webnovel

CHAPTER 19

SUMMER POV.

PARANG gusto ko nang sumabog sa révélation na sinabi kanina ni Parker. Hindi ko naman kase inasahan na si Thana ang may pakana ng lahat. Pero bakit? Wala naman akong kasalanan na ginawa ko sa kanya.

Naging mabuting kaibigan ako sa kanya at wala akong nakitang rason para gawin niya ito sa akin.

Hindi parin ito nag sink in sa utak ko pagod pa ang katawan ko at ngayon dumudugo na ang sugat ko na tinamaan ng bala.

Napatingin ako sa gawi ni Parker pinunit niya ang dulong bahagi ng suot niyang long sleeve dahilan para ma expose ang mala pandesal niyang abs.

Sheety! Why so damn hot Parker! Pakiramdam ko mukha nang kamatis ang mga pisngi ko ngayon. Eh kese nemen letse tong lalaki na to. Napako ang paningin ko abs niya. Panay lunok ako damn ! Damn!

"Busog ka na ba? "Nakangisi nitong tanong.

"Anong busog?"takang tanong ko.

"Natutunaw na yang abs ko sa kakatitig mo"

Napaiwas agad ako ng tingin. At hindi makapagsalita. Nag iinit ng husto ang pisngi ko.

Natigilan ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ano bang ginagawa ng lalaking to?

Ramdam kona naman ang mabilis ng pagtibok ng puso ko sa ginawa niya. Ang weird na naman. Mas lalo akong pinagpawisan dahil tirik na tirik ang araw kahit pa na may mga matatayog na puno ang nakapaligid sa amin.

Masusukal na gubat at puno ng wild plants ang paligid. Puno ng huni nang mga ibon at sumasayaw sa saliw ng hangin ang mga dahon ng puno.

For the first time ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Buong buhay ko nasa syudad lang ako.

Mausok , mainit at matraffic ganyan ang kinalakihan ko sa syudad.

Masyado akong nadala sa paligid at diko namalayan ang malambot na bagay na lumapat sa noo. Napatanga ako ng mapagtantong hinalikan ako sa noo ni Parker.

Nanlaki ang mata kong napatitig sa kanya nang ilayo na niya ang mukha niya sa akin. Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala.

Simpleng halik lang yun sa noo ko pa pero bakit ganito ang epekto sa akin?

Para akong kapusin ng hininga sa nararamdaman ko. At parang gusto ng kumawala ng puso kong nagwawala sa loob.

"I mean it , i just Ahm "natigilan kami pareho ni Parker ng may marinig kaming mga yabag. Mabilis kaming nagtago sa makakapal na baging.

"Segurado akong hindi pa nakakalayo ang mga iyon kaya suyurin niyo ang buong Gubat"

Nanlamig ang buo kong katawan. Pano nalang kong makita nila kami.

Ano na ang mangyari sa amin?

Napangiwi ako ng muli na namang sumakit ang sugat ko at kagat ko ang ibabang labi ko para di makagawa ng ano mang ingay.

Napatingin sa gawi ko si Parker at mabilis niyang tinalian ang sugat ko pigil ako na mapahiyaw sa sakit at kirot na nararamdaman ko.

Nang Matapos niyang talian ay niyakap niya ako pinapat ang ulo ko.

Gusto kong matawa sa sarili ko Kase pakiramdam ko safe na safe ako sa mga bisig ni Parker. Ang weird lang Sa nararamdaman ko , hindi ko lang inaasahan na ganito ang magiging epekto ng mga ginagawa ni Parker sa akin.

"Kailangan na nating makalabas dito sa gubat hindi natin kabisado ang buong kagubatan maraming mababangis na hayop dito kaya Kailangan na nating makalabas dito bago mag gabi "bulong ni Parker sa akin.

Tumango lang ako bilang pagsang ayun. Pero kinakabahan padin ako.

"Hindi na kita madadala sa Isla Paraiso pero wag kang mag aalala hinding hindi kita pababayaan Summer , "dagdag pa niya.

Hindi ko magawang magsalita gusto ko lang makinig na makinig sa kanya. Ramdam ko nadin ang pagod at nandon parin ang kirot sa sugat ko.

Tumayo na kami ni Parker at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi na ako pumalag dahil nag aalala na ako sa kaligtasan naming dalawa.

Dahan dahan lang ang paghakbang namin habng nakamasid sa paligid.

Nang maseguro namin ni Parker na malayo na sa amin ang mga taong Sumunod sa amin ay nagmamadali kaming tumakbo sa masusukal na gubat.

Walang deriksyon at hindi namin alam kong san kami dadalhin ng mga paa namin.

"Ayon sila! Bilisan niyo! "

Sumiklab ang subrang kaba sa dibdib ko ng may makakita sa amin ni Parker. Mabilis akong hinila ni Parker at nakasunod ako sa kanya habang tumatakbo.

Walang tigil kami sa pagtakbo. Ramdam kona ang subrang pagod.

"Parker ! Hindi kona kaya pagod na ako"hininingal kong sabi sa kanya.

"Hindi tayo pweding tumigil dito, baka maabotan nila tayo , halikana "

Umiling lang ako sa saka binawi ang kamay kong hinawakan niya.

"Hindi kona kaya Parker, Hindi kona kaya, Masakit na ang binti at tuhod ko pakiramdam ko hindi kona kayang humakbang pa "naiiyak na sabi ko.

Huminga ako ng malalim kinakapos na ako sa paghinga.

"Sampa ka sa likod ko,"

"Mabigat ako Parker,"

"Pumili ka Sasampa ka sa likod ko o iiwan kita dito?"

"Ito na sasampa na nanakot pa eh no?"inirapan ko muna siya bago sumampa sa likod niya.

Walang tigil sa pagpintig ang puso ko. Kinakabahan ako at the same time oo na kinilig ako Jusmeo naman sa ganitong pangyayari nagawa ko pang kiligin.

Bakit naman kase ang sweet ng taong to, ngayon ko pa narealise ang lahat ng ginagawa nya sa akin kahit pa madalas ko siyang sinusungitan.

"Wag kang matutulog jan baka bigla kang mahulog "sabi nito.

Kumapit ako ng maige sa leeg niya. Niluwagan ko naman ng kaonte baka masakal ko siya.

Nang hindi kona maramdaman ang pagod.

"Parker ibaba muna ako, kaya konang maglakad "

"Seryuso ka? Baka mamaya magreklamo ka na naman "

"Kaya kona "

Bumaba na ako sa pagkasampa sa likod niya at nagsimula na naman kaming maglakad. Pakapal ng pakapal ang nilalakaran namin at Nakaramdam na ako ng gutom.

Kinalabit ko si Parker at tumigil ito saka humarap sa akin.

"G-gutom na ako Parker "'nahihiya kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.

"Halika maghahanap tayo ng pweding kainin dito baka may makita tAyong prutas "

Sumunod naman ako kay Parker. Nilibot ko rin ng tingin ang buong paligid. Hindi ko rin kilala ang mga puno na nakapaligid samin.

"There! May puno ng Kaymeto".

[a/n: dunno if yung Star apple is kaymeto ba din yun sa tagalog o star apple ba ang english name ng kaymeto correct me if im wrong di Ako Perfect haha sorna umeepal si Author]

"Halikana Summer , umakyat tayo "

"What? Aakyat tayo? Parker hindi ako marunong umakyat ng puno for Pete's sake!, what do you think of me a monkey? No hindi ako aakyat jan bahala ka "

"Okay sege bahaala kang magutom jan kong ayaw mong aakyat di kita bibigyan "

Nataranta ako ng magsimula nang umakyat si Parker. Sa nakikita ko ang dali dali lang pero pano ba ako aakyat? Ang taas at ang laki ng puno.

"Umakyat kana gayahin mo yung ginawa ko"

"Ayuko hindi ko kaya mahulog pa ako sa ipapagawa mo Parker "

"Wag ka nang mag inarte jan kong ayaw mong malipasan ng gutom , maraming hinog dito kaya akyat kana"

Tumingala lang ako sa kanya. Inis na napapikit.

Okay Summer you can do this! You can do this!

Nagsimula na akong tumuntong sa malalaking ugat ng puno at inabot ang mga malalaking baging na nakapulot sa katawan ng puno. Iniangat ang sarili. Nang malapit na ako sa malaking sanga ay naputol ang isang baging nahinawakan ko.

"Agghhhhhhhhhh! Parker mahuhulog ako"sigaw ko kaya Parker nagmamadali naman itong bumaba at inabot ang kamay ko.

"Abotin mo ang kamay ko at hilahin kita "

Nanginginig ang katawan ko takot at kaba ang bumalot sa akin napatingin ako sa baba. Nalula ako ng makitang nasa mataas na bahagi na ako. Pag ako mahulog mababalian ako ng buto nito.

"Hey wag kang tumingin sa baba , tumingin ka Lang sa akin Summer "

Napaangat uli ako ng ulo at napatitig kay Parker. Determinado akong makaakyat na dahil masakit na rin ang kabilang braso ko na natamaan ng bala.

Ligtas akong nakarating sa tuktok ng puno ng kaymeto malaki ang sanga nito at kasya ang dalawang tao kong magtago.

"Maupo ka jan at ikukuha kita ng hinog "

Tumango lang ako saka pinanuod syang expertong naglalambitin sa sanga.

Naramdaman kona ang panghihina. Nilalamig nadin ako na ewan. Napayakap ako sa sarili kong mga braso.

"Kumakain ka muna, wala na tayong ibang makain kundi ito nalang "

Hindi na ako nagsalita at inabot ko ang prutas at sinimulang kainin.

Masarap , matamis at makatas. Tho parang may glue ito dumidikit yun sa balat ko.

"Parker, makakauwi pa ba tayo? "

"Oo naman "

"Paano?"

Tumigil ito sa pagkain saka umayos ng upo paharap sa akin.

"Hindi ko rin alam pero hanggat kasama mo ako walang mangyayaring masama sayo , palagi mo lang tatandaan ang sinasabi ko sayo Be brave "

"Hindi ko alam kong hanggang kailan ako kayang maging matapang Parker masyadong magulo at nakakatakot ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na din alam kong kanino ako dapat magtiwala "

"Ipagkatiwala mo man sa akin ang kaligtasan mo o hindi gagawin ko parin ang responsibilidad ko sayo at yun ang panatilihin kang ligtas kahit buhay ko pa ang kapalit Summer "seryuso nitong saad.

Bigla akong nakaramdam ng hilo at kasunod niyon ay pagdilim nang aking mga paningin.

下一章