Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na ang init ng sinag ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking takipmata at panandaliang saklaw ang malabo-labong paningin. Puting kisame kaagad ang bumungad sa aking mga paningin.
"Gising na si Ghoul," rinig kong sambit ni Chim. Tutok pa rin ang aking paningin sa kisameng nakalulula.
Yapak ng mga paa ang nangibabaw sa loob ng silid. Kalahati ng katawan ko ay ibinangon ko at bahagyang umupo, marahan akong sumandal sa headboard at napapikit. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?
"Hey! Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo?" Dumilat ako at bahagya'y itinuon sa kaniya ang direksyon ng aking ulo. Napatingin ako sa nagsalita. His face is totally a mess. Iyong napaka-guwapo niyang mukha ngayon, wala na.
"O-okay lang ako, Chim? Si Le. . ." I stopped nang maalala ko ang nangyari sa kaniya kagabi. Then tears slowly drowning me out. Si Eunice, si Lena! Wala na sila.
"Shhh, tahan na. Malalagpasan rin natin ito." Hagkan nito sa akin, sabay na haplos sa ulo ko. I wipe my tears, I should fight for them, I should seek justice for them. But, I can't. Hindi ko kaya, ngayong wala na sila I dont know. Wala na ang lahat sa akin, wala nang pupuno ng kasiyahan ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa mga tao, I don't know if hanggang saan ang aking makakaya. Pero, hindi ko na talaga kakayanin ito. Hindi ko na kayang lumaban pa ng mag-isa.
"S-si, si Lux? Nasaan? Nasa presinto pa rin ba siya?" Agad akong humiwalay sa pagyayakapan naming dalawa.
"He's in jail now, Ghoul. Ang walang hiyang iyon, matapos paasahin at tanggalan ng pagka-birhen ang kapatid ko papatayin lang niya ng gano'n gano'n. Napaka-tuso niya, demonyo siya. Dapat lang sa kaniya iyon, mabulok siya sa kulungan." Nangingiting na giit niya. Nararamdaman ko naman ang matinding galit niya, kita rin ito sa kaniyang mga mata.
"Pero kaibigan mo pa rin siya Chim. Nakalimutan mo na ba?" Saad ko, kahit na gano'n kaibigan pa rin namin si Lux. Kahit na gaano pa kahaba ang mga sungay niya. Kahit na nasaktan ako sa ginawa nila, well, oo inaamin ko na mahal ko pa siya. Pero sa ganitong pagkakataon, I think letting go will be the best answer for this. Para matapos na itong kadramahan ko.
"Walang kaibigan na traydor Ghoul. Nararapat lang iyon sa kaniya." Alam kong sobra ang galit niya kay Lux kaya hindi ko siya masisisi kung iyon nga ang nararamdaman niya sa ngayon. Pero, bakit hindi ko manlang maramdaman ang galit sa kaniya ngayon? Ako lang ba ang nakararamdam nito?
Biglang may kumatok sa labas. Mabilis naman na tinungo ni Chim ang kinaroroonan nito.
"Good morning po Sir. Nariyan po ba si Mr. Chim Bearish?" Rinig kong tanong ng babae sa labas. Nurse siguro iyon.
"Ako nga. Anong maitutulong ko sa inyo?" Sagot nito sa kausap.
"May naghahanap po sa inyo sa labas. Pinapapunta ka raw agad niya ngayon, importante daw." Napakunot ako ng kilay habang pinapakinggan ang usapan nila. Sinong naghahanap sa kaniya?
"Sige, susunod ako. Salamat."
Dumako naman ang mga mata ko sa taong nasa likod ni Chim. He's wearing his normal outfit, that really suit him. Then I just found myself seeing him intently from his bulging chest up to his sculpted biceps. Chasing over its fascinating adam's apple, follows with his jaw bone that really implies his flawless face. His undeniable kissable lips, to his ridgid nose. He has this tanned fair skin. Until I reached his charming brown eyes gazing over me. Awkward.
"Sioney, Allure. Alis na muna ako may aasikasuhin lang." Giit niya. Habang may tina-type sa kaniyang cellphone papalapit sa akin.
"Importante ba 'yan?" Tanong ko. I don't know but I feel something strange will happen today. Hindi ko alam kung ano iyon, pero ilang beses na ring nangyari sa akin ito at lahat ng iyon ay nararamdaman ko, I should trust my instinct for now.
"Sobra. Kasama na ang kaso ng Lola, at sa mga kaibigan natin." I switched up my expressions into a confused one.
"Bakit hindi na lang dito? I mean I can help naman, 'di ba?" I asked eagerly.
"Ako na ang bahala Ghoul, kailangan mo rin kasing magpahinga. And besides, marami pa kayong aasikasuhin ni Allure ngayon. Hindi ba Allure?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na rin, tumango siya-with no emotions on it.
"Aasikasuhin? What do you mean by that?" I narrowed my eyes back on Chim. Aasikasuhin? Na ano?
"He'll be the one who'll inform you about that. I have to go, nang matapos na ang kababalaghan na nararanasan natin ngayon." And followed by a smile, a genuine one. Napatango ako sa 'turan niya.
"Mag-iingat ka ha." Sabay na hinalikan ako nito sa aking mga noo. He's so sweet, kahit nang high school pa lang kami. He didn't change.
"I always will. Hahanapin pa natin ang mga demonyong gumanon sa mga kamag-anak natin, and to my beloved. They're evil, totally a monster. Tumango na lamang ako bilang tugon. Kumakaripas pa nang paghinga bago siya umalis nang mabilis. Mag-iingat ka Chim.
Napansin ko na lamang si Mr. Heinous, his hands buried under his pocket. He walks towards the bed I'm lying on.
"Allure." Sabay lahad ng kamay nito. Napatingin pa ako sa mga mata niya. Allure? Pangalan niya ba iyon? Weird.
"G-ghoul!" Then I took his hand. Feelin' his warm and manly hand. Bigla akong nakaramdam nang nginig, na para akong naiihi. What's with that feeling?
"I, I'm sorry." I melancholy started. Naalala ko na naman ang pang-i-indiyan ko kahapon. As a detective, it was embarrassing. Lalo na't he's appointed to be my partner para sa kaso, tapos ginanyan ko lang siya. So rude.
"May ginawa lang talaga ako kahapon. If you want to quit this case, it's okay ako rin naman ang may kasalanan. Sorry." Tinignan ko siya, naghihintay sa maaari niyang reaksyon.
"It's okay. Besides, I'm the one who told Chief to be paired with you." Siya? So does it mean na hindi dapat talaga siya naka-assign na kaso.
"Why are doing this? Bakit mo ako tinutulungan?" My curiosity drove me in. I can't stop myself to ask him, if why he did that.
"Mahirap ang kasong ito. It's been a year since I encountered the last murder case that goes on a series. Malilito tayo dahil konektado ang lahat, maraming magpapanggap. And I think, sobrang lapit lang ng Killer sa atin. And I wonder if who's the real." Natahimik ako sa sinabi niya, bakit hindi ko napansin iyon? Na iniisa-isa kami nilang lahat. And sa huling sinabi niya, I've remembered something suspicious. Hmmm. . . Nakota ko pa siyang pumunta sa may salaming bintana at marahan na sumilip roon, after a couple of seconds he covered it with the white curtains.
"Thank you, Allure." I said without knowing that I can't bare to face him, to look on his eyes-I really can't. Nahihiya ako.
"For what?" He respond. Unti-unti nang nawawala ang hiyang naramdaman ko kanina. He has this unexplainable expression.
"For saving me last night." I saw his shocked reaction. Tumikhim pa siya at tumalikod.
"Huwag ka nang mag-thank you, lahat naman nang makakakita sa 'yo ng gano'n ay gagawin din 'yong ginawa ko." Para akong nanlumo sa sinabi niya. I was expecting something from him, arggh. Kainis, bakit ko ba bini-big deal ang sinabi niya. At saka, obligasyon din namin iyong magligtas. I frowned.
"Pagkalabas na pagkalabas mo sa Hospital, may aasikasuhin agad tayo. Kaya ihanda mo ang sarili mo," aniya. What? As in, agad-agad? Walang pahinga?
"Wala bang day off?" Reklamo ko, gusto ko kasing magpahinga, at humiga mag-hapon.
"Hahayaan mo pa bang may mawala, dahil lang sa kabantugan mo?" Pinag-singkitan ko siya ng mga mata. Ginawa pa akong baboy.
"Siyempre hindi. May sinabi ba ako ha?" Taas noo kong sambit. Akala niya siya lang, tignan natin. Napa-smirk pa siya, at aba nang-aasar ba siya?
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa silid, ingay lamang ng mga sasakyan ang bumalot roon, nakabibingi ang katahimikan na bumabalot sa atmospera ng palagid.
I heaved a sigh. Baka mabaliw ako nito.
Bigla na lamang may bumali sa katahimikang iyon, isang malakas na ingay ang bumalabog sa mala-sementeryong lugar sa katahimikan. Bigla akong nanlumo sa hindi malamang dahilan.
"Hehehe, peace. Gutom na kasi ako," wika ko habang nag-peace sign sa kaniya. Nakita ko na lang ang isang silip na ngiti sa kaniyang mga labi, wtf. Ang, ang . . . Cute niyang mag-smile. What the fudgee bar? Na-attract ba ako sa kaniya?
Pumunta siya sa may maliit na mesa, at parang may kinuha siya roon. Hindi ko siya makita dahil nakatalikod siya sa kinauupuan ko ngayon.
"Oh, kumain ka nang marami. Busugin mo kung ano man ang mayroon diyan sa tiyan mo." Aba't? Nakakarami na siya ah? Binabawi ko ng cute siya, este iyong ngiti pala.
"Salamat." Sambit ko ng hindi siya tinitignan. Isang sopas sa loob ng isang malaking mangkok. Napangiti ako nang malapad. Mukhang mapapasabak na naman sa giyera itong mga nag-rarally kong mga alaga. Nakita ko pa siyang blankong nakatingin sa akin.
"Kain ka?" Lumingo siya, habang walang ekspresyong tumititig sa akin, nakita ko pa ang paggalaw ng Adam's Apple nito. Weird.
"Ah-eh, si, si Sioney? Nasaan pala siya? Kumustang lagay niya?" Tanong ko habang pinapanood niya akong kumain. Ang sarap naman ng sopas na ito. Tinignan ko siya.
"She's okay. Kumalma na rin siya kahit papaano." Tugon nito habang marahan siyang tumatalikod sa akin. Napatango naman ako. Grabe iyong sopas, hmmm ang sarap. Kinalabit ko pa ang likod niya.
"Hey," giit ko. Hindi siya umimik.
"Hoy."
"Pakuha nga ako ng tubig. Baka mabilaukan ako, please naman oh." Pang-uutos ko. Dahil kapag ako mamatay, siya kaagad ang suspek. Nakahihiya naman siguro kung ang isang tulad ko namatay sa pagkabilaok dahil lang sa isang sopas? That will be awkward kung nagkataon. Well, hindi na rin siguro patay na ako sa mga oras na 'yon.
Hindi ito kumibo at mabilis na pumunta sa water dispenser na nasa may pader. Nakayuko siyang naglalakad dala ang tubig na hiningi ko. Creepy niya. Inilagay ko naman sa side table ang mangkok na walang laman.
"Hoy, okay ka lang ba? May sakit ka, Gusto mong magpalit tayo ng puwesto?" Interogar' ko, pero wala ni isang responde ang bumalik sa akin. Nang ibigay niya ang tubig sa mga kamay ko ay agad kong hinawakan ang kaniyang baba at wtf?
"Are you blushing?"
"No!" He blurted. Wow galit? Nagtatanong lang eh.
"Ows, hindi nga? Ba't namumula iyang pisngi mo, at woaaah pati iyong mga tenga mo, ang pula. Cute." Panggigigil ko. Parang nangamatis ang tenga niya.
"Hindi nga sabi. Naiinitan lang ako," aniya. Defensive? At mabilis niyang hinubad ang coat niya. Ehem.
"Anong ginagawa mo?" pagtataray ko habang tinitignan siya.
"Alangan namang nag-su-swimming?" Sa pipino ba siya ipinaglihi? Napaka-pilosopo ng ampots.
Nang tuluyan' na niyang maihubad ang kaniyang coat, tumambad sa akin ang isang matipunong katawan. Siya ba talaga 'yan? Akala ko payatot ang isang ito, pero totoo ba talaga 'to? Okay, okay, ang OA ko na.
"Tsk." Pagpaparinig niya nang mapansin niyang nakatitig ako sa katawan niya. Nagpagising na lamang sa aking ulirat ay ang pag-tikhim nito.
"Enjoying the view?" Napapitlag ako nang maintindihan ko ang sinabi niya. Is he accusing me?
"Noooo." Pagtatanggi ko, well, to be honest na-aattract ako sa mga lalaking may magagandang katawan.
"Denial." Pinag-singkitan ko na naman siya ulit. Ngumiti siya, Oh my Gosh. Did he just fucking smile?
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Para akong tangang nagpipigil ng kiliti habang tinitignan pa rin ang kaniyang ngiti. Pero biglang nagseryoso ang reaksyon niya, at nawala ang ngiting kanina ay sumilay.
"Magbihis ka na may aasikasuhin pa tayo, remember?" Pag-papaalala naman nito. Tumango naman ako. Bakit ba kasing ang suplado ng isang ito? Wala ba siyang kaibigan o kinulang lang talaga sa aruga?
"Oo na Sir. Nasaan ang mga damit ko." Tanong ko.
"Ayan." Mabilis niyang inihagis sa akin ang isang maliit na bag. Aba't napaka-bastos ng taong ito. Binuksan ko ito't napanganga sa nakita.
"Sinong kumuha nito?" Seryoso kong tanong habang pinag-singkikitan ang mga damit na hawak-hawak ko ngayon. Mapapatay ko talaga ang isa 'yon.
"Ako." Mabilis ko siyang binatuhan ng isang napatalim na tingin.
"Ikaw? Pati 'tong . . ." Tumango siya. WTF?
"Oo. Ang cute nga ng mga panty mo, SpongeBob SquarePants fan ka pala?"
"MR. ALLURE HEINOUS! PAPATAYIN TALAGA KITA!"
---
HeartHarl101