ito.
"Kailangan natin syang palabasin sa lungga nya at i clear ang pangalan nya!"
Galit na galit si Gob Pancho ng makitang kumalat na ang balita.
"Anong ginagawa mo?
Bakit hindi mo inaayos ang trabaho mo?!"
Singhal nya sa assistant nya.
"Pasensya na Gob. pero parang mayroon nasa likod ng lahat ng ito! Nahaharang nya lahat ng ginawa kong plano!"
"At sino naman ang tinutukoy mo si Ames?"
"Ewan ko Gob. pero sure akong malakas sya para pigilan lahat ng ginagawang kong plano!"
"Ang daming mong dahilan!"
"Gawin mo ng maayos ang trabaho mo! Huwag kang tatamad tamad!"
"Malapit na ang eleksyon at hindi ito magiging maganda sa image ko pag nadikit ang pangalan ko dyan ng matagal!"
Alam ito ng assistant nya pero hindi naman sya tatamad tamad! Lagi lang ten step ahead ang kalaban!
Kahit ang political adviser ni Gob ay wala ding magawa sa bilis nilang magisip! Parang nananadya!
"Sino kaya ang may gawa nito?"
"Kalaban ba sa politika o hindi?"
*****
Uwian na pero si Alicia ay hindi pa rin makita ng service nya. Kanina pa nya ito hinahanap.
Nasa CR si Alicia sa isang cubicle, nakaupo at pinagmamasdan ang picture na binigay ni Eunice sa kanya.
Gusto nyang magtanong kay Eunice pero hindi nya alam kung paano. Pinipigilan sya ng pride nya. Kaya nakuntento na lang syang pagmasdan ang babae sa larawan.
Tinitingnan nya ang bawat bahagi ng mukha nito. Bawat anggulo hawig sa kanya.
"Sino ka? Ikaw ba ang Mama ko?"
Naluluha nyang sambit.
"Gusto kitang makilala! Sana ay makilala kita!"
Napansin nya na may nakasulat sa likod nito.
"Rowena Castillanez?"
"Ito kaya ang name nya?"
At sa baba ng pangalan nito ay nakasulat ang isang cellphone number.
Kinabahan si Alicia!
"Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba sya?"
"Ano naman ang sasabihin ko?"
Nagtatalo ang kalooban ni Alicia. Sa bandang huli naisip nyang tawagan ito. Gusto nyang madinig ang boses nya.
Natuwa sya habang iniisip ito. Hinanap nya ang CP nya pero naalala nyang nasa locker nya nga pala. Nagmamadali syang lumabas ng CR at dun nya nakasalubong si Eunice na kanina pa rin sya hinahanap.
"Alicia!"
Napahinto si Alicia ng makita si Eunice.
"Bakit?"
"Kasi, kanina ka pa hinahanap ng service mo!"
"Okey!"
"Uhm! Alicia sandali lang!"
"Bakit?"
"Uhm! Gusto ko lang sabihin na andito lang ako!"
"Okey!"
At tumakbo na ito palayo. Hindi na sya sinundan pa ni Eunice. Kilala nya ang friend nyang ito, ayaw nito ang napapahiya.
Pag dating ng locker room agad nyang hinanap ang CP nya at naghanap ng tahimik na lugar bago I dial ang number ng babae sa larawan.
KRIING!
Sinagot ito kaagad.
"Hello?"
Natulala si Alicia, hindi alam ang gagawin.
'Ang ganda ng boses nya!'
Naluluha na naman sya. Tinatakpan ang bibig para hindi marinig ng nasa kabilang linya ang hikbi niya.
"Hello? Hello? Sino 'to?"
"Kung nagbibiro ka ibaba ko na 'to!"
Pero hindi magawang makasagot ni Alicia. Ang gusto lamang nito ay madinig ang boses nya. Ramdam nyang may connection sya sa taong ito.
"ALICIA!"
Nagulat si Alicia ng may tumawag sa kanya.
"Ano ka bang bata ka kanina pa kita hinahanap! Aalis na tayo ano ba? Ikaw na lang ang kulang!"
"Ano ba kasing pinaggagawa mo?!"
Singhal ng driver ng service nya.
"Opo Manong nandyan na po!"
"Bilisan mo!"
Nagulat din ang nasa kabilang linya.
"Alicia?"
"Si Alicia ba ang tumawag sa akin? Ang anak ko?"
Naguguluhan sya pero lumulundag ang puso nya kahit deep inside alam nyang imposibleng tawagan sya ng anak. Hindi sya nito kilala at hindi rin niyo alam ang number nya! Kaya paano?
Nasa labas lang sya ng school nag aabang sa paglabas ni Alicia.
*****
Sa di kalayuan kay Alicia, tahimik na nagmamasid si Eunice.
'Sana maging happy ka na, Alicia!'
"Sissy?!"
"Anong ginagawa mo dito? Saka anong tinitingnan mo dyan? Si Jeremy my friend?"
"Wala sya dyan uy! Andun! Nasa office ng Mommy mo!"
"Huh?"
"Pakiulit ng sinabi mo Besh?"
"Sabi ko si Jeremy my friend, nasa office ng Principal kasama si Sister Kate!"
"Bakit anong nangyari? Bakit sya nasa prinicipal's office?"
"Saka ... napapansin ko, bakit alam mo lahat ang nangyayari kay Jeremy ko? Daig nyo pa ang mag jowa! Kayo na ba?"
"Aysus! Sissy ang sarap mong batukan!
Hindi ko po type si Jeremy mo!"
"Para sabihin ko sa'yo, Jeremy and I we're just friend!"