I looked at my watch at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meteor shower. Iilang tao na lang ang nasa dalampasigan at sa tingin ko ay kaunti lang ang nakakaalam sa mangyayari ngayon. I removed my leather jacket at saka iyon inilatag sa likuran ni Eevie. Nahiga na ako at saka tinignan ang kalangitan. Why do I feel so contented? Simpleng bagay lang ito ngunit pakiramdam ko ay nanalo na ako sa lotto. Kumekeso na talaga ako.
Nagtatakang tumingin si Eevie sa akin.
"It's better to watch it this way. Naku mahiga ka na lang diyan at ilang minuto na lang ay magsisimula na," nakangising ani ko sa kanya.
She shrugged bago siya maingat na humiga sa tabi ko. I wonder if she trust me kaya sumama siya? O baka naman na-excite lang siya dahil sa aking sinabi? Either of the two ay masaya pa rin ako.
The crashing waves and the bright moon made it so perfect. Nagiging romantiko na ba ako? Sisimulan ko na bang tawanan ang aking sarili? Noon napapailing na lang ako kung may naririnig akong ganyan. I never fell in love kaya ganyan ako ka-nega sa pag-ibig. I only play and enjoy. Yun lang naman ang alam kong gawin noon. Saksi rin siya sa pinaggagagawa ko noon. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin. Someone deserves her better than me. Kaya bakit ako?
I was about to ask her about Marcus when suddenly it started. I saw how her eyes twinkled at the sight. I know she will love it. She always does. Sino naman kasi hindi matutuwa?
I was snapped back at reality when I felt someone touched my cheek. Inilayo ko ang aking mukha sa kanyang kamay. I was taken aback by her action. I saw something in her eyes that I couldn't decipher. Lungkot?
"You're crying," mahina niyang sabi.
Umiling ako at marahang pinunasan ang aking luha. Sana kung pwede lang bumalik sa mga panahong iyon na magkaibigan kami at walang problema. "Napuwing lang ako. Bakit naman ako iiyak?"
Tumango na lang siya kahit alam kong hindi siya naniniwala. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na 'na-miss ko kasi yung masasayang ala-ala natin'. Yung panahon na hindi ka pa galit sa akin. Yung mga panahong nginingitian mo pa ako. Yung panahon na mahal mo pa ako.
"Nood ka na. Ikaw itong nag-aya tapos hindi ka manonood."
Tumingin na ako sa kalangitan at hindi ko mapigilang ngumiti ng mapait. Regret was consuming my heart. If only I have the chance to time travel. Babalik ako sa panahong nasaktan ko siya at doon mamahalin ko siya ng higit sa pagmamahal niya. Babalik ako sa panahong hindi ko siya binigyan ng halaga at doon ipapakita kong siya lang at wala ng iba. Babalik ako sa panahong alam kong basag na basag ang puso niya at doon ipaparamdam kong buo ang pagmamahal ko sa kanya. Babalik ako sa panahong sumuko siya at doon sasabihin kong pakiusap lumaban ka pa. Gustung-gusto ko na itama ang mga naging pagkakamali ko sa kanya. Gustung-gusto kong mapatawad na niya ako. If only I didn't push her away. If only I asked her to stay.
"Alexus, I don't want to be nosy but can I ask you why are you here? Is it about business?" tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa kalangitan.
Umiling ako at saka bumuntung-hininga. "I want to fix someone because I broke her. Gusto ko ring humingi ng tawad sa kanya."
Tumango siya. "She's a lucky girl. Ayaw mo kasi siyang pakawalan. Iilan na lang ang lalaking ganyan. They lower their pride just to chase their girls."
"I won't let her go this time. At ako ang maswerte kasi minahal niya ako ng sobra-sobra noon. At ako namang si gago, hindi ko man lang binigyan ng halaga iyon. I know kasalanan ko ang lahat kaya gusto kong bumawi."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.
She suddenly broke the silence. "When I saw your tears, I felt your pain. Gusto ko ring umiyak kanina. I don't know. Masyado sigurong malungkot yang love story mo kaya pati ako ay nadala sa drama mo."
I closed my eyes. "It is. Kung hindi pa ako huli ay hindi naman siguro masamang umasang babalik pa siya sa akin. I'm no prince charming but I'll try to be better for her."
She tapped my shoulder. "Tiwala lang. Just show her na nagbago ka na."
"Sana nga."