webnovel

Chapter 31

All I ever wanted was to be part of your heart,

And for us tobe together, to never be apart.

No one else in the world can even compare,

You're perfect and so is this love that we share.

We have so much more than I ever thought we would,

I love you more than I ever I thought I could.

I promise to give you all I have to give,

I'll do anything for you as long as I live.

In your eyes I see our present, our future and past,

By the way you look at me I know we will last.

I hope that one day you'll come to realize,

How perfect you are when seen through my eyes.

- Ashley Borden -

"So? How was Tagaytay?" Si Quinn ang bumasag ng katahimikan nilang lahat. "Tagaytay pa din." Pilosopong sagot ni Nico dahilan para umikot ang mata ni Quinn at matawa ang iba. "Leyyyyyy?" Nakangiting tawag ni Quinn sa dalaga. "Ahm, malamig saka maganda pa din ang mga tanawin." Sagot ni Ley. "How about Twin Lakes and the handsome "Sugar"? Tanong ni Ashley na ikinakunot nila Dashiell, Landon, at Quinn. "Gwapo pa din at magiging daddy na." Sagot ni Hayley. "Really? Wow, so when is the wedding?" Excited na tanong ni Lily. "Hindi namin napag-usapan. Pagbalik siguro nila from abroad." Sagot ni Hayley. Nakatingin sila Dashiell at Landon kay Nico pero kinibit lang ng binata ang balikat niya.

"Who's 'Sugar'?" Tanong ni Quinn. "Owner ng Twin Lakes Hotel na boyfriend ng pinsan ni Hayley." Sagot ni Ashley. "At pinagselosan ni Nico." Nakangising sabi ni Dashiell. Parehas na nasamid sila Nico at Hayley. Natawa naman ang iba dahil sa sabay nilang pag-ubo.

Matapos ang dinner ay nag-uwian na ang iba. Ayaw pa sanang umalis ni Nico pero hinila na siya nila Dashiell at Landon palabas.

"What happened?" Nakangising tanong ni Ashley. "Kayo na?" Dugtong ni Lily. "Nag-sex na kayo?" Tanong ni Ashley na ikinalaki ng mga mata ni Hayley. "Oh, come on." Sabi ni Lily. Nagsimulang idetalye ni Hayley ang mga nangyari sa Tagaytay. Alam niyang hindi siya patutulugin ng dalawa ng hindi niya sinasabi ng buo ang istorya.

"I want to kick his balls right now!" Inis na sabi ni Lily. "Kapag nakita ko siya, mata lang niya ang walang latay! Ang kapal ng mukha niya!" Galit na sabi ni Ashley. "Chill, guys." Natatawang sabi ni Hayley. "Atleast, Nico was with you." Sabi ni Lily. "Yeah." Maikling sagot ni Hayley. "So, did you have sex?" Ulit ni Ashley sa tanong kanina. "NO! For pity's sake, Ash! Natulog lang kami because he's drunk." Sabi ni Hayley na namumula. "What about kanina?" Nanunuksong sabi ni Lily. "Natulog lang ulit kami." Sagot ni Hayley. "Wow! He's great in controling his animal side." Natatawang sabi ni Ashley. Iiling-iling si Hayley sa mga naiisip ng dalawang kaibigan pero pinahanga nga siya ni Nico. He never took advantage of her even they slept together but of course, she will admit she did enjoyed their kisses.

Paglabas nila Hayley, Ashley, at Lily sa kanilang unit kinabukasan ay bumungad agad sa kanila ang napakagwapong si Nico. "Morning beautifuls!" Nakangiting sabi ni Nico. "Morning handsome!" Ganting bati ni Ashley. "Morning, Mr. President." Sabi ni Lily. "Morning." Sabi ni Hayley. "I'll be your chauffeur today so let's go." Aya ni Nico sa tatlong dalaga. Excited na nauna sila Ashley at Lily dahil makakasakay sila sa Hummer ng binata.

"Hindi pa tapos yung sasakyan ko?" Takang tanong ni Hayley. "May inaayos pa si Mang Lando." Sagot ni Nico. "Pero 'di ba gulong lang ang nasira, may iba pa ba?" Tanong ni Hayley. "Pina-check ko lang." Maikling sagot ni Nico pero ang totoo ay pinalagyan niya ang Cruisser ng dalaga ng mga hidden camera pati alarm. "Sabi ni Mang Lando ay either tomorrow or the next day ay matapos na." Sabi ni Nico at tumango ang dalaga.

"Hey..." Yakap agad ang sinalubong ni Virgie kay Hayley pagpasok nito sa kanilang opisina. Nasa tabi nito sila Leandra at Mario. "Okay ka lang?" Tanong ni Leandra at tumango ang dalaga. "Salamat, iho." Sabi ni Mario sabay tapik sa balikat ng binata, tumango naman si Nico.

Lumakad ang mga araw, nawala sa loob ni Hayley ang nangyari sa Tagaytay dahil naging busy sila sa pag-aayos ng lahat para sa fashion show ng Kleid. Si Nico ay ganoon din, naging busy siya sa mga meetings sa labas at loob ng Kleid. Laking pasalamat niya sa ama dahil ito na ang uma-atend ng mga conference out of the country. Nasabi niya sa mga magulang ang mga nangyari kay Hayley at ng sabihin niyang ayaw niya munang iwanan ang dalaga ay naintindihan ng mga ito ang ibig niyang sabihin.

He wants to protect her from Toby, from the press, and from someone na hanggang ngayon ay wala pa din silang idea kung sino ang gustong manakit kay Hayley. His parents have asked him what is his feelings towards Hayley, "I'm not sure yet but she's someone special" ang sagot niya sa mga magulang.

Ngayon ang araw na mag-check-in ang lahat ng models at ibang staffs ng Kleid sa Twin Lakes Hotel. Sa susunod na araw pa ang fashion show pero kailangan nilang mag-general rehearsal sa stage ng hotel. Last week pa nagsimula magpa-reserve ng mga rooms ang iba sa kanilang mga guests. Tumawag si Fin kay Hayley na halos kababalik lang from their trip at sinabing fully booked na ang hotel at kailangan na nilang tumawag sa ibang hotels na malapit dito. Nagpasalamat si Hayley sa kaibigan dahil nag-volunteer ito at si Amanda ng tumulong sa pag-aayos ng matutuluyan ng iba pa nilang guests.

"I'm so excited!" Sabi ni Ashley. "Have you checked everything? Baka mamaya may nakalimutan ka na naman dahil sa excitement mo." Sabi ni Lily. Sa tuwing magkakaroon sila ng fashion show ay may nakakalimutan si Ashley na gamit niya. Ang huli ay ang make-up kit nito. "Make up, check! Underwears, check! Jewelries, check! Jeans and shirts, check! My babies, (na ang tinutukoy ay ang mga pabango niya na halos sakupin ang buong trolley bag niya), check!" Sabi ni Ashley.

"Wala na yata." Patuloy ni Ashley. "Yata!?" Sabi ni Lily na ikinatawa ni Hayley. "Let's go, baka maiwanan tayo ng bus." Sabi ni Hayley na hinila na ang trolley bag palabas.

"Morning, ladies!" Nakangiting bati ni Nico paglabas nila ng unit. "Morning!" Sabay na bati nila Ashley at Lily. "Morning." Ganting bati ni Hayley pagkatapos ay sabay-sabay na silang bumaba sa parking.

"Shit!" Sabi ni Ashley. "Oh my gosh!" Sabi ni Lily. "What the hell?" Sabi ni Hayley ng makita ang isang paikot na guhit sa kanyang FJ Cruiser. Hindi napansin ng tatlong dalaga ang pagkuyom ng kamay ni Nico. Kinuha niya ang phone sa bulsa at pagkatapos ay nag-text. "Send me the videos!" Text ni Nico. "Oki doki!" Sagot ni Rod sa text.

"Let's go. Let's deal with that pagbalik natin." Seryosong sabi ni Nico. Tumango ang tatlong dalaga saka sila sabay-sabay sumakay sa Hummer ng binata. Bago tuluyang umalis ay tiningnan muli ni Hayley ang sasakyan. Alam niyang sinadya ang mga guhit sa kanyang sasakyan pero sino ang gagawa ng ganoon. Bumuntong-hininga siya na napansin ni Nico.

"Hey, focus, okay? I'll call Mang Lando at pagbalik natin mukhang bago na ulit ang sasakyan mo." Nakangiting sabi ni Nico pero tango lang ang sinagot ng dalaga. Iilang araw pa lang ng ma-flat ang gulong ng FJ niya ngayon naman ay may mahabang guhit sa paligid nito. Ano bang kasalanan ng sasakyan niya at tila pinag-iinitan ito ng hindi niya alam kung sino?

"I'm sure it's her!" Biglang sabi ni Ashley. "That bitch! I'm going to ruin her face." Sabi ni Lily. "Girls, stop it, okay? Wala tayong proof so don't tell that she's the one behind it." Sabi ni Hayley. "Who are you talking about?" Takang tanong ni Nico. "Brittany the bitch!" Sagot ni Ashley. "Ash..." Saway ni Hayley. "Who is she?" Muling tanong ni Nico pero may pakiramdam siya kung sino ang pinag-uusapan ng tatlo. "Toby's girlfriend." Si Hayley ang sumagot. Tahimik na silang apat na nakarating sa Kleid.

下一章