webnovel

Chapter Four

Excited na akong pumasok, matagal ko na ding di nakikita si Cindy, saan kaya building nun, si Myles naman kasi di alam kung ano program niya... tss... sympre dahil galing ang lahat sa sembreak madaming maaga pumasok, madami din namang late na.... at dahil excited ako maaga akong pumasok.... Halos magkakalahating araw na hindi ko pa din siya nakikita san ba kasi siya. Lahat na ng lugar napuntahan ko, except sa isang building.... Fine Arts building, kaya naman di na ako nagatubili, papunta na ako sa building ng may biglang tumawag sakin...

"Raye!!!!" sa tono ng boses niya sigurado akong si Migs yun.... pag lingon ko di ako nagkamali si Migs nga, kasama ang barkada.... Huminto ako sa paglalakad ko, lumapit naman sila kaagad. Medyo nasa may field kami nasa kabilang side kasi yung Fine Arts Building, yung tawag nila ISOLATED Building daw kasi talagang nahihiwalay yun sa lahat ng building sa school...

"san ka pupunta?" tanung agad ni Migs sakin

"ahh... ehh.... dun... may kailangan lang ako...." sagot ko habang tinuturo ko ung Fine Arts Building

"huh? anu naman?"

sa totoo lang di ko na alam ang isasagot ko sa kanya... di ko naman pwedeng sabihin na may hinahanap ako.... di rin naman sa tinatago ko sa kanila... wala kasi, parang ayaw ko munang sabihin sa kanila... haaaaaaa!!! anu na bang isasagot ko sa kanya?!....

"Migs, anu ka ba? Boyfriend lang? Db nga sabi niya may kailangan siya dun, nakalimutan mo na ba na nandun yung pinakamalaking library dito sa school" si Myles na yung sumagot. Haaayyy salamat naman at sinalo niya ako. mukha din kasing alam niya yung totoong dahilan kung bakit ako pupunta sa building na yun eh. Salamat Myles friend ka talaga. Sabay napangiti ako sa kanya, siya naman tumingin din sakin tumango sabay ngiti. Sabi na eh alam niya nga kung ako yung nasa isip kung gawin.

"Sige ha... mauna na muna ako.... text ko nalang kayo mamaya" paalam ko sa kanila. Tumalikod na ako baka kasi may maisipang pang sabihin si Migs, haaay salamat talaga kay Myles...

Pag dating ko sa FA building halos parang ghost building yung lugar... pano ba naman wala masyadong tao, mga nasa loob lang ng room karamihan yung ibang room naman walang laman...

"creepy" nasabi ko nalang bigla... san ko kaya siya hahanapin dito? Where am i supposed to find her? This FA building has 4 floors does that mean I have to check all floors? Well ako naman may gusto nito at wala naman pumilit sakin para gawin to... napuntahan ko na lahat ng floor, 4th nalang ang hindi pa, nandun yung library at dalawang classroom para ata sa mga nagdrawing drawing yung rooms na yun kailangan daw kasi peaceful, walang istorbo.... pagakyat ko sa 4th floor di ko pa din siya nakikita... medyo nawawalan na ako ng pagasa...

"please let me see her... please..." sabi ko sa sarili ko.... what if she doesn't have a class today? Waaaahhh!!! Nagpakapagod ako sa wala.... hindi.!! Hindi ako dapat mawalan ng pagasa... I can feel that she's her.... I can feel it! Naks confident.... isa isa ko ng tinignan yung dalawang room, wala parin siya dun... next the lilbrary..... pagpasok ko, bumungad kagad yung librarian.... parang masama makatingin, di pa ata nakakapaglunch...

"From What DEPartMent ARE YOU?" she asked

"uhmm from Photography and Graphic Arts maám, I... I just need to check some books for my project" sabi ko naman sa kanya...

"let me see you ID!"

"Here's my ID maám" as I handed her my ID, she's kind of scary... maybe that's the reason why konti lang tao dito sa library na to kahit na ito yung pinakamalaki sa buong school....

"ok, you may now go in after you're done just get you're ID OK?"

"yes maám" I answered with a smile

Finally nakapasok na ako sa pinakamalaking library sa buong school, kahit na wala naman akong balak magtingin ng libro, dahil tao ang hinahanap ko. Kung titignan mo, malaki talaga yung library, malawak parang isang buong football field ang laki diba.... nasa side lang yung mga bookshelf, tapos nasa gitna na yung mga tables and chair, sa may kabilang side naman actually right side may mga computers, at sympre sa pinaka dulo ng library nandun yung restricted area... naks may restricted area sa school namin.... hehehe.... dun ako nagpunta kasi yun nalang yung hindi ko pa nachecheck eh... malapit na akong mawalan ng pagasa. Nung medyo malapit na ako sa pinakadulong bookshelf, yung bookshelf na di mo na masyadong mapapansin kahit saang area ka pa ng library. Nabuhayaan ako, at talaga naman malapad ang ngiti ko abot tenga ba!

FINALLY! Nakita ko na siya.... YES! Gusto kong sumigaw kaya lang di pwede baka mapalabas ako ng library eh, lam niyo na "silence please" napangiti talaga ako nung makita ko siya... unti-unti ko na siyang nilapitan, baka kasi magulat siya eh. Hindi naman siya naghahanap ng libro, nakatambay lang talaga siya dun... nakaupo... at tulala parin.... di niya ako napansin na nasa right side na niya ko. Tatawagin ko na sana siya sa pangalan niya nung biglang may nakita akong luha sa mga mata niya. Nagulat ako bakit kaya siya umiiyak? Anu kayang nangyari? Inabot ko sa kanya yung panyong dala ko pero sa halip na kunin niya ay tumingin lang sa sakin. Yung mga mata niya namamaga na sa kakaiyak siguro ay kagabi or kanina pa siya umiiyak... gusto ko siyang yakapin, pero di ko magawa. Tinitigan niya muna ako tapos ay kinuha na niya yung panyo sa kamay ko. Mas lalo pa siyang umiyak, gustong gusto ko na talaga siyang yakapin kaya lang di ko talaga magawa.... kaya ang nagawa ko nalang ay umupo sa tabi niya. Un nalang ang nagawa ko para maparamdam sa kanya na nandito lang ako, wag kang magalala hindi kita iiwan sasamahan lang kita hanggang sa magging maayos na ang pakiramdam mo. Siguro mag-iisang oras na kaming nakaupo hindi narin siya umiiyak, siguro mga 20mins ago na nung tumigil siya sa pagiyak. nakatulog siya sa kakaiyak, nakapatong ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya, eto lang kasi magagawa ko para sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang muna siyang matulog, nung naramdaman kung nangangawit na ako sakto naman nagising na siya. Kinusot niya mga mata niya tapos unti-unti niyang inangat yung ulo niya, tumingin siya sa paligid. Tapos ay tumingin siya sa akin, I smiled at her and gently raised wave my hand. Pero hindi siya nagsalita she just stared blankly at me, na para bang gusto niyang magtanung kong sino ako at anung ginagawa ko doon. Magsasalita na sana ako nung biglang.....

"sorry....." tumayo siya, pagtapos ay nagbow paalis na sana siya, pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay niya, siya naman napatingin sa kamay namin. Hindi ko na hahayaang pang ganto, di ko na palalagpasin yung pagkakataon na to. Wala na akong pakealam sa magiging reaksyon niya. Tumayo ako, hawak ko padin kamay niya. Tinitigan ko siya saglit tapos niyakap ko siya, naramdaman ko ang pagkagulat niya, napaatras kasi siya. Pero di ko parin siya binitawan, nakayakap parin ako sa kanya.

"hindi ko alam kung anong nangyari, pero... hindi ko na kayang makita kang malungkot, nandito lang ako, kapag kailangan mo ako lapitan mo lang ako, sasamahan kita... hindi kita iiwan..."

hinigpitan ko pag yakap ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa

kanya yun awa? Hindi ko talaga alam, basta ang alam ko lang gusto kong tanggalin paghihirap niya. Yung mga luha sa mga mata niya, yung lungkot niya.

Nagulat ako sa ginawa niya, yumakap siya sa akin pagkatapos ay umiiyak ulit siya. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit, siguro mga 10mins kami nakaganun magkayakap. Maya maya pa ay bumitaw na siya, pinunasan niya yung luha sa mga mata niya, tapos tumingin siya sakin, nagsmile.... OH MAAAYY GAAWWD.... ang ang ganda niya. As in ang ganda niya kapag nakasmile.... parang sapul na sapul tuloy ako... Hinawakan niya kamay ko habang nakangiti pa din siya.

"Salamat" sabi niya... ba't puro one word lang ata sinasibi niya... anu ba yan.... Di ako nakapagsalita sa mga nangyari, basta ang alam ko masaya ako. Okay sige aaminin ko na kinikilig ako.

下一章