Parang nakalutang sa alapaap si Flora Amor habang naglalakad papasok sa unang subject nila sa umagang yun. Ni hindi niya napansin ang mga dinadaanang estudyante na halos lahat ay nakatunganga sa kani-kanilang smart phones. Sinulyapan niya ang ginagawang building. Hindi pa siya tinatawag ni Dixal. Wala pa seguro ito do'n.
Pagpasok niya sa silid ay wala pa rin si Anton.
Himala yata wala ang kaibigan ngayon. At si Mariel ay busy kakatingin sa phone nito.
Tahimik siyang umupo at inilagay ang bag sa ilalim ng upuan.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Gusto niyang marinig uli ang paanas na sambit ng boyfriend sa pangalan niya. 'Pag naririnig niya ang boses na 'yon, naninindig agad ang kanyang balahibo at naaalala ang first kiss niya. Sana, 'yon din ang unang halik ng nobyo.
Wala sa sariling napahagikhik siya.
"Oy, Beshie. Dito ka na pala." Saka lang siya napansin ng kaibigan.
"Ano ba'ng merun sa phone mo, kanina ka pa nakatunganga d'yan?"
Agad itong lumipat ng upo sa tabi niya.
"Tignan mo Beshie. Viral sina Phoebe ngayon."
"Ha?"
"Anong viral?" takang tanong niya.
Ipinakita nito ang video ng nangyari kagabi, kung paano ini-bully si Megan ng barkada ni Phoebe. Namimilog ang mga mata niya sa gulat, pero sa isip ay nagtatanong.
'Bakit hindi ako nakita?'
Ang ipinakita lang ay kung pa'no binugbog si Megan.
"Teka, sino daw ang nagvideo sa kanila?" curious niyang usisa.
"Walang nakakaalam saan nanggaling 'yung video. Pero Beshie, binigyan ng 1 month suspension ng university si Phoebe kahit anak pa siya ng Dean. Tsaka 'yong mga barkada niya, inilipat sa kabilang section saka tatlong buwang suspendido sa klase," pagbabalita nito.
Kunut-noo siyang napatingin sa chalkboard. Sino ang gumawa no'n? Ang pagkakaalam niya, liban sa kanya ay 'yong dalawang estudyante lang ang ando'n kagabi. Ni walang nagdadaang iba sa kinaroroonan nila.
"Si Megan daw Beshie, 'asan na? Kumusta na daw ba?" usisa niya pagkuwan.
"Dinala sa ospital para mapabilis lalo ang paggaling niya. 'Yong eskwelahan daw ang magbabayad ng gastos niya sa ospital."
"Ahhh," aniya habang paulit-ulit na tinatanong sa isip kung sino ang nag-video sa kanila kagabi. Seguradong ginawa iyon habang naglalakad siya palapit sa mga ito kasi pinutol nang sabay-sabay ang magkakaibigang tumingin sa isang dako. Iyon 'yung sandaling nakita siya ng mga 'to.
Pero sino gagawa no'n?
Nasa gano'n siyang pag-iisip nang pumasok si Anton at agad na hinawakan ang kanyang kamay saka siya hinila palabas ng silid-aralan at isinandal sa pader.
Hindi siya nakaimik sa sobrang gulat.
"Who are you dating with?" galit nitong tanong.
"Ha?"
Blangko ang mukhang tumitig siya rito.
Anong date ba ang sinasabi nito? Tsaka ba't galit na galit ito sa kanya?
"And how many times have I told you to stay away from danger? Alam mo bang 'di ako nakatulog sa kakaisip kung anong nangyari sa'yo kagabi?" sa pagitan ng sigaw nito ay naro'n ang matinding pag-aalala sa tinig.
Hindi niya alam ang isasagot, ni hindi nagsisink-in ang mga sinabi nito sa kanya.
Matagal bago siya natauhan at nang tuluyang maunawaan ang mga sinasabi nito ay napamulagat siya.
"Sinundan mo ako kagabi?!" bulalas niya.
Tumingin muna siya sa paligid bago muling nagsalita.
"Ikaw ang nag-video kina Phoebe at ikinalat mo sa facebook?" di-makapaniwalang sambit niya, naroon ang kumpirmasyon sa kanyang tono.
"Well, it wasn't me!" pasinghal pa rin nitong sagot saka siya tinitigan.
"Look, Flor. It's fine with me if you don't have any concern of my existence. But you dating with a damn stranger, I can't take that anymore!" halos maluha ito sa sobrang galit.
"Ha?" Nablangko na uli ang utak niya.
Ano ba'ng pinagsasasabi nito? Nagagalit ba ito dahil nakita nitong muntik na siyang mapahamak kagabi, o dahil nakita nitong---
Napaawang ang kanyang labi. Ayaw niyang maniwala sa biglang pumasok sa kanyang isip.
"Sinusundan mo ako?" Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Natahimik ito.
"Kelan mo pa ako sinusundan?"
Namutla ang binata.
"Ano'ng karapatan mong alamin ang bawat galaw ko? 'Wag mong sabihing hanggang sa labas ng bahay namin sinusundan mo pa rin ako?" madidiin ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Sinusundan siya ng kaibigan. Inaalam ang bawat galaw niya sa labas ng bahay nila.
Bakit?
Biglang umamo ang mukha ng lalaki, saka siya hinawakan sa magkabilang balikat.
"Look, Flor. It's not what---" simula nitong magpaliwanag.
"Take your hands off me!" sigaw niya sabay tulak dito palayo.
"Flor, listen to me. I'm just damn concern of you, because you know nothing about this cruel world. Ayukong mapahamak ka. You're my bestfriend." Marahan na itong magsalita, gustong ipaunawa sa kanya ang lahat.
Hindi niya alam kung ano'ng nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Gusto niyang sampalin ang binata. Gusto niyang paulit-ulit na hampasin ng bag ang katawan nito. Marami siyang gustong gawin para maramdaman nito ang kanyang galit.
Pero mas pinili niyang umiwas na lang at pumasok na uli sa loob ng silid-aralan.
"Beshie, what's wrong?" sa labas ng pinto ay usisa ni Mariel. Napalabas ito ng silid no'ng marinig ang sigaw niya.
Pabagsak siyang umupo sa upuan saka humalukipkip.
Ano pa ang mga bagay na hindi niya alam na pinaggagawa ni Anton? Totoo ba'ng may kinalamam siya sa pagkakalipat ni Ellise ng school? Ito ba ang gumawa no'n?
Ipinilig niya ang ulo.
Hindi! Hindi 'yon gagawin ni Anton. Gawa 'yon ng mga magulang ni Megan.
Marahil nga'y concern lang ito sa kaya siya sinundan kagabi o no'ng nakaraang araw.
So, nakita nito si Dixal?
Kunot-noong napatingin siya sa labas kung saan iniwan ang binata.
Nagseselos ba ito? Mabilis siyang umiling. Hindi si Anton ang tipong magseselos na lang basta sa isang tao. Kilala niya ang binata. Wala itong kaaway kahit isa. Mabait itong tao.
Nagseselos dahil may gusto ito sa kanya?
Napailing na uli siya.
Magbestfriend lang sila. Tsaka, wala itong kapatid kaya over protective ito sa kanya dahil itinuturing siya nitong kapatid.
Pero iba ang sinasabi ng kanyang puso. Iba ang gustong lumabas sa kanyang bibig.
Kelan pa siya nito sinusundan? Kelan pa ito nangingialam sa kanyang buhay? Ano'ng kinalaman nito sa pagkakalipat kay Ellise? Pa'no siya maniniwalang hindi nga ito ang nag-video kina Phoebe at naglagay no'n sa Facebook?
"Shiit!" Wala sa sariling sinipa niya ang upuan sa harap. Buti na lang wala iyong tao.
"Amor, where are you sweetie?" Napapitlag siya sa kinauupuan. Ang kanina lang na makulimlim na mukha'y biglang nagliwanag pagkarinig sa boses ng nobyo.
Tumayo siya upang matanaw man lang ito sa malayo, ngunit siya namang pagpasok ni Anton kasunod si Mariel.
Matatalim ang mga titig na bumalik siya sa pagkakaupo. Ayaw niyang malaman ni Anton na ang sinasabi nitong estranghero ay nasa malapit lang sa kanila. Titiisin niya ang pananabik na makita si Dixal.
Sumunod na pumasok ang professor kasama si---
'Yung Dean ng eskwelahan!?' sigaw ng isip niya.
Bigla siyang kinabahan. Nagsumbong kaya si Phoebe tungkol sa nangyari kagabi?
Busy ang mga kaklase kakapanood sa nag-viral na video pero nang magsalita ang kanilang professor ay nagsiayos ito ng mga upo at itinago agad ang mga phone sabay bati sa mga nagsipasok.
Napakapit siya sa braso ni Anton nang mapansing sinusuyod ng tingin ng ina ni Phoebe ang bawat isa sa kanila at nang makita siya'y biglang tumalim ang tingin nito.
Nangatog agad ang kanyang mga tuhod.
Pa'no kung lapitan siya nito at saktan? Maliban sa dalawang kaibigan, wala na siyang kakampi sa eskwelahang 'yon. Pa'no kung maduwag din ang dalawang ipagtanggol siya? Katapusan na seguro ng mundo para sa kanya.
Napayuko siya habang nakahawak sa binata.
Ang bilis ng tibok ng kanyang dibdib, tinitingnan ang mga paa ng ginang kung lalapit ba ito sa kanya.
Naramdaman niyang inakbayan siya ni Anton at pinisil nang bahagya ang kabila niyang braso.
Napapikit siya nang humakbang ang mga paa ng Dean palapit sa kanya.
"Good morning Mrs. Manalastas!"
"Good morning sir!"
"Good morning Mr. Diaz!"
'Ang Papa ni Anton!"
Agad siyang nagmulat ng mga mata upang masino ang mga dumating.
Ang ama nga 'yon ni Anton.
Pero nangunot ang noo niya nang makita ang presidente ng eskwelahan kasama ng ama ng kaibigan.
Bakit biglang nagpuntahan ang mga ito sa room nila?
Inisa-isang tingnan ng ama ni Anton ang buong klase at nang mapadako ang tingin sa kanya'y ngumit ito.
"Please excuse us, Mrs. Manalastas," anang presidente ng university.
"I have some important matters to discuss with Mrs. Domingo," saad nito.
"O, yes. Yes sir. Go ahead please," sagot ng professor nila.
Nakahinga nang maluwang ang dalaga nang magsilabasan ang tatlo.
Simula namang magbulungan ang buong klase.
Nang makabawi sa takot ay kumawala siya sa pagkakahawak sa kaibigan at tinapik ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
Umayos naman ng upo ang katabi.
Hanggang ng mga sandaling iyon, hindi pa rin nawawala ang galit niya dito.
Ano'ng tumatakbo sa utak nito't sinusundan siya?
Pero ang higit niyang ikinapagtataka, bakit biglang nagpunta ang presidente sa klase nila kasama ang ama ng lalaki at itinaong nandito 'yong Dean?
Wala siyang maisip na sagot.
Naaalala niya bigla ang nobyo. Isang beses lang nitong tinawag ang pangalan niya.
Seguro busy na din ito sa trabaho.
Sinadya ng dalagang magpunta sana sa library pagkatapos ng last period nila sa hapon upang makaiwas kay Anton at sa mga tanong ni Mariel tungkol sa nangyari kaninang umaga.
Ngunit sa Pasilyo pa lang ng department nila'y hinarangan na siya ni Mariel, hila-hila ang braso ni Anton na nang mga sandaling 'yon ay salubong pa rin ang mga kilay.
"Beshie bati na kayo please. 'Di ako sanay nang nag-aaway kayo," pagmamakaawa nito sa kanya.
Irap lang ang isinagot niya.
Ano'ng gulat niya nang bumulyahaw ito ng iyak.
Nagtinginan sa kanila ang nagdaraang mga estudyante.
"Hoy, Beshie ano'ng ginagawa mo? Tumahimik ka oi!"" saway niya. Siya ang nahiya sa ginawa ng kaibigan.
"Wah! Magbati na kasi kayo!" Lalo pa nitong nilakasan ang iyak.
"O sige na nga!" nakasimangot na tugon niya nang walang maisip na paraan para mapatahan ang babae.
"Basta sabihin mo d'yan sa beshie mo na wag na ako susundan," aniya.
"Bakla, umuo ka na bakla, please," pakiusap ni Mariel sa binata sa pagitan ng paghikbi.
Nang hindi ito sumagot ay parang bata na uling ngumawa si Mariel.
"Hoy, tumigil ka na ah!" saway niya.
"Sige sabihin mo sa Beshie mo na hindi ako dadalo sa party nila bukas 'pag 'di siya pumayag sa gusto ko," dugtong niya sa kawalan ng ibang sasabihin.
Tatlong hakbang lang ang ginawa ng binata at nasa harap na niya ito.
Mariin siyang hinawakan sa magkabilang braso.
"Flor, trust me! You have to trust me. I'm doing this for your own good," nagmamakaawa ang boses nito.
"Hindi mo na ako susundan," mariin niyang sambit habang titig na titig dito.
Galit na sumuntok ito sa ere, pagkuwa'y nilamukos ng palad ang mukha sa sobrang inis. Maya-maya'y tumitig ito sa kanya, nanunuri, saka napabuntung hininga.
Ilang segundo pa ang lumipas ay tumango na ito pero umiwas ng tingin.
Napangiti siya, para bang biglang naglaho lahat ng hinala niya sa binata.
Napa "Yes!" si Mariel at inayos ang mukha.
"Magbabati naman pala kayo, pinaiyak niyo pa ako," anito.
Hinampas niya ito sa braso.
"Walanghiya ka, Beshie! Nagdrama ka lang pala."
Tumawa ito nang malakas saka inakbayan silang dalawa ni Anton.
"'Wag na kayo mag-away uli ha? Iiyak na talaga ako pag ginawa niyo pa 'yon."
"OA ka kaya, Beshie," napapairap niyang saad.
Humagikhik ito.
Habang naglalakad sila ay tumabi siya kay Anton.
"Beshie, bati na tayo ha? Basta 'wag mo na ako susundan ha?" Humawak siya sa braso nito.
Pigil ang ngiting sumulyap lang ito sa kanya.
"Beshie... wag ka na magtampo ha?" lambing niya.
"Basta no secrets," sagot nito.
Mabilis siyang tumango.
"Sino 'yon?" tanong sa kanya.
Nablangko sandali ang kanyang utak at nang maunawaan kung sino'ng tinutukoy nito'y bumulong siya.
"My first love," Nagblush agad saka yumuko kaya 'di niya nakita ang galit na rumihestro sa mukha ng kaibigan.
"Basta bukas bakla, puntahan niyo ako sa bahay ha para sabay-sabay na tayo pagpunta sa inyo." pag-iiba ng usapan ni Mariel.
Tumango lang si Anton.
Si Flora Amor nama'y nilingon ang ginagawang building. Hindi niya nakita duon ang lalaki. Di rin niya narinig ang boses nito. Umuwi na kaya ito?
"Ano nga palang oras ang party?" tanong ni Mariel.
"Ala sais nang gabi."
"Ok yun Beshie, makakapasok pa tayo bukas." sabad niya.