webnovel

Chapter 45

My Sweet Lady You!

When I first met you,

I was all in trance,

I told you my secrets,

You told me yours.

I bet you thought I'd never love you,

who would have thought,

We would be more than just friends,

I got to know the real person you.

A soul so caring, a soul so dear,

with a heart so true, your love so pure,

You are the wings that fly me to the moon,

I'll never leave, I'll rather stay,

Because of the feelings, I have for you.

You're my shining star, in life blue sky,

and soometimes, I wonder, is this all so true?

So I've decided,

time will tell.

If we're to be,

Time will reveal, what lies ahead.

But always remeber,

what I am saying.

Meeting you, has changed my life,

I truly love you.

the feelings I feel, I feel for you,

I'll never let you go.

I nedd you so,

you'll always be, my sweet lady, "you"!

- Unknown -

"What's with him?" Habang naglalakad papuntang Fitting Floor ay iyon ang iniisip ni Hayley. "Sala sa init, sala sa lamig." Bulong niya sa sarili. Dahil sa itaas lamang ang pupuntahan ay minabuti na lang ng dalaga na maghagdan na lang. Nasa kalagitnaan na siya ng may makasalubong siya. Dahil ang akala niya ay employee ng Kleid ay nginitian niya pa ito at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Malapit na siya sa pinto pero hindi niya ito tuluyang nabuksan ng bigla siyang mapasigaw dahil may biglang humila sa kanya pagkatapos ay may itinakip sa ilong niya at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis na nasalo ng lalaki ang pabagsak na katawan ni Hayley at pagkatapos ay ngumiti.

"Pasensya na miss, napag-utusan lang." Sabi nito. Alam ng lalaki na madalang ang gumagamit ng hagdan kaya wala siyang takot na bumaba pero ng bubuksan na niya ang pinto ay nagulat siya ng makita ang dalawang lalaki na papasok din sa lalabasan niya.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Nico ng makitang buhat ng isang lalaki ang walang malay na si Hayley. "Sino ka?" Galit na tanong ni Nico. Ngumisi lang ang lalaki at biglang hinagis ang buhat na dalaga pagkatapos ay mabilis na tumakbo. Buti na lang at mabilis ang reflexes ni Nico kaya bago bumagsak si Hayley sa sahig ay nasalo niya ito. Si Levi naman ay nagmamadaling hinabol ang tumakbong lalaki.

"Hayley! Hayley!" Pilit na ginigising ni Nico ang dalaga pero wala siyang nakuhang sagot mula dito kaya nagmamadaling siyang tumayo at naglakad papuntang opisina na buhat-buhat si Hayley. Nakasalubong naman niya sila Ashley at Lily. "Hayley!?" Sabay na tawag ng dalawa sa kaibigan. "Call Sarah and tell to contact Kleid's company doctor." Sabi ni Nico. Nataranta naman ang dalawa at hindi malaman ang gagawin. "Hey, this is not the time to panic, okay!" Inis na sabi ni Nico. "Ashley call Sarah. Lily let's bring her to the office." Sabi ni Nico at para namang nagising ang dalawang babae kaya nagmamadaling ginawa ang sinabi ng kanilang presidente.

"Don't worry, her vitals are all normal. She's been put to sleep using a little amount of chloroform. Just let her rest and after 1-2 hours, she'll be fine." Sabi ng company doctor. "Thank you Doc." Sabi ni Nico.

Nang lumabas si Nico at ang doctor mula sa kanyang opisina ay nag-hihintay ang lahat sa kanila na may pag-aalala sa mga mukha.

"She's okay." Sabi ni Nico at ang lahat ay nakahinga ng maluwag. "But she needs to rest." Dugtong ni Nico. Naintindihan naman ng bawat isa ang sinabi ni Nico kaya isa-isa silang lumabas. Bumalik si Nico sa loob ng opisina ng makalabas na ang lahat. Nakahiga si Hayley sa couch, lumapit ang binata sa dalaga at umupo pagkatapos ay hinahawak niya ang dalawang kamay nito. Bumuntong hininga si Nico at pinangako sa sarili na hinding-hindi na hahayaan mawala sa paningin niya ang dalaga.

Gaya ng sabi ng doctor, nagising nga si Hayley pagkatapos ng isang oras pero para lang sumigaw na kinagulat ni Nico.

"Ley, you're safe. I'm here, no one will hurt you." Sabi ni Nico habang yakap ang takot na takot na si Hayley. Naramdaman naman ng binata na unti-unting kumalma ang dalaga. Hindi niya inalis ang pagkakayakap sa dalaga lalo at mahigpit din itong nakayapakap sa kanya. Ramdam pa din niya ang pangangatog nito. "I'll get you water." Sabi ni Nico pero umiling ang dalaga na lalo pang-humigpit ang hawak sa kanya. "Ley, you're safe now. You're with me. no one's gonna hurt you." Inulit ni Nico ang sinabi kanina at ngumiti siya ng dahan-dahan lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga. Pumunta siya sa personal ref at kumuha ng tubig. Binuksan at inabot sa dalaga.

Tahimik lang silang dalawa na nakikiramdam sa bawat isa. Walang gustong magsalita dahil hindi alam kung paano mag-uumpisa.Pareho silang tumingin sa pinto ng may kumatok dito. Inuluwa ng pinto si Levi.

"Where is he?" Ramdam ni Hayley ang galit sa boses ni Nico. "Nasa quarters." Maikling sagot ni Levi. "I need to do something. I'll ask Ashley and Lily to accompany you." Sabi ni Nico na nakatingin sa dalaga. "Where are you going?" Tanong ni Hayley dahilan para magkatinginan ang dalawang lalaki. "Someone tried to abduct you and I want to know who's behind it." Sabi ni Nico. "I'll come." Sabi ni Hayley. "There's no need for that. The doctor said that you have to rest." Sabi ni Nico. "I want to come. I want to know why they're doing this to me." Nakita ni Nico na may namuong luha sa mga mata ng dalaga. Tumingin si Nico kay Levi at ng tumango ito ay napabuntong-hininga siya. "Are you sure you want to do this?" Paninigurado ni Nico at ng tumango ang dalaga ay inalalayan niya ito pagtayo at lumabas silang tatlo para puntahan ang lalaki na nagtangkang kuhanin siya.

下一章