webnovel

Chapter 61

Once I had a heart of stone

For it had surely lost its home

It could not my love or wanted too

But in my life, then came you.

The stones began to fall away

As happiness began to fill my day

A feeling so sweet and special too

Could this be love, I pray is true.

My heart now sings a song of love

For I know that it was sent from above

My heart is warm, there is no cold

Hard no more, but with wings of gold.

It soars above the sky so high

Sometimes I think of why and cry

My heart now sings a loving song

For the part of me I thought was gone.

- Unknown -

"Boys, kayo na ang bahala sa kanya. Tawagin n'yo na lang ako pagnakaraos na kayong lahat sa kanya. Bye, Hayley, enjoy!" Tinapik muna ni Brittany ang pisngi ng dalaga bago tuluyang umalis kasama ng isa sa mga goons. "Mag-eenjoy na naman si Kanor kay Ma'am." Sabi ng isa sa mga goons na nakatingin sa palayong si Brittany na kasama ang Kanor na pinag-uusapan nila. "Mag-eenjoy din naman tayo dito. Mas okay dito, mas fresh." Sabi ng isa pa sa mga goons na halos hubaran na si Hayley sa tingin pa lang. "Sabagay, laspag na laspag na si Ma'am eh itong isang 'to mukhang mabangong mabango pa." Gusto ni Hayley na kainin na lamang siya ng lupa kaysa makasama ang mga lalaking nasa harap niya. Kinilabutan siya sa mga tawa ng mga ito na akala mo mga kampon ng kadiliman. "Sino'ng mauuna?" Tanong ng isa. "Dahil ako ang pinakabata, ako muna!" Sagot naman ng isa. "Ay, 'di pwede 'yan, matanda muna." Sabad naman ng isa. Habang nagtatalo ang mga goons ay hindi napansin na nakapasok na at napapaligiran na sila ng grupo nila Nico at nag-iintay na lamang ang mga ito ng tamang pagkakataon bago sumalakay.

"Sige, dahil ako naman ang kanang kamay ni Kanor, ako na ang mauuna at wala ng kokontra kung ayaw n'yong masaktan." Gustong magwala ni Hayley ng lapitan na siya ng nagsalitang lalake pero hinang-hina na ang kanyang pakiramdam. Ang pagod, takot, at sakit ng kanyang sugat ay sama-sama nagpapahina sa kanya. Walang katapusang dasal na lamang ang kanyang ginagawa at dininig naman siya ng nasa Taas dahil bago pa siya mabuhat ng kanang kamay ni Kanor ay nakita niya ang mga kalalakihang naglabasan sa madilim na parte ng warehouse at isa-isang sinugod ang mga goons na nagulat sa pagsulpot nila. Nangiti siya ng makita ang tumatakbong si Nico na nagmamadaling yumakap agad sa kanya. Naramdaman niya ang pagluwag ng tali sa kanyang mga paa at kamay. Matapos kalagan muling niyakap ni Nico ang dalaga at bumulong ng pasasalamat dahil hindi sila nahuli dahil hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa babaeng minamahal.

"Ley, Ley." Dinig ni Hayley ang tawag sa kanya ni Nico pero wala siyang lakas na magsalita. Pakiramdam niya ay para siyang nauupos na kandila. Ramdam pa din niya ang sakit ng sugat niya at alam niya na dumudugo pa din ito. "I love you, Ley. I love you." Nangiti si Hayley sa paulit-ulit na pagsambit ni Nico ng I love you sa kanya. Ramdam niya ang pagbuhat ng binata sa kanya at ang paglabas nito mula sa warehouse. Dahan-dahan siyang hiniga ni Nico sa stretcher na mula sa ambulance na kasama nila mula sa ospital. "Nico..." Mahinang sabi ni Hayley pero dahil hindi naman lumayo si Nico sa kanya ay nadinig ito ng binata. "Ley, don't worry, your safe now. I love you. I love you so much." Nakita ni Hayley ang pagtulo ng luha ni Nico. "I...love...you...I...will...always...will..." Pagkatapos noon ay nawalan na ng malay si Hayley. Namutla si Nico na makita niya na ipinikit ni Hayley ang mga mata nito. "Where's the goddam doctor!?" Sigaw niya na hindi binibitawan ang kamay ni Hayley. Nagmamadali namang lumapit ang doctor at nurse at tiningnan agad si Hayley.

Habang tinitingnan ng doctor si Hayley ay nilabas naman nila Levi at Holden ang nakaposas ng si Brittany mula sa loob ng warehouse. Ngumisi pa ito ng makita ang walang malay na si Hayley. Hindi nakapagpigil si Nico at nilapitan niya ang dalaga. Nakasunod naman sa kanya si Jacob at Grey dahil alam nilang kapag galit na galit si Nico ay wala itong pakialam kahit babae pa ang kaharap. Naiwan sa tabi ni Hayley si Dashiell at Landon.

"Nico!" Agad na binigyan ng warning ni Levi ang binata na pulang-pula sa galit ng malapitan ang babaeng hawak nila pero huli na dahil dumapo na ang kamay ni Nico sa pisngi ng babae. Nagimbal naman si Brittany at nakaramdam ng takot sa lalaking kaharap. Hindi niya inaasahan na sasaktan siya ng isang Nico Bermudez.

"That's for hurting my woman! You will regret everything that you've done to her! Pasalamat ka at babae ka dahil kung naging lalaki ka lang, hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo! You will regret meeting me for the rest of your life!" Nakaramdam ng matinding takot si Brittany sa lalaking kaharap. "Nico!" Saka lang inalis ng binata ang atensyon sa dalaga ng madinig ang tawag ni Dashiell pero bago umalis ay tiningnan niya pa ulit si Brittany dahilan para tumindig lahat ng balahibo ng babae sa takot na lalong nadagdagan dahil sa mata ng binata. "You know what to do to her." Seryosong sabi ni Nico at tumango naman si Levi at Holden saka nilayo na ang babae. Si Nico naman ay patakbong lumapit sa kinaroroonan si Hayley.

"We need to bring her to the hospital at this instant. Maputla na siya, kailangan natin ma-check ang kanyang dugo para malaman kung kailangan natin siyang salinan ng dugo." Sabi ng doktor. "Let's go!" Sabi lang ni Nico at lahat sila ay nagmamadaling umalis sa lugar.

下一章