webnovel

OneSoul1

"Vanna?"

"Vanna?"

"Vanna?"

"Kailangan mo ng mamatay!"

"kailangan mo ng mamatay!"

napabalikwas ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. panaginip! masamang panaginip nanaman! bakit gusto akong mamatay ng nilalang na bumubulong sa aking panaginip? may nagawan ba ko ng masama ng Hindi ko namamalayan?

magmula nung aking ika dalawamput dalawang kaarawan araw araw kona itong napapanaginipan. nilibot ko ang aking paningin sa maliit na kwartong aking inuupahan matagal na din pala nung huling uwi ko sa aming probinsya namimiss kona ang aking mga magulang at kapatid. ngunit kailangan ko manatili dito sa maynila dahil mahirap maghanap ng trabaho sa aking bayan. marahil ay kailangan ko ng umuwi saamin namimiss kona siguro ang aking mga magulang at kapatid kaya kung ano ano napapanaginipan ko nitong mga nakaraan.

TOK! TOK! TOK!

tatlong katatamtamang katok ang aking narinig. Sino naman ang bibisita sa akin ng ganto ka aga? ika tatlo palang ng umaga.

"Sino yan?" ngunit wala akong narinig na sagot mag mula sa taong kumakatok sa aking pintuan.

TOK! TOK! TOK!

"Sino yan?"

"Mahal ako ito buksan mo ang pinto" rinig Kong sabi ng taong nasa Labas ng aking pintuan. Dali Dali kong pinag buksan ang aking kasintahan

"bakit ka andito? ika tatlo palang ng umaga ah?" tanong ko sa kanya habang pumapasok siya

"Mahal hindi ako mapakali napanaginipan kita may nangyari daw sayong masama kaya agad agad akong pumarito." may pag alala sa mukha niya habang nakatingin sa akin at bigla akong niyakap

"mahal panaginip lamang iyon. ligtas ako dito sa bahay tutal andito kana rin naman samahan mo na din ako matulog maaga pa naman tanghali pa ang pasok ko mamaya"

nginitian niya ako at humalik sa aking noo at itinulog nalang namin ang masamang panaginip kahit na ako'y nagtataka kung bakit pati ang aking kasintahan ay nanaginip na may mang yayari sa aking masama.

Nagising ako ng mag i-ikasampu na ng umaga natutulog pa din ang aking nobyo. limang taon na kaming magkasintahan ILang ulit na ring may nangyari sa amin na dahilan ng paglalim Lalo ng aming relasyon. napakabuting lalaki ang binigay sa akin minsan medyo matigas ang ulo ngunit kahit kailan di siya nangaliwa.

"mahal? mahal? ren? gising na mag almusal na tayo" unti unti siyang nagmulat ng kanyang hugis almond na mata

"magandang umaga sa pinaka magandang Babae bukod sa nanay ko" bati niya sakin sabay hinalikan ako sa aking labi

"sus nambola kapa bangon na at mag almusal na tayo may pasok pako mamaya. ikaw ba walang pasok?" tanong ko sa kanya habang hinahatak ko siya sa aking maliit na lamesa na may dalawang upuan.

"ngayon ang araw ng pahinga ko baka manitili nalang ako dito sa inuupahan mo at maghintay hanggang sa bumalik ka" may pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi napailing na lamang ako paniguradong may binabalak na naman ang lalaking ito.

matapos ang umagahan agad na akong nag ayos para sa aking pagpasok isa akong customer service sa isang mall malapit dito sa tondo ang nobyo ko namang si Garen ay isang service crew sa isang kainan sa loob din ng mall na aking pinapasukan.

"Mahal kung wala kang magawa ngayung araw pakilinis naman itong kwarto salamat!" nakangiting pakiusap ko sa kanya

"masusunod mahal na prinsesa" ngumiti at kumindat pa ang pilyo kong nobyo nagpaalam nako paalis at baka ako'y mahuli pa sa aking trabaho.

ika siyam ng gabi ng ako'y matapos sa aking trabaho nagmamadali nakong umuwi at mahirap ng mas lalong gabihin sa daanan ngayon pang kung ano anong napapanaginipan ko sa gabi.

"Vanna di ka ba sasama samin?" tanong ni Gela kasamahan ko sa pinapasukang mall kasalukayan kaming naglalakad palabas ng mall.

"naku! Gela pasensya kana. hindi ako pwedeng mag pa gabi may naghihintay sa akin sa bahay" palusot ko sa aking katrabaho

"dinadaya mo na kami Vanna lagi kana lang pass" pakunwaring nagtatampong sabi nito

"pasensya na talaga alam mo naman na hanggang ngayon takot pa din ako dito sa maynila"

"osya sige na mag iingat ka sa daan ha" nakangiting paalam nito at umiba na ng daan dahil sila'y pupunta sa kaarawan ng isa pa naming kasamahan.

mabilis akong nakasakay ng Jeep papunta sa aking tinitirahan kalimitan mga empleyadong pauwi na ang kasabay ko at madami sa kanila lalaki. pilit ko tuloy hinahatak pababa Ang aking palda na uniporme ko sa aking trabaho. napaka ikli naman kasi nito dahil ito ang gustong sukat ng aming management.

pag napapa angat ako ng tingin napapansin kong nakatingin ang ibang kalakihan sa aking hita. ngunit bigla silang nag iiwas ng tingin pag alam na patingin nako, ito pa ang isa kong kinaka takot dito sa maynila di mo alam kung sino ang katiwatiwala.

"Para ho" sigaw ko ng mapansing nasa tapat na ako ng aming baranggay. mabilis akong bumaba napansin kong halos ng kabahayan ay nakapatay na ang ikaw kahit mag i-ikasampu palang ng gabi.

nagmamadali akong nag lakad napalingon ako nung naramdaman kong may naglalakad din sa aking likuran ngunit wala namang tao. masyado siguro akong napagod at kung ano ano naririnig ko.

下一章