webnovel

Chapter 49

I have felt these words like a weight in my chest,

until I find myself amazed that a heart can go on beating under such a burden.

I love you.

I love you desperately, violently, tenderly, completely.

I want you in ways that I know you would find shocking.

I want to kiss every inch of you,

make you hot, sweaty, and tremble in ecstasy.

If you only knew how I crave the taste of you.

I want to take you in my hands and mouth and feast on you.

I want to drink all of you in.

I can't stop thinking of it.

Your hands all over my naked body.

Your mouth, open for my kisses.

I need too much of you.

A lifetime of nights spent with you inside me wouldn't be enough.

I want to talk with you forever.

I remember every word you've ever said to me.

If only I could visit you as a foreigner goes into a new country,

learn the language of you, wander past all borders into every private and secret places,

I would stay forever.

I would become a citizen of you.

You would ask how I could be so certain,

this soon, but some things can't be measured b y time.

Ask me an hour from now on.

Ask me a month from now.

A year, ten years, a lifetime.

The ways I love you will outlast every calendar,

clock, and every toll of every bell that will ever be cast.

- Unknown -

Walang nagawa si Nico magdamag kungdi ang magbuntong-hininga samantalang ang katabi niya ay napakasarap ng tulog. Sa tuwing mapipikit siya ay para namang isang tukso na magkakadikit din ang mga balat nila ng dalagang katabi. "Hayley Acosta, why are you doing this to me?" Tanong ni Nico na nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog at isang buntong-hininga muli ang pinakawalan.

Kung kahapon ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, ngayon ay magaan na ang pakiramdam ni Hayley. Nakatulong sa kanya ang mahaba at mahimbing na pagkakatulog. Bumangon siya at nakita niya ang mga bag na nasa gilid ng kama. Pagbukas niya ay nakita niyang mga gamit niya ang laman. "Hayley Acosta, he will not ruin your life. You have your friends and Nico to back you up." Namula si Hayley ng maisip ang binata. Pagkatapos niyang uminom kagabi ay wala na siyang matandaan pero tiyak niyang si Nico ang nagbalik sa kanya sa kama. "Life must go on!" Muling bulong ni Hayley sa sarili bago pumasok ng banyo para maligo at magbihis.

"For now just let her stay here. Kung wala siya sa lugar kung nasaan ang primary suspect ay hindi din ito makakagawa ng ikakasama niya." Sabi ni Levi. Nasa dining table sila ni Nico habang pinag-uusapan ang mga nangyari. "In two weeks time na ang kasal nila Dashiell at Quinn, tiyak na hindi siya papayag na hindi personal na asikasuhin ang mga damit ng lahat ng kasama sa entourage lalo na ang groom at bride." Sabi ni Nico. "Let her colleagues do her part. We better secure her safety." Sabi ni Levi. "If you only knew her." Sabi ni Nico.

Palabas na sa kwarto si Hayley ng tumunog ang phone niya.

"Where the hell are you?" Nilayo ni Hayley ang phone sa tainga niya ng madinig ang boses ng pinsan. "I don't know." Sagot ni Hayley. "What!?" Muling sigaw ni Amanda. "Calm down cuz, remember my pamangkin." Sabi ni Hayley. Nadinig ng dalaga na bumuntong hininga si Amanda. "We're here in Kleid. Ashley and Lily told us what happened. Are you okay?" Tanong ni Amanda. "Yes, I'm fine. Don't worry, Nico is doing everything to keep me safe." Sabi ni Hayley. "He should be." Nadinig ni Hayley ang boses ni Fin. "We're here to talk about the designs but I guess this is not a good time. Maybe we can discuss those things when everything's okay." Sabi ni Amanda. "No, just give me an hour. I'll be there. I already made the designs and all you will do is to pick what do you want." Sabi ni Hayley. "But your life is in danger." Nadinig muli ni Hayley ang boses ni Fin na halatang nainis sa kanya. "I'll be fine. I'm with my Prince Charming and his Knights." Nakangising sabi ni Hayley. Muntik ng mabitiwan ni Hayley ang phone ng madinig ang tikhim ni Nico sa may pinto.

"Ah, eh, got to go guys. See you later." Hindi na inintay ni Hayley ang sagot ng pinsan at tinapos na ang tawag. Hinarap niya ang binata at nakita niya ang mga eyebags nito. "Hindi ka nakatulog kagabi?" Tanong ni Hayley na ikinaikot ng mata ng binata. "Yeah, ikaw ba naman ang tumabi sa magandang tukso na walang ginawa kungdi guluhin ang mundo ko kagabi." Sabi ni Nico. "Tukso?" Mahina na sabi ni Hayley pero nadinig ni Nico para matawa siya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa dalaga. Napalunok naman si Hayley dahil nakita niya na kahit may eyebags ang binata ay gwapo pa din ito lalo sa suot na puting t-shirt at maong pants, parang ang bango-bango nito sa kanyang paningin. Nagulat si Hayley na halos isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.

"Kung alam mo lang ang pagpipigil na ginawa ko kagabi." Tumayo lahat ng balahibo ni Hayley ng ibulong ni Nico sa tainga niya ang mga salita na binitiwan. Nilakasan ni Hayley ang loob at tiningnan niya ng deretso ang binata. "Ano...ano...bang...nangyari...kaga...kagabi?" Pinilit ng dalaga na hindi mautal pero sobrang lapit ng mukha ng binata sa mukha niya. Ngumisi si Nico. "Hindi mo matandaan kung ano ang mga ginawa mo kagabi?" Tanong ni Nico na nagpakunot sa noo ng dalaga. Pilit na inisip ni Hayley ang nangyari matapos niyang inumin ang alak kagabi pero wala talaga siyang matandaan. Lalong natuwa si Nico sa itsura ng dalaga kaya naisipan niyang dagdagan pa ang pagkalito nito.

"Lasing ka kagabi kaya hindi mo matandaan ang ginawa mo sa akin kagabi. Lalaki ako, ano'ng magagawa ko kung mismong magandang uri ng palay ang lumapit sa akin? Tatangi ba ako? No way!" Nakangising sabi ni Nico na nagpapula sa mukha ng dalaga. "May...may...nangyari...sa...atin...kagabi?" Tanong ni Hayley na pinakiramdaman ang sarili pero wala namang masakit sa kanya. Ang sabi ni Ashley at Lily ay sobrang sakit ng buong katawan mo lalo na ang ibabang parte na halos hindi ka makalakad pagkatapos makipag.... Pinilig ni Hayley ang ulo ng maisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila kagabi pero naguguluhan talaga siya.

"Kagabi ko lang nalaman na..." Hindi natapos ni Nico ang sasabihin ng takpan ni Hayley ang bibig niya. "I will ask you this again and please give me the true answer." Nakita ni Nico ang pagseryoso ng dalaga kaya tumango siya. "Did something happen to us? Did we had..." Hindi malaman ni Hayley ang sasabihin kung sex ba o love making ang term na gagamitin niya. Pareho ang dalawang salita pero magkaiba ng meaning. Sex is only lust but love making is from the word itself, LOVE. Para namang nabasa ni Nico ang nasa isip ng dalaga.

"If I will do it with you, it will be a passionate love making. But, to answer your question, no we didn't." Sabi ni Nico. Nakahinga ng maluwag si Hayley pero maya-maya ay pinalo niya ang binata sa braso ng malakas. "What!?" Takang tanong ni Nico na himas himas ang braso. "I hate you!" Sabi ni Hayley. "Why? You hate me because I didn't do it with you even you did seduced me a lot?" Nakangising sabi ni Nico. "Well, we can do it now." Sabi ni Nico na nilapitan muli ang dalaga pero ng muli siya nitong papaluin at lumayo siya pagkatapos ay malakas na tumawa. "I really hate you!" Sabi ni Hayley sabay labas sa pinto. "Hey, where are you going?" Noong lang napansin ni Nico na nakabihis ang dalaga.

"Work!" Inis pa ding sagot ni Hayley. Nagulat siya ng hilahin siya ni Nico sa kamay dahilan para mapayakap siya sa binata. "No, you don't. You're staying here." Sabi ni Nico na yakap ang dalaga. "Let me go, Nico!" Sabi ng dalaga na pilit kumakawala sa yakap ng binata. "I said no!" Sabi ni Nico. "No pala, huh!" Bago pa man makaiwas si Nico ay napaluhod na siya sa sakit. Namutla naman si Hayley ng makita na nakangiwi si Nico na salo ang ibabang parte niya. "Ano'ng nangyari?" Nagulat si Hayley ng madinig ang boses ni Levi sa likod niya at pagtingin niya ay kasama din nito si Nanay Editha.

"Na...ba...sag...ya...ta..." Natawa sila Levi at Editha ng hindi maipinta ang mukha ni Nico. "I didn't mean to...I'm sorry." Lumuhod si Hayley para tulungan makatayo si Nico. Napangiwi lalo si Nico ng tumayo ito kaya lalong nag-alala si Hayley. "Ano'ng gagawin natin? Let's bring him to the hospital." Sabi ni Hayley. "Hayaan mo lang siyang magpahinga iha. Mamaya lang ay maayos na iyan." Nakangiting sabi ni Editha. "Dadalhan ko na lang kayo ng umagahan. Hindi pa kumakain ang batang iyan. Hihintayin ka daw para sabay kayo." Sabi ni Editha sabay baba na para kuhanin ang pagkain. "I'll go ahead. I'll inform you kapag ayos na ang lahat." Sabi naman ni Levi at bumaba na din para umalis. Ang dalawa naman ay pumasok sa kwarto ng binata. Tinulungan ni Hayley na makahiga ang binata sa kama nito.

"Sorry talaga. Ikaw kasi eh." Sabi ni Hayley. "Ako na ang nasaktan, ako pa din ang may kasalanan?" Kunyaring tampo ni Nico. "Ayaw mo kasi akong pakawalan. Nasa Kleid sila Fin at Amanda para sa mga designs ng kasal nila. I need to see them." Sabi ni Hayley. "Aray, aray." Sabi ni Nico para daluhan siya ng dalaga. "Saan masakit? Ano'ng gagawin ko?" Nag-aalalang tanong ng dalaga. "Just hug me tight, mawawala din ang sakit maya-maya." Tumaas ang kilay ng dalaga sa nadinig mula sa binata. "Aray..." Walang nagawa si Hayley kungdi ang yakapin ang binata dahil siya naman ang dahilan kung bakit nasaktan ito. Nagdiwang naman ang kalooban ni Nico at lihim na nangiti habang yakap ang dalaga.

下一章