webnovel

Chapter I.2: Love Token

~Flashback~

*CUT*

Katatapos lang ng ribbon cutting at walang tigil ang pag flash ng camera sa akin at pagbati ng mga taong imbitado man o hindi sa bago kong bukas na restaurant, Lady Estella Restaurant.

"Congrats Chef!"

"Ayos may-ari ka na ngayon ng restaurant ah! Galing!"

Nakakataba ng puso ang mga naririnig kong pagbati nila sakin.

Ako si Bryan Vaughn Cantana Keisser. Matagal ko ng pangarap sa buong buhay ko ang maging isang kilalang chef at magtayo ng sarili kong restaurant.

Hindi madali ang lahat bago ko narating ang tagumpay na inaasam-asam ko matagal na dahil hindi ako nanggaling sa isang mayamang pamilya at bata pa lang ako ay nawalan na ko ng magulang.

"Mr. Keisser!" Isang matandang boses ang tumawag ng aking pangalan.

"Tito Silva! Salamat po sa pagdalo!" Masayang bati ko sa Governor at niyakap nya ko bilang pagbati saking nakamit na tagumpay.

"Aba syempre, gusto kong matikman mga luto mo. Galing mo, may sarili ka ng restaurant. Siguradong masaya ang mga magulang mo sayo. Pinagmamalaki ka nila."

May konting kirot akong naramdaman sa puso ko hindi dahil sa hirap na pinagdaanan kundi dahil sa gusto ko silang makita at makasama sa narating ko.

"Salamat po, sana nga po nandito sila."

He pats my back like a father. "As a father too, I assure you, they are so proud of you even if they can't be with you. A success of a child is his parent's happiness. Oh, by the way, don't mind the media, I'll make your name known across the entire country kahit hanggang newspaper lang muna." Kindat nya sakin.

Napangiti na lang ako. "Maraming salamat po, tara na po, gusto ko pong ipatikim sa inyo ang mga specialties ko."

Malugod namang tinanggap ng governor ang offer ko. Nagustuhan nya ang bawat menu na siniserve ko sa kanya.

Nakilala ako ng governor dahil naging kaklase ko ang anak nya nung college kaya laking tuwa ng malaman nyang isa na kong chef at nagmamay-ari na rin ng isang restaurant.

"Bakit Lady Estella ang pangalan ng restaurant mo?"

Marami na ring sumang-ayon sa tanong ni governor at humihingi sila ng kasagutan.

"Pangalan ba yun ng girlfriend mo?"

"Imposibleng walang girlfriend yan, ang gwapo eh. Isa pa ano pa bang hihilingin mo eh magaling magluto. Bubusugin ka nyan sa pagmamahal nya." At nagtawanan sila.

"Lady Estella because this restaurant was meant for the fine ladies to be served by the gentleman." Simpleng paliwanag ko.

"Then what about the men? 'Di ba sila pwede dito because this is for the fine ladies?" Usisa ng isa.

Napatawa ako ng konti. "We all know that mostly, ladies ang mahilig sa mga restaurant at dinadala na lang nila ang mga lalaki so it means you're serving them by being with them."

"Aba, galing sumagot ah. No wonder, successful ka na. E'di habulin ka na ng mga fine ladies nyan?" At nagsitawanan sila.

I just laugh with them.

"Wala ka pang girlfriend iho?" Tanong ng isa sa mga guests ko.

Ngumiti ako at huminga ng malalim.

"Wala pa po."

"Relax, sa mga ganyang pagkakataon babae na ang lalapit sa'yo at hindi mo na kailangan pang humabol sa kanila. Ikaw pa ang magiging choosy." At nagtawanan ang mga medyo may katandaan na rin ang edad na mga guests na katable namin ni Governor.

"Ang asawa ko nga 'di ko na niligawan yan, sya na mismo nagpakilala sakin na future wife ko na daw sya! Nagkatotoo nga. Well, pogi problems." Siniko naman sya ng asawa nya na katabi lang nya bilang protesta at nauwi ang lahat sa masayang kwentuhan at tawanan.

Naging maganda ang feedback sakin ng mga guests ko at i-aadvertise daw nila ito sa mga kakilala nila.

Bago umalis si Governor ay binigyan nya ako ng isang lucky charm.

"Di ako naniniwala sa mga ganyang bagay pero ibibigay ko yan sayo. Love Token… sachet to be precise. Nabili ko lang yan sa China nung nagkaroon ako ng business meeting sa isa kong investor.

You have a successful life at marahil siguro wala ka ng hihilingin pa, but I want to give you something you don't have yet. Your story has just begun for another series and this time is a different battle, one that can make you insane, happy and wounded, it's called doki doki love" Sinayaw nya ang mga kamay habang sinasabi yun at napatawa na lang ako "and it involves your heart." Sabay turo sa puso ko, nag-respond naman ito, it beats loud and fast na para bang may masamang kutob sa mga mangyayari.

"Sana makatulong yan sayo and of course one thing na kailangan mo is to believe in it. It arrives when the time has come for you. Malay mo mamaya na diba? And if you needed help, you can always call for me. Anyway, good luck with your business!" At tumawa ang governor, napangiti ako at malugod kong tinanggap ang love token na niregalo nya sakin, niyakap nya ko sa huling pagkakataon.

Masyado kasi akong abala sa buhay ko na matupad ang inaasam na pangarap kaya nawalan ako ng panahon na pagtuunan ng pansin ang puso ko.

"What a day! Natapos na rin… pheww~." Narinig kong sambit ng isa sa mga crew ko pagkatapos nilang magligpit ng mga pinaghugasan at maglinis.

"Boss, success yung araw ngayon! Daming chicks na nagsipunta at biruin mo yun nakakuha pa ko ng number nila." Nasasabik na sinabi ni Marco, isa sa mga assistant chefs ko, habang pinapakita sakin ang kanyang phone.

"Oi oi, trabaho muna bago mangbabae. Kita mo si Sir kahit nakaupo may hawak hawak na papel, ikaw cellphone agad? Fuck boi mo rin eh." Tiyaw naman ng isa ko ring assistant na si Aira na nag-mamap ng sahig.

"Fuck boi? Oi, lalaki ako. Nasa nature na namin humanga sa mga kababaihan. Teka lang," Sinuri nya ng tingin si Aira. "may boobs ka naman, mukhang hindi retokada at itsurang babae pero oops… may standard nga pala ako sa mga babae na kaya kong hangaan at dapat manyakan." Ganti ni Marco kay Aira.

"Anong sabi mo?!" Umuusok na balik ni Aira.

Ayun, nagsimula na naman silang magbatuhan ng mga salitang pangbata at pang insekto.

"Tama na yan.�� Pagpigil ko sa kanila at nakinig naman silang dalawa habang inatupag na ang kanilang mga gawain.

"We'll celebrate tomorrow after early close as I know we're all tired for today. We can always celebrate but we can't miss a good sleep. Isara na yung restaurant para makapagpahinga naman kayo. Isa pa, hating-gabi na rin naman wala na atang papasok dito." Utos ko sa kanila at masaya naman nilang pinag-aayos ang mga gamit na hindi pa naisasalugar, marahil ay naghihintay na ang kanilang pamilya.

Tama lang na bukas ko na ipagdidiwang sa kanila ang naturang okasyon.

Papalitan na sana ng gwardya ang sign tag na open sa closed nang may nagbukas ng glass door ng restaurant namin.

Pumasok ang dalawang lalaki na nakasuot ng formal western suit kasunod ang isang babae na hindi ko mapagkakaila ay umaapaw sa kagandahan.

She's wearing unbuttoned black coat on top of sleeveless white, silky dress na hanggang tuhod.

At sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari, ay bigla na lamang nagdahan-dahan ang ikot ng mundo ko, ngayon lang ako nakakita ng isang babae na nadadala ang katauhan nya at wala kang masasabi kundi ang hangin na lumalabas sa iyong bibig pagkatapos mong lumanghap ng pagkatagal-tagal.

Hindi mo na kailangang tingnan pa ang mga mata nya para malaman mo lang kung paano sya makisalimuha sa tao, sa mukha at tindig pa lang nya masasabi mo ng palaban, matapang at hindi basta-basta nagpapadala sa mga taong nakapaligid sa kanya, may prinsipyo, mataas ang tingin sa sarili at higit sa lahat-

"Sorry po ma'am pero sarado na po kami--" Mariin na sinabi ng receptionist namin ngunit bago pa man nya maipagpatuloy yun ay tiningnan na sya ng misteryosang babae na may pagbabanta.

"Don't refuse a customer, I believe that's an old rule in a business but were still a tradition." She retorts back.

Napangiti na lang ako. Hindi ako kaagad nakatayo sa kinauupuan ko di kalayuan sa kinatitirikan niya dahil may inaasikaso akong reports sa araw na 'to at dahil na rin siguro sa nabigla ako sa pagdating nya.

Inalis ng babae ang tingin sa kanya at dire-diretsong naglakad patungo sa isang mesa kung saan ay malapit sa kinauupuan ko. Napahanga na lang ako ng palihim dahil di ko aakalain na may mga babae talaga na dalang-dala ang katauhan nila base sa kanilang pagkilos.

"Serve for me. I'm hungry." Matipid na utos nya ngunit hindi sya kaagad umupo.

Sumenyas ako sa mga crew ko na walang kikilos o lalapit dahil naisipan ko na ako na lang ang magsisilbi para sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit ko yun naisipan pero para syang magnet na kahit may aura na "wag mo kong lalapitan o magkamali ka lang, magsisisi ka na nabuhay ka pa sa mundong ito" ay naaakit ako sa kanya. Parang electrons lang yan, the negative and positive mostly attracts.

Sana lang di ako nagkamali.

Lumapit ako sa kanya at in-offer ang upuan na tinanggap naman nya ng hindi ako tinitingnan.

It was a great thing that the table was properly set, no need for complex preparation.

Kinuha ko ang menu book at magalang kong ibinigay.

"A marvelous evening my Lady, I'm Bryan Keisser, chef and owner of Lady Estella Restaurant. They say, let food be thy medicine and medicine be thy food. Let me serve you while you enjoy the rest of your feast." Pagpapakila ko sabay yuko sa kanya.

"Evening?" She asked without looking at me and not giving heed to my intro.

"Ano po?" It was the first time I asked with uncertainty and confused with the question.

"How can AM still be an evening?"

Anong ibig nyang iparating? Napasulyap ako sa isa kong crew na medyo may kalapitan rin sa lugar namin, nag-mouth gesture sya na 12:20 na habang tinuturo ang kanyang relo.

"It's still midnight, the sky is dark and a new day starts with one o'clock. I believe time depends on the flow of nature." I defended.

"There are three parts in time, beginning, middle and ending. There's twenty-four hours in a day divided into two parts, we use 12 hours for Ante Meridiem and Post Meridiem as a basis. Now, twenty-four hour starts with zero, half in the middle and ends with its total. If the time starts with zero then tell me was it considered as the beginning?"

Napalunok ako sa sinabi nya. "Yes, my Lady."

"What is the hour after 12 o'clock midnight?"

"1 o'clock in the morning?"

"Then maybe that settles everything."

"Ahh, ganun pala yun..." I whispered dismissively, parang ang bilis nang mga pangyayari.

The day ends at 12:00:00 Midnight or 24:00:00 and the next day sets after midnight which is 00:00:00:01.

Nasa introduction part palang kami kanina pero ngayon, discussion or maybe correction.

She looks eristic, sharp and… perfectionist. Kailangan kong mag-ingat sa mga isasagot ko o sasabihin sa kanya lalo na't hindi ko sya kilala.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong pinagpawisan kahit fully airconditioned naman ang loob.

Wala na syang sinabi pa, binuklat na ang menu book at sinara bigla.

"Serve me the best dish you can offer."

Sa pagkakataong ito, tiningnan na nya ako ngunit hindi lang basta tingin, may kalakip pang pananakot ang mga mata nya at sa tingin ko ay ugali na rin nya ata yun. Para syang tigre na kahit anong oras ay pwede nya kong sungaban, ako ang prey at sya ang predator ko.

"May nais po ba kayong inumin habang hinihintay ang mga pagkain, my Lady?" I offered to her na may kasamang ngiti.

"Screaming Eagle Cabernet Sauvignon 1992." She answers briefly while looking nowhere.

Screaming eagle? 1992?

"I'm sorry pero hindi ko po-----"

"Wine makes every meal an occasion, every table more elegant, every day more civilized. Have you heard of that saying?" She cuts me off.

So, it is wine.

I have to deal with this, with her on my very first day of showcasing all my hard work and dreams.

"Wine is the most healthful and most hygienic of beverages. My deepest apology, my Lady, it might be disappointing as we all know most restaurants always have wines to offer and mine, may not be up to your standard but I assure you, what I offer has the same level as the wines… no, above it. So, I am asking for your trust and to have faith as your host."

Then we're shrouded with silence.

"I'm hungry, I'm here for the food." She answered finally.

Phew~ She's making me nervous.

Suggesting further will only irritate her, it is good to tend to your customer's needs but it depends to her personality and on to what extent.

"Now, if you would excuse me, my Lady." I smiled and bowed to her a bit.

My hands are shaking as I paved my way towards the kitchen.

This is part of my life. I need to deal with any situations but… I never thought na mahirap pala at nakakakaba.

Haaaaaaa.

Sinenyasan ko na si Marco at ang iba pa upang lumapit sakin. I watched the lady sitting quietly on the table not far from my prep and kitchen area, as if observing our every movement.

"That was some handsome speech Boss! Paturo naman o." He nudges me, of course they will hear everything.

I touched his cheeks briefly.

"Ahhh lamig!" He reacted.

"May consequences ang pag-state ng speech. Now, just go home and have some good rest." I told them.

"Ano bang hinihingi nya?" The other one asked.

"I think she's asking for a wine, not just a wine pero based sa name, it seems expensive." Followed by the other.

"Boss, nakakatakot yun ah. Parang isang judge, kinikilatis buong pagkatao mo. Buti kinaya mo." Puna ni Aira.

"Shhh, bukas na natin pag-usapan yan okay? Just go home to your family." I told them finally.

"Papaiwan ako boss." Sabi ng gwardya namin.

"I've got this. Nasa city naman tayo so I'll be fine." I assured him.

"Hays, sigurado po ba kayo Boss?" One of the staffs asked skeptically. "Hindi po pu-pwedeng iwan ka namin---"

"Just do as I say." I pat his shoulders. "Mas kailangan ko kayo bukas kaysa sa mga oras na 'to. I've got this."

Marco smirked teasingly. "Heh, mukhang may gustong ka-date si Boss sa mga oras na to kaya naman pinapauwi na nya tayo. Boss, tip ko lang po, ang mga babae sa una lang yan dragon pero bandang huli magiging cute na kuting rin yan, maghahanap ng lambing. Meow~." He jokes.

"Sabi ng manyakis!" Aira reacted.

Pinatalikod ko na sya. "Tama ng kalokohan, diretso uwi na. Sige na, mag-ingat ah at salamat sa inyo naging successful ang araw na to." I smiled at them.

"Boss, mag-ingat ka ah baka mamaya mapuno dito ng apoy." The other one winked at me and I dismissed his joke with a smile.

They all thanked me and bid their farewell.

That costs me five minutes, time is like food, it cannot be wasted.

Sa hindi ko sinasadyang pagkakataon ay nabaling ang tingin ko sa misteryosang babae na nakatingin rin pala sakin.

Nakita ba nya na mas inuna ko ang mga staff ko bago sya? I will take responsibility of its outcome.

Nagsimula na kong maghanda ng mga kakailanganin ko para sa aking lulutuin sa kitchen. Ito ang kagandahan ng restaurant ko, the customer can see how we cook our food pero hindi naman sila nauusukan o mangangamoy dahil may nakaharang na clear glass sa pagitan namin at may vent naman sa ceiling kung saan lumalabas ang usok.

My purpose is to gain their trust and to entertain them.

Simula ng mawala ang mga magulang ko ay nakahiligan kong ipagluto ang sarili ko para makalimutan ko lang ang lungkot na nararanasan ko sa buhay. Sabi nila kung paano ka daw magluto ay lumalabas daw dun ang ugali mo.

Ini-imagine ko na lang na ang pagkaing sineserve sa tao ay ang ugali ko at pakikitungo sa kanila.

Gusto ko sila maging masaya ngunit depende sa kailangan nila.

Natapos ko na rin ang pagluluto at inihanda na sa table nya. Hindi rin naman umabot ng 30 minutes yun dahil oras ang pinaka importante samin.

I assure you my Lady that this is not just all quality but is best for you.

"That took you 30 minutes, 30 seconds and 400 milliseconds. Not bad but not good either." Bungad nya sakin.

Yep, I was right. She's a woman full of calculations and scientific observation.

But I'm not sure if she's praising me or counseling.

"Apologies for the inconvenience and thank you for your benevolence, my Lady. I'll keep that in mind for future improvements. But to uphold our honorable title of superiority and first class, we must prepare all the fresh and organic ingredients with the right amount of time to highlight its distinct flavor to the utmost degree in exchange of your precious moment. And I'm hoping for your kind and gentle consideration." I answered modestly.

I'm waiting for her response but only her soft breathing could reach me.

"If you don't mind, my Lady. I'd like to present some of my special dishes... Plain salted potato balls, Easter Salad or I call it the Cleansing Salad and the main dish is the Garden of Eden. Your drink is Tercet Fruit Juice." Pagsasaad ko sa kanya.

Tinitingnan lang nya ang mga dishes na hinain ko sa kanya.

"Most of your dishes are?"

"For healthy eating lifestyle, my Lady. I just don't cook to get the taste of your likeness but to make sure you eat healthy."

"What was the first thing you ask to your consumers before you serve a dish?" She interrogates.

"Huh?" I ask dumbfoundedly and caught by surprise.

Ano bang ibig nyang sabihin?

"If you try to look back, you forgot the most crucial part in every procedure." She lectures without looking at me. "Testing the water." Panandalian nya kong sinulyapan at wala kong magawa kundi ang tingnan sya.

"When you visit a simple food court, it is common to tell them you'd like to have their best seller especially if the place is new and one question, they'll return back to you, which one do you prefer?" She elaborates like explaining to a grade one pupil, gazes at me again and looks away instantly as she touches the stem of the wine glass.

Hindi ko alam kung nakailan na syang sulyap sakin at kung talagang habit na ba nya yun.

"You trusted me." Hindi ko sinasadyang mailabas yun sa bibig ko.

Her eyes widen a bit but she recovered in a split second and look at me with keen blades of assassins, napatikom na lang ako ng bibig.

I need to be calm.

下一章