webnovel

Chapter 22

JELO'S POV

Nakatapos na kameng kumain at si Mama ang nasa sala, ginagawa ang lesson plans nya, katulong si Noel na nagchecheck naman ng quizzes ng mga estudyante ni Mama

"Buti nakapag-out ka na kay Tita" biglang sabe ni Kim habang naghuhugas kame ng plato

"Oo. Natakot ba naman akong sabihin niya sa Mama ni Allen. Co-teacher nya kase"

"At least open ka na sa kanya. Tanda mo nung nagkasagutan tayo noon dahil sa pagkaulol mo jan sa Joshua na yan? Ang hirap mong awayin nung nagkulong ka sa kwarto mo. Bawal magsagutan nang malakas eh."

"That's all in the past na bes, atsaka at least duon ko napatunayan na anjan kayo lage ni Noel through thick and thin"

"Oo. Noon mo din ako binestfriend zoned eh"

"Haha kadrama naman nare! Alam mo namang kayo ni Noel ang second favorite people in my life next to my mom e, so dun tayo sa magtatagal kase – "

" – Kase ang boyfriend napapalitan, pero ang bestfriend hindi" sabay nameng sinabe

"Basta ha. Wag nyokong pababayaang dalwa dun sa contest"

"Oo naman Jel. Kaya nga nagvolunteer na kame to help backstage eh. Kame backer mo" sabay flex ng kanyang muscle

"Oho! Baka naman didiskarte ka lang ke Ate Rhek duon"

"Hmmm … Kasama na yun hehe"

"Odeba? Me hidden agenda ka din e no?"

"Aba syempre naman yes!"

"Ano na ba pala standing mo sa kanya?"

"Ahmmm … frenemy ang tingin niya saken. Ayaw nyang mabakla si Allen eh"

Napabuntong hininga ako, "Well, that can be expected"

"Oh malungkot ka agad. Chill! Lalambot din yun sayo!"

Nag-inhale exhale ako, "Okay!"

After nameng maghugas ng plato at mag-videogame saglit, nagpaalam nang umuwi yung dalawa

"Sige po tita, see you next time, "sabe ni Kim habang nagmamano ke Mama

"Oo nga tita, see you soon" sabe naman ni Noel habang nagbebeso ke Mama, "Pero feeling ko malapit na yun, lalo't naipagpaalam na namin sa inyo si Jelo sa pagsali sa contest"

"Wow! Ipinagpaalam nyo pala ako nang lagay na yan? Parang ipinaalam nyo nga lang eh" sabat ko

"Okay lang yan, Mr. CABEIHM! Magpapapicture na pala kame sayo, baka di ka na malapitan after ng event eh" sabe ni Kim

"Baliw! As if naman sisikat ako!"

"Oo naman! Tiwala lang!" sagot ni Noel

"O sya lumakad na kayong dalawa. Gabe na masyado! Mag-ingat sa daan ha!"

"Sige po." At sumakay na sa motor ang dalawa, at muling nagbabye after mag-helmet at umalis

Pagkasara ng pinto, inakbayan ako ni Mama at tinanong, "Sure ka na ba jan? Baka napipilitan ka lang dahil kasali si Allen ha!"

Sumalampak na ako sa sofa, "Partly yes Mama. Tapos napapaisip pa ako sa offer ni Dean Annie"

"What about it?" tanong niya

"Pinatawag kase ako sa Dean's Office kanina. Me exchange student program kase ang University of Toronto for 1 sem, and ako ang napipisil ipadala para dun."

Nagulat si Mama, "Oh! Nak Canada yan! Go na!" Tapos hinug na nya ako sa tuwa

"Ma, I don't feel like it! Di kita kayang iwan dito. At andito ang buhay ko, anjan ang dalwa at mga kakilala ko. Susme baka isang araw palang ako, homesick na agad ako"

"Nak! Mabilis lang masanay! And 1 sem lang naman eh! I-grab mo na! Malay mo magustuhan mo dun! Atsaka mas malaki na chance mo na makapag-migrate. Tapos mapepetition mo din ako dun so di tayo magkakalayo!"

"Ma ang advance mo mag-isip! Offer pa lang. Di ko pa tinatanggap. Chill!"

"Ay nako! Ipapapilit kita kina Kim – "

"Di ko pa sinasabe sa kanila…"

"Ahhh! Kaya pala di nila namention kanina… E bakit naman di mo pa pinapaalam?"

"Masyado silang pre-occupied dun sa pageant eh. Tas di ko pa feel pag-isipan. Me isang buwan pa naman daw ako para pag-isipan, sabe ni Dean"

"Kung ako sayo, iga-grab ko yan, nak! Bibihira ang ma-offeran ng ganyan. And I'm so proud of you. Ibig sabihin ang galing galing talaga ng anak ko" sabay hug saken

"Naman ma! Mana sayo eh!"

"Sus! Tanggapin mo muna bago moko bolahin pabalik!"

"Pag-isipan ko lang muna Ma. Ayaw kong basta-basta umooo. Baka mamaya, nagpapaka-impulsive lang ako tas nganga naman afterwards."

"O sya, basta nak ha! Pag-isipan mong mabuti"

"Oo naman po yes! Isinasalang-alang ko din naman ikaw at ang mga kaibigan ko"

"Wehhh? Kame lang bang tatlo? O me iba? Baka naman ayaw mo lang maiwan si Allen ha"

"Ma!"

"Haha joke lang. Basta…" at hinawakan nya ang kamay ko, "wag magmamadali sa pag-ibig ha. Hindi hinahanap yan. Kusang dumadating yan"

"Opo opo!"

"Atsaka bata pa si Allen, nak! Fresh from highchool yun! Baka ang tingin lang niya sayo e kuya, kaya nagdidikit sa inyo"

"Sa tingin mo talaga Ma? Wala bas yang kuya o ate?"

"Hindi. Bunso sya, pero ang alam ko nag-iisang lalaki e"

"Huh? E sino kaya yung tinatawag nyang Kuya Frank noong inangkas nyako pauwi?"

"Hmmm… Baka pinsan nya! Kase nakakausap ko naman si Mam Queen paminsan-minsan, at talagang tatlo lang sila lagi sa pagkukwento niya"

"Ohhh… Okay! Baka nga pinsan. Hmmm… E sya! Pinsan na kung pinsan! Pero ako'y inaantok na! Di ka pa tutulog Ma?"

Saka lang sya napabitaw saken at napatingin sa mga paperworks sa table, "Ay hindi pa. Tatapusin ko pa to!"

"Kailangan mo ng katulong pagchecheck ng papel?"

"Hindi na. Sa tagal nyong maghugas ng plato ni Kim kanina, natapos na ni Noel lahat. Sabe nga niya baka nagmomoment kayo dun eh"

"Hindi ah. Nagka-update-an lang kame gawa type niya yung ate ni Allen"

"Oooohh! Hindi na ikaw?"

"Ako ang alin?"

"Ang type ni Kim!"

"Maaa! Yuck eew!"

"Ah! Grabe siya sa kaibigan nya oh!"

"Joke lang! I mean, kaibigan ko sya. At hanggang duon lang"

"Eh bakit sabi ni Noel kanina, hindi lang kaibigan tingin sayo ni Kim dati?"

"Ang daldal talaga netong si Noel. Dati yun Ma, but we're better off as bestfriends"

"Basta, boto din ako kay Kim para sa'yo"

"Kakaane si Mama! Tulog na nga ako! Good night" sabay beso at naglakad na papasok sa kwarto ko. Nadidinig ko lang ang tawa ni Mama habang naggood night din.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81

下一章