SUMMER POV
NAGISING ako ng bigla ng maramdaman ko ang subrang pagkauhaw. Napabangon ako bigla at napaupo. Natigilan naman ako at napangiwi ng maramdaman ang konting kirot sa kabilang braso ko.
Teka? Nasan ako? Kaninong bahay ba to? Iginala ko ang paningin ko sa buong bahay. Gawa sa katawan ang buong bahay pati na tong hinihigaan ko.
Kinabahan ako ng subra ng maalala ko si Parker. Si Parker? Nasan si Parker? Nagmamadali akong lumabas sa kwarto at tinungo ang pintuan palabas ngunit natigilan ako ng bumungad sa akin ang napakagandang harden.
Punong puno iyon ng ibat ibang klase ng bulaklak at napagitnaan dito ang daanan na nilagyan pa ng malalaking tipak na malalapad na bato.
Teka lang? Patay na ba ako? Bakit ganito kaganda ang nakikita ko? Kinurot ko ang aking sarili . Nasasaktan ako kaya malamang buhay pa nga ako.
Tinahak ko ang daan at dinala ako nito sa isang napakagandang talon.
Really? Mukha mala paraiso itong lugar na to a.
Naengganyo akong panuorin ang rumaragasang tubig na galing sa taas. Napapikit ako ng maramdaman ang pagdampi ng sariwang hangin sa balat ko.
Nakapa ko ang aking sarili at napasuri. Teka lang ? Kaninong mga damit naman ang mga ito?
Malalaking damit at nakashort lang ako. Nasan ang mga undergarment ko? Napalinga linga ako sa paligid. Wala namang nakasampay na mga damit ko.
Dahil sa ganda ng paligid nawala sa isip ko si Parker. Sumiklab ang kaba at takot sa puso ko ng hindi ko makita si Parker.
Bumalik ako sa kabahayan saka hinanap si Parker pero di ko siya mahigilap. Gusto ko nang maiyak dahil iniisip ko na baka iniwan na niya ako.
"Parker!, nasan ka naba?"sigaw ko pa. Nagpapadyak na ako sa tinding takot na nararamdaman ko. Diko na din mapigilan ang pagtulo ng kusa ng mga luha ko.
Binalot ako ng subrang takot. Hindi ko alam kong anong gagawin ko wala akong tao na mapagtanungan dahil wala naman akong nakitang ibang bahay bukod dito.
"Parker! Nasan ka naba!?" Para na akong bata nag iiyak. Dumungaw pa ako sa bintana pero wala talagang bakas ni Parker na nakikita sa paligid.
Nang akmang lalabas ulit ako may matandang babae na may dalang basket ang basta nalang pumasok sa kusina. Nagulat pa ito ng makita ako.
"Gising kana pala dae ,"ngumiti ang matandang babae sa akin saka suminyas na lumapit sa kanya. Nag aalangan naman akong lumapit sa kanya. Saka mabilis na pinunasan ang mga luha ko sa mga mata.
"Ako si Nanay Bering, Nanay nalang tawag mo sa akin, Kumusta na ang pakiramdam mo dae? Tatlong araw kang tulog si Parker alalang alala na sayo "pagkukwento nito.
Tatlong araw? Pano nangyari yun? Teka? Naalala kona, Nag uusap lang kami ni Parker ng bigla akong mahilo pero? Pano kami napunta dito?
Lumapit ako kay Nay bering. Ipinaghila niya ako ng upuan na gawa din sa Kawayan at may inilapag na pagkain sa mesa.
"Si Parker po nasan?"diko napigilang tanong.
"Nasa Ilog kasama ng Asawa at anak ko nagpapana ng Isda"nakangiting saad nito.
"Anong lugar po ito Nay?,pano kami napunta dito?"sunod sunod kong tanong.
Ngunit hindi paman nakapagsalita si Nay Bering nang pumasok na si Parker may bitbit itong malalaking isda at walang damit pang itaas.
Nagkatinginan kaming dalawa. Nakapa ko ang dibdib ko ng maramdaman ang pagwawala naman ng puso ko. Napalunok pa ako ng makita ko siyang naglakad palapit sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko ng bigla niya akong yakapin.
Parang gusto nang sumabog ang dibdib ko sa subrang lakas ng pintig nito. Nakaawang lang ang bibig ko sa subrang gulat na ginawa niya na diko talaga inaasahan.
"You make me worried , Alam mo bang tatlong araw kang tulog? Im really worried , okay ka naba? Kamusta ang pakiramdam mo?"kumalas siya ng yakap sa akin saka sinuri ako ng tingin.
Napadistansya naman siya akin ng makita naming nakatingin si Nanay Bering sa deriksyon namin.
"Ang sweet niyo namang dalawa , bagay kayo"nakangiting saad ni nanay Bering para namang kiniliti ang puso ko sa sinabi ni Nanay saka ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.
"Nay , Salamat nga pala sa inyo ni Tatay Lusyo ah, Salamat at tinanggap niyo parin kami dito kahit hindi niyo naman kami kakilala "
"Walang anuman yun doi, tsaka mukha namang mabubuti kayong tao at pasensya kana talaga sa nangyari ha, "
Tumingin ako kay Parker, anong sinabing nangyari? Ano ba ang nangyari? Ang dami kong tanong pero dahil ramdam kona ang gutom ay nanatili nalang akong tahimik.
"Sege mauna na ako Doi, Dae uuwi na muna ako, pag may kailangan kayo wag lang kayo mahiyang puntahan kami sa kabila "
"Salamat ulit nay " inihatid pa ni Parker sa labas ang matanda. Napahalukipkip naman ako ng makabalik siya.
"Alam kong gutom kana , kumain kana"saka niya inilabas ang mga pagkain na nasa loob pa ng basket.
Napatakip ako sa ilong ko ng may maamong akong mabaho.
"Ano ba yan Parker? Bakit ang baho?"reklamo ko.
"Wag ka nang mag iinarte jan, sanayin mo ang sarili mo sa ganitong uri ng pagkain dahil mukhang magtatagal tayo dito"
May inilapag siyang mga pagkain, may kanin na nakalagay sa dahon at may Inihaw na isda.
"Walang kutsara at tinidor? Paano ako kakain niyan?"
"Kumain kang nakakamay, wala tayo sa syudad Summer kaya matuto kang makibagay sa kong anong meron dito.
"Nagsimula na itong sumubo gamit ang kamay niya.
"What are these?"turo ko sa ibang pagkain na nasa harapan ko. Nilagang saging lang ang kilala ko.
"Nilagang kamoteng kahoy, tuyo, bagoong, talbos ng kamote, ginataang tilapia , Ube at sweet potato , ayan kilalanin mo muna ang mga yan bago mo tikman ".
"Kakainin ko ang mga to? Parker naman diko nga kilala ang mga yan tas kakainin ko? Pano kong magkadiarhea ako? , No hindi ako kakain niyan".
"Di manigas ka sa gutom , "sabi nito saka tinuloy ang pagkain.
"Bakit ang baho ng isang yan umalingasaw pa talaga "
[a/n : burong isda ang tinutukoy ni Summer]
"Kumain kana lang wag ka nang reklamo ng reklamo jan "
Tinignan ko pa ang mga kamay ko saka sinulyapan si Parker na maganang kumain. Gutom na gutom na ako.
Kumuha ng dahon sa saging si Parker saka nilagyan niya ng kanin at inihaw na isda at inilagay sa harap ko.
"Kumain kana, kailangan mong makabawi ng lakas ilang araw kang tulog at walang kain "
"Hugasan ko muna ang nga kamay ko "saka akmang tatayo ng bigla nalang itong tumayo saka nagtungo sa lababong gawa ng kawayan at nagsalok ng tubig sa malaking drum.
Lihim akong napangiti sa ginawa niya. For all of my life wala pang lalaking gumawa sa akin ng ganito at mabait parin siya sakin kahit pa sa inaasal kong hindi maganda sa kanya.
Naghugas na ako ng kamay ko saka ginaya kong paano magkamay kong kumain. Hindi ko alam kong anong meron sa ganitong paraan pero mas ginanahan akong kumain.
Kanin at inihaw na isda lang ang kinain ko.
"Tikaman mo masarap yan ,"saboy abot niya sa sweet potato na binalatan na.
Tinanggap ko iyon saka tinikman. Masarap nga at matamis. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya ng makitang nagustuhan ko ang lasa niyon.
"Bilisan mong kumain ipapasyal kita sa kabila para makilala mo ang tumulong sa atin , "saka ito tumayo. At lumabas na. Tinapos kona rin ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na rin.
Para akong bata na subrang mangha sa mga nakikita ko sa paligid. Napaupo ako sa isang malaking bato paharap sa napakagandang talon. Malamig ang simoy ng hangin at napakaganda sa pandinig yung mga huni ng ibon, lalo na ang rumaragasang tubig na nagmula pa sa mataas na bahagi ng bukid. Sumasayaw ang mga dahon sa bawat paglakad ng hangin.
Nakita ng peripheral vision ko ang pa simpling pag sulyap ni Parker sa akin na tumabi ng upo sa akin habang nakataas ang kaliwang paa nakatungtong sa bato at itinukod ang siko sa hita at nakatingin sa gawi ko.
"Votre Magnifique "anas nito napatingin ako sa kanya. Salubong ang kilay ko at nakanguso.
(Your Gorgeous in French Yan dunno if tama ba translation niyan ng bb!)
"Wag mo akong ini elyen talk Parker, Ano yun? Anong ibig sabihin ng sinabi mo?"tanong ko dito.
Nag iwas lang ito ng tingin saka bumaba sa talon at nagsimulang lumangoy palapit sa rumaragasang tubig.
'Anong problema ng taong yun? Ano ba yung Votre Magnifique na yan?'
"Maligo ka Malamig ang tubig Summer "sigaw ni Parker pero diko siya pinansin saka bumaba na ako sa inuupuan kong bato at naglakad pabalik sa bahay. Tumigil ako saglit nang mahagip nang mata ko ang malaking duyan sa likod ng bahagi ng bahay. Lumapit ako dito at sumakay sa duyan. Saka pumikit.
Mas gusto kona yatang dito na tumira. Tahimik at nakaka goodvibes pa ang paligid.
Napadilat Ako sa mga mata ko ng biglang umeksina ang mukha ni Parker sa isip ko.
Parang tinambol ang puso ko. Hindi nato bago sa akin pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi kaya , ? No! No! It' can't be ! Hindi ko siya gusto. No way! Not in My wildest dream ! Protesta ko sa isip ko.
"Anong nangyari sayo?"napaigtad ako ng may biglang magsalita sa harapan ko.
Letse talaga tong lalaking to palagi nalang nanggulat eh, napadako ang tingin ko sa abs niya. Parang inaakit ako ng mga ito. Nakakahiya!
Marupok ako sa ganito kaya please naman. Tama naaaa!!!
"Pwedi bang magdamit ka Parker? Naasiwaan ako sa ayos mo e"tanging nasabi ko dito.
Ngumisi naman ito. At nakakaasar na ngisi pa.
Kinunotan ko siya ng noo saka pinandilatan. Napansin kong may sugat sa kanang ibabaw ng diddib niya.
"Anong nangyari jan?"wala sa sarili kong tanong.
"Na Pana "ikli nitong sagot.
"Na pana? Anong na pana? "
"Eh sa pinana ako ey "
"Bakit ka nga pinana? At pano nangyaring pinana ka?"sunod sunod kong tanong.
Humalukipkip ito saka seryusong tumingin sa akin. Mukhang nabadtrip na ata sa kakatanong ko.
"Bumaba kana jan aalis na tayo "saka tumalikod na ito at nauna nang maglakad.
Nagmamadali din akong bumaba sa duyan saka pa takbo na sumunod sa kanya.
"Seryuso kana ba talaga? Hindi kana magdadamit ?"pangungulit ko.
"Wala akong damit napunit ey, kaya nga pupunta tayo sa kabila para kunin yung mga damit na ipapahiram ni Nay bering at tatay Lusyo sa atin "
Tumahimik nalang ako saka sumunod sa kanya. Tinahak namin yung makipot na daan. At lumusot kami sa malaking kweba saka ko natanaw ang kabahayan ng makalabas kami sa malaking kweba na yun.
Napalibotan ito ng puno at napakaraming pananim sa paligid. May mga damit pang nakasampay. May nagbibilad ng mais at yung iba ay abala sa pagbubungkal ng lupa.
Sumunod lang ako kay Parker saka tumuloy kami sa isang bahay kubo din na gawa ng katawan at nipa ang bubong pero mas malaki ito kompara dun ss bahay na tinuluyan namin.
Pinakilala ako ni Parker sa asawa ni nay Bering pati na sa anak nila at iba pang kapitbahay. Masasabi kong masayahin ang mga taong andon at mababait. Wala kang maipintas sa kanila.
Napadungaw ako sa maliit na teresa sa likurang bahagi ng bahay nina Nay Bering at namangha ako sa nakikita ko. Napakalawak na taniman ng mais, may mga maraming ibat ibang klase ng gulay at prutas.
Hindi ko alam na may ganito pang lugar. Akala ko nadevelop nanlahat at puro na gusali. Pero para sa akin parang nasa paraiso na ako wala ka nang mahahanap pa. Gustohin mong tumira dito kahit walang gadget o pera.
Nalungkot ako bigla ng maalala ko si Dady. Subrang miss kona si Dady at hindi ko alam kong kailan kami makakabalik. Gumihit na naman ang inis sa mukha ko ng maalala kong bakit kami napadpad dito.
Sa
'Magkikita rin tayo Thana, at pagbabayaran mo itong ginawa mo sa akin babae ka!'