SINAMAHAN ng buong team si Mr. Morgan kasama ang iba pang Directors ng RPHC sa paglilibot sa buong site. Sinamahan kami ng Project Engineer na si Miko Esteban sa pagtu-tour. More than five months ago pa lang mula nang na-umpisahan ang construction.
Kanina pa ako hindi mapakali. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa sobrang tense at the same time pinagpapawisan dahil sa init ng panahon. Nakasunod kaming lahat habang nasa unahan ang mga big boss. Nagtatago naman ako sa pinakalikuran dahil hindi ako kumportable na nandito si Levi… or Mr. Morgan na ngayon.
Pasimple ko lang siyang pinagmamasdan. Nakasuot na ulit siya ng shades habang tahimik na nagmamasid sa paligid habang panay naman ang daldal ni Engr. Miko tungkol sa mga bagay-bagay sa operations at latest updates ng construction. Halos walang nagbago sa itsura ni Levi. Gwapo pa din siya, matikas at napakalakas ng appeal. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano siya naging CEO ng RPHC.
Hindi ba't isa siyang sex demon? Bakit ngayon isa na siyang successful na businessman? O hindi kaya noon pa man ay siya na talaga si Mr. Morgan? Ngayon ko lang narealize na wala pala talaga akong kaalam-alam sa background ni Levi.
Haist! Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Gusto ko nang matapos ang tour na 'to. Tagaktak na ang pawis ko likuran at sa totoo lang ay di maganda ang pakiramdam ko. Nahihilo na ako dahil sobrang init at wala man lang hangin kaya nakadagdag pa yun sa alinsangan ng panahon. Wala man lang din akong dalang bottled water dahil naiwan ko ang tumbler ko sa company van.
Panay ang paypay ko sa sarili gamit ang hawak na folder.
"Apple, bakit ganyan ang itsura mo? Nakasibangot ka? Diba sabi ko gamitin niyo ang charm niyo kay Mr. Morgan at bakit nandito ka sa likuran? Dun ka sa unahan," nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Sir. Peter.
"Ah, eh, sir, ang init kasi medyo di na maganda yung pakiramdam ko pwede po bang magpahinga muna ako—"
"Anung sinasabi mo? Hindi ka ba nahihiya? Nandito ang CEO at Directors ng RPHC tapos lalamya-lamya ka diyan! Come on, move, dun ka sa unahan!"
Wala na akong nagawa at kesa masabon pa ako ay napilitan na lang ako maglakad patungo sa unahan kung nasaan si Erin.
"Okay ka lang?" bulong niya nang makalapit ako.
"Nahihilo kasi ako, eh, eto naman si Sir Peter ayaw ako payagan kahit umupo man lang," reklamo ko habang panay ang paypay ko sa sarili dahil pakiramdam ko nalulusaw ako sa init.
Sumulyap ako sa unahan kung nasaan ang mga Big Boss, nahuli kong nakatingin sa'kin si Mr. Morgan na bahagyang nakakunot ang noo. Pero saglit lang yun tapos tinuon niya ulit ang atensyon kay Engr. Miko.
Mas lalo akong hindi makakahinga nito gayong ilang hakbang lang ang distansya namin sa isa't isa. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon gaya ng gusto ko siyang kamustahin. Pero kung umakto siya sa'kin ay parang di kami magkakilala. Mula pa kanina ay hindi niya man lang ako binati kahit simpleng ngiti.
Alam kong isa siyang malaking kliyente at may karapatan siyang maging cold at aloof pero di ko pa rin maiwasan makaramdam ng tampo. Eh bakit nga ba kasi ako nagtatampo?
'Feeling mo naman, ex ka!' — nagulat ako ng biglang lumitaw ang cartoon version ko na lumulutang sa kaliwang bahagi ko.
'Syempre may pinagsamahan din naman sila ni Levi na-hu-hurt siya ngayon'— sabi ng pangalawang 'Apple the Cartoon' na lumulutang naman sa kanan ko.
'Bakit ka naman nahu-hurt Apple, di ka pa rin ba nakaka-move on kay Levi?'— tanong ulit nung nasa kaliwa.
'Bakit naman siya di makaka-move on? Heller! Meron na siyang gwapo at perfect na boyfriend 'no! Si Kyle!'— sabi naman nung sa kanan.
Hay naku! Lumayas nga kayong dalawa sa harapan ko! Hindi kayo nakakatulong! Inis kong pinilig ang ulo para mawala sila sa paningin ko.
"Apple! Tulala ka na naman diyan!" bigla naman lumitaw si Sir Peter sa tabi ko.
"Sorry sir," nahihiya akong yumuko at pinilit na ayusin ang sarili.
Naku naman! Napakamalas ko ngayon araw. Nakita ko nga ulit si Levi pero heto at pinagagalitan ako ng superior ko. Nakakahiya!
Patuloy sa pag-sermon sa'kin si Sir Peter nang biglang naglakad sa harapan namin si Mr. Morgan, "Is everything alright?"
Agad huminto si Sir Peter sa pagtatalak sa'kin at agad yumuko kay Mr. Morgan, "Oh, yes Mr. Morgan. Everything is fine," anito habang nakangiti ng masigla samantalang kanina lang ay mukha siyang tigre kung pagalitan ako.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Mr. Morgan sa'min dalawa ni Sir Peter at tumagal ng kaunti ang mata niya sa'kin. Napalunok ako sa kaba. Napansin kong nanatili ang titig niya sa labi ko. Huh? Anung meron sa labi ko? Na-conscious tuloy ako.
Ilang sandali pa at muli niyang tinignan si Sir Peter tapos kay Engr. Miko, "Let's cut the tour."
Napamulagat pareho ang lalaki. Lumapit si Engr. Miko, "But Mr. Morgan, hindi niyo pa po nakikita ang ibang—"
"I saw enough," he midcut his sentence.
Naurong ang dila ni Engr. Miko at napakunot ang noo. Maging ang mga Directors ay nagtataka rin bakit biglang pinahinto ni Mr. Morgan ang tour.
Agad na siyang naglakad paalis ng wala man lang explanation. Ni hindi na rin siya nag-abalang tumingin sa'kin. Natataranta naman na sumunod sa kanya ang lahat ng Directors, si Engr. Miko at Sir Peter. Maging ang buong team ay sumunod na rin.
Naiwan akong nakatunganga at pinagmamasdan si Mr. Morgan na maglakad palayo.
Lumapit sa'kin si Erin, "Anung nangyari? Bakit natigil ang site visiting?"
Umiling ako, "Hindi ko rin alam."
"Apple, nag-almusal ka ba kanina? Gusto mong kumain? Meron akong sandwich sa bag."
Hinarap ko si Erin, "Okay lang. Kumain na ako."
Nagsalubong ang kilay niya, "Sure ka? Eh ang putla mo."
"Eh?" napahawak ako sa labi. Binunot ko ang cellphone sa bulsa at nanalamin. Oo nga, ang putla ko nga.
"Naku! Sinasabi ko na nga ba. Kulang na sa nutrition ang katawan mo dahil sa kakapuyat mo. Halika na! Magpahinga ka sa loob ng van!" hinatak ni Erin ang braso ko at kinaladkad ako palabas.
Yun ba ang dahilan kung bakit tinignan ni Mr. Morgan ang labi ko?
Happy Sunday mga ka-birhen! Hope ya’ll enjoy the updates today kahit 2 chaps lang. Meron ulit bukas! :)