webnovel

Chapter 9

I really wonder why people suddenly change after they get what they wanted.

One day they're sweet, the next day, they're not.

One day they're here, the next day, they're not.

One day you're important to them, the next day you're worthless.

One day they love you, the next day they don't care about you.

That's how ironic people ang things can be.

Pretty shits, pretty lies, pretty fucked up.

But it's still your choice.

'Cause you choose to get hurt when you choose to be in love.

- Unknown -

"Hi, I'm Ashley, this Lily, and Hayley." Pagpapakilala ni Ashley sa kanyang sarili at sa dalawang kaibigan. "I'm Greg, this is Noah, and Mark." Pagpapakilala naman ni Greg at sa dalawang kasama. Nagshake hands ang bawat isa pero halata nila Ashley at Lily na halos kay Hayley mas interesado ang tatlo. "So, what company are you from?" Tanong ni Noah na ang mga mata ay nakafocus kay Hayley. "We're from Kleid Moda." Sagot ni Lily. "Wow, the famous KM. We're from Vestido." Sabi ni Mark. "You look familiar. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita." Sabi ni Greg na ang kinakausap ay si Hayley. "Oh, she's our..." Hindi natuloy ni Ashley ang sasabihin dahil nagsalita si Hayley. "I'm a newly hired model of Kleid. Baka may kahawig lang ako sa mga kakilala mo." Sabi ni Hayley. "Baka nga." Sabi naman ni Greg. "Maybe, we should order first then, continue out chitchats." Sabi ni Noah na tinanguan naman ng lahat.

"Bro, sino bang tinitingnan mo d'yan?" Tanong Ni Dashiell sa kaibigan pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Nico kaya sinundan na lang niya ng tingin kung saan ito nakatingin. Nangiti si Dashiell ng makita kung sino ang nasa baba. "Bakit mukhang mainit ulo ng isang 'yan?" Tanong ni Landon na kababalik lang pagkatapos kumuha ng beer para sa kanilang tatlo. "See for yourself." Sagot ni Dashiell na ininguso ang isang table sa baba. Katulad ni Dashiell ay nangiti din si Landon sa nakita.

Dumating na ang order ng grupo nila Hayley pero kumunot ang noo nila dahil maliban sa order nila ay may mga nadagdag ng iba pang mga dishes sa kanilang table. "Excuse me pero hindi kami nag-order ng mga 'to." Takang sabi ni Ashley. "It's on the house, Ma'am." Sagot ng waiter. Nagkibit balikat lang ang lahat pero iba ang pakiramdam ni Hayley. "Ley, kain na." Aya ni Lily. Umikot ang mata ni Hayley sa buong paligid, pati sa taas ay tumingin siya kaya napilitang umatras sila Nico ng kaunti para hindi sila makita ng dalaga. "Ley?" Tawag sa kanya ni Ashley. "May problema ba?" Tanong ni Lily. "Anong meron sa taas?" Tanong ni Hayley na hindi inaalis ang tingin sa second floor. "Ah, bar ang nasa taas. Three floors 'to, dito sa first floor ay restaurant, sa second floor ay bar, tapos sa thrid floor ay open space. Kaya tinawag na Dine and Drink ang lugar na 'to. Dining area sa first floor and drinking sa second floor." Paliwanang ni Ashley. "May problema ba?" Muling tanong ni Lily. "Wala naman, feeling ko lang may mga matang nakatingin sa atin." Sagot ni Hayley. "Naparanoid ka na naman girl pero talagang madaming nakatingin sa atin lalo na sa'yo." Sabi ni Lily na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Kumain ka na nga, gutom lang 'yan." Nakangiting sabi ni Ashley. At ganoon nga ang ginawa ni Hayley. Habang kumakain ay napapalitan ng mga kwento ang dalawang grupo tungkol sa kani-kanilang mga buhay.

Maya-maya ay muling bumalik sa table ang waiter na nag-served sa kanila kanina na may dalang iba't ibang klase ng desserts. "Hulaan ko, on the house pa din ba 'to?" Tanong ni Ashley na tinanguan ng waiter. Nagulat si Hayley ng lumapit sa kanya ang waiter at inabot ang isang tray ng sylvannas. "Wow! Sa kanya lang talaga 'yan?" Tanong ni Lily. "Yes, Ma'am." Sagot ng waiter. "Kanino galing 'to?" Takang tanong ni Hayley pero isang ngiti lang ang sinagot sa kanya ng waiter.

Busy sila sa pagtikim ng mga desserts ng biglang magsalita si Greg. "I already remembered, your Hayley Acosta! The famous fashion designer ng Kleid Moda." Sabi ni Greg. "Yeah, I just saw her sa recent magazine with her sugar daddy." Sabi naman ni Noah na ikinataas ng kilay ni Hayley. "Be careful with your words, Mister. You don't know anything about me so better shut up." Seryosong sabi ni Hayley. "Woah, bakit? Mali ba ako? Kung hindi mo siya sugar daddy, ano mo siya, a partner in bed?" Nakangising sabi ni Noah. Nagulat na lang ang lahat ng biglang sabuyan ni Hayley ng tubig si Noah. "What the f---k!?" Galit na sabi ni Noah. Pinigil nila Greg at Mark ang kaibigan na lalapitan sana si Hayley. "Well, I guess this ends the night." Galit na sabi ni Ashley at hinila na si Hayley paakyat sa taas. "Sana inaalam n'yo muna ang buong storya bago kayo mag-judge ng tao." Sabi ni Lily at sinundan na ang dalawang kaibigan paakyat sa taas.

"You've ruined everything, Noah." Inis na sabi ni Mark. "Parang hindi ka model. You knew that this industry is full of lies. Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo." Inis na sabi din ni Greg. Tinawag ni Greg ang waiter para magbill-out.

"What the hell?" Sabi ni Greg. "Bakit? Takang tanong ni Mark. Pinakita ni Greg ang bill nila kay Mark at pati ito ay napamura. "Bakit ang mahal? I thought the other dishes and the desserts are on the house." Takang tanong ni Greg. "Sorry, Sir, but all of them are for the girls who are with you a while ago but it seems that you're no longer with them. So please, Sir, settle your bill and then, leave before my bosses call the securities for assistance." Sagot ng waiter sa kanila. Biglang tumingin si Greg at Mark kay Noah. "What?" Inis na tanong ni Noah. "Dahil ikaw naman ang dahilan kung bakit nasira ang gabing ito, you should be responsible for this." Sabi ni Mark at ibinagsak sa harap ni Noah ang bill nila sabay alis kasama si Greg. Nanlaki ang mata ni Noah at tumingin sa waiter. "The payment, Sir." Sabi ng waiter. Walang nagawa si Noah, pagkatapos magbayad at tumayo at naglakad papuntang hagdan para umakyat sa taas pero pinigil siya ng bouncer na nakaharang sa daanan.

"Sorry, Sir, pinagbawal po kayong umakyat dito." Sabi ng bouncer. "What? Bakit hindi pwede? Iinom ako at may pera akong pambayad so what's your problem?" Inis na sabi ni Noah. "Pasensiya na, Sir, pero binilin po sa akin ng mga boss ko na huwag kayong papayagang umakyat sa taas." Sabi ng bouncer na lalong ikinagalit ni Noah. "Sino bang boss mo? Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap?" Malakas na sabi ni Noah na tumawag na sa pansin ng mga customers ng Dine and Drink. Hindi na nakasagot ang bouncer dahil nakita na niya ang tatlo niyang boss na palapit na sa kanila.

"May problema ba dito?" Malamig na tanong ng lalaki mula sa likod ni Noah. Humarap si Noah kung saan niya nadinig ang boses at bigla niyang nalunok ang dila niya. Modelo siya pero ang lalaking nasa harap niya ay higit sa kanya sa lahat ng aspeto. Hindi lang isang paligo ang lamang sa kanya na lalaking nasa harap niya kungdi 100 beses. Lalong siyang natahimik dahil sa likod nito ay may dalawang lalaki din na hindi magpapahuli sa taglay nitong kakisigan. "N...nasaan ang may-ari dito?" Pautal na sabi ni Noah. "Kausap mo na." Sagot ni Dashiell na ikinalaki ng mata ni Noah pero patuloy pa din siya sa pagtatapangan-tapangan. "B...bakit hindi ako pwedeng uminom sa taas? May pera ako at kaya kong bilin lahat ng alak na ibinibenta n'yo." Sabi ni Noah. "I don't need your money, asshole!" Galit na sabi ni Nico na nagpaatras ng kaunti kay Noah. "Get out! We don't need people like you in here!" Patuloy ni Nico. "Customer is always right." Sagot naman ni Noah. Ngumisi si Nico at bago pa maka-react si Noah ay bumagsak na siya sa sahig. "That's for insulting my girl." Sabi ni Nico sabay talikod. "From now on, your ban in entering Dine and Drink." Sabi ni Dashiell at sinundan si Nico. "Pare, next time, alamin mo muna kung sino ang tinatalo mo." Sabi ni Landon na tinapik pa ang pisngi ni Noah bago umalis.

Natulala si Noah sa nangyari. Bumalik lang siya sa kanyang sarili ng tulungan siya ng bouncer para makatayo. Tumingin siya sa taas at pagkatapos ay lumabas na. "What a night!" Bulong niya sa sarili.

下一章