webnovel

Why did you close your eyes?

"YEAH, indeed, time flies so fast. How was your work?" tanong ni Mr. Morgan.

"Okay naman, mahirap pero masaya. I like what I'm doing saka kasama ko pa si Erin sa trabaho kaya mas nag-eenjoy ako."

Tumungo-tungo siya, "I can see that… how are you and… Kyle?"

"Eh?" napatunganga ako sa tanong niya. Why the sudden question? But I realized na he was just trying to make a conversation. At nakita niya din nung isang araw na sinundo ako ni Kyle.

"Ah… o… okay naman kami."

Saglit na 'di kumibo si Levi at nag-iwas ng tingin, "That's good."

Mahabang katahimikan ang sumunod na namayani. Masyadong awkward, kailangan mag-isip ako ng sasabihin.

"G-grabe yung isang journalist kanina 'no? Magtanong ba naman sa'yo ng personal na bagay. Grabe talaga, buti hindi ka naging awkward? I'm sure nakakailang yun para sa isang respetadong businessman na katulad mo."

Kumibit balikat si Mr. Morgan, "I don't mind about the questions. What I answered is the truth."

Napalunok ako, "So… mayroon ka palang nagugustuhan."

Nagtama ang mata namin, "Yes."

"P-pero… nabangit mo na in a relationship siya. I'm sure madami naman mga babae ang nagkakagusto sa'yo so bakit nag-aantay ka pa sa babaeng hindi na available?"

He stepped forward closer to me. Ako naman ang napaatras. Lumapit pa siya at bahagyang pumantay sa mukha ko halos konti na lang ang distansya namin sa isa't isa. Mas bumilis ang tibok ng dibdib ko.

"She's the only woman that I want," he said while looking at me directly in the eyes.

Sa ilalim ng napakalalim na titig ni Mr. Morgan, muli kong naramdaman ang isang bagay na pinilit kong kalimutan sa lumipas na tatlong taon. Pero bakit bumabalik ulit ngayon? O mas tama bang sabihin na hindi ito nawala kahit kailan?

"Levi, I mean. . . Mr. Morgan, papasok na ako sa loob. It's nice to talk to you," nagmadali akong humakbang palayo pero hinuli ni Mr. Morgan ang braso ko.

Nagtatakang nilingon ko siya. Para akong napaso at nakuryente ng sabay nang muling maramdaman ang pamilyar na init ng palad niya. Nakatingin sa'kin ng mariin si Levi at hindi ko nagugustuhan kung anu itong bagay na muling umuusbong sa kalooban ko.

Hindi ito tama. May boyfriend ako at masaya kami. I shouldn't be feeling this way.

"Bitawan mo ako."

Pero mas humigpit ang kapit niya sa kamay at nanigas ang kanyang panga, "Apple, talaga bang wala lang sa'yo ang lahat?"

I saw a glimpse of hurt reflecting in his dark gray eyes. Pakiramdam ko nagbalik kami sa nakaraan ni Levi. Sa gitna ng hallway, kung kailan tinanong niya rin ako ng ganito. Ang sandaling yun na huli naming pagkikita at ang pinakamasakit na araw sa buong buhay ko.

Everything is already part of the past. Kung anu man ang mga nangyari ay tapos na. I moved on… we moved on. Masaya at maayos na ang buhay ko. Pero bakit bumalik pa siya upang lituhin na naman ang puso at isipan ko?

Naputol ang mahabang tinginan namin nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinatak ni Mr. Morgan ang braso ko at sabay kaming tumakbo upang sumilong. Basang-basang na tuloy ang suot kong white polo blouse.

Napansin kong nakahawak pa rin sa'kin si Mr. Morgan. Nagkatinginan kami tapos napatingin siya sa kamay ko at agad niyang binitawan.

Naku! Kung mamalasin ka nga naman! Wala pa akong dalang panyo o kahit anung pamunas o pamalit man lang. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig at pinunasan ang nabasang mukha gamit ang palad.

Nabahing ako ng malakas, "Achuu!" kinamot ko ang ilong.

Nagulat ako nang may pumatong sa balikat ko, pag-angat ko ng tingin, hinubad ni Mr. Morgan ang suit niya. Dekalidad ang tela nun kaya hindi masyadong nabasa dahil nag-slide lang ang tubig.

"T-thank you."

Hindi siya kumibo, imbis, kinuha niya ulit ang kamay ko at hinatak ako papasok ng hotel.

"Wa… wait!"

Hinila niya ako patungo sa main lobby. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasulubong namin. Halos yumuko ako sa sobrang hiya. Baka mamaya may makakita samin na taga RPHC o kaya mga kasamahan ko sa Luminous. Baka kung anu ang isipin nila.

"Mr. Morgan, wait lang!"

Pero hindi niya ako pinakingan. Sumakay kami sa elevator at may pinindot niya ang twentieth floor.

"Saan ba tayo pupunta? Baka may makakita sa atin at kung anu ang isipin."

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, "You need to change clothes. Baka magsakit ka," binunot niya ang cellphone at may tinawagan.

"Jaymee, buy me clothes for woman," nilingon niya ako at pinagmasdan mula ulo hanggang paa, "Yung blouse, extra small, yung pants, ang waistline 24 and half at 32 ang balakang. Yung bra size 31 pero pwede na ang 32A, small lang ang panty at 7.5 ang sapatos."

Napanganga ako. Paano niya nalaman ang eksaktong measures ng katawan ko? What the. . .

Ding!

Tumunog ang bell ng elevator at bumukas ang metal na pinto. Hinila ulit ako ni Levi, "Teka, paano mo nalamana ang measurements ko?"

He simply smirked and looked sideways to me, "Kabisado ko ang katawan mo, wala namang nagbago. Mukha ka pa ring elementary student."

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi niya pero wala na akong oras magprotesta dahil nakarating na kami sa tapat ng hotel room. Tinapat niya ang keycard sa RFID sa ibaba ng door handle. Tumunog ang lock at nag-ilaw ng green ang tila tuldok na LED. Binuksan niya ang pinto at pumasok na kami.

Namangha ako sa laki ng kwarto. Siguradong isa itong presidential suite sa sobrang bonga ng mga kagamitan. May malaking sala, may mini kitchen, balcony at dining table na kasya ang doseng tao. Nahihiyang umupo ako sa couch sa gitna. Sa harapan ko merong malaking flat screen TV.

Pumasok ng kwarto si Mr. Morgan sandali at pagbalik niya ay inabutan niya ako ng towel at bathrobe, "Magpalit ka muna habang inaantay natin yung damit mo."

Agad ko naman tinangap yun. Basang-basa nga ang suot ko at ilang beses na rin akong nabahing kanina, "Salamat."

Naglakad na ako papasok ng bathroom. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng mag-isa na lang ako sa loob. Anu ba 'tong nangyayari? Nasa iisang hotel room lang kami ni Mr. Morgan! At hindi siya ordinaryong tao lang. Paano kung may makakita sa amin, mayayari ako kay Sir. Peter nito! Urgh! Inis na binatukan ko ang sarili.

Lumabas na ako nang makapagpalit ng bathrobe. Nakapagblower na rin ako ng buhok. Naabutan ko si Mr. Morgan na nakaupo sa sofa at nanunuod ng CNN news sa TV. Nakapagpalit na rin siya ng tuyong damit. Nakasuot na lang siya ng tshirt at sweat pants.

"Do need anything? Are you hungry?"

Umiling ako, "Busog pa ako," umupo ako sa kabilang couch na katapat niya. I need to keep a distance. Mahirap na, nag-iiba ang tibok ng dibdib ko kapag nagkakadikit kami ni Mr. Morgan.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Tahimik lang si Mr. Morgan habang nakatingin sa TV. Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng magazine na nasa ibabaw ng center table.

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Basa pa ang buhok niya at kahit malayo ako ay amoy na amoy ko ang bango ng panlalaking body wash. It smells fresh and minty. Bagay-bagay na personality niya na manly at clean. Malaya kong napagmasdan ang mukha ni Mr. Morgan, mula sa kilay, mata, ilong at labi. Napalunok ako nang madiin.

Lumingon si Levi at agad akong nagbaba ng mata sa magazine at nagpangap na nagbabasa. Shit na malagkit!

'Nakakahiya ka talaga Apple! Parang kulang na lang sungaban mo na siya!'

'Edi sungaban mo!' — lumitaw na naman si "Apple the Cartoon" sa ibabaw ng table.

Bakit ko siya susungaban? Ano ako manyak!? Pinandilatan ko siya.

'Kanina pa tumutulo ang laway mo 'te! Nakanganga ka pa diyan!'

Hinawakan ko ang labi. Wala naman laway. Inis na iniripan ko si Apple the Cartoon, "Shoo! Shoo! Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Are you alright?"

"Eh?"

Nakakunot na ang noo ni Levi sa'kin at nahuli niya ako at may tinataboy, "Ah… ano kase, may. . . may lamok!" bigla akong pumalakpak na parang may pinatay na lamok, "Anu ba naman ang sanitation nila dito, hindi maayos! Hehe."

Nakatitig lang sa'kin si Mr. Morgan ng ilang segundo. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya bago siya tumayo at dahan-dahang naglakad patungo sa'kin, "Eh? B-bakit?"

Pero wala siyang sinabi at tuloy lang sa paglapit. Napahiga ako sa arm rest ng sofa habang naninigas sa ilalim ng mga titig niya. Sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa. Napahigpit ang kapit ko sa tela ng bathrobe.

OMG! Is he going to kiss me?

Halos isang pulgada na lang ang distansya ng mukha namin nang mariin akong pumikit. Ilang sandali ang lumipas at naramdaman kong may kinuha siya sa ibabaw ng buhok ko kaya agad akong napadilat.

"There's a bug crawling on your hair, mukhang palpak nga ang sanitation nila dito," pinakita niya ang maliit na insektong nahuli niya.

Napalunok ako at nag-init ang buong mukha sa labis na kahihiyan. He looked at me with his playful eyes and devilish smirk.

"Why did you close your eyes? Are you expecting me to kiss you?"

"H-hin—di-di n-no!"

Sa inis ko ay tinulak ko siya at tumayo ako ng tuwid. Tsk! Nakakahiya!

Tumunog ang door bell.

"Nandyan na ang damit mo," nandun pa din ang nakakainis na ngisi ni Levi bago siya naglakad papunta sa pinto.

Naiwan akong halos nilalamon ng lupa sa sobrang kahihiyan. Bumalik siya na may dalang paper bag at inabot sa'kin. Agad ko yun kinuha at halos takbuhin ko ang bathroom.

Kainis talaga!!! GRRRRRR!!!

Apple anu yan! Hahaha! :)

Few chapters to go! Paboto po ulit ng PS at penge na rin review! Maraming salamat sa mainit niyong pagsuporta sa mga novels ni Author Anj Gee.

All my stories are recommended in Trending, and Filipino Originals block! Yassss! Salamuch mwamwa tsuptsup!!

Also check out my newest novel: Adik sa’yo (shabu o ako?) I posted the first, 5 chapters. Yun po ang next kong ipo-focus after DNBM.

Masaya, magulo at nakakakilig na love story ng isang adik at napagkamalang adik! Hehehe!

Join our FB group: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts
下一章