webnovel

Principal Cole

"Andyan na ba?"

Naghahabaan ang leeg ng mga naroon, pilit tinatanaw ang bagong acting principal na hindi naman nila kilala.

"Ano ba yan, anong oras na?! Mag pa flag ceremony na wala pa sya!"

Ang hindi nila alam, kanina pa naroon si Nicole, dumaan na sa harapan nila pero hindi nila pinansin.

"Ehem!"

Napatigil sila sa kanilang ginagawang pagtanaw sa labas at napalingon sa loob.

"Can I have your attention please!"

Mahinahong sabi ni Nicole pero may diin.

Pare parehong nagtatanong ang mga tingin nila.

'Hindi ba ito yung mother nung Eunice yung nag propose kay Jeremy?'

'Yung babaeng walang kahihiyan na nilalandi si Jeremy sa labas?'

'Yung gold digger?!'

'HUH! SIYA NGA!!!'

'Anong ginagawa nyan dito?'

'Huwag mong sabihing sya ang bago nating principal?'

'OMG! Paano kung sya nga, nadinig kaya nya yung mga punaguusapan natin?'

Hindi maiwasang mangiti ni Nicole habang pinagmamasdan ang mga mukha nila.

"Hello! Good Morning sa inyong lahat! Ako nga pala si Principal Cole ang bagong acting principal ng Ames Academy!"

Ito ang isa sa kundisyon ni Nicole kay Ames ang magkaroon sya ng ibang alias.

Namutla ang lahat ng madinig nila ang sinabi ni Nicole.

"Oo tama kayo! Ako nga yung mother ni Eunice na tinatawag nyong gold digger, malandi at walang kahihiyan kahit wala naman kayong basehan!"

Putlang putla ang lahat at pinagpapawisan ng malapot.

"Simula sa araw na ito ayaw ko ng nakikita kayong walang ginagawa! Binabayaran kayo dito para magtrabaho hindi pagusapan at gawan ng kwento ang ibang tao!"

"Ang makikita kong nagchichismisan ay pauuwin at hindi na muling pababalikin!"

"Wala akong pakialam kung maubos ang staff dahil madali naman kayong palitan!"

"MALIWANAG BA?!"

"Opo Principal!"

Sa flag ceremony.

Bago pabalikin sa classroom ang mga estudyante, ipinakilala ni Secretary Kim si Nicole.

"Good morning! Siguro naman kilala nyo pa ako?"

Marami ang natawa at nagpalakpakan.

"Salamat naman at hindi nyo pa ako nakakalimutan!"

"Nandito ako para ipakilala sa inyo ang bago nating acting principal!"

"PRINCIPAL COLE!"

Tumayo si Nicole sa harap ng stage at naupo naman si Secretary Kim.

"HUH?!"

Nanlaki ang mga mata ni Mel at nakanganga pa itong napatingin kay Eunice.

"Di..ba.....?"

Sabay turo sa taas ng stage.

Namumulang tumango ng dahan si Eunice sa kaibigan.

Pati ang mga classmates ni Eunice na boys na lumapit at nag sorry sa kanya nung araw na yun nakilala din sya at tumingin din kay Eunice pero hindi sila nagsalita, ngumiti lang sila kay Eunice.

Wala doon ang mga nambully sa kanya dahil suspindido ang mga ito pati si Alicia.

Nagulat din si Jeremy at Kate ng makita si Nicole.

Pero maliban sa kanila, wala ng nakakakilala pang estudyante kay Nicole.

"GOOD MORNING AMESIAN!!!"

Nagtaka ang mga bata at nagtinginan.

"Oh bakit wala sa inyong sumasagot? Hindi ba kayo nagaaral sa Ames Academy?"

"Therefore kung dito kayo nagaaral, ang tawag sa inyo ay AMESIAN! Tama ba ako?!"

Nagkatinginan ang mga teacher na naroon.

"So, uulitin ko ha!"

"GOOD MORNING AMESIAN!"

"GOOD MORNING PRINCIPAL COLE !!!

"Ayan ang gandang pakinggan!"

"Diba dapat ganyan, proud kayo sa school nyo!"

Tahimik ang lahat walang sumasagot. Hindi dahil sa ayaw nila ito, hindi lang sila sanay na tawagin silang Amesian.

"YES, I'M PROUD TO BE CALLED AMESIAN!!!"

Sigaw ni Jeremy.

"YES, I AM AMESIAN!!"

Sigaw ni Kate.

"AKO DIN AMESIAN!!"

Sabay na sigaw ni Mel at Eunice.

Pati ang mga boys na classmates ni Eunice sumigaw na rin!

Hanggang sa magsunuran na rin ang iba!

Naiyak si Eunice sa reaksyon ng mga schoolmates nya lalo na si Kate na ngayon nakita ang Ninang nyang ganito. Sanay sya sa Mommy nya dahil CEO ito pero hindi ang Ninang Nicole nya na madalas nyang makitang naka apron.

Nagkatinginan silang mag pinsan at proud na pumalakpak.

Sinabayan sila ni Jeremy at Mel ng makita ang dalawa at gumaya na rin ang lahat.

Pero weird ang pakiramdam ng mga teacher sa paligid.

Kahit si Teacher Erica ay hindi rin mapigilang ma proud sa dati nyang teacher and mentor at gusto ring pumalakpak pero naalala nya ang bilin ni Nicole sa kanya na manahimik lang at huwag magpapahalata. Saka obserbahan nya ang mga co teacher nya.

Pero hindi nya mapigilan ang hindi mangiti.

Pagkatapos ng masigabong palakpakan, pinabalik na sa classroom isa isa ang mga bata.

Nang madaan si Eunice sa Mommy nya ngumiti ito.

'I'm proud of you Mom!'

下一章