webnovel

MEETING THE GREEN EYES MAN

"Ba't ka magre-resign?" expected na niyang itatanong ng manager nang umagang 'yon.

"Sensya na po ma'am, pero 'di na po kasi sapat ang kinikita ko rito para sa pamilya ko." which is true naman. Ayaw niyang magsinungaling.

Kahit na kagagawan ni Devon ang nangyari, 'di rin naman niya maitatangging beneficial sa kanya ang bagong papasukan kasi malaki magiging sahod niya. Mas maganda 'yon para mapaghandaan nila ang pagka-college ni Maureen sa sunod taon.

Muling binasa ng manager ang kanyang resignation letter at napabuntunghiningang inilapag 'yon sa mesa.

"Okay, just pack up your belongings at pwede ka nang umalis."

'Yon lang? Hindi siya pinagalitan, hindi sinabon? Basta iligpit lang ang mga gamit niya at pwede na siyang umalis? Parang nakakapanibago ata ang manager niya ngayon ah. Dati eh puro sigaw ang naririnig niya rito sa isang pagkakamali niya lang. Pero ngayon, umurong ata ang dila nito.

Nagtataka ma'y sumunod na lang siya. Kinuha niya lang ang mahahalagang bagay sa mga natira niyang gamit sa kanyang mesa at inilagay sa dala niyang backpack. 'Yung iba'y itinapon niya saka umalis sa lugar na 'yon.

Nasa lobby na siya ng building ng FOL BUILDERS INC. nang tumawag si Elaine.

"'Asan ka na, Flor. Andito kami sa third floor, sa research department. Punta ka na rito," anang kaibigan.

"Okay sige. Antayin mo na lang ako d'yan." sagot niya.

Hinanap niya ang elevator ng building at 'yon ang ginamit papuntang third floor. Sunod niyang hinanap ang sinasabi nitong research department ngunit napahinto agad nang makita kung sino ang makakasalubong niya.

OMG! Andito na naman 'yong nagpakilalang ex niya raw! Hindi ba talaga siya nito tatantanan? Pero bakit naka-office attire 'to? Could it be na dito rin ito nagtatrabaho?

Agad gumana ang kanyang isip at mabilis na pumihit patalikod nang mapansing papunta ito at ang nakasunod nitong mga kasama sa kinaroroonan niya saka patakbong lumayo habang kung anu-ano ang pumapasok sa isip. Hindi kaya ito ang ama ni Devon at naghiwalay sila no'ng malaman niyang may iba pala itong babae kaya siya nagka-psychological trauma at mali ang hula niyang ginahasa siya? Pa'no kung balak lang nitong alamin kung nagkaanak sila at pag nalamang may Devon siya'y bigla na lang nitong kunin ang bata sa kanya? Hindi siya makakapayag na mawala sa kanya ang anak. Siya lang ang pwedeng magmay-ari sa bata, wala nang iba. Kaya ngayon pa lang, dapat na niyang layuan ang lalaking 'yon bago pa nito malamang may anak sila kung tama nga ang hula niyang ito nga ang ama ng bata.

Wala siya sa sarili habang tumatakbo at nang makita ang pasilyo pakaliwa ay bigla siyang pumihit papunta ro'n ngunit pagkamalas niya ata ng mga sandaling 'yun at 'di sinasadyang madulas ang kanyang isang paa. Mabuti na lang may matigas na bagay siyang nahila at nakapitan at may agad na pumulupot sa kanyang baywang at likod, kung hindi, baka tuluyan na siyang bumagsak sa tiles na sahig at mauntog ang kanyang ulo. Salamat sa nakapitan niya.

Mabilis siyang nakabawi at inalam kung anong matigas na bagay ang nahawakan niya subalit anong gulat niya nang mapagtantong nakakapit ang kanyang kamay sa isang leeg ng taong--- ang laki ng buka ng kanyang bibig nang masino ang lalaking 'yon.

"Ikaw na naman?" Bulalas niya.

Hindi ba't ito nga ang nilalayuan niya kanina? Bakit ngayo'y sa leeg pa siya nito nakakapit?

Pero wait! Kumurap-kurap siya. No, hindi ito ang lalaking 'yon. Unang titig pa lang sa lalaki noon, napansin na niya ang mga mata nitong dark brown. Pero ang lalaki sa harapan na halos magdikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang lapit sa isa't isa'y kulay berde ang mga matang matiim kung makatitig, bumabaon sa kaloob-looban ng kanyang pagkatao, nag-iiwan ng isang bitak duon dahilan upang sumakit ang kanyang dibdib ngunit bago pa niya tuluyang mapansin ang hapdi ng dibdib ay sakit muna ng balakang at likod ang agad niyang naramdaman ng bitawan siya nito at tuluyang bumagsak sa sahig.

"Ayyyyy!" sigaw niya sa pagkabigla.

Gigil siyang bumangon at tumayo sa kabila ng iniindang sakit ng balakang at likuran saka dinuro ang lalaking naging dahilan ng kanyang pagbagsak.

"Sira ulo kang lalaki ka! Ba't mo ako binitawan? Kala mo kung sino kang gwapo. Nakita mo na ngang babagsak na ako sa sahig, 'di mo man lang ako itinayo! Napaka-ungentleman mong walanghiya ka! Seguro wala kang girlfriend kaya 'di mo alam pano mag-care ng babae? Asungot na to, sakit ng likod ko sa pagkakabagsak. Madapa ka rin sanang sira-ulo ka nang maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon!" walang preno ang bibig na hiyaw niya sabay duro sa mukha nito.

Ngunit ang gagong lalaking 'yon, 'di man lang nagsalita, nanatili lang nakatitig sa kanya nang mariin.

"Flor!"

Napalingon siya sa tumawag.

My gosh tama nga ang hula niya, magkamukha nga ang dalawa, parang pinagbiak na bunga. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. Magkakambal ba ang dalawa?

"Flor, are you alright?" anang lumapit na lalaking nagpakilala noong ex niya.

"Sino ba'ng hinayupak na 'yan at ang sama ng ugali? Sukat ba namang bitawan ako sa pagkakahawak, 'di na lang ako itinayo," sumbong niya rito sabay matalim na sumulyap sa pinanggigilang lalaki ngunit nakaramdam siya ng takot nang makita ang galit sa mga mata nito sabay alis.

Noon niya lang napansin ang mga taong nakasunod sa lalaki, lahat ng mga ito'y nagpaka-office attire.

Ngunit nakapagtatakang wala man lang isa sa mga 'yon ang nagalit sa walanghiyang lalaking at ipagtanggol siya.

Gigil na hinipo niya ang nasaktang balakang at ang likod niyang sa backpack bumagsak, buti na lang 'di siya natusok sa gunting na nakalagay sa loob no'n.

"Next time, don't bump into him, okay. Beware of that man," anang naiwang kamukha nito.

Inirapan niya lang ito't 'di sumagot.

"Saan ka pala papunta?" usisa nito.

"Sa research department," sagot niyang 'di mawala ang inis na nararamdaman.

"Dadaan kami do'n. Come, ihatid kita." presenta nito saka hinawakan ang kanyang kamay at ipinulupot sa braso nito.

Wala siyang magawa kundi magpatianod. Segurado na siyang sa lugar na 'yun nga nagtatrabaho ang lalaki. Kung hindi, bakit alam nito ang pasikot-sikot do'n? Kung alam lang niyang 'di rin naman pala siya makakatakas rito, 'di na sana siya tumakbo palayo kanina. 'Di na sana siya nadulas at napakapit sa leeg ng walanghiyang kamukha nito at 'di sana binitawan ng lalaking 'yun.

Grrrr, walanghiya 'yun. Porke gwapo, gano'n na lang kung magpahiya ng kapwa. Kababae niyang tao, gano'n ang ginawa sa kanya.

"Flor!"

Nakita niya si Elaine na papalapit sa kanya kasama ang nag-interview sa kanila kahapon.

"Good morning po sir," Nang makalapit ay agad yumukod ang kasama ni Elaine sa ex niya bilang paggalang.

Maang na napatitig siya dito.

"Sir?!" bulalas niya.

"Executive director lang naman ang kasama mo," may pagmamalaking sambit nitong ang lapad ng pagkakangiti habang nakatingin sa kanya.

Napahinto siya't gulat na napatitig sa kasama.

Ibig sabihin, hindi siya basta nakapasok lang sa kompanyang 'yun? Ginamit ng lalaki ang posisyon para makapasok siya?

"Miss Salvador, come with us," anang nag-interview sa kanila saka nagsimula nang maglakad patungo sa research department.

Siya nama'y hinila na ni Elaine at sumunod sa naunang babae. Marami pa sana siyang itatanong sa lalaki pero saka na lang 'pag lumapit uli ito sa kanya. Ang akala pa naman niya'y deserving siya sa trabahong 'yon. Ito pala ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa kompanya.

NAKAUPO ang lahat ng mga personnel sa isang mahabang mesa sa loob ng department at tahimik na naghihintay nang pumasok silang tatlo sa loob.

"Sit down," anang nag-interview sa kanila na manager pala sa team.

Naupo nga sila sa dalawang magkatabing upuan na tila sinadyang bakantihin. Natuon ang pansin ng lahat sa kanila nang ipakilala sila ng manager.

"Miss Salvador, after this orientation, you'll have to come with me and Mr. Baculo to the next room for annual meeting since na kayo ang ia-assign ko sa field to conduct interviews sa mga kleyente natin," pasimula nito.

Napangiwi siya. Field agad? 'Di ba pwedeng sa loob muna ng room na 'to siya mag-training? Tsaka sabak siya agad sa annual meeting? 'Di ba pwedeng next time na lang 'pag kabisado na niya ang work? Gusto niyang magreklamo ngunit nawalan siya ng lakas ng loob para gawin 'yon, not this time.

Andami nitong sinabi sa harapan nila ngunit wala siyang maunawaan kahit isa sa mga 'yun hanggang sa sinabi nitong--

"Okay, start working. If you can finish the job within the specific time, do it."

Nagsitayuan ang mga naroon kasama na si Elaine. Tatayo na rin sana siya nang muling magsalita ang manager.

"Miss Salvador I have some important matters to discuss with you."

"Ah, okay po ma'am," mahina niyang sagot saka sinulyapan si Elaine na sumenyas na aalis na. Tumango lang siya.

"Miss Salvador, don't misinterpret things. Tinanggap kita sa work not because of the executive director Dix Amorillo, but because I believe in your ability to do the job and your honesty. Even the chairman has nothing to do with my decision. It doesn't matter if you have no experience in this field of work as long as you're willing to learn," mahaba nitong paliwanag as if nahulaan nito ang nasa isip niya kanina.

Tumango lang siya bilang tugon habang nanatiling nakaupo paharap sa kausap.

"There is only one thing that I wanted to make it clear to you. Never approach the chairman unless you are told to do so. At 'wag na 'wag mo siyang sisigawan sa harap ng maraming tao that would degrade him as the founder of this company," madiin ang pagkakasabi nito sa huling mga salita.

Umarko agad ang kanyang kilay. As if naman kilala niya ang sinasabi nito eh 'di pa naman niya nae-encounter 'yon tsaka ni 'di pa nga niya nakikita.

"In using elevators, never use the one with a sign 'For VIPs' only'. Para sa mga VIP lang 'yun. And there are two women that you can never argue with, the chairman's fiancee and the Finance director. Makikilala mo rin sila pagdating ng araw."

Lalo lang umarko ang kanyang kilay. Gano'n ba talaga ang orientation sa kompanyang 'to? O siya lang ang pinagsasabihan nito ng gano'n? But why?

"By the way, the man with you before is the executive director of the company. And the chairman is also the president and the CEO here, so beware of him. The next time na maririnig kitang nagmumura ka sa harap niya, I will terminate you immediately, did you get it?"

"Yes po ma'am," maagap niyang sagot kahit na walang maunawaan sa sinasabi nito.

"I just found you so impulsive and quick-tempered kaya sana sundin mo ang mga sinabi ko," anito saka tumalikod na sa kanya sabay labas ng department.

Siya nama'y naguguluhang sumunod rito. Ano raw 'yon, impulsive siya at quick-tempered? Pa'no nito nalaman? By just looking at her? Hindi naman ata ito manghuhula. Tila lutang siyang sumunod dito at sa naghihintay na lalaki sa labas, sabay silang pumasok sa loob ng conference room, sa isip ay paulit-ulit na tinatanong bakit nito nalamang quick-tempered siya unless na lang nakita nito pa'no niya pagalitan ang walanghiyang lalaking 'yun sa lobby kanina.

Nagulat siya nang kalabitin siya ng babae at senyasan siyang umupo.

Pasimple siyang umupo sa kaharap na silya saka pinasadahan ng tingin ang paligid.

To her surprise, halos lahat ata ng mga naroon ay sa kanya nakatingin at salubong ang mga kilay na nakatitig sa kanya. Why?

At nang mapadako ang tingin niya sa harap ng board ay muntik na siyang mapatayo nang makita ang lalaking nakaupo sa chairman's seat at matiim na nakatingin sa kanya.

Of all people na nakita niya ngayong araw, bakit ito pa ang nakaupo do'n?

"Don't even stare at him," pabulong na saway ng katabi sa kanya.

Napayuko siya agad sabay ganting bulong dito.

"Sino po ba 'yong nasa unahan ma'am?"

"The chairman," tipid nitong tanong.

Gulantang siyang napanganga't napatitig sa lalaki ngunit agad ding nakabawi at mabilis na iniyuko ang ulo saka pasimpleng itinago ang mukha sa likod ng katabing manager.

Nakupo. Kaya pala ipinagdidiinan nitong bawal niyang ipahiya ang chairman, eh mismong may-ari pala ng kompanya ang sinigaw-sigawan niya kanina. Napangiwi siya. 'Di pa man siya nagsisimula sa trabaho, mati-terminate na agad siya panegurado. Kaya pala ang sama ng tingin ng mga naroon sa pagmumukha niya, chairman pala ang nakabangga niya kanina at walang prenong sinigaw-sigawan. Bakit 'di man lang 'yon nabanggit ng kamukha nito?

Mula sa likuran ng katabi ay palihim niyang sinulyapan ang lalaking 'yun na noo'y nakatuon na ang pansin sa iniabot ng tumayong babae at nag-present sa harap ng board.

"She is the finance director, the one that I've mentioned before," mahinang bulong sa kanya.

Tumango lang siya at pasimpleng pinagmasdan ang sinasabi nitong finance director. Bakit pakiramdam niya, nakita na niya ang babaeng 'yon?

Inayos niya ang upo at dinampot ang inilapag sa harapan na folder saka binuklat 'yon, kunwaring nagbabasa ngunit pasimple na namang sinulyapan ang lalaki sa unahan . Seguradong kilala na siya nito, baka mamaya ipahiya din siya't sigaw-sigawan katulad ng ginawa niya kanina. Wala na, ngayon pa lang kailangan na seguro niyang maghanap na uli ng trabaho't seguradong ipapatanggal siya nito sa work.

"So, why do you think tumaas ang profit natin by 50% ngayong taon? Don't tell me it's simply because of the name FLOWER OF LOVE BUILDERS INCORPORATION?" narinig niyang tanong ng lalaking nagpakilalang ex niyang nakaupo sa hanay nila malapit sa chairman.

"Kambal po ba sila?" paanas niyang bulong sa katabi.

"Oo," tipid nitong sagot.

Ah, kaya pala halos pinagbiak na bunga ang mga ito, parehas ng tindig, same ang style ng damit, pero palaging seryoso ang mukha ng may-ari, ang isa nama'y mabilis ngumiti. And those green eyes of that man, bakit parang pamilyar sa kanya ang mga matang 'yon na tila kilalang kilala niya ito? Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang mahuli siyang nakatingin sa dako nito.

Agad niyang tinakpan ng folder ang mukha.

"Maybe, our research department manager could answer the executive director's question," anang finance director.

Bumaling siya sa katabi nang makita itong tumayo.

"You might find it unbelievable and absurd but based on the survey that we've conducted, it's simply because of the unique name of our company, FLOWER OF LOVE BUILDERS INCORPORATION," confident na sagot nito.

Nagbulungan ang mga naruon.

Mataman lang siyang nakikinig at unti-unting inia-absorb sa isip ang topic ng meeting na 'yon.

"So why would others file for a petition na palitan ang pangalan ng kompanya kung mismong sa pangalan pa lang ay kumikita at sumisikat tayo?" Wika ng isang may katandaan nang lalaki sa tapat nila.

"One of the shareholders," bulong na uli ng katabi nang makaupo ito.

Tumango na uli siya at palihim na muling sinulyapan ang lalaking may berdeng kulay ng mga mata. Mataman lang din itong nakikinig sa mga nagsasalita.

Inilapag niya ang hawak na folder saka seryosong nakinig sa usapan.

Muling nagbulungan ang mga naruon lalo na sa gawi ng mga shareholders.

"This company is a corporation and not only the chairman's company. Why would we allow him to name this in honor of his disloyal ex-wife?" anang isang matanda na sa tingin niya ay pinaka-dignified sa mga shareholders.

"Siya ang ama ng fiancee ng chairman, isa rin sa mga shareholders dito," pakilala na uli ng katabi.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang pabagsak na inilapag ng may-ari ang hawak na folder.

Agad na tumayo ang isang lalaki sa hanay ng mga shareholders.

"We started the business with that sole name even before your existence in here!" mariin nitong sabi. "And don't forget that you signed the contract mentioning na mismong si chairman lang ang may karapatang magbigay ng pangalan ng kompanya. And remember, he has 70% of shares in this company. If he just wanted to, he can kick you all out of here!" lalong tumigas ang boses nito.

Natahimik ang lahat.

Tigagal na napatingin siya sa lalaking nagsalita. Ang lakas naman ng loob nitong magsalita ng gano'n sa harap ng mga naruon.

"He is the vice-chairman," anang katabi.

Muli siyang tumango. No wonder gano'n ito magsalita.

Nagtama ang kanilang mga mata ng vice-chairman na 'yun at nakapagtatakang kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya sabay tumalim ang tingin. Napayuko tuloy siya, baka mamaya siya naman ang pagdiskitahan nito.

"Hey you over there! Why don't you voice out your opinion?"

Siniko siya ng katabi.

"Ha?"

"Tinatanong ka. Sumagot ka."

"Ha?" bulalas niya.

下一章