webnovel

Chapter Eighteen: Trap

NAPAHINTO ako sa pagtipa sa keyboard nang maaalala ko na naman ang nangyari noong isang gabi. Hindi ko mapigilan ang ngumiti at naitakip ang mga kamay sa mukha ko para hindi mahalata ng mga kaopisina para akong mukhang ewan.

Hindi pa rin kasi ako maka-recover sa mga nangyari kagabi lalo na sa mga kabalastugan na pinaggagagawa ng mga kapatid ko kasama si Ryan, hindi ko naman kasi akalain na papatulan nito ang dalawa sa inuman kaya ang ending? Riot.

Parehong lasing ang kuhya ko habang hindi na makatayo ng maayos si Ryan dahil sa kalasingan. Pinilit kong awatin ang mga ito lalo na ang amo dahil kagagaling lang nito sa byahe noong isnag araw at hidni pa nakakapagpahingang maayos kaso ang titigas ng ulo kaya sa huli wala itong nagawa kung hindi ang matulog sa bahay namin.

Kaya naman kahapon ay walang mapagpipilian si Ryan kung hindi ang mag-leave dhail na rin sa tindi ng hangover nito. Lambanog ba naman ang tinira kaya hindi na ako nagtaka sa mga nangyari.

Hindi ko lang maiwasan na magtaka kung ano ang pumasok sa isip ng amok o at pinatulan ang mga kapatid ko buti na lang at nagawa kong makumbinsi si Tatay na wag nang sumali kung hindi baka naging apat ang nagkalat sa bahay imbes tatlo lang.

Hinamig ko ang sarili saka pinagpatuloy ang ginagawa hindi naman kasi niya pwedeng dakdakansi Ryan sa office hours kaya mas mabuting tapusin n alng niya ang trabaho dahil natambakan na naman ako kahapon dahil sa pagli-leave nito.

Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas dahil napapitlag ako nag marahas na bumukas ang pinto ni Ryan, madilim ang mukha nito at akala mo talaga pupunta sa gyera. Sanay na siya ditto pero matagal na nang huli ko makitang ganoon ang mood nito.

Nang lumingo siya sa`kin ay kitang-kita ko kung paano lumambot ang itsura niya at hidni ko maiwasang makaramdam ng init na biglang humaplos sa puso ko. Iyon lang ang simpleng pagpapatunay na ang relasyon naming dalawa ay ibang-iba kaysa noon.

"I'm sorry about that pero pwede bang paki-cancel ang iba pang appointment ko for this day? May emergency lang na kailangan kong ayusin." Anito sa apologetic na tono ibig ang ibi sabihin nito ay hindi niya ko mahahatid pauwi.

"Okay Sir."

"You can also take the rest of the day off. I'm really sorry about this Rizza I'll call you later, okay?"

Nakakunawang tumango ako, hindii na rin ako masyadong nagtanong dhail alam ko naman nasasabihin din niya sa`kin kinalaunan kung saan ito nagpunta.

Pasimple itong tumingin kaliwa't-kanan at nang makitang wala namang nakatingin ay lumapit ito sa`kin saka hinalikan ako sa noo. Teka, sandali, hindi agad nag-process ang utak ko sa ginawa nito.

"Rest well, okay? I'll call you later." Awtomatikong napatango ako sa sinabi nito bago ko ito sinundan ng tingin paalis.

Mga ilang minuto siguro akong naging lutang nang saw akas ay mahimasmasan na, masama talaga para sa`kin ang pabigla-biglang galawan ni Ryan parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog. Pero ang daya lang naka-isa na ito pero siya wala nga nga humanda na lang ito sa kanya pagbalik.

Napakagat ako ng labi saka tinapik tapik ang pisngi, time to work, at nang magawa ko ang lahat ng inutos ni Ryan ay sinabihan ko na ang mga kasamahan na pwede nang umuwi. Okay n asana buong araw ko pero mukhang mapupurnada pa ang pahinga ko nang may makita akong isang hindi kaaya-ayang tanawin.

IPINAGKIT ko ang propersyonal kong ngiti kahit na ba gusto kong bigyan ng isang round house kick ang istorbo sa inaasam kong tulog.

"Sorry pero wala na ditto si Sir Ryan." Hinid na ko nagpaligoy-ligoy pa. Kahit na siguro alam ko na kaparid ito ng nobyo hindi pa rin talaga ako komportable sa presensiya nito para kasing kahit na anong oras ay may masama itong pwedeng gawin

"Actually hindi naman ako nandito para kay Kuya." Naghihinalang tumingin ako rito para sa`kin masyado itong mahinahon ngayon hindi katulad noong una silang nagkakilala.

Tumahimik lang ako kaya naman kinuha na nito ang pagkakataonna `yon para dugtungan ang sinasabi. "We haven't properly introduce to each other besides siguradong magkikita tayo ng madalas dahil magkatrabaho kayo," Ngumiti ito. "So can I invite you for lunch perhaps?"

May maliit na boses sa utak ko na nagsasabi na hindi koi to pwedeng pagkatiwalaanpero gusto ko muna sanang magbigay ng benefit of the doubt bago ito tuluyang husgahan.

Tumingin ako sa wristwatch ko, sa totoo lang ito na an ginaasam kong pahinga pero naalala ko ang sinabi ko kay Ryan na ayusin nito ang relasyon sa kapatid kaya bakit ko naman sasayangin ang pagkakataon na `to? Kaya sa huli ay pumayag na ako.

Siguro ang pagkakamali ko lang ay hindi ko napansin ang nakakaloko nitong ngisi pagtalikod ko at sa isang iglap ay naipapasok niya ako sa isang malaking patibong.

下一章