webnovel

THE FOOLISH GAME

'It couldn't be him. Talagang lasing na seguro ako.' Iyon ang paulit-ulit na umuukilkil sa isip ni Flora Amor habang sinusuri ang mukha ng nasa harap pagkuwa'y hindi nakuntento sa pengot lang sa tenga kaya't tinapik-tapik ang magkabilang pisngi ng lalaking akala niya'y imahinasyon lang.

"Beshie. Hindi mo ba nakikita ang nakikita ko?" sa namumungay na mga mata at pautal na kung magsalita sa kalasingan ay tanong niya kay Mariel nang maramdaman ang sakit ng palad niya sa ginawa habang kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Dixal.

Nahihilo siya sa kalasingan, oo. Pero bakit ramdam talaga niya ang mahigpit na yakap nito sa kanyang beywang at ang mabangong hininga nito na nanunuot sa kanyang ilong sa lapit ng mukha nito sa kanya? Bakit amoy na amoy niya ang gamit nitong pabango?

Inihilig niya ang ulo at pumikit, baka sakali pagdilat niya mawala na ito sa kanyang paningin. Subalit nung muli niyang idilat ang mga mata, her eyes met his, glaring at her as if anlaki ng kasalanang nagawa niya. She couldn't help but gave him a shocked look and took a pace backward sa realisasyong biglang bumalot sa kanya. Hindi ito isang imahinasyon lang, talagang galit na nakayakap sa kanya si Dixal at pinipigilan siyang matumba.

Bakit ito andito? Pa'no nito nalamang nando'n siya sa lugar na 'yon? Sa nakikitang galit sa mga mata nito na kung kaya lang siya nitong paluing parang bata ay kanina pa marahil nito ginawa, but he just kept on glaring at her, dahilan para panandaliang mawala ang kanyang kalasingan.

"Beshie, kitang kita ko ang nakikita mo. Galit na asawa mo kaya umuwi ka na," ani Mariel habang tinatapik ang kamay ng asawa para bumitaw ito nang makalapit ang babae sa kanya.

She stared back at him, confused and a bit scared habang nag-a-atempt na kumawala mula sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang bewang.

"You want Maria Clara?" sa dami ng pwede niyang sabihin, iyon pa ang lumabas sa kanyang bibig.

Expect the unexpected this time. Inaasahan na niyang lalo itong magagalit sa kanya at parurusahan siya sa ginawa niya ngayon. Pero sino ba ito para pakialaman ang kanyang buhay? Hangga't 'di niya napapatunayang mag-asawa nga sila, never siyang susunod at magpapasakop dito.

"Beshie, I want another shot," itinaas niya ang kamay saka ikinumpas sa kaibigan, asking for another glass of wine habang nakatitig sa lalaking bahagyang inilapit ang mukha sa kanya at bumulong sa kanyang tenga.

"Ask for another shot and I'll surely kiss you in front of them and strip off your blouse." Paanas lang 'yon pero nasa tono ng pananalita nito ang pagbabanta bago siya nito binitiwan.

Isang halakhak ang kanyang pinakawalan saka ito itinulak at humarap sa kaibigang hawak pa rin ni Anton sa beywang.

"Inom pa tayo, Beshie," nakangisi niyang sambit pagkuwa'y mabilis na hinwakan ang basong kinuha kanina ni Dixal at tinungga na uli ang laman no'n.

"Beshie, stop na tayo. Andito na ang asawa mo," saway ng kaibigan sa kanya.

"'Yaan mo siya Beshie. Inom pa tayo," matapang niyang sagot, pinahalata niyang balewala sa kanya ang pagbabanta nito.

Hinawakan niya ang bote ng alak at magsasalin na sana nang mabawi iyon agad ni Dixal.

"Ano ba?! Bat ba nangingialam ka?" kasabay ng pagharap niya rito'y pagbitaw ng isang singhal sa lalaki, giving him that rebellious look.

Instead of arguing back, he just pulled her body towards him and gave her a long French kiss na halos magpugto na ang kanyang hininga, but leaving an unexplained sexual pleasure in her body afterwards, urging her to kiss back but he intentionally stopped at the wrong time, as if he just really wanted to tease her--or punish her?

"Tell them we're leaving now," anas nito nang bahagyang ilayo ang mga labi sa kanya.

"Beshie, we're leaving now." Awtomatiko siyang sumunod, dala na seguro sa pagkahilo sa nainom o pagkahilo sa ginawa nito, subalit nang marinig ang sariling boses na gano'n ang sinasabi'y agad siyang napa--"What? No!" pero huli na dahil walang anuman siya nitong binuhat at dinala pababa hanggang palabas ng bahay na ang tangi lang narinig sa kanya ay ang kanyang hiyaw.

"Let go of me! Put me down, you brute!" sigaw niya habang pababa ito ng hagdanan.

"As you wish," pasakastiko nitong tugon, totoo ngang binitawan siya habang patuloy sa paghakbang pababa.

"Ayyyy! Walanghiya ka, ba't mo ako binitawan?" tili niya habang mahigpit ang pagkakapulupot sa leeg nito, tila nananadya pang hinayaan lang siya sa gano'ng ayos.

"You told me to let go," pang-aasar nito't pinatigas ang leeg para makakapit siya nang maayos doon.

"Hold me tight again, you conceited man!"

"Stop shouting. Pinagtitinginan na tayo ng mga bisita nila," saway nito pagkababa lang ng hagdanan at mapatapat sila sa sala, saka lang nito inayos ang pagkakahawak sa katawan niya.

"Beshie! Sino ang nagsabi kay Dixal na pumunta rito, puputulan ko ng dila!" malakas niyang tawag sa kaibigan sa taas.

"Alam na niya Beshie. Siya pa nga tumawag sakin, ipagluto daw kitang hipon kasi paborito mo daw 'yon!" malakas na sagot ng kaibigan sa taas ng hagdanan at nakamasid lang sa kanila.

"Bye Beshie. Pakabait ka sa hubby mo!" habol nito sabay kaway sa kanya.

Hindi siya makasagot sa tinuran ni Mariel. Pa'no siyang makakasagot eh malibang nahihilo siya sa kalasingan, takot rin siyang baka bitawan na naman siya ni Dixal at tuluyan na siyang bumagsak sa lupa habang bitbit siya nito palabas ng bahay ng mag-asawa.

"Take me home!" paasik niyang utos nang ipasok siya sa loob ng kotse nito.

Subalit hindi ito nagsalita, sa halip ay kinabitan lang siya ng seatbelt bago nito pinaandar ang sasakyan.

"Take me home or I'll commute alone!" muli niyang sigaw sa namumula at pupungay-pungay na mga mata sa kalasingan, subalit tahimik pa rin ang lalaki, deretso lang ang tingin sa dinaraanan, tila di siya naririnig.

Pinukpok niya ng kamao ang braso nito sa sobrang inis.

"I said take me home!" Gusto na niyang maglupasay sa kinauupuan sa galit para lang mapansin nito.

Sa wakas sumulyap ito sa kanya, salubong ang mga kilay at makulimlim ang mukha, nang-aakusa ang matatalim na mga titig.

She glared back with the same intensity as his, gave him the sign that she was not backing off, not afraid either. Sa huli'y ito na rin ang sumuko, or was he just trying to tame her again?

"Okay, I'll take you home," sa mahinahong boses ay sagot nito.

Nakaingos siyang humalukipkip, pilit binalewala ang nararamadamang pagkahilo't antok.

"Mas lalo ka palang nagiging tigre pag lasing," palatak nito habang nagmamaneho.

"Hindi ako lasing!" bara niya sabay irap sa lalaking ngising-aso lang ang isinagot saka inalapat ang hintuturo sa bibig nito't kinagat na marahan, pagkuwa'y nagpakawala ng isang nakakalokong ngiti at muling sumulyap sa kanyang halatang pinipigilan ang sariling makatulog hanggang sa tuluyan nitong ihinto ang sasakyan matapos ang halos isang oras na biyahe.

Ngunit kung kelan huminto ang sasakyan saka naman siya napapikit at 'di nakayanan ang antok.

Saka lang siya nagising nang inilalapag na ni Dixal sa ibabaw ng sofa at biglang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.

Bumalikwas siyang bangon at pasuray suray na tinungo agad ang banyo subalit napansing ibang bahay ang pinagdalhan ng lalaki sa kanya.

'Sabi na nga't 'di mapagkakatiwalaan ang hinampak na 'to.'

"Walanghiya kang lalaki ka! Ang sabi ko ihatid mo ako sa bahay! Asan ang banyo?" hiyaw niya ritong ngiti lang ang isinagot at itinuro ang isang pintuan malapit sa kusina.

Magsasalita pa sana siya nang masapo ng kamay ang bibig. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman at pasuray suray na uling pumunta sa nakapinid na pintuan.

Pagkapasok lang doo'y humarap agad siya sa lababo't doon sumuka hanggang sa wala nang lumalabas sa kanyang bibig maliban sa tubig.

Noon lang din niya naramdaman ang marahang paghagod ng lalaki sa kanyang likod.

Matapos paulit-ulit na magmumog ay saka siya humarap dito't bigla itong hinampas sa dibdib.

"Ouch! What is it again?" angal nitong hinimas ang nasaktang dibdib.

"Siraulo ka talaga! Ang sabi ko ihatid mo ako sa bahay!" gigil na sambit niya.

"Hey, this is our home. So, natural lang na dito kita dalhin," katwiran nito ngunit tila wala siyang narinig, marahan itong itinulak para makalabas siya ng banyo at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng bahay. Salamat na lang at naisuka niya lahat ng laman ng tyan kaya tila siya nahimasmasan sa kalasingan.

Ngunit pagkamalas nga naman seguro niya ng gabing iyon dahil nakakailang hakbang pa lang siya mula sa pinto ng bahay na 'yun ay may biglang sumulpot na malaking aso, isang K9, agad ngumisi sa kanya. Kitang-kita niya ang mahahaba nitong ipin habang nakatitig sa kanya na isang maling hakbang lang marahil niya'y susugod na ito agad.

Nakaramdam siya ng takot. Kilala niya ang gano'ng uri ng mga aso. Hindi iyon mangingiming lumapa at pumatay ng tao lalo na't hindi niyon kilala.

"Dixal may aso," mahina niyang tawag sa lalaki habang inihahakbang ang isang paa paatras.

Tumahol ito nang malakas at humakbang pasulong.

"Lucky, behave. Blacky, Doggy, behave," natuliro na siya't kung anu-anong pangalan na ang binanggit para kumalma iyon subalit tila lalo iyong nagalit. Hinanap niya sa paligid ang may-ari ng asong 'yon pero wala siyang makitang tao liban sa kanya.

"Dixal, may aso!" sigaw niya sa lalaki ngunit walang sagot mula rito.

Muling nagngalit na ngumisi ang aso, nanindig na ang kanyang balahibo sa takot.

"Dixall! May aso!"

Kasabay ng sigaw niya'y ang muling pagtahol ng aso't pagsugod sa kanya. Sa sobrang takot ay agad siyang pumihit paharap sa pinto ng bahay at mabilis na inihakbang ang mga paa patakbo sa loob habang tinatawag ang pangalan ng lalaki.

"Dixaalll! May asooo!"

Inilang hakbang lang niya papasok ng bahay sa takot na malapa ng aso. Buti na lang nakita niya agad si Dixal sa may sofa kaya't halos lumipad siya papalapit rito't agad na sumampa sa katawan nito't yumakap nang mahigpit sa leeg nito saka ipinulupot sa beywang ang kanyang mga hita.

"Dixal, kakagatin ako ng aso!" Napaiyak na siya sa takot.

"Hey, calm down. I'm here to protect you," anang binata sabay ganti ng yakap sa kanya at ikinumpas ang mga kamay sa papalapit na asong naunawaan agad ang ibig nitong sabihin, bumalik iyon sa pagbabantay sa may gate kasama ang amo niyong guard.

"Kaninong aso 'yon Dixal? Sabihin mo sa may-ari itali nilang aso nila," utos niya habang mahigpit pa ring nakayakap sa lalaki.

"Okay sweetie, I'll do it. But let me take you outside," anito.

"No I'll stay here. Bukas na ako uuwi at baka ando'n pa 'yung aso na 'yon!" mariin niyang sagot, hindi pa rin kumakawala mula sa pagkakayakap dito.

"Okay. But let me close the door, at least." Lihim itong nangingiti habang inihahakbang ang mga paa palapit sa pinto. Nabibigatan man sa pagkaksampa niya'y tila balewala iyon rito.

Nang maseguro niyang nai-lock na ang pinto ay saka lang siya bumaba, kumawala sa mga bisig ni Dixal at hinanap ang sofa.

"Sa sofa ako matutulog," aniya't agad na itinahaya ang katawan doon.

"Hindi ka ba nagugutom? Ipaghahanda kita ng pagkain," pakli nito.

"Kumot na lang ibigay mo sakin," sagot niya, tumagilid ng higa at tinalikuran itong nanatiling nakatayo't nakamasid sa kanya.

"Amor, mahirap ba akong mahalin?"

Natahimik siya sa sinabi nito. Sa tono ng pananalita nito'y segurado siyang narinig nito ang sinabi niya sa kaibigan kanina.

Humarap siya't sandali itong tinitigan.

"Hindi porke nalaman kong asawa kita'y binibigyan na kita ng karapatan sa buhay ko. Isang linggo lang ang usapan nating pagkukunwaring mag-asawa. At pasensya ka na, hindi talaga ikaw ang tipo ng lalaking mamahalin ko. In short, I'll never love you."

Hindi niya alam kung dahil sa nakainom siya kaya niya nasabi 'yon, pero iyon ang laman ng kanyang puso, ano'ng magagawa niya? Kahit seguro hindi siya nakainom, gano'n pa rin ang sasabihin niya. Wala siyang nararamdaman dito. Wala talaga.

Matagal na nagtama ang kanilang mga mata at nang matiyak nitong totoo ang sinasabi niya'y yumuko ito, napabuntunghininga, pagkuwa'y muling tumingin sa kanya.

"Okay, if that's true, then we can at least do this game without inhibitions," saad nito.

"Huh? Inaantok na ako Dixal," angal niya.

"Please, Amor. May insomnia ako. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi para lang makatulog agad."

Nakaramdam siya ng awa sa narinig lalo na nang mapansin niyang lumungkot ang mukha nito. Naalala niya tuloy si Devon pag gano'n na ang mukha. Sa mga ginawa nitong kabutihan sa kanya, maano bang pagbigyan niya ito, tutal andito na siya sa bahay nito. Tsaka bahagya na lang din ang nararamdaman niyang pagkahilo mula no'ng sumuka siya kanina, lalo na nang habulin siya ng aso, nawala ang kalasingan niya.

"Okay, go. Ano bang klaseng laro 'yan?" usisa niya pagkatapos bumangon at ayusin ang upo.

"Build and undress," pakaswal nitong sagot.

"Ha? Ano 'yon?" maang niyang tanong.

Nang ipaliwanag nito ang ibig sabihin ay napayakap siya sa sariling katawan.

"Ano? Ayuko nga! Napaka-weird naman ng gusto mong laro," reklamo niya sabay irap.

"Akala ko ba 'di mo ako love, ba't nahihiya ka sakin?" panunudyo nito.

"Sira ulo ka ba, eh gusto mo lang akong papaghubarin sa harap mo eh!" singhal niya.

"Anong masama do'n eh asawa kita? Besides, nakita ko na lahat ng itinatago mo," pigil ang ngiting katwiran ng lalaki.

Kung nakamamatay lang ang matalim na titig, bumulagta na ito sa talim ng titig na ipinukol niya.

Nang maramdaman nitong ayaw niyang pumayag sa klase ng larong gusto nito'y lumuhod na ito sa harapan niya't hinawakan ang laylayan ng damit niya, tulad ng ginagawa ni Devon 'pag naglalambing.

"Amor, I'm tired the whole day kakahanap sa'yo kung nasaan ka. I really need to sleep early, may meeting pa ako bukas," pakiusap nito.

"Eh 'di matulog ka. Kalokohang kailangan mo pang maglaro bago makatulog. Tsaka sinabi ko ba sa'yong hanapin mo ako?" pabalang niyang sagot.

"I think I have to open the door---" anito't tumayo.

"Ito naman nagbibiro nga lang 'yong tao, 'asan na 'yong mga posporo?" bigla niyang bawi nang maalala 'yong aso sa labas.

Mabilis na tumalikod ang kausap, malapad ang ngiting pinakawalan saka kinuha sa lalagyan ang sinasabing posporong gagamitin sa paggawa ng tower sa laro nila.

Hindi talaga niya magets ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito habang inaayos sa tiles na sahig ang mga posporo at ginagawang matayog na tower. Anito pa, pagkagawa niyon ay kukuhanan nila ng isang posporo ang bawat palapag ng ginawa nitong tower at 'pag nasira iyo'y talo ang nakasira at huhubarin nito ang isa sa mga saplot hanggang sa wala nang matira. Kung hindi ba naman sira ulo, pano nito naisipan ang gano'ng laro? 'Di kaya may pinaplano na naman itong kalokohan tulad ng ginawa sa kanya noon sa opisina nito?

Muli niyang tinitigan nang matalim ang lalaki habang busy sa ginagawa.

"It's done," sa wakas ay sambit nito.

"Ako muna mauuna," wika sa kanya, dahan-dahang kinuha ang isang pirasong posporo mula sa gitna ng ginawa nitong tower subalit walang nalaglag. Muli itong kumuha ng isa pa sa pangatlo sa pinakatuktok ngunit nabuwal ang tuktok ng tower.

Palakpak niya agad sa nakita.

"'Yung necktie mo hubarin mo," utos niya sabay hagikhik.

Hmmmm, okay naman pala ang larong ito.

Siya naman ang tumira, sa unang attempt ay maingat niyang nakuha ang isang posporo nang walang nalaglag na iba pa subalit nabigo siya sa pangalawa. Ang sama ng tingin niya sa lalaki nang pumapalakpak ito tulad ng ginawa niya kanina.

"O 'yung tali mo hubarin mo."

"Walang dayaan ha?" Inirapan niya ito bago hinubad ang suot na tali sa buhok.

Ilang minuto pa ang dumaan ay panay na ang hagikhik niya sa ginagawa nila at ito nama'y sige na rin sa pagtawa.

Hanggang sa tig-isang saplot na lang ang natira sa kanila.

Tumira ito at walang nalaglag kahit isang posporo saka nanunudyong tumingin sa kanya.

"Nandadaya ka yata eh!" akusa niya't dumapa na sa sahig at tinitigang mabuti ang natitira pang palapag ng tower, sinipat kung saan ang tatanggalin niya nang walang ibang nalalaglag, subalit nabigo siya. Lakas ng tawa ni Dixal sa nangyari.

"Hmmmm, I think I have to do it myself," tudyo nito.

Tinitigan niya itong matalim bago humikbi. Natalo siya ng hinampak na lalaking 'to.

"Take it off! Take it off!" pang-aasar nito.

"Oo na, Oo na," gigil niyang sambit at kunwa'y hinawakan ang panty subalit biglang niyakap ang sarili.

"Dixal ang lamig."

"Ha?" agad itong tumalima't dinampot agad ang coat nito sa sahig, 'yon ang pinangtakip sa kanya, saka siya iniupo at mahigpit na niyakap.

Panakaw siyang ngumiti sa ginawa nito. Sa wakas, naisahan din niya ang lalaking ito.

"Dixal ang lamig." biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sariling boses at kunut-noong napadako ang tingin sa ibabaw ng sofa.

Kitang kita niya ang sariling walang saplot habang yakap yakap ni Dixal.

"Dixal, I love you."

Biglang bumilis ng pintig ng kanyang puso. Sinabi niya 'yon dito noon?

"I love you more!" narinig niyang sagot nito habang nakayakap sa kanya.

Parte ba iyon ng nawala niyang alaala? Nakapunta na siya sa bahay na ito? Kelan? Ilan taon siya noon?

Sa dami ng biglang pumasok sa kanyang isip ay 'di na niya nagawang tumutol nang buhatin nito paakyat sa mesanin, sa halip ay naipulupot na lang niya ang mga kamay sa leeg nito.

"D-ixal? Nakapunta na ba ako rito?" tanong niya.

"Yes. This is where we had our honeymoon." anito sa mahinang boses.

Naihilig niya ang ulo sa dibdib nito't napapikit.

Bakit wala man lang siyang maalala tungkol doon? Kawawa naman pala si Dixal kung ang sarili nitong asawa'y hindi ito matandaan, ni hindi makilala. Unfair ba siya sa lalaki? Pero pa'no siya nitong masisisi kung di naman niya 'yon ginusto.

Ahhhh, hindi niya pipilitin ang sarili. Hahayaan niyang kusang maalala ang kanyang nakaraan. Pero sa ngayon, tama na segurong nakayakap siya at nakahilig sa dibdib nito. Sanay kuntento na ito sa gano'n.

下一章