webnovel

Chapter 47

The sparkle in your eye

The warmth of your skin

Your breath on my neck

That quivers within.

The touch of your hand

The smell of your hair

The kindness in your smile

The strength in your stare.

Your kiss on my cheeks

Your body near mine

The stroke of your touch

The feeling inside.

The calming of your presence

The beating of your heart

The promise of tomorrow

That we never part.

The beauty of your kiss

And the magic of your touch

It is for all these reasons and more

Why I love you so much.

- Ankita Chakraborty -

Pagdating nila sa unit ay nakita nila na nasa labas sila Ashley at Lily kasama ang mga guards ng condo. Nagyakap ang tatlong magkakaibigan at ramdam ni Hayley ang pangangatog ng dalawang dalaga. Pumasok naman sila Levi at Landon para i-check ang loob. Si Nico at Dashiell naman ay kinausap ang mga guards.

"Okay lang kayo?" Nag-aalalang tanong ni Hayley at tumango ang dalawa. "Hindi niya kayo sinaktan?" Muling tanong ni Hayley. "Hindi namin siya inabutan pero natakot lang kami dahil napakagulo sa loob tapos..." Hindi magawang ituloy ni Ashley ang sasabihin. "Nico." Nadinig ni Hayley ang tawag ni Levi sa binata pagkatapos ay sinenyasan na pumasok sa loob. Pumasok nga ito at susunod sana si Hayley pero pinigil ng dalawang kaibigan. "Dito ka na lang, hayaan mo na sila sa loob." Sabi ni Lily na ikinakunot ng noo ni Hayley kaya walang sabi-sabing bumitaw siya sa pagkakahawak ni Ashley at dumiretso sa loob. Huli na para pigilan ni Nico ang dalaga, nakita na ni Hayley ang nakasulat sa pader.

"You're only mine. I'll be coming for you. Just wait for me." Nanlamig ang buong katawan ni Hayley ng mabasa ang mga salita na nasa pader. Naikuyom naman ni Nico ang mga kamay sa takot na nakita niya sa mukha ng dalaga.

"We'll deal with this. Better stay at your home. She's been through a lot for the day." Sabi ni Levi na nakatingin sa dalaga na nakatutok pa din ang mga mata sa pader.

Nagulat si Hayley ng akbayan siya ni Nico. "Hey, let's go. You need to rest." Sabi ni Nico at tumango naman ang dalaga.

Paglabas nila ay kasama na nila Ashley at Lily sila Virgie at Leandra. Niyakap nila Virgie at Leandra si Hayley ng mahigpit upang iparamdam dito na magiging okay din ang lahat.

"President, please take good care of her." Sabi ni Ashley na hinawakan ang nanglalamig na kamay ni Hayley. "You better stay with him. Ashley and Lily will come with us." Sabi ni Virgie. "Pero..." Hindi naituloy ni Hayley ang sasabihin ng magsalita si Nico. "She's coming with me. You don't have to worry about her. She will not be harmed by anyone." Seryosong sabi ni Nico. Walang nagawa si Hayley kungdi sumama kay Nico. Bago sila tuluyang umalis ay tumingin muna siya sa mga kaibigan at ng tumango ang mga ito ay binalik na niya ang paningin sa unahan.

"Where are going?" Tanong ni Hayley ng nakasakay na sila sa Hummer ng binata. "Home." Maikling sagot ni Nico. Hindi alam ni Hayley kung tama ba na sumama siya sa binata pero may kung anong humaplos sa puso niya ng sabihin nito ang salitang "home".

Hindi napansin ni Hayley na huminto na ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bahay. Nang bumukas ang automatic na gate ay ipinasok na ni Nico ang kanyang sasakyan at dumiretso ito sa basement. Pagpasok sa basement ay namangha si Hayley dahil sa mga sasakyan na nasa loob ng parking. Hindi lang magagarang kotse kungdi magagarang mga big bikes din ang nakapila sa loob.

"Sa'yo lahat 'to?" Nagpasalamat si Nico dahil nagsalita na ang dalaga at tila nawala sa isip nito ang mga nangyari kanina. "Collections namin ni Dad." Sagot ni Nico. Nang maayos na ni Nico ang parking ay bumaba na siya at bubuksan sana ang pinto ng nasa side ni Hayley pero nauna ang dalaga sa kanya. Nangiti si Nico ng makitang hinawakan at inikutan ni Hayley ang isang Bugatti Chiron Super Sport 300+.

"He's so handsome." Sabi ni Hayley. "Mas gwapo pa sa akin?" Biro ni Nico pero ng tumango ang dalaga ay natawa siya. "Let's get inside." Aya ni Nico at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nadadalas ang paghawak sa kanya ng binata pero hindi siya tumatangi dahil kapag hawak siya ng binata, pakiramdam niya ay ligtas siya.

Muling humanga ang mga mata ni Hayley ng makapasok sila sa loob ng mansion para sa paningin niya. Masasabi niyang talagang nag-ubos ng milyones ang pamilya nila Nico sa bahay na ito o baka nga bilyones pa. Tiyak niyang mamahalin ang lahat ng gamit sa loob, mula sa mga upuan, mesa, ilaw, at lahat na.

Nagulat si Hayley ng may mga babae at lalake na pumila sa harap nila na akala mo ay mga CAT o ROTC officers na inutusan ng pinakalider nila. Nang nakabuo na sila ng dalawang linya ay may isang matandang babae na lumakad sa gitna nila. Nakangiti ito sa kanya pero ng makita si Nico ay sumimangot ito. Nang nasa harapan na nila ito ay nagulat siya ng bigla nitong pingutin ang tainga ng binata dahilan para magngitian ang mga nasa linya. Nangiti din siya dahil hindi maipinta ang mukha ni Nico dahil tiyak niyang masakit ang ginawa ng matanda dito.

"Ikaw bata ka, uuwi ka lang dito kapag naisipan mo! Manang-mana ka talaga sa ama mo!" Galit na sabi nito na hawak pa din ang tainga ng binata. "Nay naman, huwag naman sa harap nila." Sabi ni Nico na pilit inaalis ang kamay ng matanda sa tainga niya. "Sa harap nila o sa harap niya?" Tanong ng matanda na nakangiti kay Hayley na ikinapula naman ng dalaga.

Nagpasalamat si Nico ng tuluyang ng bitiwan ng matanda ang tainga niya at hinarap si Hayley. "Ako nga pala si Editha, mayordoma ng bahay na ito. Sila naman ang mga kasama ko na nangangalaga dito." Sabi ni Editha. Nginitian naman ni Hayley ang mga kaharap. "Ako po si Hayley." Sabi ng dalaga. Nagulat siya ng bigla siyang yakapin ng matanda. Lalo siyang nagulat ng pagbitiw nito sa kanya ay nakita niyang may luha ito sa mga mata.

"Pasensiya ka na, akala ko kasi ay mamamatay akong hindi makikita ang magiging asawa ng batang ito." Sabi ni Editha na nakatingin ng masama kay Nico. Namula naman si Hayley at pagkatapos ay tumingin kay Nico pero nagkibit balikat lang ang binata. "Pero..." Hindi naituloy ni Hayley ang sasabihin ng magsalita muli ang matanda.

"Tama nga si Leo at Rose, napakaganda mong bata." Sabi ni Editha na lalong kinapula ni Hayley. Natatawa naman si Nico sa kinikilos ng mayordoma nila pero ng tingnan siya ng matanda ay sumeryoso siyang bigla.

"Nay, hindi pa kami kumakain." Sabi ni Nico. "Tumawag na si Levi dito kaya nagpahanda na ako ng hapunan kanina pa. Tara na iha, kailangan mong tumaba ng maging malusog din ang mga magiging anak ninyo." Biglang nasamid si Hayley sa sinabi ng matanda pero nainis naman siya ng madinig ang halakhak ni Nico na nasa likod lang nila.

下一章