NAGISING si Kira kinaumagahan. Kaagad siyang nagtawag ng food service. Habang hawak niya ang service phone, panay ang tanong niya sa bawat putahe na nirerekomenda sa kanya.
"Uhm, what's tapsilog?" Kira asked cluelessly and she felt like the word 'tapsilog' is familiar.
"Its a combination of beef tapa and egg with fried rice. It's one of our famous breakfast food." Sagot ng food service sa kanya.
She felt like trying it. " I'll take it. Can I partner it with a black coffee?"
"Of course, ma'am. The food will be there in a minute."
Nakangiting tinungo ni Kira ang wide window view. Kitang-kita niya ang magandang sikat ng araw.
Ineexpect ni Kira na siya'y makokonsensya sa ginawa niyang paglayas sa Italya at pagsuway sa kanyang magulang.
Pero, ni-isang konsensya ay wala siyang nararamdaman. Ito na yata ang pagrerebelde niya na hindi niya nagawa noon dahil naiintindihan niya pa ang mga magulang niya noon.
Pero ngayon, hindi na. It is unreasonable to not allow her to go when they know that she's at the right age to be free and independent.
In the middle of her thoughts, her doorbell rang and she knew that it was the food service.
Kaagad na tinungo ni Kira ang pinto at binuksan ito. Mayroong dala ang food service na food trolley at doon nakalagay ang tray ng pagkain na in-order niya - which is obviously not a light breakfast.
Kaagad na kinuha ni Kira ang tray at nginitian ang food service.
"Salamat." She felt her accent was a bit off but she knew she said the right word.
She closed the door and as soon as she closed it, she immediately went to her small dining table and she started sipping on her black coffee.
The bitter-sweet taste was the first thing she tasted in her first day staying here in the Philippines.
Tinignan ni Kira ang plato na mayroong tapa, itlog at fried rice ay tila nanakam siya. Excited na siyang tikman ito, akmang susubo na siya nang mayroong malakas na katok ang umalingawngaw sa tahimik niyang kuwarto.
Nakaramdam ng kaba si Kira dahil hindi niya alam baka sinundan siya ng mga magulang niya dito. She's scared and she doesn't want to go back in Italy and be imprisoned again in that dull house forever.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan. Walang view hole ang pintuan kaya medyo nag-aalalangan siyang buksan ang pintuan dahil natatakot siya na baka nga mga magulang niya ito.
Mas lalong lumakas ang katok nang kung sino sa pintuan niya at bakas ang iritasyon sa bawat katok na ginagawa nito.
Napapikit na lang si Kira at dahan-dahan binuksan ang pintuan.
Nabigla siya nang nakaramdam siya ng hapdi sa pisnge niya - she was slapped directly.
"Voi! Why did you leave without telling me? Are you even my bestfriend?" Inis na usal ng pamilyar na boses.
Minulat ni Kira ang nga mata niya at hawak-hawak pa rin niya ang pisnge niyang namamanhid sa sakit.
"Why did you freaking slap me, Marta!" Kira exclaimed in front of her Italian best friend.
Hindi siya sinagot ni Marta at nagtuloy-tuloy lamang sa paglalakad habang hila-hila nito ang maleta na mayroong kalakihan.
Nang may marealize si Kira kaagad niyang sinara ang pintuan at kaagad na nilapitan ang kaibigan.
"Why did you follow me? Are you with Mama and Papa? How did you follow me? Marta, how?!" Natatarantang tanong ni Kira kay Marta na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama niya.
"Duh, Kira? I have my ways. And who do you think I am? I am not a fake friend and tell your Mama and Papa." Paliwanag ni Marta, "Besides, I'll be leaving before afternoon. I just passed by." Dagdag nito.
Tila nabunutan ng tinik si Kira. Napaupo siya sa dining table at sumimsim sa black coffee niya.
"Why are you here?" Kira asked to Marta.
Marta looked at her nails and smiled, "For work, of course. I was chosen to model a certain gown made here in the Philippines." Sagot ni Marta sa tanong niya.
"How did you know that I stay here?" Kira asked for the second time.
"I have my ways, okay?" Sagot ni Marta.
Marta rolled her eyes and stood up. She picked her Louis Vuitton purse.
"Anyways, I'll be leaving my stuff here and I'll meet my manager later. He'll get my things before afternoon. Toodles, Kira. I'm so proud of you for escaping and for breaking their rules." Dagdag nito at umalis na panay ang tawa.
Her ever crazy friend. Hindi alam ni Kira kung para saan ang pananampal nito, and it almost removed her skin.
Masakit ang sampal na ginawa ng kaibigan - well, she won't be Marta if she won't be like that.
Halos tumigil ang mundo niya sa sampal na ginawa ng kanyang matalik na kaibigan, she thought that it was her mama standing in front of her hotel room.
Kira knew that she would receive more than one slap from her mama if they will be able to find her. And she hopes that they won't find her.
Kira shook her head and continued to eat her not-so-very-light breakfast.
KIRA'S wearing her comfy casual clothing. A simple boyfriend cut jeans and a shirt and she did use her favorite sneakers.
Kinuha rin niya ang backpack niya at ang camera niya. she wants to document the beauty of the Philippines.
At least before she get caught here by her parents, she had a chance to see the beauty of the country and she'll have a great souvenir from it.
Buti nalang, kaagad nawala ang marka ng sampal ni Marta sa pisnge niya kung 'di baka hindi na siya natuloy sa lakad na plinano niya lang kanina.
Before she could find a decent job and apartment here, she wants to see the surroundings first.
Bumaba si Kira mula sa hotel room niya at nabigla nang makita niya ang nakasimangot na manager ni Marta na kapwa pilipino niya rin.
What's with his expression?
"What happened, Georges?" Kira asked and Georges just heaved a sigh and she saw a hand mark on Georges left cheek. Now she knows what happened.
"You see what happened. My left cheek says it all."
Mahinang natawa si Kira at ngumiti, binigay niya sa kaibigan ang hotel key niya at bumuntong hininga.
"I think I have an ice pack cooled there. Use it before leaving, okay? Iwan mo na lang sa reception yung susi ko. Mauna na ako." Paalam niya at tinapik pa niya ang balikat ni Georges bago siya tuluyang umalis.
Nagtawag ng masasakyang taxi si Kira at kaagad namang pumara ito sa harap niya at kaagad din siyang sumakay.
"Manong, can you take me to Green Park?" Kira asked, it's a bit far and she wants to know of its possible for him to bring her there.
Tumango ang driver, "Opo, ma'am." Sagot nito at sinimulan ang pagmamaneho.
Namayani anv katahimikan ngunit bigoang nagsalita ang driver na tumawag sa atensyon niya.
"Bakit niyo po naisipang bisitahin ang parke, ma'am?" Tanong nito sa kanya.
Kira smiled and answered, "That place was a bit familiar and I just want to go there and make a document about it."
"Pinagawa po iyon ng sikat na doktor sa bansa. Para daw po iyon sa mga taong nakaramdam ng matinding kalungkutan, doon po --- pwede silang makapag-relax at rewind."
On what the driver just said, she really did feel that there's something special in that park abd she's excited to visit it and document it.
NANG makababa si Kira sa taxi - halos lumiwanag ang mukha niya sa saya. Nakita niya ang tanging ganda ng lugar.
Kaagad niyang binuksan ang camera niya, doon ay sinimulan niya nang kuhanan ang magandang view sa paligid.
"I feel soo relaxed..." Kira murmured as she walked inside the park.
Wala gaanong tao sa loob ng parke, mayroong nasa fields at mayroon silang kanya-kanyang set ng kagamitan at mayroon namang mga bata na naglalaro malapit sa playground.
It's like a typical park, but somehow, Kira doesn't know what's making this place unique. She felt like there is something special in this park.
Panay ang kuha ni Kira ng litrato, wala siyang pakialam kung mapuno ang storage ng gakit niyang camera. Seeing the beauty of the place makes her feel confused on why her mama and papa won't allow her to stay here.
The country has something to show. Hindi naman delikado ang lugar kaya magandang manirahan dito.
Kira focused her camera on the nearest water fountain. She was surprised that someone was actually standing there staring blankly and sadly. Bakas ang lungkot sa mga mata nito.
Binaba ni Kira ang camera niya at napatitig sa binata. He looked stressed and he looked like he's about to faint. Mayroon ito suot-suot na doctor's robe.
Hindi sigurado si Kira kung tama ba ang iniisip niya. Maari kaya na ang binatang iyon ang nagpatayo ng parke na 'to?
She's taught not to talk to strangers especially that she's in another country that she's not familiar with. But, she did not hesitate to go.
Hindi nagdalawang isip na lumapit si Kira sa binata. Nakangiti niya itong sinalubong.
"Hi, Doc!" Bungad ni Kira sa doktor.
Medyo natatawa siya sa tono ng pananalita niya. Marunong talaga siyang magtagalog, ngunit mayroong nahalong accent.
Nakita ni Kira ang pagkabigla nito at nanlaki pa ang mga mata. Hindi alam ni Kira kung ayos lang ba ito o hindi.
Ang kaninang masayang boses ni Kira ay napalitan ng pag-aalala.
"Are you okay? You like you're about to faint." Nagtatakang wika ni Kira.
Hindi siya nito sinagot at mayroong tumulong luha mula sa kulay abo nitong mata at biglaan siyang niyakap. She's surprised on what just happened. Is he really feeling bad?
The man kept on sobbing, he's like a baby. Kira pity him. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan nito kaya hinayaan niya lang na yakapin siya nito.
"Shhh... Stop crying, are you really fine?" Panay ang pagpapatahan ni Kira sa binata.
Kahit na hindi niya ito kilala, hinahayaan niya lang na yakapin siya nito. The taxi driver mentioned earlier that this is a place where sad people go.
This is a place where they can relax or rewind, so she doesn't want to be rude and push him away - though she has the right to that since he's a stranger.
According to Marta, her best friend, strangers are dangerous. But, she doesn't feel any danger.
Nabigla muli si Kira nang kumawala ito at mayroong malungkot na ngiti na pinakita para sa kanya.
Ang kaninang blanko at malungkot na mata nito'y napalitan ng saya at kung anong emosyon pa.
"Doc, are you fine now? I hope that hug made you feel better —"
"How? How come you're alive?" Nabigla si Kira sa tinanong nito.
Isn't it a bit rude? He's asking why she's alive.
"Uhm? Excuse me?" Kira asked confused and she looked at him straight in the eyes. "That's rude. You're asking me why I am alive. Should I be dead then?" Dagdag na tanong ni Kira.
"Y-You don't know me?" The man asked, stuttering.
Kira sighed, "I'm just new here in the Philippines." Kira answered, "By the way, I'm Kira." She introduced.
"K-Kira?" Wika nito at umiling-iling.
Tila mayroon itong binulong sa hangin at mahinang tumawa. Ang kaninang saya sa mga mata nito ay nawala at bumalik sa emosyon na kanina'y nakita niya.
"I'm sorry, miss. I mistook you for someone I know." The man apologized.
Tumango si Kira at ngumiti. "It's fine. I always happen to look someone that everyone knows." Pagbibiro ni Kira sa binata. "Can I know your name –"
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla itong nag salita.
"I need to go. May duty pa ako sa hospital. Nice meeting you, Kira." Saad nito at kaagad na tinalikuran siya.
The coldness in his voice gave shiver on her spine. Inintindi nalang ni Kira ang ugaling pinakita ng binata. Baka mayroon itong dual personality.
Matapos niyang patahanin ito at pagkatapos nitong iyakan ang braso niya, umalis ito na parang walang nangyari.
Kira doesn't really mind. She didn't even got to ask what is his name, hindi niya rin natanong kung siya ba ang doctor na nagpagawa ng park na ito.
GINABI na si Kira dahil sa pag-iikot. Nasa Manijo bay siya ngayon at nakaupo. Pinagmamasdan niya ang lawak ng lugar. She got the chance to visit the famous Green Park.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, biglang tumawag ang kaibigan niya.
Sinagot niya ito at nabigla nang makita ang oras. It's already eight!
"Shit!" Kaagad na bungad niya sa tawag ng kaibigan.
"No cussing!" Suway na wika ni Marta. "By the way, where are you? I brought a bottle of wine and went to your hotel and what surprised me? You're not here. Where are you?" Marta asked on the line.
"I'm sorry, Marta. I'm here wandering at Manila Bay. Gotta go, and I'll be on my way back." Deretsang wika niya at kaagad na binalik sa bulsa ang cellphone niya.
Pagka-angat niya ng tingin, mayroong dalawang lalaki na nasa harap niya at mayroon itong hawak na patalim.
Nakaramdam kaagad ng kaba si Kira at hindi niya alam kung anong kilos ang gagawin niya.
Humakbang siya ng isang beses patalikod ngunit kaagad niyang hindi ito tinuloy. Kira felt scared.
"'Wag kang kikilos o isasaksak ko sa'yo 'to." Mahinang saad ng lalaki sa harap niya at napatingin sa kasama nito na lumapit sa kanya.
"K-Kunin niyo na ang cellphone ko... Huwag niyo lang ako papatayin." Natatakot na wika ni Kira at kaagad na may kumawalang luha sa mga mata niya.
"Sa tingin mo sapat na ang cellphone lang?" Wika naman ng biglang unakbay sa kanya.
She's scared. Nanginginig na siya sa takot at hindi niya alam ang gagawin niyang kilos. She can't even breath!
"Please..." Mahinang bulong ni Kira. "Just let me go..." Dagdag niya. Ngunit, kaagad siyang tinutukan ng mga ito ng patalim sa tagiliran niya.
"Manahimik ka lang at sumama ka sa amin." Mahinang wika ng lalaking tinutukan siya ng patalim.
Dahan-dahan silang naglakad at hindi mapigilan ni Kira ang pagluha. Walang tumutulong sa kanya dahil walang tao ang lugar. Tanging sila lamang ang naroroon.
She needs help. She's so careless when it comes to this!
Dinala siya ng mga ito sa madilim na eskinita at kaagad na tinutukan siya ng patalim.
"Ibigay mo sa amin lahat ng dala mo kung ayaw mong masaksak."
She can't give them her camera.They can take whatever belonging she has right now hut not her camera. She won't surrendered it to them.
Hinahablot ng nga ito ang camera niya ngunit kapit na kapit siya sa strap ng camera niya. Ayaw niya itong ibigay.
"Hindi mo ibibigay? Gusto mo bang masaksak?"
Hindi sinagot ni Kira ang sinabi nang lalaki at kapagkupawan ay kaagad na sinipa ang nga ito at tumakbo.
Naabutan pa siya ng kutsilyo ng isa sa kanila sa braso. Ininda ni Kira ang sakit at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Alam niyang nakasunod pa rin ang mga ito sa kanya. Kaya nang makalabas siya sa eskinita na iyon ay kaagad suyabg sumigaw.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Kira habang nakahawak sa braso niyang dumudugo.
Nabigla si Kira nang maabutan siya ng isa sa mga ito at hindi niya na alam ang gagawin.
Kaagad siyang nagpupumiglas at mas nabigla siya nang saksakin siya sa tagiliran. Ramdam na ramdam niya ang sakit pero patuloy pa rin siya sa pagpiglas at nang makapiglas siya - paika-ika siyang tumakbo at halos magdilim na ang paningin niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Hindi na kinaya ni Kira ang sakit ng saksak sa kanya. Napaupo siya at napahiga sa sahig. Bago niya ipikit ang mga mata niya, narinig niya ang sigaw ng mga guwardiya.
She let her consciousness take her.