webnovel

Kami Na!

"Ms. Ames! Hindi kita nakilala!"

Buong ngiting bati ng principal.

"Pasensya na! Pasensya na! Halika pasok ka!"

Tiningnan nya ng matalim ang secretary nya na hindi pa nakaka recover sa ginawa ni Ames.

"Pasok ka Ms. Ames, pasok!"

Napataas ang mga kilay ni Ames ng makita ang malaking pagbabago ng silid na ito.

'Mukhang feeling nya magtatagal sya dito... Hmm... kailangan ng tapusin ang kahibangan nyang ito!'

Ang principal na nakaupo ngayon ay hindi ang principal na inappoint ni Ames. Umpisa pa lang ng klase nagkaroon ng problema ang dating nakaupo dito kaya sya na dating assistant ang pumalit.

Sya si principal Dennis, ang nakaupo ngayon at ang dating assistant Principal ni Principal Oddie.

Wala si Ames sa pilipinas ng mga oras na napaalis si Principal Oddie kaya wala syang nagawa kung hindi payagan ang suggestion na pansamantalang si Principal Dennis muna ang humalili sa kanya bilang acting principal.

Pero sa nakikita nya ngayon sa loob ng silid, wala ka ng makikita kahit anong trace ni Principal Oddie.

Si Ames, imbis na naupo sa upuan na itinuturo ni Principal Dennis, dumiretso ito sa Principal chair at duon naupo na parang reyna.

"Ms. Ames, anong gustong mong inumin?"

Biglang pumasok ang head ng HR na natataranta.

"Madam Ames, ka..kamusta po!"

Hinihingal nitong sabi.

"Hindi mabuti!"

At itinuro nya ang upuan na nasa harapan ng mesa para maupo sya.

Si Principal Dennis at ang assistant nito ay uupo na rin sana pero...

"Kayo!"

Sabay turo sa dalawa.

"Oo, kayo! Sinong may sabi sa inyong maupo?"

Kaya walang nagawa si Principal Dennis at ang assistant nya.

Saka hinarap ni Ames ang ang head ng HR.

"Marami kang dapat ipaliwanag!"

Napalunok ang head ng HR na si Castro.

"Ano ... pong ...ibig ...nyong ... sabihin Madam?"

Pinilit nyang magmukhang walang alam pero mas mukha syang kinakabahan. Halatang guilty.

"Mr. Castro, pagod pa ako sa byahe kaya huwag mo akong subukang inisin dahil sagad na ako!"

Nakangiti ito pero kita sa mata ang pagkainis.

"Bigyan mo ako ng report ng mga pinagagawa mo at ng kumpare mong ito! (sabay turo kay Principal Dennis).

...at ipadala mo lahat ng rekord ng staff at teacher sa akin!"

At ibalik mo sa akin ang sekretarya ko! I want her today! Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang tanggalin si Secretary Kim?"

"Ye..yes Madam!"

*****

Samantala sa bahay nila Eunice.

"Mommy, pagod na me!"

Patakbong inakap nito si Nicole ng makitang pumapasok sa gym para dalhan sila ng meryenda.

"Okey, sige mag rest muna kayo! Dinalhan ko kayo ng meryenda!"

"Honey, wala pa kaming isang oras dito sa gym!"

Reklamo ni Edmund sa asawa.

Hindi ito pumasok para turuan si Eunice at Mel ng simpleng self defense.

"Hayaan mo na Hon, huwag natin silang pwersahin! Dahan dahanin natin!"

Walang nagawa si Edmund.

'Ano pa nga bang magagawa ko e tinakasan na ako!'

At iniwan na nila ang dalawa.

"Sister, ang sarap nitong cupcake ng Mommy mo! Ang lalaki!"

"Anong bang flavor nito Sissy?"

"Blueberry Muffins, Besh!"

"Uhmm... ang sarap! Pwede bang mag take out?"

"Oo naman Besh, ikaw pa! Tyak matutuwa si Mommy pag inubos mo yan!"

"Ay Sister tama ng isa! Gusto ko lang ishare sa Mama ko kung gaano kasarap ito!"

"Bakit sa Mama mo lang! Diba may mga kapatid ka? Bigyan mo rin sila!"

Habang busy silang kumakain ng meryenda, sa labas may dumating silang bisita. Si Jeremy!

Pero bago sya makapasok may sumalubong sa kanya. Si Kate.

Estudyante din sya sa school na pinapasukan nila at nasa Grade 11na sya pero 16 years old lang sya.

Isa sya sa pinaka genius ng school at 2 beses na itong na accelerate. Madalas din syang inilalaban ng school sa math competition abroad.

"Hello Mr. Jeremy Alvarez! Long time no see!"

"Hello Katherine Marie Santiago! Kamusta ang Australia?"

"Ayun, marami pa ring kangaroo!"

"Hahaha!"

"Grabe, ang cute mo pa ring tumawa! Kaya nakaka in love ka e! Saan ba punta mo?"

"Kila Eunice! Nagkita na ba kayo?"

"Hindi pa! Pwede bang sumama?"

"Sure!"

Kaya habang nag bibiruan sila Eunice at Mel, nagulat ang mga ito ng biglang may dumating.

Masaya ang dalawa na nagbibiruan pa habang naglalakad papasok ng gym papalapit sa kanila.

"Hi Eunice! Hi Mel!"

Bati ni Kate sa dalawa.

Tumango lang si Eunice at ngumiti.

"Ang saya nyong dalawa ni Jeremy! Hehe!"

"Bakit nga pala kayo magkasamang dalawa?"

Tanong ni Mel sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa sa tanong ni Mel.

At si Kate ang sumagot.

"Kasi, kami na!"

下一章