webnovel

Chapter 40

Kalokang poem ever made

Mahal kita todo todo

Walang break, walang preno

Mabangga man sa kanto

Ikaw pa rin ang mahal ko

Sa dahon ng gumamela

Bulaklak ng sampaguita

Doon mo makikita

Ang salitang mahal kita

'Mahal kita' sa Tagalog

'I love you' sa English

'143' sa Mathematics

Ewan ko lang sa Physics

Tubig is water

Ilog is river

Combine it together

I LOVE YOU FOREVER!

- BECS/PORKANDBEANS-

"Ley, ano'ng nangyari? Okay lang ba kayo?" Salubong agad ni Virgie pagpasok nila sa Kleid. "Nasaktan ka ba?" Tanong ni Mario. "Don't worry guys, kasama naman niya si President Prince Charming at meron pang-dalawang Knights in shining armor." Sabi ni Leandra ng makitang nakasunod sa kanila si Levi at Holden. "Guys, mamaya na tayo mag-usap." Matamlay na sabi ni Hayley at dumiretso na ito sa elevator. Nagkatinginan ang tatlo sa inasal ni Hayley. "Pasensya na kayo, just give her time. Tiyak naman na sasabihin din niya sa inyo ang lahat." Sabi ni Nico saka sinundan si Hayley. Kasunod din ng dalawa sila Levi at Holden.

"May problema si Hayley." Sabi ni Virgie na nakasunod ang tingin sa mga umalis. "Tama si President, hintayin na lang natin na sabihin niya sa atin kung anuman iyon." Sabi naman ni Mario. "Inggit much, napapaligiran siya ng gwapo!" Sabi naman ni Leandra. "Ikaw talaga, kahit kailan!" Sabi ni Virgie na kinurot ang tagiliran ng bading. Natawa naman si Mario ng tumakbo palayo si Leandra.

"Leave us." Sabi ni Nico sa dalawa niyang bodyguard. Dumiretso si Hayley sa rooftop kaya hinarang ng binata si Levi at Holden ng papasok din ito sa pinto ng lugar. Tumaas ang kilay ni Levi. "This is her private place." Sabi ni Nico. "Yours too?" Nakangising tanong ni Levi na ikinaikot ng mata ni Nico. "I'm her boss so I'm allowed to enter here." Sabi ni Nico. "And we're your bodyguards. We will follow you wherever you go." Sabi naman ni Levi. "Levi!?" Inis na sabi ni Nico. "Okay, okay." Sabi ni Levi na nakataas pa ang kamay.

Gaya ng dati, nakatingin ulit si Hayley sa paligid. Bumuntong hininga at pagkatapos ay pumikit. Kahit naramdaman niya ang presensiya ng binata ay hindi niya binukas ang kanyang mga mata.

"Why me? I can't remember that I insulted or offended someone." Tanong ni Hayley na nakatingin sa malayo. "We're on it. Rod is doing his job. For now, we're not sure of the culprit's identity but we will definitely find him or her." Sabi ni Nico. "Levi and the rest will be with us 24/7. They will make it sure that you will be safe so don't worry, okay?" Sabi ni Nico. Nakatingin pa din sa malayo si Hayley kaya nilapitan siya ng binata, hinarap sa kanya at hinawakan ang baba para tumingin sa kanya.

"Don't worry, nothing will happen to you. I will be here." Sabi ni Nico at tumango ang dalaga. "Thank you." Sabi ng dalaga at ngumiti si Nico. Parehas silang nakatingin sa mga mata ng bawat isa at maya-maya ay unti-unti lumalapit ang mukha ni Nico kay Hayley. Alam ng dalaga na hahalikan siya ng binata kaya pinikit niya ang kanyang mga mata na nagpangiti kay Nico. "I think you're fine now so better start working." Biglang naidilat ni Hayley ang kanyang mga mata ng madinig ang sinabi ng binata. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagkapahiya. Alam niyang pulang-pula siya kaya nagmamadali siyang lumakad palabas at dinig niya ang tawa ng binata. "May araw ka din sa akin." Bulong niya sa sarili.

"Ano'ng nangyari dun?" Takang tanong ni Levi ng makasalubong si Nico na palabas na sa rooftop. Nagkibit balikat lang si Nico pero ang ngiti sa mukha ay hindi nawawala. "Let's go to my office." Sabi ni Nico at sumunod naman sila Levi at Holden sa kanya.

Nagtaka si Nico ng wala sa table niya si Hayley. Kinuha ang telepono at tinawagan ang dalaga pero hindi nito sinasagot ang tawag ng binata. Lumabas muli ang binata na kasunod pa din ang dalawang bodyguard. Nakasalubong niya si Anais. "Good morning, Mr. President." Bati nito sa kanya. "Good morning, have you seen Hayley?" Tanong ni Nico. "Nasa Fitting Room po. Tinawagan po kasi siya ni Tatay Mario para tingnan kung okay na sa kanya yung damit para sa Maid of Honor. Nasabi po kasi ni Hayley na siya na ang papalit doon sa dapat na Maid of Honor nila Mr. and Mrs. Dashiell Alvarez." Sagot ni Anais. "Okay, thank you." Sabi ni Nico at dumiretso na sa Fitting Room.

Lahat ng nasa Fitting Room ay nagulat ng biglang pumasok si Nico kasunod sila Levi at Holden. "Where's Hayley?" Ramdam ng mga ito na medyo inis ang boses ng kanilang presidente. "Nagbibihis po, President." Sagot ni Mario. "Girl, ang ganda!" Dinig nila ang boses ni Virgie. Nagulat si Hayley ng paglabas niya ay nakatayo si Nico na akala mo susugod sa giyera pero maya-maya ay lumambot ang expression ng mukha nito ng makita siya.

"Dude, laway mo." Bulong ni Levi na siniko si Nico. Inabot naman ni Holden ang panyo niya sa binata na nakangisi din. Hindi pinansin ni Nico ang pang-iinis ng dalawang bodyguard, lumakad siya palapit sa dalaga. Ang inis na naramdaman kanina ay biglang napalitan ng paghanga sa dalaga. Hindi naman malaman ng dalaga ang gagawin ng titig na titig sa kanya si Nico.

"Kahit ano talaga ang isuot mo ay tiyak na babagay sa'yo." Sabi ni Nico na nasa harap na ng dalaga. "Thank you." Sabi ni Hayley. Dahil naalala niya ang ginawa sa kanya ng binata kanina ay nakaisip siya ng kalokohan. "Magbibihis na ako. Okay naman ang fit Tatay Mario." Sabi ni Hayley na nakatingin sa matanda. "Okay, by tomorrow ay ready na for fitting ang lahat so pwede mo na din tawagan ang buong entourage para maisukat na din nila ang mga damit." Sabi ni Mario. "Sige po, inform ko si Dashiell at Quinn." Sabi ni Hayley. "Nic...can you help me in changing my clothes?" Nanlaki ang mga mata nila Virgie at Mario dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Si Nico naman ay namula dahil harap-harapan ang panunukso sa kanya ni Hayley. Nakangisi naman sila Levi at Holden dahil alam nilang na-excite ang kanilang bata. Nilapitan ni Hayley ang binata saka hinawakan ang kamay. "Can you?" Maarteng sabi ni Hayley. "Y...e...s...yes!" Nauutal na sabi ni Nico na nagpangiti kay Hayley ng lihim. "Let's go handsome." Sabi ni Hayley sabay hila sa binata.

Nasa loob na sila ng dressing room. Parang gustong magsisi ni Hayley sa kalokohang naisip. "Kala ko magbibihis ka na?" Tanong ni Nico. "Oo, wait lang." Sabi ni Hayley. "Diyan ka lang ha, 'wag kang aalis diyan." Sabi ni Hayley na ikinatawa ni Nico. "Magsisimula ka ng usok tapos pag may sunog aatras ka na?" Nakangising sabi ni Nico na lumakad palapit sa dalaga. "Sabing diyan ka lang eh!" Sabi ni Hayley na umaatras kada lakad ni Nico. "Bakit? Akala ko ba tutulungan kita na magbihis?" Sabi ni Nico. "Nico!?" Sigaw ng dalaga ng nasa harap na nito ang binata at pader na ang nasa likod niya. "Why?" Sabi ni Nico na nakaharang ang kamay sa magkabilang gilid ni Hayley. "Magbibihis na ako." Sabi ni Hayley na sinubukan huwag mautal. "Sure, get change and let me help you." Sabi ni Nico na sinimulan ng ibaba ang zipper ng damit ni Hayley. Ramdam ni Hayley ang mainit na kamay ni Nico na dumidikit sa balat niya at may kakaibang kiliti itong dulot sa buong katawan niya. Si Nico naman ay ganoon din. Nang tuluyan ng maibaba ni Nico ang zipper ay kusa ng bumagsak ang gown sa baba at gustong lumubog ni Hayley sa sahig na kinatatayuan niya. Napalunok naman si Nico sa magandang tanawin na nasa harap niya pero mas pinili niya ang tumalikod. "Magbihis ka na." Sabi ng binata sabay labas sa dressing room. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga pero hindi niya maiwasan na mapangiti sa palabas na binata. Talagang pinapahanga siya ni Nico dahil sa pagtupad nito sa mga salitang binitiwan noong isang gabi.

Nagulat si Nico ng bigla siyang takpan ni Levi paglabas niya mula sa dressing room. "What the f__k, dude?" Kumunot ang noo ni Nico sa sinabi ni Levi sa kanya. Tinuro ni Levi ang ibabang parte niya at napamura ang binata dahil umbok na umbok ang alaga niya kaya pumasok muli siya sa dressing room. "Nico!?" Nagulat siya sa tili ni Hayley na nakabihis na pero nakatingin sa kanya. "Hehehe, nagalit eh." Nakangising sabi ni Nico. Imbis na mainis ay natawa si Hayley. "Mission accomplished." Sabi ni Hayley na iniwan ang binata na nakakunot ang noo.

下一章