webnovel

Chapter XVII

Nang makalabas na kami sa parking lot ay tahimik pa rin siya. She seems so upset at dahil na naman iyon sa ala-ala namin sa nakaraan. I decided to broke the silence. "You okay? Baka gusto mong dumaan muna tayo sa ospital?"

Umiling ito habang tahimik na nakatingin sa aming dinadaanan.

"What are you thinking?"

She sighed and looked at me. "I'm wondering who's that guy. I could still feel the pain."

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya imbes na ihahatid ko muna siya ay idineretso ko muna sa isang kilalang coffee shop.

"Coffee muna tayo, ha? Mukhang mamaya pa titila ang ulan," yaya ko sa kanya. Akmang kukunin ko yung payong sa likuran ng kotse nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Nagtatakang tinignan ko siya at nang makita ang intensidad sa kanyang mata ay para akong malulusaw. Ilang minuto kaming nagkatitigan at ni isang salita ang namagitan sa amin. What is she thinking?

Napakurap ito at saka nahihiyang lumayo sa akin. "Let's go?" yaya niya saka nag-iwas ng tingin. Ako muna ang unang lumabas saka inalalayan itong makababa.

Hinayaan ko siyang mag-order para sa aming dalawa. The whole time she's ordering, I just stared at her face. Memorizing every detail of it. Kailan ba yung huling beses na tinitigan ko siya ng ganito simula nang maging mag-asawa kami? I always saw her faults but I never had the chance to appreciate her. Napakabuti niyang babae pero nagmahal siya ng isa't-kalahating gago.

"So, how's your check-up pala?" tanong ko nang matapos na itong makapag-order. Mabuti na lang at naalala kong itanong kung bakit niya kinailangang pumuntabrito sa Manila. I need to gather information. Baka may progress na sa kondisyon niya? Baka may ipinagbabawal pala sa kanya na hindi ko alam.

"A week after you left Batangas, that day ay biglang sumakit ang aking ulo. So, Marcus decided to bring me here the next day. The doctor said it was part of the process of me remembering the past. But he didn't say any exact date when will my memories will return. It could be a day, a week, a month, or a year from now. It's still uncertain."

"Bakit hindi mo man lang nasabi sa akin?"

"I don't want you to get worried. Di ba may prinoproblema ka pa that time? Ayoko namannna dumagdag pa."

I let out a deep sigh. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isang araw maaalala na lang niya lahat. Lahat ng tungkol sa aming dalawa. Hindi na ako magtataka kung iiwanan niya ako kapag nakaalala na siya. Ang dami kong naging kasalanan sa kanya and saying sorry is not enough to erase those bad memories of her with me.

"Kapag ba may nakagawa sayo ng kasalanan, would you forgive that person?" bigla kong natanong.

Tumingin siya sa labas ng bintana. "Depende. Why do you ask?"

"Wala naman. Gusto ko lang malaman."

Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa akin. "If he deserves to be forgiven then I would forgive him. Maybe I could forgive but forgetting that person's doing is another topic. Hindi ganun kabilis makalimot lalo na kapag masakit."

"Even if you love that person?"

Ngumiti siya ng mapait. "Kahit na. Depende talaga yan kung anong sitwasyon."

"Drama na natin. So, can you tell me about your family? Did they tell you about your past?"

Her face suddenly brightened. She really loves her family. "Just basic information. They're good people. May mga kwento rin sila and I wish I could remember those. It's kinda sad kasi kahit nagkukwento sila ay wala akong maramdamang connection. My amnesia sucks."

"Boyfriend?"

She rolled her eyes at me bago siya umiling. "They never told me about that. Baka NBSB ako," biro niya. It didn't sound amusing to me. Gusto kong sabihin sa kanya that I'm her husband. Na wala siyang naging boyfriend dahil diretsong naging asawa niya ako.

"Wag mong ikunot yang noo mo. Tumatanda ka, eh," alaska niya sa akin and softly straightened my knotted forehead. Hindi ko lang kasi mapigilang magdamdam. Ngunit ano bang karapatan kong magreklamo? Naiintindihan ko naman kung bakit nila sinabi iyon sa kanya. Alangan naman kasing sabihin nilang may gagong siyang asawa na walang ginawa kundi saktan siya.

Her face suddenly lit up when our orders arrived.

"It looks delicious," masayang anito saka nilantakan ang order nitong chocolate cake.

Napangiti na lang ako sa kanyang inasta. Ganitong-ganito siya noong magkaibigan pa kami ngunit unti-unti siyang nag-iba noong maging mag-asawa kami. Unti-unti siyang naging tahimik at ang dating palatawa ay minsan minsan ko na lang nakikita. Ganon ko siya nasaktan ng sobra. Dahil sa aking pinapakita sa kanya ay unti-unti na pala siyang nag-iiba. Hanggang sa siya na ang umayaw at sumuko sa aming pagsasama.

"Lex, you okay?"

I gave her my sweetest smile. "I'm more than okay now that you are here."

Bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Eevie, I want to court you."

下一章