webnovel

Chapter Three

"You said you aren't drunk. I guess you are now." Anang lalaki.

"A-ayaw mo ba?" Namutawi sa bibig ni Arielle.

He shrugged his shoulders as he open the door widely for her. Naligalig higit ang puso ni Arielle, pati ang tila mga paru parong nabuhay bigla sa tyan niya.

He's letting her in. Ibig bang sabihin pumapayag itong magsiping sila?

"Come in." Narinig niyang anito nang hindi siya tuminag sa pagkakatayo. Natauhan, mabilis siyang humakbang papasok. Siya na ang kusang nagsara ng pinto.. At ni lock iyon. Mahirap na, baka may biglang pumasok.

Malakas ang dagundong ng puso ni Arielle habang hindi mapagkit pagkit ang titig niya sa lalaking mas lalo yatang gumagwapo dahil sa bahagyang pagkakangiti.

Nasa gitna ito ng marangyang silid. Nakahalukipkip habang amused pa rin na nakatitig sa kanya.

"S-saan ako pupwesto?" Parang engot na tanong niya. "I-I mean anong gagawin ko? Gusto mo ba 'yong may music? May mga romantic songs akong naka download dito sa cellphone ko." alanganing tanong niya pa. Itinaas pa ang hawak niyang cellphone para ipakita sa lalaki pero ni hindi nito iyon tinapunan man lang ng tingin.

Lumunok si Arielle. Gustong mapapikit sa tindi ng kahihiyan. Pero ngayon pa ba siya magba back out? Mukha na siyang cheap na pick up girl na may bago lang style para makabingwit ng lalaki. Lulunukin niya na ang lahat. Hindi maaaring si Busty ang maging unang lalaki sa buhay niya. She'd die hating that bastard.

Pero hindi ba niya pagsisisihan din ang pagbibigay niya sa sarili sa lalaking kaharap? Maybe. Pero hindi kasing tindi ng pagsisising mararamdaman niya oras na ikasal na siya kay Busty.

"G-gusto mo bang magshower tayo? Nang sabay?" Tanong niya nang manatiling tahimik ang lalaking kaharap.

"I've just had a shower."

"A-ako hindi pa..." Kinakabahan pa rin na aniya. Bumaba ang tingin ng lalaki mula sa mukha niya papunta sa kamay niya. Arielle just realized she keeps twirling the ring around her finger.

Mabilis niyang itinago ang mga kamay sa likuran niya. Doon mahigpit iyong pinagsalikop. Nate tense siya and it was very obvious.

"You can take a shower first, then we'll talk."

Lunok ulit.

"S-sige.." Pilit siyang ngumiti. "S-sure ka, ayaw mo talagang sumabay? S-sige.."

Napilitan siyang humakbang papasok sa bathroom nang hindi sumagot ang lalaki, bahagya lang umangat ang sulok ng bibig. Nakita niyang lumakad ito patungo sa mini bar na nasa loob din ng presidential suite.

Diyos ko, tama ba ang ginagawa niya? Piping tanong niya nang makapasok sa bathroom na kasing laki yata ng kwarto niya.

Hinubad niya ang suot niyang damit. Binuksan ang shower at saka itinapat doon ang sarili.

Bumuntong hininga siya. Natatawa siya na naaawa sa sarili. Nahihiya din siya sa ginagawa. Hinding hindi niya ipagsasabi kahit sa matalik niyang kaibigang si Cecille ang kahibangan niyang ito. Isusumpa siya ng kaibigan tiyak.

Hindi naman mukhang manyakis ang lalaki. Sasabihin niya ba dito na virgin pa siya? Syempre. Paano niya ito papakiusapan na maging maingat kung hindi siya aamin na first time niya?

Matapos ang ilang minutong pagbabad sa ilalim ng dutsa, tinuyo ni Arielle ang sarili. Itinapis niya ang tuwalya sa katawan at saka kakaba kaba pa ring lumabas ng banyo.

Nagtaka siya nang hindi nya makita sa loob ng suite ang lalaki.

"Mister?" Tawag niya habang mahigpit ang hawak sa buhol ng tuwalya sa tapat ng dibdib niya.

"I'm here." Tugon nito. Humakbang siya palapit sa pinanggagalingan ng tinig nito. Pinihit niya ang seradura ng kanugnog na pinto and found out it was the way to the splendid huge veranda. May table at lounge chairs sa gitna at breathtaking ang view mula roon. Kita ang buong Cebu.

Nakasandal sa railings ang lalaki. Hawak nito ang isang baso ng alak sa kamay habang nakatitig sa kanya. Nakita niya ang pagkislap ng kung anong emosyon sa mga mata nito, desire maybe. Or something else na hindi niya alam ang tawag.

Hindi gaanong maliwanag sa veranda, malamlam ang ilaw na tumatanglaw sa kanila. Napakaromantic ng paligid. Parang planado ang lahat. Umiinom ang lalaki, katatapos lang nilang maligo pareho, tanging tuwalya na lang ang saplot niya sa katawan, naghihintay ang malaki at malambot na kama sa loob ng suite.

Everything is perfect and all set. Except that the man she chose to make love to was not making any move. He just kept on staring at her at naiilang na si Arielle.

Lumunok ulit siya, iyon na lang yata ang ginawa niya simula nang pumasok sa kwarto ng lalaki.

"Malamig dito. Baka magkasakit ka." She heard him say.

Naguluhan siya bigla. "G-gusto mong magbihis ako?"

Ngumiti ang lalaki, nakita niya ang pagflash ng mapuputi nitong ngipin sa kadiliman ng gabi.

"What you're wearing now is already pleasing to the eyes. But yes, gusto kong magbihis ka."

Nakagat ni Arielle ang pang ibabang labi. "O-okay lang ako." Aniya. Bakit pa siya magbibihis? Eh huhubarin naman nito iyon mamaya?

Lumipas ang ilang saglit. Naiinip si Arielle. Hihintayin niya bang gumawa ng first move ang lalaki? Anong petsa na. Patatagalin pa ba nila? She just want to get it done and get over it. Titigasan niya na ang mukha para matapos na agad ang misyon niya. Bahala na ulit si Batman.

"P-puwede na ba tayong mag umpisa? Gusto mo bang dito muna 'yong foreplay tapos do'n na tayo mamaya sa kama? Malamig ang tiled floor, baka mapulmunya tayo kung dyan tayo pu-pwesto."

Mahinang tumawa ang lalaki, amused pa rin.

"Hey.."

"I need a drink first. And so do you." Anito.

Humakbang ito palapit sa lamesa. Dinampot ang rhum na nasa ibabaw niyon at sinalinan ang hawak na baso. Lumapit ito sa kanya.

"Here. Drink this."

"H-hindi ako masyadong umiinom."

"You need that."

Tumango siya. Dinala sa bibig ang baso at uminom. Kandangiwi siya. Wine lang ang kaya nyang inumin. Naupo ang lalaki sa upuan.

"What's your name?"

Umiling siya. "Hindi ko sasabihin. Hindi ko rin itatanong ang pangalan mo at wala akong balak malaman kung sino ka. Pagkatapos ng gabing ito, kakalimutan kong nangyari 'to at nakilala kita."

"Why is that?" Kumunot ang noo nito.

"Dahil hindi puwede. No more questions, please."

Kinuha nito ang kamay niya at iginiya siya patungo sa bakanteng upuan. Sunod sunod pa ang tambol ng puso ni Arielle.

"I just have one last question." Ang lalaki nang nakaupo na sila pareho. Nanghinayang siya nang bitawan nito ang kamay niyang hawak nito.

"S-sige na nga. Pero pagkatapos kong sagutin yan, pwedeng doon na tayo sa loob? Start na tayo."

"Nagmamadali ka?"

"I just want to get it done, I'm sorry."

"You don't have to apologize." Anito na kumunot ang noo. Nahihiwagaan sa kanya.

"Anong tanong mo?"

"Why are you doing this?"

Nag iwas siya ng mata. Saglit siyang nagdalawang isip kung sasabihin sa lalaki ang totoo o hindi. "Dahil wala akong choice."

"Everybody has a choice."

"G-gusto ko lang maranasan.."

Kung sasabihin niyang ikakasal na siya sa loob ng apat na araw baka naman magback out ang lalaki at ayaw niyang mangyari iyon.

"T-twenty two na 'ko. Tuwing nag uusap ang mga kaibigan ko tungkol sa ganon.. wala akong maisagot. K-kasi nga wala akong experience."

"Curiousity then. At paano kapag nabuntis ka?" kaswal na tanong nito.

"May nabasa ako tungkol sa withdrawal. W-wala ka bang condom dito? Tawag tayo sa front desk o mag utos kaya." Nakagat niya ang pang ibabang labi. She sounded like an idiot. A hopeless idiot.

"Women these days." Buntong hininga nito. "And what do I get?"

"A-ako. Mukha ka namang mayaman.. Hindi ka naman siguro magpapabayad ng pera hindi ba?"

Natawa ito ng pagak. "Bata ka pa, Miss. And for sure, pagsisisihan mo ito pagdating ng panahon.."

"I won't."

"You are still too young. Virginity ang napakagandamg regalong pwede mong ibigay sa mapapangasawa mo sa araw ng inyong kasal. I can't take it just like that.. I am sorry, I don't bed inexperienced young girls."

Nakaramdam si Arielle ng inis. Pinaikot ikot at inuto lang siya nito. Pinaligo pa siya at pinainom ng alak dahil kailangan daw niya.. Hiyang hiya siya sa pinaggagawa pagkatapos sa rejection din pala ang uwi niya.

Nagbuga si Arielle ng hangin para kalmahin ang sarili. "A-andami mong pinagawa sa akin.. Sana sinabi mo agad para naghanap ako ng iba."

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa sinabi niya.

"What?"

"I'm sorry about this indecent proposal of mine, Mister. Thank you for the time." inis na umahon siya sa pagkakaupo at tumalikod na rito.

Pumasok siya ulit sa suite nito. Hinagilap ang hinubad niyang damit na isinampay niya sa sandalan ng sofa kanina.

"Where are you going?" Tanong ng lalaki na nakasunod pala sa kanya. Dahil maliwanag na sa loob ng suite, nakita niya ang pag iwas nito ng tingin nang walang pakundangan niyang isuot sa mismong harapan nito ang panty.

Sin-set aside na ni Arielle ang modesty. Para saan pa? Halos nakahubad na rin naman siya sa harap nito kanina sa suot niyang tuwalya.

"Hey.." Pigil ng lalaki nang humakbang siya patungo sa pinto matapos magbihis. "Saan ka pupunta?" Ulit nito sa tanong. Hinawakan siya sa siko dahilan para tumalima siya ulit paharap dito.

Pinigil niya ang pagsinghap nang mapansing ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Pumiksi siya.

"Maghahanap ako ng ibang prospect na papayag na idevirginized ako ngayong gabi." Sagot niya.

The muscle in the man's jaw jerked, matalim siyang tinitigan. "What are you planning to do? Kakatukin mo isa isa ang mga kwarto sa ibaba hanggang may lalaking pumayag sa gusto mo, ganon ba?"

Parang gusto niya nang maiyak. Malakas na sampal iyon sa kanya. Desperada ang tingin ng lalaking ito sa kanya. Desperadang ibigay ang sarili sa lalaking hindi niya kilala dahil curious siya sa eksperyensa. Iyon ang masakit. Nahuhusgahan siya dahil sa sinabi niyang dahilan dito.

Wala na talaga siyang ibang choice. Gusto niya ng panindigan ang plano, but not with any other man sa ibang kwarto.

She want the man in front of her to take her. Ito ang gusto niyang makauna sa kanya. Makahawak at makakita ng pribadong parte ng katawan niya. It was absurd she know at baka nage exaggerate lang siya. Pero attracted siya physically sa lalaki.

Pakiramdam niya tanging ito lang ang lalaking puwedeng humalik sa kanya ng hindi siya mandidiri o masusuka kaya. Ang problema, hindi ito payag na ikama siya..

下一章