webnovel

CHAPTER 35

SECRET REVELATION

Part 2

CHAPTER 35

PARKER POV

NAGNGITNGIT ako sa galit ng makarating ako sa Isla Paraiso agad akong bumaba sa sinakyan kong bangka saka nilusong ang dagat.

Tanaw ko agad sa cottage si Lera kasama nito si Lixxie diko nakita si Summer kaya nagmamadali akong umahon sa dagat.

Rinig ko pa ang pagtawag ni Lera sa akin pero hindi ko siya pinansin kay Summer nakatuon ang buong attensyun ko at nag aalala ako baka may ginawa na talaga si Salvie sa kanya.

Saktong nakalapit na ako sa cabin ni Summer ng mahagip ng mga mata ko si Salvie na kakalabas lang din sa cabin na inuukopa ni Lixxie agad nagliyab ang galit at inis ko nang makita ko siya.

Bumukas naman ang pintuan ng cabin ni Summer at gulat ng makita akong nakatayo lang sa pintuan niya.

"D-Doy? Kailan ka pa dumating?"kumislap ang mga mata nito ng makita ako at walang salitang yumakap sa akin. Niyakap ko din siya pabalik at hinahalik halikan ang ulo niya at hinigpitan pa ng husto ang yakap sa kanya.

"Akala ko matatagalan ka pa bago makabalik? Ayuko na dito Doy bumalik na tayo sa maynila."pakiusap nito sa akin.

"Talagang iuuwi na kita sa Maynila Day may kakausapin lang ako kailangan ko siyang makausap may liliwanagin lang akong mga bagay bagay."saad ko.

Tumahimik naman ito saka kumalas sa pagkayakap sa akin. Bakas sa mukha niya ang subrang lungkot at pag aalala.

Hinawakan ko ang baba niya saka inangat iyon. Diritsong tiningnan ko siya sa mga mata.

"Nandito lang ako Day, hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan nakahanda na ang sarili ko sa lahat, pumasok ka muna sa loob dahil kakausapin ko muna si Salvie pangako babalik na tayo sa maynila pagkatapos nito."hinalikan ko siya sa noo bago ako humakbang paalis para tunguhin si Salvie.

Kitang-kita ng mga mata ko ang pagkagulat ni Salvie habang naglakad ako papalapit sa kanya.

Para siyang kinakabahan at namumutla ang mukha niya.

Wala akong intensyon na saktan siya dahil hindi naman ako nanakit may kaklaruhin lang ako at gusto ko ng tamang kasagutan para dito.

"P-Parker"

"Anong ibig sabihin nito Salvie?"sabay abot sa kanya sa confidential file ko at literal na nanlaki ang mga mata niya ng makita ang hawak ko na yun.

Pinapanatili kong kalmado at mahinahon ang boses ko kahit na gustong gusto ko ng sumabog dahil sa pagpipigil ng galit Kong nararamdaman.

Paano niya nagawa to sa akin? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Wala akong natatandaan.

"P-Parker."

"Sagutin mo ang tanong ko Salvie Anong ibig sabihin nito?"

"S-san m-mo n-nakuha y-yan?."utal niyang tanong halata sa mukha ang subrang gulat at the same time kinakabahan na natatakot.

"Ang tanong ko ang sagutin mo Salvie! Anong ibig sabihin ng laman ng Video?"pagalit ko ng singhal sa kanya.

"P-Parker Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Magsisinungaling ka pa Salvie? Akala mo hindi kona naaalala ang mga nangyari?."

Nanigas ito sa kinatatayuan niya at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin. Lumapit nadin sa amin si Lera at si Lixxie halata sa mukha ng mga ito na naguguluhan kong anong pinag uusapan namin.

Bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko at yumakap sa mga hita ko. Napatingala ako sa langit dahil sa pagpigil ng emosyon ko parang naiiyak na ako sa subrang galit.

"I'm sorry Parker hindi ko sinadya, Hindi ko sinadya ang lahat."hagolhol nitong sabi.

"P-Parker What's goin on here? What are you two talking about?"naguguluhang tanong ni Lixxie.

"Tawagan mo si Anton Lera may Importanteng bagay ako na gustong malaman sa kanila."matigas kong sabi kay Lera.

"Bakit kasama si Anton? What's goin on here ba Parker?."

"Bakit hindi mo subukang itanong jan sa hayop na babaeng ito at sa Asawa mo? GINAGAGO lang nila tayo Lera matagal na nila tayong ginagago kung hindi lang nawala ang memorya ko hindi ako hahantong sa ganitong bagay! "Tiimbagang saad ko.

"Ano? Parker ano bang ibig mong sabihin?"muling tanong nito.

"Tawagin mo ang magaling mong Asawa Lera."utos ko muli kay Lera.

Inalis ko naman ang pagpulopot ng braso ni Salvie sa Hita ko at idistansya ang sarili ko dito. Nakayuko na ito ngayon habang di parin tumigil sa kakaiyak.

"Akala ko ba magkasama kayo Parker?"tanong sakin ni Lixxie.

"May pinagkakaabalahan siya Honey ang pang gagago samin ng Tita Lera."

"Pauwi na siya Parker. At e-explain mo samin ang lahat dahil wala akong naintindhan."

"Sabihin mo Salvie kanino kayo nagtatrabaho? "

"Parker wala akong alam sa mga tinatanong mo."

"Maang-maangan ka pa? Huling huli kona kayo Salvie wag mong hintayin na hindi ako makapagtimpi at baka kong ano pa ang magawa ko sayo. Hindi ka ba nakonsensya? Mukhang wala ka naman non, Half of mylife pinaniwala mo ako sa kasinungalingan Salvie! Tinanggalan mo ako ng karapatang maging malaya! Ano bang ginawa ko para ganitohin niyo ako? Naging mabait ako sa'yo pero bakit? Bakit niyo to nagawa akin? Sa amin? Ganyan naba kami ka walang kwentang tao para traydurin ninyo?"parang gusto ko ng sumabog sa tindi ng galit na nararamdaman ko.

"Teka nga Parker ano ba ang pinagsasabi mo jan?"

"Parker anong nangyari dito?"nagpagting ang teynga ko ng marinig agad ang boses ni Anton.

Walang pasabi ko siyang sinugod ng di manlang umilag. Sinapak ko siya hanggang sa sumadsad sa buhanginan ang mukha niya.

"Parker ano ba bakit mo sinapak si Anton ano bang nangyari sa inyo?"awat ni Lera.

"Doy? Anong ginawa mo?" Napatingin agad ako kay Summer halatang gulat ito sa ginawa ko.

"He's a monster Summer, Mamatay tao yang Minahal mo-" hindi ko pinatapos ang iba pa niyang sasabihin dahil muli ko naman siyang sinapak at kinaladkad palayo sa kanila.

"Masahol ka pa sa Kriminal hayop ka! Hindi ko inasahan na ikaw ! Ikaw ang tatraydor sakin dahil pinagkamatiwalaan kita Anton!"singhal ko kay Anton.

Ngumisi lang ito. Putok na ang mga labi at puro na pasa ang mukha nito.

"Hindi ko inasahan na ganito ka aga mo nalaman agad Parker magaling na bisto mo agad kami.at hindi ka naman sana kasali sa paghihigante namin kay Benedict dahil sa ginawa niya sa Taong kumupkop sa amin pero dahil malapit ang loob mo sa mag amang yan wala na kaming choice kundi ang idamay ka pumabor lang sa amin ang pagkakataon dahil tinira ng team mo anv kota ko baka nakalimutan mo ako ang nagtanim ng bala jan sa. Utak mo kaya nga nawala ng pansamantala ang alala mo! Napaikot ka namin pero Diko inasahan na ganito ka kaaga andon na ey mapapatay kona si Benedict pero nakatakas ang matandang iyon!"hindi ko kinaya ang mga sinasabi ngayon ni Anton. So lahat ng nangyari samin ngayon na andyan sila ay pawang pagpapanggap lang?

Mas lalong sumiklab ang galit sa puso ko sa mga nalalaman ko ngayon.

Bigla naman sumulpot sa harap ko si Lera ng sugurin ko sana ulit si Anton.

"Ano ba Parker tama na! "Sigaw pa nito.

"Tignan ko lang kong kaya mo pang ipagtanggol ang hayop na yan pag marinig mo ang kawalang hiyaan ng Asawa mo Lera."

"Kanina ka pa sa ganyan mo Parker bakit hindi mo nalang sabihin ngayon ano bang ibig mong sabihin? Ano bang nangyari?"

"Bakit hindi ikaw ang sumagot sa tanong ng Asawa mo Anton?"hamon ko dito.

Hindi na ako nagulat sa paglapit ni Salvie kay Anton at tinulungan itong makatayo. Nanlaki ang mga mata ni Lera sa nakikita at tila naguguluhan

"Salvie lumayo ka nga sa Asawa ko."asik niya kay Salvie.

"Ano? Wala kayong sasabihin? Hindi niyo aaminin? O gusto niyong ako na mismo ang magsabi?"

"Anton? Ano ba to? Naguguluhan na ako !"

"May relasyon ang dalawang yan Lera matagal na tayong pinagmukhang tanga ng mga tinuturing nating Asawa!"pagbunyag ko sa katotohanan.

"Ano? Totoo ba? Totoo ba ang sinabi ni Parker Anton? Totoo ba!"pero mistulang bingi si Anton sa tanong niya kaya si Salvie ang lumapit sa kanya.

"Lera I'm sorry."umiyak na saad naman ni Salvie pilit nitong hawakan ang braso ng Babae.

"Wag mo akong hawakan! So totoo nga! Totoo nga! Walang hiya kayo!paano niyo to nagawa sakin! Anf kakapal ng pagmumukha ninyo!"pinagsasampal niya si Salvie na at agad naman lumapit si Anton at hinarangan si Salvie dahilan para siya ang matamaan sa sampal ni Lera.

Nanlisik ang mata niyang nakatingin sa dalawa at agad namang dumistansya si Lera. Ramdam ko ang sakit sa mga mata niya sa nalalaman.

"Halikana Salvie umalis na tayo."aya ni Anton kay dito.

"No! Isasama ko si Lixxie Anton."

"Hindi ko hahayaang kukunin mo ang anak ko Salvie."

"PARKER! MOMY!!!."

Hindi paman ako nakaharap sa kinaroroonan ni Lixxie ng may dumapong matigas na bagay sa ulo ko.

Agad akong nanghina at nandilim ang aking paningin.

Walang ibang taong pumasok sa isip ko si Summer at ang anak ko kailangan ko silang protektahan pero wala na akong lakas para tumayo.

Napaigik ako ng maramdaman ang bigat na bagay na nakadagan sa likod ko.

"Nahuli din kita sa Wakas Demonyo ka!."

Nanigas ako ng marinig ko ang boses ni Alcazar. Hindi to pwede !

Nang akmang tumayo ako ay tinuhod agad ako ni alcazar. Tumama ang tuhod niya sa ilong ko ramdam ko ang pagtulo ng dugo.

"Doy! " rinig kong sigaw ni Summer.

"S-subukan mo lang galawin isa kanila Alcazar pagsisihan mo tong ginawa mo to habambuhay tang ina ka!"

"Wala ka ng magagawa Parker dahil nahuli na kita at gaya ng ginawa mo sa kapatid ko hindi rin kita hahayaang mabuhay pa Gago ka! Dalhin na ang mga yan."

Mistulang na paralisa ang aking katawan naipikit kona ang aking mga mata sa subrang hilo.

I

Narinig ko na lang ang sigawan ng lahat na parang natatakot sunod sunod ng tunog ng baril ang narinig ko hanggang sa naglaho nang tuluyan ang ulirat ko.

下一章