webnovel

Sanguine

Chapter 27: Sanguine 

Reed's Point of View 

  Pumasok kami ni Haley sa men's clothing para dito naman maghanap. 

Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang paglalakad habang huminto na muna ako rito sa tabi nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. 

 

  Pumunta siya sa area kung saan nakasabit ang mga sinturon at napapahawak sa kanyang baba (chin) na parang iniisip kung iyon ang kukunin o hindi. 

Habang pinagmamasdan ko siya, hindi maiwasan ng labi ko na mapangiti sa rason na sa lahat ng mga araw na magkasama kami, ngayon ko lang naramdaman na parang may naiiba, Hindi sa pangit na paraan pero ito 'yung masasabi ko na maganda sa pakiramdam.

  Pero bakit nga ba? Effective 'yong sinasabi nila na da't maging totoo ako sa nararamdaman ko? 

  Tumayo si Haley nang maayos mula sa pagkakayuko sa paghahanap 'tapos lumingon sa akin. "Reed!" Tawag niya kaya tumikhim ako't pamulsa na naglakad palapit sa kanya. 

  "Tingin mo ba sinturon na lang iregalo ko sa kanya?" Tanong niya sa akin 'tapos humalukipkip kasabay ang pagbalik niya ng tingin doon sa sinturon. 

Sinasabi niya 'yung rason niya habang tulala lamang ako sa mukha niya. Nakasuot siy ng… light make up, ano? 

  Mapula naman 'yung labi niya pero mas naging mapula ngayon. Iyan yata 'yung tinatawag ni Kei na liptint. Alam ko lang dahil madalas niya akong inaasar na lagyan siya niyon para alam ko raw gagawin ko kung kay Haley ko ilalagay. 

Flashback: 

  Na sa kwarto ako ni Kei niyon at dahil nagtutulungan kaming pareho sa ginagawa naming program. Ta's nung dumating 'yung break time namin, ako 'yong napag trip-an niya. Lagyan ko raw siya ng liptint. 

  "Ha?! At bakit ko naman gagawin 'yon?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya pero hinagis na niya sa akin 'yung liptint na mabilis ko namang sinalo. "Luh." 

  Umupo siya sa stool at parang bata na humagikhik habang ini-swing swing ang gma paanan. "Come on, ang KJ mo. Practice rin 'yan." 

  "Ano nanaman ba trip mo?" Simangot kong tanong sa kanya bago ko siya nilapitan para ibalik sa kanya 'yung liptint niya at humalukipkip na umiwas ng tingin. "May kamay ka. Ikaw gumawa." 

  Ngumuso siya. "Eh…? Kailangan mong I-practice para kapag si Haley 'yung lalagyan mo, alam mo gagawin mo, 'no?" Pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni Haley ay umangat kaagad ang mga balikat ko. "Alam mo, maganda na si Haley without make ups and she's not the kind of person who would actually want to put it on. Pero minsan, she needs that, I tried to teach her pero ayaw niya talaga kaya naisip ko, bakit 'di na lang ibang tao ang maglagay no'n sa kanya?" Pagkibit-balikat niya 'tapos binigyan ako ng matamis na ngiti. 

 

  Tinuro ko ang sarili ko. "And… ako ang naisip mo?" Tanong ko kaya nawala 'yung ngiti niya at sinimangutan ako. 

  "Aba, sino pa ba? May iba ka pa bang naiisip na maglalagay ng make ups sa kanya? Ako? Eh, paano kung nawala na 'ko?" 

  Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Don't say that as if mamamatay ka." 

  Tumawa siya. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Inabot niya sa akin ang lip tint. "Dali, simple lang 'yan. Ilalagay mo lang sa akin, pero huwag mo masyadong tititigan labi ko, ah?"

 

  Mabilis kong hinablot ang lip tint na iyon. "In your dreams." Simangot kong sabi sa kanya. 

End of Flashback: 

  Hindi lang iyon ang pinagawa niya sa akin. Tinuruan din niya ako na make up-an siya. At oo, nagkaroon na ako ng kaalaman kahit papaano kung paano gagawin. 

Kaya siguro karamihan sa mga babae ngayon, ang tatagal sa lahat ng bagay. 

  "Reed. You're staring too much, are you even listening?" Bumalik lang ako sa wisyo pagkayugyog ni Haley sa mga braso ko. Ibinaba ko ang tingin sa kanya, kunot ang kanyang noo pero mas lalong namula ang mga pisngi. 

 

  Is she blushing? 

  "S-Sorry, tungkol sa sinturon, 'di ba?" Tanong ko at tiningnan ang mga sinturon na nakasabit. "Sa totoo lang kahit na ano naman ang ibigay mo sa Papa mo, okay lang dahil maa-appreciate niya iyon, eh." 

  Nakaangat ang mga kilay niya ang bumalik sa dati. "Hmm, akala ko 'di ka nakikinig, eh." Sabi niya at ibinalik ang tingin sa mga sinturon kaya ako naman itong pasimpleng napabuntong-hininga. "Pero 'di naman sapat 'yung rason na kahit na anong ibigay ko, maa-appreciate niya. Eh, paano kung hindi niya magustuhan kahit na sabihin nating na-appreciate n'ya?" Tanong niya habang hawak ang sinturon saka ibinalik kung saan niya kinuha. 

  "Alam ko na," Panimula niya at nagpameywang sabay tingin sa kanang gawi dahilan para sundan ko iyon. "S-Sa men's underwear tayo." 

  "A-Ah…" Ibinaba ko ang tingin kay Haley. "Alam mo ba size ng Papa mo?" Tanong ko sa kanya. 

  "Hulaan na lang natin." Sinabi talaga niya iyan habang nagpipigil ng hiya kaya umiling ako. 

  "Huwag." Tutol ko at tinuro ang na sa likuran ko kung nasaan ang mga handkerchief. "How 'bout this?" Tukoy ko sa mga panyo habang turo turo ang mga ito gamit ang aking hinlalaking daliri. 

 

  Muli siyang humalukipkip kasabay ang kanyang pag-iling. "Hindi, kapag binigyan ko siya ng panyo baka umiyak siya."

  Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Bakit siya iiyak?" Taka kong sabi. 

  Itinabingi niya nang kaunti ang ulo niya. "You know the sayings in Chinese?" 

  Napa-"oh" na lamang ako.

*** 

  AND AT the end, wala rin talaga kaming napili. Ayaw raw ni Haley 'yong polo dahil marami ng damit si Tito. Ayaw rin niya ng Wallet dahil nakita raw niya na iyon ang binabalot ni Tita noong napadaan siya sa sala nung nakaraang araw. 

  Lumingon ako kay Haley habang naglalakad kami. "Pero buti uuwi si Tito?" 

  "Nasabi lang din niya sa amin kaya baka umuwi siya this weekend before his birthday," Sabi niya at bumuntong-hininga. "Birthday celebration means I have to entertain his guest." Parang napapagod niyang sabi. 

  "Saan daw ba?" Tanong ko. 

  "Ang sabi niya sa Diamond Hotel. Pero sinabi naman niya na iba ang celebration na kami kami lang doon sa mga co-worker nila Mama sa company." Paliwanag niya. 

  Guest? Ibig sabihin hindi malabong may kumilala kay Haley kahit na alam ko namang walang interest si Haley sa mga ganoon. 

  Humawak ako sa dibdib ko na parang tinutukoy ko ang aking sarili. "P-Pwede ba akong sumama sa birthday nung Dad mo? A-Ako ang escord mo kung okay lang sa'yo." Nauutal kong request sa kanya nang makahinto kaming pareho sa paglalakad. 

  Nakatingin lang din siya sa akin habang nakalingon nang kaunti ang kanyang ulo. 

Mayamaya pa noong taas-kilay niya akong nginitian. "Eh, invited din naman talaga kayo--" 

  "Ta's kung may lalaki man na gustong magpakilala sa'yo," Umabante ako ng isang hakbang, "P-Pwede mong sabihin na boyfriend mo 'ko." 

  Nakabuka ang bibig niyang nakatitig sa akin kaya na-realize ko na masyado ng nakakahiya 'yung sinasabi ko kaya tumayo ako ng tuwid sa sobrang pagka nerbyos. "A-Ano ba sinasabi ko?" Sabay pilit na natawa. "P-Pero sinasabi ko lang 'yan just in case lang na--" 

  "Pwede rin." Sagot niya bigla kaya 'yung tingin ko sa kung saan-saan ay dahan-dahang napunta. Nakahawak siya ngayon sa mga braso niya habang nakababa ang tingin sa kaliwang bahagi. "Mas maganda nga 'yan, na sabihin kong may boyfriend ako para madaling matapos 'yung usapan," Nang mapunta ang tingin ko sa mukha niya ay pulang pula talaga ito na tila para na siyang nagiging kamatis. "Okay," dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa akin. "…sa akin." 

  Unti-unting namilog ang mata ko kasabay ang malakas na pagpintig ng puso ko. 

Hindi ko napigilan ay mabilis kong hinawakan ang pulso niya hilahin siya palapit sa akin at yakapin.

 

  Nagulat si Haley sa ginawa ko habang nanatili naman akong yakap siya.

"R-Ree--" Mabilis ko rin siyang tinulak palayo sa akin ng hindi inaalis ang pagkakapatong ng mga kamay ko sa balikat niya. 'Eh--" Tinuro ko 'yung dumaan na push cart na may mga nakapatong na malalaking boxes. "Muntik ka ng mabangga no'n." 

  Inalis ko na 'yong mga nakapatong kong kamay sa balikat niya at nagpamulsang tumalikod para maunang maglakad. "Tara, hanap pa tayo sa iba." Aya ko habang iniiwasan na ipakita sa kanya ang pulang pula kong mukha. Napahawak na lang din ako bibig ko't tumingin sa kung saan. 

  Naalala ko lang kung paano tumingin si Haley sa akin kanina. Ang cute niya! Ang cute niya! What the hell! Bakit mo 'ko tinitingnan ng ganoon?! 

 

  Pasimple ko siyang sinilip na nakasunod lang din sa akin. Nakalayo ang tingin niya subalit nakaukit sa labi niya 'yung malapad at napakatamis niyang ngiti na siyang nagparamdam sa akin ng nakakakiliting pakiramdam. Parang siyang kumikinang na nilalang sa paningin ko. 

  Ibinalik ko ang tingin sa harapan at kinuyom ang mga kamao. 

More reason to confess! I don't want to hold back anymore. 

*** 

  HALOS BUONG araw kaming naghanap ng pwedeng regalo ni Tito Joseph pero hanggang ngayon na malapit lapit na rin ang paglubog nung araw ay wala pa ring maisip si Haley na maibibigay. 

  Kasalukuyan kaming na sa bench dito sa Bridge Walkaway nung mall papunta sa kabilang mall. Maganda kasing tambayan dito dahil kitang kita mo rin 'yung mga gusa-gusali, at maganda ang kulay ng mga ilaw rito kapagka dumating ang gabi gayun din ang mga liwanag mula sa mga sasakyan na umaandar sa ibaba. 

  Ibinigay ko kay Haley 'yung binili kong popsicle stick. "Thank you." Pagpapa-salamat niya bago ako umupo sa tabi niya. Nakaharap kami sa papalubog na araw habang may statue ng kung ano sa kanang bahagi. 

  Binuksan ni Haley ang balot nung two stick popsicle niya. "Wala pa rin tayong nahanap sa huli…" Napapagod na wika ni Haley at inilipat ang tingin sa akin. "Bakit ako lang binilhan mo? Wala ka?" Tanong niya kaya lumingon ako sa kanya. 

  "Ah, wala. Okay lang ak--" Pinutol niya ang isang stick at binigay sa akin. 

  "Here." Bigay niya sa akin kaya napatitig ako sa popsicle. "Take it. Hindi ako kumportable na ako lang kakain." Sabi niya kaya kinuha ko naman at nagpa-salamat. 

Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n kaya itinuon ko na lang ang tingin sa popsicle ko. 

  Handa ko na sanang simulan ang pagkain niyon nang hindi ko sadyang mapatingin kay Haley na hindi ko maintindihan kung ganyan ba talaga siya kumain at sinasadya niyang maging sexy! 

Dinidilaan niya 'yung popsicle sa paraan na matu-turn on 'yung mga lalaki na makakakita sa kanya ng hindi niya napapansin! 

  Luminga-linga ako at ibinalik ang tingin kay Haley bago ko kagatin ang kalahati nung popsicle niya na nagpagulat sa kanya. "B-Bakit mo kinain?!" Hindi niya makapaniwalang tanong. 

  Napahawak ako sa pisngi ko dahil medyo nangilo ako sa lamig pero humarap din kay Haley pagkatapos. "Ganoon kasi kainin! Bakit mo dinidilaan?!" Lumakas na ang boses ko dahil sa pressure na naramdaman ko kanina kaya kumurap-kurap si Haley. 

  At iyon nga, bigla rin siyang nagalit sa akin kaya pinagtitinginan kaming pareho ng mga tao dahil nagbabatuhan na kami ng mga salita. 

"May sarili ka naman! Tsaka tingnan mo! Sinasayang mo pa!" Turo niya sa popsicle kong tumutulo dahil sa natutunaw na. 

  Tumalikod siya sa akin. "Geez, bakit ikaw ba kasama ko ngayong araw?" Inis na inis na sabi ni Haley bago maunang maglakad. 

Tumitig lang ako sa likuran niya bago ako humingi ng pasensiya sa mga taong nanonood. Patakbo na akong sumunod kay Haley. 

  Hindi man siguro kami nakahanap ng regalo ni Haley, nagkaroon naman siya ng ideya na gawing photoshoot ang magiging regalo sa kanyang ama. 

Iyon din ang anunsiyo na ikakasal na rin pala si Tito Joseph at Tita Rachelle. 

  "Ngayon ko lang naisip, hindi ko pa talaga alam kung ano apilyedo ni Tito Joseph.. Ano nga 'yung apilyedo niya?" Tanong ko kay Haley noong magkasabay rin kaming umuwi pagkagaling sa E.U.

Hindi ako gumamit ng sasakyan dahil mas maganda kung maglalakad lang kaming pareho para nakakasama ko siya nang matagal. 

  "Hmm, Resurreccion." Sagot niya 'tapos tiningalaan ako para bigyan ako ng ngiti. "Although magkaiba ang spelling niyan sa mismong Resurrection. Ang cool pa rin pakinggan," Ibinalik niya ang tingin sa harapan. "Medyo weird ito pero naiisip ko kasi. Kung gagamitin ko iyong apilyedo na 'yon, pakiramdam ko kahit mawala ang isang bagay o tao sa akin, babalik din sila eventually, hindi nga lang sa paraan na nakaugalian ko, pero siguro sa isang bagay na alam kong mag go-grow ako." Humagikhik siya nang kaunti. "Hindi ba? Weird?" 

  Tumitig lang ako sa kanya. Kung hindi ko kilala si Haley, at hindi ko alam kung ano 'yung mga pinagdadaanan niya o kung ano man 'yung mga dumating sa buhay niya. Baka nga ma-weird-uhan ako sa kanya.

  "No, you're not weird." Sabi ko at tumingala sa kulay kahel na kalangitan. "Ang lalim nga, eh."

  Naramdaman ko ang mas lalo niyang pag ngiti. 

Huminto kaming pareho ni Haley noong makita namin sa hindi kalayuan sila Tita Rachelle na ngayo'y kinakawayan kami. Pumaabante ng isang hakbang si Haley. "Mauna na ako, hinihintay na ako ni Lara." Tinapik niya ang balikat ko. "Salamat." At patakbo siyang lumapit sa pamilya niya. 

  Ngumiti lang din ako kasabay ang pag-ihip ng malamig na hangin na siyang nagpasayaw sa mga buhok namin.

  "Please take care of my sister."  Naalala kong huling sabi ni Lara bago siya unti-unting maglaho sa paningin ko.

Bakit mo sinasabi 'yan na parang iyon na ang kahuli-hulihan na magkikita kayo? 

  Tiningnan ko si Haley na nakikipagtawanan kila Tito Joseph. 

Ikaw, Haley? Alam mo na rin ba 'yon sa sarili mo? 

***** 

下一章