webnovel

C-118: FAMILY BONDING

Kinabukasan paggising ni Amanda wala na si Joaquin sa kanyang tabi. Nakaramdam man ng bahagyang pangungulila dahil hindi na nito nagisnan ang lalaki.

Masaya pa rin ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Lalo na nang makita niya ang  isang maliit na papel sa ibabaw ng side table ng kama.

_

'Honey,

       

        Don't stood-up early okay? I'll be back soon. I love you!

                                      Joaquin'

_

Pero saan kaya ito nagpunta hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pumasok na kaya ito sa opisina?

Huh' pagkatapos ba akong pahirapan ng walanghiya iniwan na lang ako basta!

Tinatamad pa talaga siyang bumangon kaya nanatili lang siyang nakahiga.

Nang bigla siyang mapabalikwas ng bangon ng maalala niya ang mga bata. Wala nga pala si Lyn, wala rin si Ate Liway at lalong wala sila sa sarili nilang bahay.

Nasanay kasi siya na lagi na lang may umaalalay sa kanya palagi sa pag-aalaga sa kambal kaya naman hindi siya nag-aalala.

Pero ngayong narito na sila sa bahay ni Joaquin at wala silang kasama. Baka si Didang lang ang nag-aasikaso sa mga bata siguradong mahihirapan ito.

Napatingin siya sa side table ng kama upang maghanap ng oras.

Mag-aalas otso na ng umaga kulang na kulang pa siya sa tulog pero kailangan muna niyang tingnan at asikasuhin ang mga bata.

Kaya pinilit niyang bumangon kahit medyo masakit pa ang kanyang katawan. Balak sana niyang ibalot sa katawan ang kumot upang pumunta ng banyo.

Ngunit mukhang hindi na ito kailangan...

Ngayon lang niya napansin may suot na pala siyang damit. Dahil marahil sa sobrang pagod niya kaya hindi na niya namalayan na nabihisan na pala siya ni Joaquin.

Maayos naman ang bestida na suot niya gayun din ang kanyang undergarments na suot.

Mukha bang sanay na sanay ito sa pagbibihis sa mga babae ah', hmmm? 

Naisip niyang bumaba na matapos siyang maghilamos at magtoothbrush. Bahagyang sinuklay at pinusod na lang niya ang kanyang buhok.

Mamaya pupunta na talaga siya sa parlor. Niligpit lang muna niya ang bedsheets at mga unan bago siya lumabas ng kwarto.

Una niyang tiningnan muna ang mga bata sa kwarto ni VJ ngunit wala na nga ang mga ito doon. Kaya nagtuloy-tuloy na lang siya sa pagbaba.

Pagdating pa lang niya sa ibaba ng hagdanan naulinigan na niya ang maingay na tawanan na tila nanggagaling sa kusina.

Kaya sa kusina na siya dumeretso at maingat na naglakad patungo dito.

Pagbungad pa lang niya sa kusina agad siyang namangha sa nakita.

Ang kanyang mag-aama habang masiglang nagkakatuwaan sa paggawa ng pancakes.

Kaysayang pagmasdan ng mga ito, si Joaquin na nakasuot pa ng apron at si VJ naman ang tila naging assistant nito.

Habang ang kambal ay nakaupo naman ng magkaharap sa dulo ng lamesa at naghihintay. 

Hindi niya akalain na ganito lang kadaling masasanay ang kambal sa presensya ng kanilang Ama at Kuya. Tama si Lyn dahil sa halos araw araw nakikita ng mga ito ang picture ni Joaquin at VJ saan man sila tumira.

Bukod sa pinagawa niyang picture frame ng mag-ama puno rin ng picture ng mga ito ang cellphone niya. Kaya kabisado na ng kambal ang itsura ng mga ito hindi lang sa larawan maging sa personal.

Gayung kabisado niyang madalas nangingilala muna ang kanyang mga Anak. Hindi ito sumama kung kanino lang na hindi kilala.

Sumasama lang ito sa mga nakasanayan na nito at madalas makita. Tulad nila Ate Liway, Lyn, Lester at Dustin.

Nagtaka nga rin siya nitong huli na makasundo agad ang mga ito ni Gavin. Pero marahil kasi parang kahawig ito ni Dustin.

Parang gusto niyang maiyak habang pinagmamasdan ang mag-aama.

"Daddy igawa mo kami ng hugis bear ha' at saka star. Tapos gawa ka ng heart para naman kay Mommy!"

"Oo na po saglit lang mahina ang kalaban. Mabuti pa libangin mo muna ang mga kapatid mo!" 

"Dee, utom iyel!"

"Ato yin!"

"Nakuh, Patay! Daddy gutom na sila baka kainin na tayo? Ang tagal mo kasi... hihihi." Tumatawang biro pa ni VJ.

"B'wisit ka Kuya natataranta na tuloy ako sa'yo!" Pero natawa rin ito dahil sa biro ni VJ.

"Sandali na lang mga Anak matatapos na si Daddy ha' heto po kakain na tayo malapit na!"

Patuloy lang itong pinanonood ni Amanda habang nasa bungad ng dining room.

Si Didang na agad na nakapansin sa kanya ay agad sinenyasan na tumahimik lang sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa tapat ng bibig. Kaya naman bumalik na ulit ito sa kitchen.

Hanggang sa isa-isa na nilagyan ni Joaquin ang mga pinggan ng kambal.

"Oooppps sandali lang po mga Boss bulilit, aayusin muna natin bago kainin para mas masarap.

'Kailangan pa kasi nating lagyan nito, dyaraann!" Hawak nito ang iba't-ibang kulay ng sauce.

Sinimulan nitong lagyan ng iba't-ibang flavors ang pancakes ng kambal. Tuwang-tuwa naman ang dalawang bata.

Lalo na nang ginawa pa ito ni VJ na korteng mukha na smiley face kaya tuwang-tuwa ang kambal. Pumapalakpak pa ang mga ito sa tuwa.

"Apa, uya!"

"Wow, anda!"

Tuwang-tuwa komento ng kambal. Hanggang sa hindi na rin siya nakatiis lumapit na rin siya sa mga ito.

"Ang galing naman ni Kuya!"

"Mama!"

"Ma-ma!"

"Hon, bakit bumangon ka na, okay ka lang ba? Dadalhan ka na lang sana namin ng almusal sa itaas maya maya. Inuuna ko lang munang pakainin itong mga bata."

"Okay lang ako, tutulungan na kita diyan." Tugon naman niya.

"Okay na ako dito maupo ka na lang diyan, hayaan mong ako naman ang magsilbi sa inyo kahit ngayon lang okay?" Sabay kindat pa nito sa kanya matapos siya nitong paupuin sa tabi ng mga bata.

"Mama masarap gumawa si Papa ng pancakes lalo kapag nilagyan nitong syrup." Pagmamalaki naman ni VJ sa Ama.

"Nakita mo na may isa na akong fan sa pagluluto. Ano naman ang masasabi mo Chef Alon?"

"Huh', alam mo?" Gulat niyang tanong. Pero naisip rin niyang baka sinabi ni Dustin. "Sinabi ba sa'yo ni Dust?"

"Nope! Bago pa sinabi ni Dustin na ikaw si Alona isa na rin ako sa mga fans mo hindi mo lang alam." Tugon nito.

"Hindi nga, paanong?!" Hindi makapaniwalang saad niya.

"Napanood ko minsan ang vlog mo tapos nagustuhan ko kaya 'yun lagi ko nang pinanonood kapag may time ako.

'Saka gusto ko ring matututong magluto hindi ba kaya timing din minsan. Kaya sa'yo ko rin pala natutunan ang konting nalaman ko sa pagluluto.

'Kasi talaga yatang hindi ko linya ang pagluluto but atleast medyo natutunan ko kahit paano ang paggawa nitong pancakes sa tulong na rin ni VJ s'yempre."

"Atleast kahit paano may alam ka na, mabuti naman may bonding pa kayong mag-ama kapag nagluluto kayo."

"Oo 'yun ang konsolasyon ko sa mga ganitong sitwasyon. Tulad ngayon feel na feel ko ang hirap ng pagiging Tatay!"

Sabay pa silang natawa sa sinabi nito. Habang masiglang inihain ang naluto ng pancakes.

"Okay let's eat Buddies, Didang halika na dalhin mo na dito ang niluto mo."

Sigaw nito kay Didang na nasa kabilang kitchen.

"Heto na po Sir patapos na rin ako dadalhin ko na diyan." Pasigaw na tugon rin nito.

"Bilisan mo na kumain na tayo, gutom na ang Ate Angela mo!"

"Buti pa tulungan ko na si Didang para mabilis na." Suhest'yon na niya.

"Huwag na patapos na 'yun!"

"Heto na, masarap to Ate si Kuya ang gumawa nito. Hmmm, amoy pa lang masarap na!"

Dala nito ang chicken inasal na niluto nito sa grilled pan at saka pork barbeque.

"Akala ko ba si Didang ang nagluto?" Nagtatakang tanong niya habang nakangiti.

"Ako lang ang nag-ihaw Ate pero si Kuya ang nagtimpla." Sagot ni Didang.

"Ginaya ko lang ang napanood ko sa vlog mo. Alam mo bang may listahan ako ng mga recipes mo?"

"Wow! Talaga ba? Sige nga tikman na natin." Kumuha siya ng piraso ng manok at deretsong isinubo sa bibig.

"Hmmm, aba ang sarap nga ah' okay lang ang timpla ang sarap."

"So, p'wede na ba akong mag-asawa?"

"Hmmm, p'wede ka nang maging Tatay!"

"Hahaha, kumain na nga lang tayo nasan na ang kanin?" Sabay balik ng tingin nito kay Didang.

"Ay, oo nga pala Sir kukunin ko lang sandali."

"Hay naku, Didang!"

"Hayaan mo na, nalilito kasi sa'yo! Mga Anak masarap ba ang pancakes ni Papa."

"Okay po Mama, ang sarap hindi ba mga brothers?"

"Alap!"

"Usto o-pa!" Si Quiyel na agad na naubos ang isang slice ng pancake.

Sarap na sarap ang mga ito sa kinakaing pancakes.

"Oh' ito pa kain lang ng kain Anak ha'. Ikaw Mama gusto mo ba?"

"Magkakanin ako gusto ko 'yun niluto ni Didang."

"Okay!" Pinaglagay muna siya ni Joaquin ng kanin at ulam sa plato bago nito nilagyan rin ang sariling pinggan. 

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng biglang dumating sila Gavin at Lyn. Kasama na rin ng mga ito si Liway na dala naman ang mga gamit ng mag-iina.

Dahil nakilala naman ang mga ito ng guwardiya kaya agad na silang pinapasok. Tuloy tuloy ang dalawa sa kusina kung saan sila itinuro ng guard.

Habang si Liway naman ay tinulungan ng mga guards na magpasok ng mga gamit ng mag-iina.

Si Gavin at Lyn naman ay deretso lang sa kusina.

"Good morning!"

Si Gavin na tuloy tuloy lang sa paglapit sa mag-iina. Sabay halik sa pisngi ni Amanda at saka sa mga bata.

Binati naman nito si VJ sa pamamagitan ng paggulo sa buhok ng bata.

Tango naman ang naging bati nito kay Joaquin na halatang nagulat rin sa biglang pagdating ng mga ito.

"Kumain na kayo, kadarating mo lang ba Gavin?"

"Kagabi pa, susunduin ko nga sana kayo kaya lang gabi na. Kaya ngayon na lang kami pumunta. Bakit dito na kayo natulog." Tugon ni Gavin na parang walang pakialam kahit nakaharap pa si Joaquin.

Siniko naman ni Lyn si Gavin ngunit hindi man lang ito pinansin ng lalaki.

"Kailan kayo babalik sa bahay mukhang hinakot na kasi ni Ate Liway 'yung mga gamit n'yo sa bahay eh'?" Pagpapatuloy pa nito.

"Mabuti pa kumain na lang muna kayo. Nagkakilala na kayo ni Joaquin hindi ba?" Pinaupo niya ito sa tabi niya at sa tabi naman nito umupo si Lyn.

Binigyan ang mga ito ng pinggan ni Didang at bumalik ulit sa p'westo nito.

"Kasama na rin namin si Ate Liway pinapasok lang 'yun mga gamit." Saad ulit ni Lyn.

"Ganu'n ba, mauna na kayong kumain mamaya na lang si Ate Liway. Baka dito muna kami ng mga bata sasabihin ko rin kay Dustin."

"Hindi pa alam ni Dustin na narito kayo?"

"Alam naman niya narito rin siya kahapon hindi lang niya alam na dito na kami mag-iistay ng mga bata magmula ngayon."

"Sigurado ka na ba diyan? Kung hindi na talaga magbabago ang isip mo ako na lang ang bahalang magsabi kay Dustin."

"Ikaw ang bahala kumain ka na!"

Matapos silang kumain inako na Didang ang paghuhugas ng pinggan. Habang si Liway naman ang nag-asikaso sa mga bata.

Dahil agad na niyaya ni Gavin si Joaquin na mag-usap ang mga ito na silang dalawa lang.

Hindi niya alam kung ano ba ang pag-uusapan ng mga ito?

Pero sigurado siyang tungkol iyon sa kanilang mag-iina. Kaya wala siyang choice kun'di hayaan na lang niya ang mga itong makapag-usap ng sarilinan.

"Huwag ka nang mag-alala okay lang sila siguradong mag-uusap lang ang mga iyon ng lalaki sa lalaki, hindi sila magbubugbugan okay?"

"Alam ko naman 'yun ang gusto ko lang magkasundo rin sila."

"Sigurado 'yun!"

"Sana nga, gusto ko nang maging maayos ang lahat ayoko na nang gulo. Mula nang ipanganak ko ang kambal mas gusto ko na ang maayos na buhay tahimik at walang gulo.

'Hangga't maaari gusto ko na ring kalimutan kahit ang mga nakaraan sa buhay ko. Pinilit ko na rin kalimutan ang lahat noong nasa London tayo. Kahit pa ang maghiganti sa mga taong dahilan ng kamatayan ng mga magulang ko.

'Naisip kong deserve ng mga Anak ko ang tahimik na buhay. Kaya hinayaan ko nang si Dustin ang bahala sa lahat. Hindi na rin naman ako interesado sa mga nawala sa amin.

'Ang pera at ari-arian ng Angkan namin hindi na iyon mahalaga sa akin. Kung 'yun lang ang paraan upang bigyan kami ng sapat na katahimikan ni Anselmo handa na akong ipaubaya 'yun sa kanya.

'Alam kong iyon din ang gusto ng Papang at Mamang kaya gusto ng Papang na lumayo kami sa lugar na iyon. Gusto niyang dito kami tumira sa Maynila malayo kay Anselmo. Dahil gusto rin nilang magkaroon kami ng tahimik na buhay.

'Kaya hindi ko na gustong alalahanin pa ang nakaraan. Kung para sa kabutihan ng mga Anak ko at katahimikan ng magiging pamilya ko. Handa na akong kalimutan na lang ang lahat."

"Tama, 'yan nga ang pinaka mabuti mong gawin."

"Kapag p'wede ko nang kausapin si Amara, mag-uusap kami kahit sa video call lang kung hindi pa rin siya p'wedeng umuwi. Hindi ko na hihintayin na bumalik pa siya ng Pilipinas. Kung maaari kami na lang ang dadalaw sa kanila doon minsan."

"Oo naman bakit nga ba hindi kasama n'yo naman si Joaquin."

"Pero gusto ko munang maging maayos na kami ni Joaquin. Kasi gusto ko rin makausap ang Papa Liandro. Gusto kong humingi ng tawad sa kanila sa kaguluhang nagawa ko."

Tumango-tango naman si Lyn sa kanya bilang tugon.

Sabay pa silang napalingon sa direksyon ng kusina ng lumabas mula rito si Didang na may hawak na diyaryo.

"Naku po, totoo kaya itong balita sa diyaryo?!"

"Bakit ano bang nakalagay diyan sa diyaryo?" Na-curious namang tanong ni Amanda.

"Kilala n'yo po ba si Chloe Ma'am ay kahit naman maldita 'yun at maarte. Nakakagulat pa rin ang nangyari sa kanya."

"Ha' bakit ano bang nangyari kay Chloe?" Hindi ito nagsalita kun'di iniabot na lang nito sa kanila ang diyaryo.

"GOD, HINDI ITO TOTOO!"

Natutop ni Amanda ang kanyang bibig sabay iling nito. Dahil hindi ito makapaniwala sa nakikita.

_____

"Siguro naman alam mo kung ano talaga ang responsibilidad mo sa mag-iina.

'Ngayong nagpasya na talaga si Amanda na sumama sa'yo. Alam mo naman na siguro kung ano ang dapat mong gawin?

'Simple lang naman ang nais namin ni Dustin. Hindi naman porke wala na sila Tito Darius at Tita Anna ay wala na ring poprotekta sa kanya. Hanggang narito pa kami ni Dustin walang p'wedeng manakit sa kanya.

'Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba? Saka may mga plano ka naman siguro sa ikabubuti ng pinsan ko at ng mga pamangkin ko tama?

'Kasi kung wala ka naman pa lang plano at gusto mo lang na alam mo na? Kung ako sa'yo mas mabuti kung habang maaga pa sabihin mo na para naman..."

"Pakakasalan ko siya! Hindi dahil iyon ang alam kong gusto n'yong mangyari at gusto n'yong gawin ko.

'Kung pakakasalan ko man si Angela dahil 'yun sa gusto ko.

'Gagawin ko 'yun hindi lang dahil sa responsibilidad. Gagawin ko 'yun dahil mahal ko siya, sila ng mga Anak ko.

'Dahil gusto ko silang makasama habang buhay. Naiintindihan mo ba?"

"Good! Mabuti naman pala kung ganu'n, wala tayong magiging problema at wala ka na ring magiging problema sa amin ni Dustin magmula sa araw na ito.

'Basta siguraduhin mo lang na hindi na masasaktan pa ulit si Amanda at ang mga bata.

'Makakasiguro kang kakampi mo kami sa lahat ng pagkakataon.

'Deal?" Sabay lahad ng kamay ni Gavin sa harap ni Joaquin.

Malugod naman itong tinanggap ni Joaquin. Mariing nagdaop ang kanilang palad sabay tapik sa balikat ng isa't-isa.

Nasa ganu'n silang sitwasyon ng isa sa mga guard ang kumuha ng kanilang atensyon.

"Sir, excuse me po! Alam n'yo na po ba itong balita sa diyaryo?"

"Bakit ano bang balita ang sinasabi mo?"

"Si Ma'am Chloe po kasi nakalagay dito sa diyaryo Sir!"

Sabay abot nito ng diyaryo kay Joaquin. Inabot naman agad ito ng lalaki.

"OH' MY GOD! SI ANGELA, HINDI PA NIYA DAPAT MALA..."

Patakbong tumalikod si Joaquin at tangka sanang papasok ng bahay.

Ngunit bago pa siya makapasok ng kabahayan, nasalubong na nito si Amanda.

Balak sana itong yakapin ni Joaquin subalit nilagpasan lang ito ni Amanda. Deretso itong lumapit kay Gavin na tila naman nahulog sa malalim na pag-iisip. Habang hawak pa rin nito ang pahayagan.

"SI DEXTER?" Nalilitong bulong ni Gavin sa sarili.

"GAVIN S-SI DUSTIN N-NASAAN SI DUSTIN, SABIHIN MO HINDI NIYA MAGAGAWA IYON HINDI BA SUMAGOT KA?!" Sigaw niya na halos malukot at mapunit na ang polo nito sa higpit ng pagkakahawak niya.

"H-HA'?!"

*****

By: LadyGem25

     (07-29-21)

Hello Guys,

Kumusta na ulit kayo? Tuloy tuloy na ulit ang ating update sana magustuhan n'yo ito.

Maraming Salamat ulit sa inyong suporta at pagsubaybay.

Marami-rami pa ang mangyayari sa mga susunod na chapters.

Siguradong magiging kaabang-abang pa rin ang mga susunod na kabanata.

Kaya sana patuloy n'yo pa rin itong subaybayan hanggang sa huli.

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

BE SAFE AND HEALTHY EVERYONE GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH

MG'25 (07-29-21)

LadyGem25creators' thoughts
下一章