webnovel

I Hate You, It's A Lie!

作者: Yulie_Shiori
青春言情
連載 · 94.6K 流覽
  • 4 章
    內容
  • 4.8
    30 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Eclair compromised with her four best friends that they will make her heart skip a beat for 2 years and make her fall in love to one of them, pero kung hindi nila magagawa ang napagkasunduan, it'll be over. Isama mo pa itong si Blue Go na hindi talaga titigil hangga't hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Eclair. How will she handle the pressure that they are giving to her if in the first place, the grudge that she held against her father is not yet solve? There is only happiness in life, to love and be loved. But Eclair always knew that she has no special feelings towards to each of them... YET. She CAN'T love and doesn't know the real definition of the word 'In love'. The answer that she is seeking is depends on how her heart will allow to control it. Only FATE will cross the red string to decide whether if that person will be the right one to her. Ngunit paano nga ba malalaman ni Eclair kung sino ang para sa kanya?

標籤
2 標籤
Chapter 1Choice

Chapter 1: Choice

Eclair's Point of View

Pa'no ko masasabi kung talagang mahal ko ang isang tao? If my heart skipping a beat? Paano kung sadyang nagpa-palpitate lang ang puso ko kakainum ng kape? Love pa rin ba tawag ko ro'n?

Eh, paano kung ang nararamdaman ko sa tao ay isang infatuation lamang-- Hehh. It's impossible. 'Di ko na nga magawang malaman ang love, infatuation pa kaya?

Tumungo ako sa simbahan kung saan naghihintay ang apat kong kaibigan. Pare-pareho itong mga nakasuot ng kanilang ngiti nang mapahinto ako. Iniabot nila ang kanilang mga kamay. "Now, which one?" sabay-sabay nilang tanong na nagpataas ng kilay ko.

"Huh?" taka kong sabi at nagulat na lang noong kunin ni Vince ang kaliwa kong kamay habang sa kanan naman si Kyle. Sa likod ko si Arvin habang na sa tapat ko si Richard. Lumuhod siya at naglabas ng pulang kahon, binuksan ang laman saka nagpakita ang nagliliwanag sa kintab ang singsing.

"Will you mary me?" tanong nito gayun din ang iba ko pang kaibigan. Hindi pa nakuntento, may isa pang pumasok para kunin ang hibla ng aking buhok. Inamoy saka ako nginisihan dahilan para mamula ang aking mukha. Si Blue!

"I was thinking that it might actually be me that you love." pagmamalaki nito. What kind of nonsensical egocentrism is that?!

Tinulak niya ang mga kaibigan ko at hinawakan ako sa beywang upang ilapit ako sa kanya, "Huwag mo ng pahirapan 'yung sarili mo, love. Just be honest." wika nito at saka sila nagsabay sabay na nagpakita sa aking harapan. Sa sobrang pressure, napasigaw na lamang ako't bumalik sa realidad.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga na kung minalas malas nga rin naman ay nauntog pa ang maganda kong noo sa malamig na simento. Humawak kaagad ako roon at nagpipigil na mapasigaw muli. Damn it.

Why the hell did those faces appear?! I have absolutely no consistency! What's happening to me?! It's strange! It's definitely not right!

"Hoy! Evil sistah! Ano'ng nangyar-- Pfft! Ginagawamue?" nagsimula ng humalakhak sa tuwa ang demonyita kong kapatid na si ate Elsie nang makita niya ang itsura ko rito. Hindi pa rin siya nagbabago!

Tumayo na nga lang ako at inayos ang damit ko. Kailangan ko ng mag enroll para sa taong ito dahil ilang araw na lang din at pasukan nanaman.

Hindi ko na lang pinansin ang kapatid kong tawa pa rin nang tawa at lumabas na lamang ng kwarto. Napatigil lang ako noong may sinabi siya, "Siya nga pala, nandoon pala sa baba 'yung mga manliligaw mo."

Sumalubong ang kilay kong lumingon sa kanya, "They're not my--"

Nakarinig kami ng nabasag mula sa baba kaya pareho kaming napalingon doon ni ate Elsie. Naririnig ko na rin ang mga kaguluhan sa baba kaya napapikit ako ng mariin habang nagpipigil ng inis.

"Ako ang nauna rito!"

"Tingin mo matutuwa si Eclair 'pag nakita ka?!"

"T*ngina mo ba? Pupunta punta ka rito, wala ka man lang offerings?!

"Ano ba 'to? Simbahan?!"

Bumaba ako ng hagdan habang nakatungo. Nang makarating ako sa sala kung nasaan sila ay pinatunog ko ang mga daliri ko dahilan para mapatigil sila't dahan-dahang mapalingon sa akin.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para tingnan ang mga ugok na ito na wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ako.

Umatras si Vince at pilit na ngumiti, "H-hey!" bati niya habang nag-aalanganin namang kumaway si Arvin para batiin din ako.

Si Kyle naman ay pa-simpleng umatras samantalang si Richard ay dikit-kilay na tumingin sa akin para ituro ako, "Bakit ngayon ka lang? 'Di mo ba alam kung ano oras akong naghihintay rit--"

"It's 8 o'clock in the morning, you bastards." mainahon kong sabi saka sila pinanlisikan ng mata. "PESTE KAYO! LUMAYAS KAYO RITO!"

BUMUNTONG-HININGA ako nang makabalik ako sa kwarto. Nakasandal sa frame ng pintuan ang demonyita kong kapatid habang nakasimangot, "You don't have to do that, though." suway niya sa akin, "Nagsayang lang sila ng gas for you." huminto ako sa tabi niya at animo'y pagod na tiningnan siya.

"Kung nanghihinayang ka sa gas nila, ikaw magbayad." nagpatuloy ulit akong maglakad para kunin ang tuwalya ko nang makaligo. Sina Yuuki ang kasama kong pupunta sa Hojas University dahil nagsabi na rin ako. Alangan din namang kina Vince ako sumama, eh ang gugulo ng mga iyon?

Pumasok na nga ako sa banyo. Kaming dalawa lang ni ate Elsie ang na sa bahay dahil may mga kanya kanyang pinuntahan ang dalawa ko pang kapatid.

Pero na sa trabaho si ate Ericka. Si ate Ella, ewan ko kung saan pumunta. Si kuya Erick, malamang nakipag date nanaman kay ate Britney-- Ugh. Ate, huh?

LUMABAS AKO ng bahay at laking tuwa na wala na pala ang mga mokong. Naglabas ako ng hininga 'tapos ay pumunta na nga lang papunta sa terminal upang maghintay ng sasakyan. Pero habag naglalakad ako ay naririnig ko ang mga bulong-bulungan ng mga tao.

"Siya ba 'yung pinuntahan ng mga poging iyon?"

"No, no, impossible."

"Tingnan mo naman 'yung itsura, oh?"

Muli akong napabuntong-hininga. Ilang taon ko ba kailangang maranasan 'to para lang tumigil sila? Hindi ko naman kasalanan kung ganito itsura ko, eh!

Teka, hindi ba maayos?

Huminto ako para tingnan ang sarili ko. Nakasuot ako ng maluwag na T-shirt at hindi ganoong kaikling shorts. Kabibili ko lang talaga nito sa Ballshoppe noong nakaraan dahil nagustuhan ko iyong vintage color.

Tumaas ang kilay ko tapos nagkibit-balikat, hinayaan na lang dahil wala namang masama sa suot ko.

'Di naman ako nagtagal dahil nakarating na ako sa pagkikitaan namin nila Yuuki dito sa TeaKo. Ayun ang pangalan ng bagong branch na hindi naman lalayo sa Hojas University.

Hindi ako mahilig sa milktea pero dahil sa madalas akong ayain ng mag best friend, nahihiligan ko na rin.

Pumasok na ako't hinanap sila. Nagulat nang may mangiliti sa akin mula sa likod. Humarap ako sa nakangising si Orange, "Walang gano'n-an." tumawa lang ito tapos ipinag intertwine ang mga kamay na animo'y namamangha sa akin.

"Crush, isuko mo na pagiging babae mo, please." I gave her a bored look. Bisexual talaga itong babaeng ito, ano?

May tumawag naman sa amin, nakaupo si Yuuki roon sa patagong lugar habang kumakaway. Kaya pala hindi ko makita.

Lumapit na nga kami roon tapos umupo, "Hindi pa tayo pupunta sa H.U?" tanong ko dahil tumitingin sila ng menu. Ta's knowing na umagang umaga pa para uminum ng milktea. 'Di na ako magtataka kung sumakit ang mga tiyan ng mga ito.

Hehh. Hindi ko sila aabutan ng tabo mamaya.

Umiling si Yuuki bilang sagot tapos lumapit sa mukha ko na inurungan ko lang, "Kapag pumunta kaagad tayo sa H.U, makikita natin sina Arvin! At kapag nakita natin sila, wala akong choice kundi ang umarte nanamang so-called fiance niya!" paanas nitong sigaw at lumingon lingon at halos mapasinghap noong may makita siyang kung sino, "Nakikita mo 'yon?" pa-simple niyang turo sa lalaking naka american suit with matching shades pang suot.

Napanganga na lamang ako habang wala lang pakielam si Orange at humingi pa ng tubig sa dumaan na lalaki. Isa rin sa nagbebenta ng milktea iyon dito.

"They're all around the places!" dagdag ni Yuuki kaya tumango tango ako't tinapik tapik ang balikat niya.

"Good luck, I guess." ngiti kong sabi kaya nagrereklamo na siya sa akin habang napatingin naman ako sa labas ng wall glass na ito kung saan makikita ang mga dumadaang sasakyan.

I don't know if she knew about Arvin-- her soon-to-be husband na inlove sa akin?

I looked at her in my peripheral eye view, umiiyak siya sa balikat ni Orange habang tinatapik tapik lang siya nito. For some reason, para akong nanche-cheat kahit wala naman akong ginagawang masama. Medyo nako-konsensiya ako kahit na sabihin nating hindi pa siya ganoon ka-inlove kay Arvin.

Kaso paano ko nasasabing inlove ang isang tao kung sarili ko, wala pa rin akong ideya? Pwede ba iyon?

MATAPOS naming makipag chikahan sa loob ng TeaKo ay dumiretsyo na rin kaagad kami ng H.U para mag enroll. Kaso ang dami naman yata ng tao ngayon?

May bumunggo sa akin pero imbes na ako ang matumba, iyong lalaki pa ang napaupo.

Pare-pareho kaming napatingin nila Orange roon, "Hala, Eclair. Sign na 'yan." nakaawang bibig na sabi ni Yuuki.

"Tumataba ka na raw." dagdag ni Orange. Wha--! Hindi talaga gusto ng mga babae na tinatawag silang mataba kasi madali silang ma-conscious.

Bakit? Babae ka ba, Eclair?

Tumayo naman ang lalaking iyon, ang gwapo ng mukha niya sa katawang babae! Ang payat din kasi niya! Medyo napatitig pa nga ako ng kaunti nang umiling ako't humingi ng pasensiya. Hindi lang siya sumagot at nilagpasan lang kami.

"Kailan ka pa natutong mag sorry?" pang-aasar ni Yuuki dahilan para bigyan ko siya ng masamang tingin.

"Tumigil ka nga r'yan."

Pumunta na nga lang kami sa registrar para kumuha ng form. Hindi na kami nag take ng test at nagbayad lang ng mga kakailanganin. Nang matapos ay mga nakahinga na rin kami ng maluwag. Ang init kasi tapos ang daming tao.

At speaking of maraming tao, ginaya ni Orange iyong nakikita namin sa social media.

Inangat niya ang cellphone niya, naka-video na rin ito. "Ang dami-daming tao pero wala akong JOWA!" malakas nitong sigaw na umagaw sa atensiyon ng mga nag e-enroll. Lumayo naman kami ni Yuuki na animo'y hindi siya kilala.

For the past few days, she's trying to be an influential through social media pero kung papanuorin naman namin.

Kami na 'yung nahihiya.

"T-tara na, hindi natin 'yan kilala." aya ko na sinang-ayonan naman ni Yuuki. Hindi porke kaibigan ko ang bruhang ito, hindi na 'ko mahihiya. Kaso sino namang mag-aakala na rarami ang likes ni Orange makalipas ang dalawang araw?

Kumikinang sa tuwa si Orange habang ipinagmamalaki ang video sa amin. May behind the scene talaga matapos niyang magpost sa H.U.

Pinagalitan siya ng prof namin noon at ipinaglinis ng PLC Gym. Kahit gusto namin siyang tulungan ay wala rin kaming magagawa dahil punishment niya iyon. Napaka appropriate raw nu'ng ginawa niya dahil na sa private school kami-- Sensitive kasi ng school when it comes to that kind of things.

"Kung wala kaming mga estudyante n'yo, wala kayong SWELDO!" naalala kong pagra-rant ni Orange kaya mas pinagalitan pa siya ng prof namin.

Tumagilid ako ng higa tapos nag check ng notification ng phone ko. Bigla kasing nag vibrate. Galing iyong message kay Richard. Kaso hindi ko lang pinansin dahil baka kinukulit lang ako nito.

Tumayo ako tapos pumunta sa harapan ng bintana ko, ang lakas na nu'ng ulan, mas hindi makakauwi iyong dalawa kung magpapatuloy pa ito. O kaya ipatawag ko na lang kaya sa bahay nila?

Tumunog ang phone ko, tumatawag na si Richard kaya sinagot ko na lang. "Ano kailangan m--" hindi niya ako pinatapos dahil bigla siyang sumagot.

"Come here."

"Huh?"

"I said, come here stupid." now he's calling me stupid? Buwisit, paano ko kaya malalaman kung nasaan siya kung wala akong ideya kung saan siya nagsususuot ngayon?

"Huwag mo 'kong ma-stupid stupid diyan, Richard. Sasapakin kita." naiirita kong sagot.

"Tingnan mo 'yung message ko." bossy nitong utos na nagpapitik ng ugat ko sa sintido. Huwag niyang hintayin na puntahan ko talaga siya para ipa-salvage. Hindi ako natutuwa.

Huminga ako ng malalim habang naririnig ko ang ingay ng dalawa kong kaibigan sa likod. Naglalaro sila ng card games. "Ka-call kita, why don't you tell me now?"

"House." tipid na sagot nito at tiningnan ang panahon.

"Are you insane? How can I go there?" at pinilosopo na nga niya ako sa kabilang linya. Binabaan ko na nga lang siya ng phone at ibinato iyon sa kama. Muntik pa ngang matamaan si Yuuki.

"Friend, kung may galit ka. 'Wag mong ibuhos sa akin." nakasimangot na wika ni Yuuki sa akin.

Nilingon naman siya ni Orange, "Yuuki, that's what you call receiving one's burden."

"Shut up-- UNO!" malakas na sigaw ni Yuuki sabay lapag ng second to the last card dahilan para mapasigaw din si Orange at magwala sa pwesto niya.

"Cheater! F.O na tayo!"

Umalis na muna ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa ibaba. Ilang taong gulang pa lang ako. Hindi ko pa dapat masyadong iniisip ang tungkol sa mga love thingy but I can't helped but to think who will be the right one for me.

Pressured lang ba ako kaya ako nag desisyon ng mga bagay na hindi naman dapat? Hindi ko naman minamadali ang sarili ko, eh. At isa pa, choice rin naman ng mga kaibigan ko na malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko-- Pero masasabi ko bang kaibigan ko sila kung may something sila sa akin?

Huminto ako sa harapan ng picture frame naming lima. "Ano na ba kayo ngayon sa 'kin?"

你也許也喜歡

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
4.7
303 Chs