webnovel

Chapter XXIV

The moment I opened my eyes, white walls and the smell of hospital meds greated me. What happened? Bakit ako nandito? I stared at the ceiling, trying to remember everything. Then, I remembered those blurry memories. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Sino ang lalaking iyon? Bakit nakita ko yung kaibigan ni Alexus? What is Trev's role in my life? Bakit mukhang nag-aalala siya sa akin?

"Babe, you okay?" nag-aaalang tanong ni Alexus sa akin sabay hawak sa aking kamay. I gave him a faint smile and wiped my tears. I felt like my heart was crushed just remembering those memories. I could feel the pain kaya alam kong nangyari iyon. Was that the kind of past that I have? Nagmahal ako ngunit sa huli ay nasaktan? Was I in a one-sided love affair? Bakit ako sumang-ayon sa ganoong set-up?

He rang the doctor's intercom. "She's awake. Send the doctor in," maawtoridad na utos niya sa kung sinoman ang sumagot sa kanya. Lalo siyangbgumagwapo kapag umaakto siya ng ganun.

Bumaling siya sa akin at nag-aalalang hinaplos ang aking pisngi. "May masakit ba sayo, hmmmn?"

"Wala naman. Where's dad?"

"They're outside."

"Bakit ayaw nilang pumasok? Ah, because you're here. Pagpasensiyahan mo na sila, babe. They're really acting weird. Hindi naman sila ganyan."

Tumango lang siya and gave me his warmest smile. "Para ngang we against the world, eh," biro pa niya kaya napabusangot ako. How could he act like he's okay? Alam kong nalulungkot din siya dahil sa klase ng pagtrato sa kanya ng aking pamilya.

My eyes widened when I remembered his friend. Kailangan ko itong makita at makausap. I don't why I saw him. Nang una naman kaming nagkita sa Batangas ay parang hindi niya ako kilala. "I need to talk to Trev," pakiusap ko sa kanya. Biglang kumunot ang kanyang noo dahil siguro nagtataka rin siya kung bakit ko ito hinahanap. "I saw him in my memories. Gusto kong malaman kung sino yung lalaking kasama namin noong muntik na akong mamatay," eksplika ko sa kanya. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong mamamatay ako dahil sa walang kwentang lalaki.

He suddenly paled at naramdaman ko ring nanlamig ang kanyang kamay. "D-did you see the face? A-ano pa ang nakita mo?"

Umiling ako. "His face was blurry na parang ayaw ipaalala sa akin ang mukhang iyon. How I wish na hindi ko na sana makita ang pagmumukhang iyon. Hindi man ako nakakaalala sa ngayon ngunit sa puso ko ay mas magandang makalimutan ko na ang lalaking iyon," puno ng pait na sagot ko sa kanya. Kung maaalala ko man ang kung sino ang lalaking iyon ay habam-buhay kong kamumuhian ito. I won't forgive him.

"Trev is in New York kaya baka matatagal pa iyon na umuwi. Please, don't force yourself to remember everything."

Hindi ko alam kung namalikmata ba ako na makita ang takot sa kanyang mga mata. Anong ikinakatakot niya? Na iiwan ko siya bigla kapag nakaalala na ako? No, hindi mangyayari iyon. Nahanap ko na nga ang lalaking para sa akin aya bakit ko pa siya pakakawalan?

Magsasalita sana ako nang biglang pumasok ang aking mga magulang at si Marcus. May kasama silang doktor at nurse. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha kaya nagtataka ako kung anong nangyari. Para kasi silang makikigiyera, eh. Wag nilang sabihin na isisisi na naman nila ito kay Alexus. Father saw what happened. Something just triggered my memories kaya nangyari iyon. Oo, simula nang magkakilala kami ni Alexus ay dumalas din ang aking flashes. Minsan nananaginip ako ng kung ano-ano but I kept reminding myself that it was only a dream. Paano naman kasi ako maniniwala kung sa panaginip ko ay nakita kong ikinasal na ako?

Lumapit ang doktor sa aking tabi and did his work. He asked me few questions pagkatapos kunin ng nurse ang aking vital signs. He was writing while I'm answering his questions. Nang matapos na itong magtanong ay tumingin ito sa aking mga magulang.

"Your daughter will gain back his memories soon. Kung ano man o sinoman ang nagtri trigger sa kanya ay malaking tulong iyon para makaalala na siya. Tumawag na rin ako sa doktor niya at ipinaalam na itinakbo siya rito."

"Salamat, doc," ani ni daddy at saka nakipagkamay rito.

Nang nakalabas na ang doktor at nurse ay agad na lumapit sa akin si mommy. "Hija, are you okay?" nag-aalalang tanong nito habang hinahaplos ang aking buhok. My mother's touch is the only thing that could assure me that everything will be okay. Na kahit anong mangyari ay nandiyan lang ito sa aking tabi.

Umalis muna si Alexus sa aking tabi para bigyan ng espasyo ang aking pamilya. I gave him an apologetic smile and he smiled back. Ngunit yung ngiti niya ay parang hindi abot sa kanyang mga mata. Am I imagining things again?

"I'm okay, mom. I only saw flashes kaya siguro ganun. But I'm really okay. I just need some rest," paninigurado ko.

"Baby, naman. Lagi mo na lang pinag-aalala si mommy. Tatanda ako niyan, eh."

Lumapit na rin si Marcus at saka pinitik ang aking noo. "Don't make me worry that much. You don't know how many traffic violations I violated just to get here."

Sinimangutan ko siya and even rolled my eyes at him. "Hindi ko kasalanan yun. May sarili ka namang utak, eh. At paano na lang kung nadisgrasya ka? Psh."

"Wow, ha! Dapat pa nga ay sobrang na-touch ka sa sinabi ko. Manhid ka talaga," asar nito and even made a face.

Aish! Sa tingin nito natutuwa ako kapag nagme-make face ito? Kung pwede ko lang siyang hampasin, eh.

"Marcus, wag mo ng asarin yang kapatid mo. Alam mo naman na asar-talo yan. Mamaya niyan ay bigla na lwng siyang umiyak dahil sa sobrang inis," nakangisi namang ani ni dad.

Bakit pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako? When I look where Alexus was standing a while ago ay wala na ito. Agad na lumipad ang aking tingin sa papasarang pinto. Why did he leave? Did he feel like an outcast? Napapikit ako ng mariin. Hindi ko rin alam kung paano matatanggap ng aking pamilya si Alexus. Like seeing Alexus was hate at first sight for them. I will make sure that he will feel belong to my family. Kahit anong sabihin ng aking pamilya ay ipaglalaban ko si Alexus. Kahit doon man lang ay maiparamdam ko sa kanyang importante siya sa akin. Hindi lang yung ako lang ang sinusupresa o kaya iniintindi. Because in a relationship, it's about give and take.

下一章