webnovel

THE DEAL

"Give me your virginity and we're done."

Ang marahan lang na pagkagat sa labi'y biglang napadiin nang marinig ang kondisyon ng binata.

Napapikit siya sa takot kasabay ng pagtulo ng masaganang dugo sa ibaba niyang labi.

Sa lahat ng narinig niya ngayong araw, iyon ng pinakanakakasindak para sa kanya.

Kung kaya lang niyang magalit nang mga sandaling 'yon, baka sinampal na niya ang binata dahil sa sinabi nito.

Ano'ng nagyari't tila bigla itong nagbago? Kung 'di nangyari sa kanilang pamilya ang gan'to, hihingi ba ito ng kondisyon sa tulong na binigay nito?

"Just sex, honey. No strings attached and we're even," anas nito sa kanyang tenga.

Gusto niyang humagulhol nang mga sandaling 'yo pero 'di niya magawa. Pati paraan ng patawag nito sa kanya, bigla nitong iniba. Gustong magrebelde ng kanyang utak pero bakit tila takot ang kanyang puso?

Subalit kailangan niyang magpakatatag. Hindi kailangang manaig sa kanya ang takot.

Hindi. Hindi ito ang Dixal na nakilala niya. Nangako ito noon na hangga't 'di sila nakakasal, 'di siya nito gagalawin. Pero ngayon, malakas ang loob nitong sabihin sex lang, wala nang iba.

"'P-pag ba pumayag ako sa gusto mo, babayaran mo lahat ng gastos sa ospital hanggang magising si mama at gagawan mo ng paraan para--para 'di kunin ng DSWD ang mga kapatid ko?" Hirap na hirap siyang magsalita. Ni 'di nga niya alam kung narinig 'yon nito.

"Deal!" maagap nitong sagot.

Pumiglas siya agad nang maramdamang hahalikan nito ang kanyang leeg.

"A-ayusin mo muna ang gastos dito at sa mga kapatid ko. N-next week, ibibigay ko ang gusto mo," lakas-loob niyang tugon saka nagdilat ng mata at tinitigan ang mukha ng ina.

"Cool!"

"Here, take this phone. And'yan ang number ko. Tawagan mo ako 'pag handa ka nang ibigay sakin ang gusto ko. But make sure tutupad ka sa usapan," anito habang iniaabot sa kanya ang phone.

Hindi niya 'yon kinuha kaya napilitan itong ilapag 'yon sa paanan ng kanyang ina saka ito lumabas ng kwarto.

Do'n lang niya napakawalan ang malakas na iyak. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat. Ang akala niya'y nirerespeto siya ni Dixal. Ang akala niya'y mahal siya ng binata. Mali pala siya. Virginity niya lang pala ang habol nito sa kanya.

Tila sumusukong niyakap niya ang ina at sa dibdib nito humagulhol ng iyak.

Nasa gano'n siyang kalagayan nang pumasok ang kapatid at si Mamay Elsa maging ang doktor na nag-aasikaso sa ina.

Agad niyang inayos ang sarili. Sa ganitong pagkakataon, higit niyang kailangan ang lakas ng loob para lumaban. Kung ipapakita niya sa matanda at sa kapatid na pinanghihinaan siya ng loob at gusto nang sumuko, lalong mababahala ang mga ito.

Pinahid niya ang luha sa mga mata at pinunasan ng kumot ang dumugong labi saka humarap sa doktor.

"Hindi po ako papayag sa sinasabi niyong Euthanasia. M-magbabayad po ako kahit magkano pa ang gastos namin sa ospital basta 'wag niyo pong pababayaan si mama at gawin niyo ang lahat para magising siya," saad niya rito.

Tumango ang doktor.

"Nakipag-usap na si Mr Amorillo sa'kin about d'yan. 'Wag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin," pangako nito.

Nang makalabas ng kwarto ang doktor ay saka naman niya kinausap ang dalawa.

"Mamay, ako muna ang magbabantay kay mama. Uwi po muna kayo."

"Pero Flor, baka mabinat ka. Hindi ka pa magaling."

"Okay na po ako. Mas mapapanatag ako kung kayo po ang magbabantay sa mga kapatid ko. May---may cellphone na po ako. Pakisulat na lang po ng number niyo sa papel at tatawag na lang ako 'pag kailangan ko kayo."

Wala itong nagawa kundi sumunod na lang.

"Umuwi ka na rin Harold. Bantayan mo mga kapatid natin. Kahit sino magpunta do'n, wag mo sila ibibigay kahit kanino." bilin niya sa kapatid.

Hindi ito sumagot. Ni hindi tuminag man lang.

"Harold."

"May binigay na pera si Dixal sa'kin. Bili muna akong makakain natin. Mamay, maya ka na umuwi. Bili muna akong pagkain para makakain tayo," sa halip na sumunod ay wika nito.

Natahimik na lang siya at 'di na nagsalita.

----------

SINUNOD nga ni Dixal ang pangako nito. Hindi na nagpilit ang taga DSWD na pakialaman ang kanyang mga kapatid. Maganda rin ang ginawang pag-aasikaso ng mga doktor sa mama niya at kahit siya'y may mga check-up ding ipinagawa para masegurong tuluyang nawala sa katawan ang sinasabi ng mga itong propofol na nai-inject sa kanya.

Araw-araw itong tumatawag para alamin ang lagay nila ngunit si Harold ang lagi nang kumakausap dito dahil alam naman nitong gumamit ng cellphone. Kung paano nitong nalaman ay 'di niya alam.

"Harold, pa'no ba tumawag d'yan?" usisa niya sa kapatid pagkalipas ng isang linggo.

Tumabi ito sa kanyang umupo sa gilid ng kama. Siya nama'y sandaling binitawan ang palad ng ina saka tumingin sa phone.

Araw-araw niya kasing hinihilot ang buong katawan ng kanyang mama para paggising nito'y hindi ito mahirapang bumangon at mabilis na dumaloy ang dugo sa buong katawan nito.

"'Te happy birthday pala," sambit ni Harold saka siya inakbayan.

Nangiti siya sa sinabi ng kapatid.

Birthday niya pala ngayon. Kay bilis nagdaan ang mga araw.

"Sige na, ituro mo na sakin," an'ya.

Nagsimula itong mag-demonstrate. Mataman lang siyang nakinig at isinaulo lahat ng mga sinabi nito.

"Bili ka munang tanghalian natin, nagugutom na ako eh," utos niya rito.

Si Dixal din ang nagbibigay sa kanila ng pera pero si Harold ang kumukuha.

"Sige, o ito pag-aralan mo muna. Kalikutin mo para matuto ka," anito sabay abot sa kanya ng phone.

Nang maseguro niyang nakalabas na ito ng kwarto'y saka niya tinitigang mabuti ang phone.

Nakapagdesisyon na siya. Ibibigay na niya ang hinihinging kapalit ni Dixal sa tulong na ginagawa nito sa kanila.

Nanginginig ang mga kamay na pinindot niya ang contacts. dalawang number lang ang nakalagay do'n. Number ni Mamay Elsa at 'yong Dix. Dix pala ang palayaw nito.

Atubiling pinindot niya ang pangalan nito saka inilagay sa tenga ang phone.

The moment she dialed the phone, Dixal was at the kitchen. Kadarating lang nito mula sa Germany para ayusin ang problema ng pamilya nito.

Nakita nito ang cellphone ng kapatid sa ibabaw ng water dispenser. Tumingin ito sa paligid pero wala do'n si Dix.

Pasimple nitong kinuha ang phone.

"Amor?"

Nagulat pa si Flora Amor sa tila gulat nitong boses. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Ang alam niya'y araw-araw nitong hinihintay ang kanyang tawag. Pero bakit ngayo'y halata sa tinig nito ang pagkagulat?

"H-handa na akong tuparin ang pinag-usapan natin," napalunok muna siya bago nagsalita.

"What?! Where are you?"

"Sa--sogo na lang tayo magkita. Pupunta na ako do'n ngayon." Hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa isip niya't doon niya gustong magpunta. Basta ang alam niya'y isa iyong hotel sa bayan.

Pagkasabi'y pinindot na niya ang end call at nanginginig na inihagis ang phone sa ibabaw ng bed ng ina.

Maliligo siya, at aayusin ang sarili. Magsusulat na lang siya ng note para sa kapatid para hindi ito umalis hangga't wala siya.

Pero pagkatapos niyang maligo'y nasa loob na ng kwarto si Harold.

"Aalis ka ba ate?" usisa nito nang mapansing naka-fitted jeans siya at fitted ding blouse.

"Ah oo," pakaswal niyang sagot.

"Pakialis muna ng mga gamit sa backpack ko't dadalhin ko 'yon," utos niya.

"'Wag!" maagap nitong sagot.

Takang bumaling siya rito.

"Bakit?"

"H-hindi ko mahanap 'yong GPS tracker na ipinalagay ni Diaz sa bag mo," paliwanag nitong iwas ang tingin sa kanya.

"Ano?! Anong GPS tracker?" kunut-noong baling niya rito saka mabilis ang mga hakbang na kinuha ang bag sa loob ng kabinet sa tabi ng bed ng ina.

"Ano ba'ng itsura no'n?" inis niyang usisa sa kapatid.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, may GPS tracker na ikinabit sa bag mo para lagi kang masusubaybayan ng mga tauhan ni Diaz."

Nagpantig ang tenga niya sa narinig. Kaya pala nagagalit si Anton 'pag 'di niya dala ang kanyang bag? 'yon pala ang dahilan. Ibig sabihin pinasusundan nga siya ng ama nito kahit saan siya magpunta? Alam din ba 'yon ni Dixal kaya panay lingon ang binata sa likuran 'pag nagmamaneho ito?

"Itapon mo ang bag na 'yan! Ilagay mo sa basurahan!" pagalit niyang utos.

"Mamaya na."

"Saan ka ba pupunta?" usisa nito pagkuwan.

Noon niya naalala kung bakit siya nakabihis at hinahanap ang kanyang backpack.

"May kakausapin lang akong kaibigan. Baka bukas pa ako makauwi. 'Pag 'di ako dumating mamayang gabi, papuntahin mo na si Mamay Elsa rito," bilin niya.

"Basta ingat ka ha?"

Napalunok siya bago tumango.

下一章