webnovel

SHE'S HIS WIFE WHOM HE VOWED TO LOVE 'TIL DEATH DO THEM PART

"Dinadaya mo lang ang sarili mo, Dixal." Boses ni Lemuel ang umaalingawngaw sa pandinig ni Dixal. Bumalik sa kanyang alaala ang usapan nila kanina pagkatapos niyang lapitan ang dati'y bodyguard ni Flora Amor at tanungin tungkol sa asawa.

"She has already given up on you. Ikaw lang ang baliw na naghihintay pa rin sa kanya. You yourself could tell kung nagsasabi nga ng totoo ang bodyguard ni Flora Amor na may amnesia ang asawa mo. Even I can tell na hindi ka nga niya nakikilala. Just give up on her, dude."

"She's my wife. We vowed to love each other 'til death do us part!" aburido niyang sagot habang paruo't parito sa loob ng opisina at pilit tinatanong sa sarili kung bakit nagkagano'n ang asawa.

"Alam mo, bro. Kung may award lang ang mga loyal na lalaki ngayon, ikaw ang makakakuha ng first prize," anitong 'di malaman kung nagbibiro o nanunuya.

Matalim na tingin ang ipinukol niya saka umupo sa kanyang swivel chair at makulimlim ang mukhang tumitig sa kawalan.

"Fuck! Paano niya akong nakalimutan nang gano'n lang?" gigil niyang wika kasabay ng paglipad ng inihagis niyang folder sa ere.

"See? Kung mahal ka talaga niya, hahayaan ba niyang mabura ka sa alaala niya? But because she didn't really love you ever since, kaya ka niya nakalimutan."

Ang talim ng titig niya sa kaibigan na kung kaya lang niya itong bugbugin hanggang malumpo ay ginawa na niya. Pero ito lang ang tanging sumbungan niya ng problema, kaya hanggang matalim na titig lang ang kaya niyang gawin.

"She's just pretending para 'di ko ungkatin ang tungkol sa fifty milyon. And even if she really has an amnesia, I'll make her remember me. I've waited for her for seven years. And now that I've seen her, I won't easily give up. Gagawa akong paraan para maalala niya!" mariin niyang sambit.

"Wake up Dixal. You already have Shelda, remember? Engaged ka na sa kanya for ten long years. Buti nga't inaantay ka pa rin ng babaeng 'yon kahit inaayawan mo. And there's Veron na paulit-ulit kang inuunawa kahit 'di mo siya pinapansin. Why don't you give them your attention kesa sa asawa mong walang ginawa kundi ang saktan ka," mahabang litanya nito.

"I told you she's my wife whom I vowed to love 'til death do us part!" matigas niyang sagot.

"Dinadaya mo lang ang sarili mo, bro. Hindi ka na niya naaalala. Bakit 'di mo na lang 'yon tanggapin? Pinaparusahan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo," giit nito.

"Fuck!" napamura siya sa inis. Bakit ba paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabing 'yon ni Lemuel?

------

PADABOG na naglakad si Flora Amor palapit sa lalaking nakaupo sa sofa ng malaking boutique na 'yon sa loob ng MOA at tila malalim ang iniisip na nakatitig sa kanya.

Gusto niyang maghimutok sa ipinasukat nito sa kanyang slacks at long sleeve na blouse shirt na tulad ng sinabi nito'y turtle neck nga.

Parang bata siyang umingos nang mag-thumbs-up ito patunay na nagustuhan ang kanyang suot at padabog na uling tinalikuran ang lalaki saka bumalik sa dressing room upang isukat ang natitira pang apat na pares ng damit na iba-iba lang ang designs sa harap ngunit parehas ding chiffon long-sleeve blouses.

Gigil na inihampas niya sa pinto ang isang blouse at nanggalaiting idinuro ang kinaiinisang amo na parang nasa harap niya lang.

Sa lahat ng mga damit, ang mga 'yun ang ayaw niyang isuot kasi parang sinasakal siya sa leeg lalo at turtle neck pero hindi niya lubos maisip kung bakit siya napapayag nitong magsuot ng mga 'yun nang gano'n lang kadali. Ngunit mas gusto niyang pagalitan ang sarili nang 'di man lang tumanggi sa deal nitong maging asawa siya sa loob ng isang linggo.

"Shunga shunga ka talaga Flora Amor! 'Di mo ginagamit ang utak mo. Nagpadala ka lang agad sa halik ng walanghiyang 'yon!" sermon niya sa sarili habang isinusukat na uli ang isang pares ng damit at ang isa pang flat at closed shoes na pinili nito para sa kanya.

Ayaw man niyang aminin pero may taste naman din ito sa pagpili ng mga pambabaeng damit at sapatos, nakakapagtakang alam nito ang size ng kanyang paa, maging ang mga damit na suot niya'y sakto lang sa kanya.

Muli siyang lumabas sa dressing room at nakanguso na uling lumapit sa lalaking nagliwanag na ang mukha nang makita siya sa suot na kulay gray long sleeve blouse , may collar nga ngunit masikip pa rin sa leeg at may design sa harap. Simple lang 'yun pero 'di naman niya kayang itangging bagay sa kanya ang suot.

Inirapan niya ito nang tumayo at lumapit sa kanya. Sa pagkakalukot ng kanyang mukha at matatalim na tingin, hindi niya alam kung bakit 'di man lang siya nakaangal nang hawakan nito ang kanyang kamay.

Talagang gusto na niyang suntukin ang lalaking kasama nang magbayad ito sa counter ngunit 'di man lang binuhat ang mga pinamili, nagmamadaling lumabas sa boutique, kaya wala siyang magawa kundi bitbitin ang mga 'yun palabas.

Ngunit pagkalabas lang ng boutique ay nakita niya itong may kausap na babae.

Sumilay agad ang isang nakakalokang ngisi sa kanyang mga labi, dahan-dahang naglakad palayo sa dalawa at mabilis ang mga hakbang na nagpunta sa national bookstore. Hindi niya mapigil ang pagkawala ng isang hagikhik habang nai-imagine ang lalaking hanap nang hanap sa kanya kung saan siya nagpunta. Sa wakas nakaganti na rin siya sa ginawa nito kanina. Kung iniisip nitong mapapasunod siya nang gano'n lang, nagkakamali ito. Wala pa siyang taong pinayagang i-manipulate siya liban lang sa kanyang mama at sa makulit niyang anak.

Speaking of Devon, buti na lang at naalala niyang bibili pala siyang libro para dito.

Inilagay muna niya sa counter ng mga baggage ang mga bitbit at kinuha ang ibinigay na number sa kanya ng boy do'n saka pumasok sa loob ng bookstore at hinanap agad ang engineering books section, inisa-isang basahin ang mga nasa shelves. Asan kaya dito ang gustong basahin ng batang 'yon?

Habang nag-iisip ay muli niyang pinasadahan ng tingin isa-isa ang mga libro subalit napapitlag siya sa pagkagulat nang may biglang pumulupot sa kanyang beywang at bumulong sa kanyang tenga.

Tumaas agad ang kanyang blood pressure nang mapagtantong nasundan pala siya ng lalaki. Ang akala pa naman niya'y nakatakas na siya dito, hindi pala.

"This is one of my favorite books," paanas na sambit sa kanyang tenga nang yakapin siya mula sa likuran at kunin ang tinutukoy nitong libro mula sa shelf sa harap niya.

Pumiglas siya ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Don't try leaving me again," usal nito sa malamig na boses na kahit mahina lang ay ramdam niyang nagwa-warning na naman.

Grrrrr! Ngayon pa lang ay nasasakal na siya, pa'no pa kaya ang isang linggong magkukunwari siyang asawa nito?

Weeeew! Naninindig talaga ang balahibo niya 'pag naiisip ang kasunduan nila at agad nanggigigil sa inis.

"Try reading this," usal nito pagkuwa'y hinalikan siya sa ilalim ng tenga saka ibinigay sa kanya ang aklat.

Napapitlag siya sa ginawa nito ngunit hindi nakapalag, at buti na lang nakatalikod siya sa lalaki, kundi mahahalata nitong namumula ang kanyang pisngi ng mga sandaling 'yon. Bakit ba gano'n na lang siya kaapektado sa ginagawa nito na tila sinasadya siyang tudyuin?

"Set Phasers on Stun," kunwari'y binasa niya ang title niyon upang maiwaksi sa isip ang biglang pagkabog ng dibdib.

"Gusto ko 'yong pambata," pasimple niyang sambit.

"Why, may kapatid ka bang gustong mag engineer?" curious nitong tanong habang nakapatong ang baba sa kanyang balikat.

Lumunok muna siya bago nagsalita. "Yes."

Bakit ba kay bango ng hininga ng lalaking ito?

"Go over there," utos nito at heto siya, walang magawa kundi ang sumunod habang 'di nito inilalayo ang katawan sa kanya.

"Here," anito sabay pigil sa katawan niyang gusto pang humakbang pasulong at itinuro ang isang libro.

"Getting started with engineering?"

"Yup. Maganda 'yan for kids," rekomenda nito.

"Ahh."

Kinuha niya mula sa shelf ang libro at binasa na uli ang title. Magustuhan kaya ito ng anak? Pa'no kung hindi pala ito ang gustong ipabili sa kanya?

"When I was eight, 'yan ang unang librong ipinabasa sakin ng matanda about engineering," kwento nito.

"Ah." Tango siya uli.

So magugustuhan na rin 'to ng batang 'yon? Okay, go. Ito na lang ng bibilhin niya.

"Dixal, bayaran mo," biglang kumawala sa kanyang bibig dahilan upang mapanganga siya pagkatapos at gulat na napaharap sa lalaking tila pa na-amaze sa narinig at ang lagkit ng mga matang tumitig sa kanya.

Ilang beses siyang kumurap-kurap nang nakakunot ang noo. Bakit gano'n ang nasabi niya na parang natural na sa kanyang tawagin ito sa pangalan?

"Yes, sweetie," nakangisi nitong tugon saka siya hinalikan sa noo. doon lang siya binitawan at kinuha sa kamay niya ang dalawang aklat saka nagpunta sa counter para magbayad.

Naiwan siyang nag-iisip kung bakit bigla na lang lumabas 'yon sa kanyang bibig, subalit nang makabawi'y sumunod na rin siya rito.

下一章