Isang matinding pagsiko ang natanggap sa akin ni Dan na biglang sumulpot sa likod namin. Nabitawan niya tuloy ang mga dala niyang limang bote ng inumin. Walang tumulong sa kanya magpulot. Pinanood lang namin siya habang nakatungo siya. Tumunghay siya saglit at parang nangugusap ang mata niya na hindi niyo man lang ako tutulungan.
Si Mia ang sumagot sa kanya. "Sino namang may sabi sayo na makinig ka sa usapan namin ha?"
Pagkatapos noon ay iniwan na namin si Dan at naglakad na kami papunta sa hagdan. Medyo nagpipigil kami ng tawa dahil sa itsura ni Dan. Pero hindi pa nawala sa isip ko yung sinabi ni Mia. Totoo na hindi ko pa naisip na baka nagkakamali lang ako, na sobrang mahalaga lang sa akin si Stan at kaya ko napagkamalan na pag-ibig ito. At tsaka noong isang taon lang ay halos mabaliw na ako gawa ni Keith. Bumalik tuloy ang pagdududa ko sa sarili kong nararamdaman. Mukhang tama si Dan, hindi nga kaya ng capacity ng utak ko.
Hindi nagtagal, nakaabot na sa amin si Dan dahil binagalan talaga namin ang paglalakad.
"Grabe kayong tatlo. Wala kayong awa, hindi niyo man lang ako tinulungan," reklamo kaagad niya.
"Bakit ba kasi ikaw lang ang bumili nan lahat?" tanong ko sa kanya.
Sinagot lang niya ako ng natalo siya sa pustahan at hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring bastos o sobrang dali na nakakahiyang aminin para kay Dan. Humakbang si Mia ng isang baitang papalapit kay Dan. Akala ko ay tutulungan niya dahil kinuha niyang yung isang bote sa braso ni Dan.
"Sayo 'to diba?" tanong niya. Tumango lang si Dan saka binuksan ni Mia yung bote at ininom ito.
Magrereklamo pa sana si Dan kaso naunahan siya ni Aya sa pagtatanong kung yung bote ng C2 apple ay kay Andy. Dalawang C2 lemon at Nestea Apple Tea na lang ang natira kaya ang kinuha ko ay yung Nestea. Binuksan ko din ito at uminom ng kaunti.
"Oh ayan, tinulungan ka na namin ah," sabi ni Aya at tumawa na kaming tatlo.
Nasa may hagdan pa lang kami papuntang second floor ay dinig na dinig na ang malakas na tugtog ng kanta ng Dashboard Confessional na As Lovers Go. Napakanta kaming apat kaya hindi ko napansin na tumigil na pala yung kanta. Ni hindi din ako sumilip sa bintana bago ko binuksan ang unang pinto sa classroom ng class a.
"I'll be yours my dear," pagkanta ko ng malakas na medyo wala sa tono.
Oh shit na lang ang nasabi ko sa utak ko dahil nakatayo si Ma'am Rodriguez sa harap at halatang pinapagalitan niya yung mga tao sa loob ng classroom. Nasa akin ang buong atensyon nila. Napahakbang ako patalikod at gusto ko na lang magkunwari na walang nangyari pero naunahan ako ni Ma'am. "Pumasok na kayong apat, Miss Reyes."
Dali-dali kaming apat nagpunta doon sa may likod. Natatawa pa si Dan habang sinabi niya sa akin, "Tindi mo, Risa. Nakakahiya yung ginawa mo. Wala ka pa sa tono."
Malakas na hampas sa braso ang sinagot ko sa kanya. Hindi na niya kailangan sabihin sakin yun dahil alam ko naman. Sigurado ako na bukas alam na ng buong third year kung anong ginawa ko. Kaunting sermon na lang ang naabutan namin at hindi nagtagal umalis na din si Ma'am Rodgriguez.
"Ayusin niyo na 'tong classroom at magsi-uwi na kayo. 'Wag niyong kakalimutan na may dress rehearsal bukas ng 1pm sa auditorium." Ang huling niyang bilin bago niya kami iniwan para maglinis.
Iba't ibang reaksyon ang nakita ko pagkalabas ni Ma'am. May ilang tao na niloko ako at tinawan ko lang sila. Tumulong na din kami sa pagbabalik ng mga upuan at mesa ng ayos. Pagkatapos ibigay sa akin ni Jesse ang costume ko, hinanap ko agad si Stan. Nakaupo siya sa may upuan niya at nag-aayos ng gamit pero hindi pa din niya tinatanggal ang bag kong nakatapong sa bag niya.
Naupo ako doon sa mesa sa likod niya saka ko inabot sa balikat niya yung bote ng Nestea na kinuha ko kay Dan. "Sayo 'to nu?"
Kinuha niya yung bote bago niya ako nilingon. "Ininuman mo?"
Thanks for reading! As usual, if you like Japanese settings and characters, smut, school life, please check out my other story, Ugly Little Feelings.
Anyway, keep safe you guys. Charge your phones and always be alert.
Twitter: @wickedwinter3
Like my writing? Buy me a coffee? www.ko-fi.com/wickedwinter