webnovel

Chapter 20

SA KABILA ng sinabi ni Charlie, hindi gumawa ng paraan ang binata upang halikan si Jane. Sa katunayan, ilang minuto pa silang nanatili sa restaurant kahit pakiramdam niya ay may kuryenteng nagkikislapan sa pagitan nila. Halos hindi siya makahinga dahil sa tensiyon, lalo pa at hindi nagbago ang seryosong titig sa kanya ng binata.

Nang sa wakas ay magdesisyon na silang umalis, maingat na hinawakan ni Charlie ang siko ni Jane upang alalayan siya. Kakaiba maging ang simpleng paglalapat lamang ng kanilang mga balat. The touch of his skin against hers felt hotter and more electrifying than usual. Napatingala siya sa binata at nagtama ang kanilang mga mata.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Charlie. "Relax. I'm not going to do anything to you here. Ayokong isipin nila na katulad ka ng ibang babaeng dumaan sa buhay ko," bulong nito.

May init na humaplos sa puso ni Jane at natagpuan niya ang sariling nakangiti.

Napatitig si Charlie sa kanya bago nag-iwas ng tingin. ���Ihahatid na kita pauwi. Come on." Hindi nito inalis ang kamay sa kanyang siko kahit nakalabas na sila ng restaurant at nasa harap na ng elevator.

"Uuwi na tayo?" nagtatakang tanong ni Jane. Akala ba niya ay magde-date sila? Bakit ngayon ay gusto na siyang pauwiin ng binata?

Hindi tumingin si Charlie sa kanya at bahagyang dumiin ang paghawak sa kanyang siko. "Yes, you have to go home," sabi nito na tila sarili ang kausap.

Bumukas ang elevator na walang sakay at pumasok na sila roon. Nang muling magsara ang elevator at umandar pababa ay kunot-noong tiningnan ni Jane si Charlie. "So, talagang may iba kang lakad? Kaya ihahatid mo na ako pauwi?"

Humugot ng malalim na hininga ang binata na tila frustrated. Pagkatapos, nabigla si Jane nang bigla itong humarap sa kanya, hinawakan siya sa balikat at bahagyang isinandal sa pader ng elevator. Umawang ang kanyang mga labi at tiningala si Charlie nang lumapat sa batok niya ang isang kamay nito at hinalikan siya sa mga labi.

Napapikit si Jane at napakapit sa mga balikat ng binata dahil biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod sa klase ng halik na iginawad nito sa kanya. Iba iyon sa mga halik na pinagsaluhan na nila. This one was slow, passionate, and erotic, as if he was promising her something more. She could feel his tongue touching hers, exploring, tasting her. Nalalasahan niya ang wine sa mga labi ni Charlie pero sigurado siya na hindi iyon ang dahilan kung bakit para siyang nalalasing.

Ngunit bago pa magawang gumanti ni Jane ng halik, marahan nang pinakawalan ni Charlie ang kanyang mga labi. Dumulas ang halik ng binata sa kanyang pisngi, patungo sa panga hanggang maramdaman niya ang hagod ng dila nito sa kanyang leeg. Napaungol si Jane at umangat ang mga kamay sa buhok ni Charlie. She sunk her fingers into his hair as his lips went up to her ear and did something that made her toes curl. He bit and licked her ear!

"C-Charlie…" Naramdaman niya sa kanyang balat ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ng binata.

"You have very sensitive ears. I'm going to remember that," usal nito.

Nag-init ang mukha ni Jane ngunit daglit ring nawala ang hiyang nararamdaman nang muling sakupin ni Charlie ang kanyang mga labi. He kissed her deeply and she felt almost as if she was drown. Hanggang tuluyan nitong tapusin ang halik.

Nagmulat siya at nasalubong ang tila nag-aapoy na tingin ng binata. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa nakitang desire sa mga mata nito. Posible ba talagang may maramdamang ganoon si Charlie para sa kanya?

"Ito ang dahilan kung bakit gusto na kitang ihatid pauwi," bulong ng binata. Humampas sa mukha ni Jane ang hininga nito at pakiramdam niya ay umabot hanggang talampakan ang sensasyong dulot niyon. "I will not ravish you in this place. At kapag nanatili pa tayo rito, baka hatakin kita sa kung saan at gawin ang gusto ko talagang gawin sa `yo. And I'm not going to stop until you beg me to."

May masarap na kilabot ang kumalat sa kanyang katawan sa mga sinabi ni Charlie. She could practically feel herself melting into him. "Bakit pinipigilan mo ang sarili mo?" ganting-bulong niya.

Humugot ng malalim na hininga si Charlie at hinaplos ng hinlalaki ang kanyang mga labi. "Because I know you will regret it someday. Dahil ngayon ko naiisip na kapag may nangyari sa atin, hindi ako hihinto ng isang beses lang. And this thing between us, it will change. It will turn into a physical relationship because that is the most that I can offer you. At alam ko na hindi ikaw ang tipo ng babaeng makokontento sa gano'n. You deserve so much more."

Kumirot ang puso ni Jane at may bumikig sa kanyang lalamunan sa nakitang sinseridad at paghihirap sa mga mata ni Charlie. Muling huminga nang malalim ang binata at maingat na lumayo sa kanya. Inalalayan siya nitong makatayo nang maayos. Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang bumukas ang pinto ng elevator sa lower ground floor na kinaroroonan ng parking area.

Naiintindihan ni Jane ang nais sabihin ni Charlie. Sinasabi ng binata na magsisisi siya kapag may nangyari sa kanila dahil buo pa rin ang desisyon nitong tapusin ang ugnayan nila pagkatapos ng dalawang buwang usapan. Oo at may nabago pagkalipas ng ilang linggo. Halata na may interes na sa kanya si Charlie. He even desired her. Subalit hanggang doon lamang iyon. Hindi pa rin niya nakukuha ang talagang gusto niya kay Charlie. She still was not able to capture his heart.

Pasimpleng huminga nang malalim si Jane upang palisin ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Naglalakad na sila ni Charlie patungo sa kotse ng binata nang biglang tumunog ang cell phone nito. Napahinto ito sa paglalakad at ganoon din siya. Pinagmasdan niya si Charlie nang sagutin ang tawag. Saglit na bumakas ang pagkabigla sa mukha ng binata. Ngunit napalitan iyon ng masayang ngiti sa mga labi.

"Hey. I heard from my secretary that you're back in the country. Hindi ko naisip na tatawagan mo ako. It's good to hear from you, Vanessa."

Namilog ang mga mata ni Jane nang makitang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Charlie, lalo na nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng kausap.

Vanessa? Sino si Vanessa?

下一章