webnovel

Chapter 83: Getting Closer Everyday

Nakalagpas na kila Sam, Dana, Uno at Gaile yung chance nilang mapatayo yung bote at gumawa na rin sila ng kani-kanila nilang consequences bilang failed silang mapatayo yung bottle.

"Ako nga! Mga bulok naman ang mga ere." Sabi ni Baron pero ending di nya rin napatayo yung bote.

"Tsss! Isa ka rin naman palang bugok!" Sabi ni Gaile.

"Hindi no! Practice lang yon!"

"Sus! Pumili ka nalang truth or consequence para tapos na." Sabi ni Sam.

"Oo nga!" Anila.

"Okay, okay I will choose truth."

"Ako! Ako ang mag tatanong!" Sabi ni Sam.

"Hoy, wag kang ano diyan!"

"Ayos lang yan brad! Ano G ka na?"

"Bahala ka!"

"Oh, ano guys? May pipigil ba? Ako na ang mag tatanong."

"Oo na bilisan mo na!" Sabi ni Gaile.

"Okay, okay... Brad, sinong mas gusto mo si Ivana Alawi o si Barbie?"

"Ano namang klaseng tanong yan? Bakit pati si Barbie eh nadamay?" Sabi ni Kenny.

"Eh tanong lang naman yun pre. Okay lang ba sayo Bie?"

"Um. Ayos lang game lang naman ito walang personalan."

"Oo nga!" Sambit nila Sam at Uno pero bigla rin silang napatungo ng makita nila ang galit na reaction ni Kenny.

"Okay, okay... I will answer it pero Barbs, don't get mad ha?"

"Ah... Okay lang, it's just the game and we're all friends here."

"Like what I have thought chill lang si Barbs and she really sees us as her friends. Ano kayo ngayon Kenny and Thew?" Baron thoughts.

"Ano na? Baronshii?" Sabi ni Gaile.

"I choose Ivana! Sino ba namang hindi maiinlove kay Ivana?"

"Yeah! She really is so sexy and beautiful!!! Kung lalaki din talaga ko tapos sya yung girlfriend ko! Ay! Sinasabi ko sa inyo masaya ang gabi nya!" Sambit ni Barbie at natulala sa kaniya yung tropa maliban kay Kenny na siniko sya at pa simpleng bumulong "ano gang pinag sasabi mo?"

Napatingin si Barbie sa tropa nya na nakatulala lang sa kaniya "ah, I mean kung lalaki lang naman ako papasayahin ko sya syempre sino ba namang gustong sad ang girlfriend nila? Ha... Ha... Ha..."

"O-- Oo nga naman! Sige na proceed!" Sambit ni Kenny at nag patuloy na ngang muli sila sa pag lalaro.

Si Thew at Kenny palang ang nakaka pag patayo dun sa bottle at nung si Barbie na ang titira hindi rin ito tumayo.

"Aissshhh... Hindi talaga ko magaling sa pag balanse eh. G na! Consequence ako!"

"Yan, ganyan dapat! Okay sino gusto nag utos kay Bie?" Sabi ni Sam pero ni isa sa kanila walang gusto.

"Oh? Ano na? Go lang guys gagawin ko ang nais nyo."

"Ikaw nalang Kenny mag utos kay Barbs." Sabi ni Uno.

"Ako? Well..."

"Bilisan mo na!" Sabi ni Barbie.

"Haysss! Pano kita uutusan eh lahat naman di mo sinusunod."

"Susundin ko na nga game nga ito eh."

Nakatingin lang yung tropa sa dalawa "bilisan mo na!"

"Ikuha mo ko ng tubig."

"Yun lang? Wala naman thrill yon brad!" Sabi ni Uno.

"Nako, pag yang si Barbara ang inutusan 90% kung hindi mag babasag mali ang kukunin tapos ang 10% nun tama ang ginawa o kinuha pero titignan ka nyan ng masama kasi tamad na tamad sya."

"Huh! Talaga lang ha? Ang oa mo!"

"Bakit? Totoo naman kaya! Tanong mo pa kay daddy!"

"Huh! Edi wow! Ano tubig lang ba ang utos mo Sir?!"

"Tsss! Wag na pumirmi ka nalang diyan! Yun ang utos ko!"

Barbie smirked "epal ka talaga!"

"Ano?!"

"Bleeeh!"

"Nakakatuwa naman kayong dalawa para kayong siblings na always fighting." Dana said.

"No way!" Anila.

"Ahm... Mag bf and gf? Pede din you want guys? Bagay naman kayo. What do you think guys?"

"Hindi!" Sabay-sabay sambit naman nila Thew at Baron.

"O-- Okay..."

"I think this is enough. Kailangan ko na ring umuwi. What about you Dana?" Sabi ni Sam.

"Oh, yes baka hinahanap na din ako sabay na kayo sa kotse guys."

"Oo sabay na din kami ni Gaile." Sabi ni Uno na hinila na si Gaile.

"Baron ikaw?" Sabi ni Sam.

"Di na may kotse naman ako."

"Ay, oo nga pala. So, paano guys? Kita kits nalang bukas."

"Um."

At umalis na nga sila Gaile at naiwan eh si Thew dahil malapit lang naman ang bahay nito kila Kenny.

"Barbara, ipasok mo na yang mga yan sa loob."

"Tsss! Oo na! Sige Thew."

"Um. Uuwi na rin ako."

"Sabay na ko."

"San ka pupunta? Tulungan mo ko dito!"

"Oo na! Mamaya! May bibilhin lang ako kay Aling Tesie"

"Sus!"

At umalis na nga yung dalawa ni Kenny at Thew.

"What's with you? Hindi dito ang daan papuntang tindahan nila Aling Tesie."

"I know!"

"Tsss! I knew it, what do you want?"

"Si Barbie gusto nyang sumali sa cheering squad ni Yveth."

"So?"

"Anong so? Aren't you worried about her?"

"I am! Pero sa tingin mo ba susunod si Barbie sa sasabihin ko? Aren't you the one who always want her?"

"Huh! Am I the only one?"

"Fine! What do you want from me?"

"Talk to Yveth."

"Why me?"

"Hindi nga makikinig sayo si Barbie pero si Yveth oo makikinig yon sayo eh patay na patay yun sayo eh."

"Anong kapalit?"

"Sa tingin mo di ako handa? Bata palang tayo kilalang kilala na natin ang isa't isa. Kaya, you can go witn Barbie for a day if you convince Yveth na wag ng isali si Barbie sa cheering squad."

"Ayos lang sayo na makipag date sakin si Barbie?"

Kenny bonked him "ungas! Mag kaiba ang date sa sumama sayo. At baka nakaklimutan mo nag promised tayo kay daddy na walang gagawa ng moves kay Barbie hangga't di pa ito nakakapagtapos ng pag aaral."

"Tsss! Talaga lang ha? Eh ano pala kayo ni Barbie ngayon?"

"Ano? What do you mean?"

"Huh! Wala! Sige na!"

At di na nga namalayan ni Kenny na naihatid na pala nya si Thew sa bahay nito.

"Pero, tototohanin mo yung sinabi mo about kay Barbie?" Sabi ni Thew habang naka sungaw sa gate nila.

"Gawin mo nalang! Dami mong kuda! Sige na!"

"Nga pala, it's nice to talk to you."

"Ha?" Pero paglingon nya wala na si Thew. "Tsss! Silly!"

At ng makauwi naman si Kenny sa kanila bumungad sa kaniya si Barbie na kumakain ng popcorn habang nanonood ng movie.

"Hoy! Tapos ka na ba sa assignment mo? At panood nood ka lang diyan? Chill na chill ka pa parang di ka nag hahabol!"

"Bakit ba? Masamang mag chill?"

Lumapit naman si Kenny kay Barbie at pinulot ang mga laglag na popcorn nito.

"Kababae mong tao napaka kalat mo."

"Alis nga diyan! Di ko makita ang pinapanood ko! Oh, ayan sayo na yang popcorn! Humph!"

"Haysss!!! Spoiled brat!"

Uminom si Barbie ng tubig at bigla syang nasamid kaya dali-dali namang pinunasan ni Kenny ng sarili nyang damit ang bibig ni Barbie.

"Anu ga? Dahan-dahan naman kasi di ka naman aagawan."

"Aisshhhh! Why did you wiped my mouth with your clothes?!!"

Napatingin naman si Kenny sa damit nya at napaatras "so-- sorry nataranta lang kasi ako."

Pinunasan naman ni Barbie ng kamay nya ang bibig nya "kainis!"

"Aba't! Ako na nga yung concern ikaw pa itong galit? Kanina nga lang kung makakapit ka sakin para kang tuko! Tapos ngayon pinunasan lang kita ng damit ko diring diri ka na?!!"

"Humph! Ewan!" Kinuha nya yung chocolate sa may gilid nya at kinain.

"Hoy! Gabi na, bakit kumakain ka pa nyan?"

"Bakit ba? Problema mo kung gabi na?"

"Oh, sige bahala ka! Kumain ka ng kumain nyang chocolate tapos kalimutan mong mag toothbrush! Wag ka lang dadaing daing na masakit ang ngipin mo!"

"Whatever!"

Kinuha na ni Kenny yung popcorn "bahala ka nga! Uminom ka ng tubig!" Tapos iniwan nya si Barbie at nag punta ng kusina para mag ligpit dahil alam nyang hindi nag ligpit ng pinagkainan si Barbie.

Kenny sighed habang nag liligpit "kahit kailan talaga sya napaka isip bata."

"Ahhhhh!!!"

"Barbara?"

Dali-dali namang pumunta sa sala si Kenny "anong nangyayare?" Nagtaka sya dahil biglang nawalan ng kuryente.

"What happened?" Sabi ni Bruce na nag madali din dahil narinig ang sigaw ni Barbie.

"Uncle!!! Nawalan po ng kuryente!!!" Sabi ni Barbie na buhat-buhat na naman ni Kenny.

Habang naka flashlight nga itong si Bruce nakita nya ngang buhat ni Kenny si Barbie "you okay?"

"Opo."

"Dad, takot po kasi sya sa tuko kaya ganyan sya di kasi nya makita ang way."

"Ehhh... Baka kasi may biglang sumulpot na tuko eh! Nalimutan ko yung phone ko sa kama."

"Tsss! Kaya mala tuko ka na naman."

"Mukhang, nagka power interruption lalabas lang ako para tignan ang nangyayare sa labas."

"Sige po daddy ingat kayo madilim po."

"Ok sige intayin nyo nalang ako dito."

"Opo."

At nang makalabas nga si Bruce ibinaba ni Kenny si Barbie sa sofa pero ayaw nitong mag pa iwan.

"Haysss! Kukuha nga ako ng kandila dito ka lang!"

"Ayaw!"

"Hayssss! Kala mo ba ang gaan mo?"

"Just bare it!"

"Tsk! Okay, okay... Sumampa ka sa likod ko at humawak ka ng ayos mag hahanap tayo ng kandila."

"Um."

Nang makahanap nga ng kandila yung dalawa tumambay muna sila sa terrace dahil mainit sa loob.

"Magkaka kuryente rin mamaya madalas mangyare yan dito lalo na kapag summer." Sabi ni Kenny habang pinapaypayan si Barbie.

"Wala ba tayong generator?"

"Huh! Hindi kami mayaman para bumili nun!"

"But it's helpful naman generator is like 40k?"

"Hoy Barbara! Alam kong laking Manila ka at sanay ka sa luho. Alam mo bang ang 40k na yon eh gastos na natin for 1 month?"

"Really?"

"Ewan! Sandali nga, dito ka muna at kukunin ko muna yung gamit ko kailangan ko pang gumawa ng assignment."

"Sama ko!"

"Na naman? Tumigil ka na! Naiinis na ko!"

"Pero kasi ang dilim baka may tuko na naman dito!"

Kenny made a facepalm "listen, wala ng tuko okay? At kung meron man huhuni yon at wala naman tayong naririnig na tumutuko kaya maiwan ka dito at mabilis lang ako!"

"Pero paano kung meron pag alis mo?"

"Hayssss! Mabilis nga lang ako tawagin mo lang ako pag meron man!"

"O-- Okay..."

At hindi pa nga nakakalayo si Kenny tinawag na agad sya ni Barbie.

"Ano?!!!"

"May narinig kasi akong kumaluskos eh."

"Hayssss! Halika na nga!"

At binuhat na naman nga ni Kenny itong si Barbie hanggang sa matapos si Kenny sa pag gawa ng assignment nya eh nakadikit parin sa kaniya itong si Barbie.

Tapos ilang sandali pa nagkaroon na ng kuryente.

"Yown! Nagkailaw rin sa wakas! Hoy Barbara!" Pero pag lingon nya nakatulog na pala si Barbie habang naka sandal sa kaniya at nakahawak sa kamay nya.

"Sigh... Tinulugan na nya pala ako." Binuhat na nya si Barbie para dalhin sa kwarto nito ng dumating ang daddy nya.

"Oh? Anong nangyare?"

"Ah dad, andiyan na po pala kayo. Nakatulog na po kasi sya iaakyat ko na po sana sya eh."

"Let me do it."

"Po? Hindi na po kaya ko naman po sya."

"Are you sure?"

"Opo, kanina ko pa nga po sya binubuhat."

"Ah... Pasensya ka na nak."

"Okay lang po, magaan naman po sya."

"Thankyou for taking care of her like your own sister."

"Wala naman po akong choice. Hehe..."

"Hindi ko pa rin kasi ma contact ang tita Amanda mo eh kaya tayo na muna ang pamilya nya."

"Ayos lang po dad I used to it."

"Thanks son."

"Sige po taas ko muna sya sa room nya."

"Um. Sunod ko na rin itong nga gamit mo. Ako na rin ang mag sasara ng pinto."

"Sige po dad salamat."

Kinabukasan,

Knock... Knock...

"Barbara! Gising na malalate na tayo!"

Pagbukas ni Barbie ng pinto bumungad kay Kenny ang babaeng wala pang ayos at gulo-gulo pa ang buhok.

"Anak ng! Hindi ka pa nakakaligo?"

"Hindi nag alarm yung phone ko."

"Haysss!!! Bilisan mo na pasok!" At pinapasok nya si Barbie sa cr at inayos ang mga isusuot nito.

"Ano bang oras na?"

"Wag ka ng mag tanong maligo ka na!!!"

At nang makatapos nga sa pag ligo si Barbie iniabot agad sa kaniya ni Kenny ang uniform nya.

"Diyan ka na mag bihis bilisan mo!"

"Oo na!"

"Bilisan mo!"

At dali-dali ngang nag suot ng kaniyang uniform si Barbie si Kenny naman ang nag lagay ng neckyir nya ito rin ang nag suot ng medyas at sapatos nya.

"Haysss... Mag susuklay nalang nga ang gagawin mo napaka bagal pa!" Binuhat nya si Barbie at sinabing "sa baba ka na mag suklay habang kumakain."

"Sa-- Sandali lang yung bag ko!"

"Ako na!!!"

Samantala sa Academy,

"Anong nangyayare dito? Bakit ang daming tao sa classroom natin?" Sabi ni Gaile na kasabay si Uno."

"Aba malay ko! Kararating lang natin eh."

"Sumasagot ka?"

"Hehe...Joke lang naman."

"Gaile! Uno!" Pag tawag ni Sam.

"Hoy!" Sabi naman ni Uno at lumapit sila ni Gaile kay Sam.

"Ano bang nangyayare bakit ang daming students sa room natin?"

"Nga eh, bakit kasi ngangayon lang kayo ni Gaile? Anyways, may artista kasi na makiki sit in sa klase natin."

"Ano?" Anila Gaile at Uno.

"Oo, at alam nyo ba? Ang ganda nya!"

"Babae? Sino daw? Tara na gusto ko makita."

Gaile bonked Uno "ayan, diyan ka magaling eh."

"Ehhh...Curious lang naman ako. Wag ka ng mag selos."

"Huh! Kapal mo!"

"Pero teka, hindi nyo pa ba kasabay sila Barbie at Kenny?"

"Ay hinde, nagkita lang naman kami ni Gaile dun sa labasan wala pa sila?"

"Wala pa nga eh ang sabi kasi ni Jean close daw sya kay Barbie."

"Jeanalyn Casalme? Yun ba yung sikat na vlogger ng mga skin care at kung anu-ano pa? Na minsan na acting rin? Hala! Ang ganda nga nun! Tapos alam ko BI sya eh." Sabi ni Gaile.

"So, ikaw pala yung fan." Sabi ni Uno na para bang naging bad mood.

"Tsss! Subscriber kasi nya ko gawa ng pinsan ko."

"Sus!"

"Wag na nga kayong mag away diyang dalawa halina kayo pumasok na tayo."

"Pero bakit sya makiki sit in?" Tanong ni Gaile.

"Oo nga, anong meron?"

"Kasi nga vlogger sya di ba? Ehhh... Yung tv show na gustong i-documentary sila Barbie eh gustong maka colab din si Jean. Eh nung nalaman ni Jean na makakasama nya si Barbie gusto nyang maki sit in. Ang sabi kasi mag kababata silang dalawa."

"Ehhh?" Reaction nung dalawa.

At makalipas pa nga ang ilan pang mga minuto...

Nagulat si Barbie at Kenny na ang daming students sa labas ng classroom nila at pag pasok nga nung dalawa eh niyakap agad ni Jean itong si Barbie.

"I miss you Boo!"

"Boo?" Ang nag tatakang sambit ng mga taga masid.

"Je-- Jean? Why are you here?"

"To see you!"

"Ehhh?"

Hinila naman ni Uno si Kenny at dinala dun sa upuan nila.

"Ano bang nangyayare? Sino yung Jean na kausap ni Barbara?"

"Huh! Hindi nga pala uso sa taong yan ang mga trending kaya ipaliwanag mo Uno." Sabi ni Thew.

"Sya yung silat na vlogger/artista na makakasama nyo sa documentary."

"Ano? Pero hindi sya estudyante dito. Did the principal approve that?"

"Bakit hindi ikaw ang nag tanong mismo sa daddy mong principal?" Sabi ni Gaile.

"Pero teka, bakit parang kakilala ni Barbara yung babaeng yon?"

"Well, they're childhood friends."

"Mukhang you don't need my help dude." Sabi ni Thew.

***

Hindi maintindihan ni Kenny ang mga nangyayare kung bakit tila ang isang tuta ay nawalay sa kaniyang ina. Si Barbie ang tuta at ang inahing aso ay si Kenny. Dahil sa isang iglap parang kinuha ni Jean ang attention ni Barbie.

"Okay class you may take your lunch."

"Thankyou and goodbye Sir Mariano."

At ng makaalis nga ang kanilang teacher isinama agad ni Jean itong si Barbie papalabas ng classroom nila dahil may inihanda raw itong lunch para sa kanilang dalawa.

"Nakita nyo yon? Si Barbie lang ang gusto nyang kausapin at makasama." Sabi ni Uno.

Gaile bonked him "sa tingin mo ba wala kaming mata para makita yon?"

"Eh akin lang kasi parang napipilitan lang si Barbie na sumama sa kaniya."

"Yeah. I agree she seem so dominant against our Barbie." Sabi ni Dana.

"What do you think guys? Ikaw Kenny? Di mo ba susundan si Barbs?" Sabi ni Sam.

"Di ko alam pero one thing is for sure hindi pwede ang ginagawa ng Jean na yan kay Barbie."

"Correct! Jean is pretty and famous pero halatang she want more spotlight kaya gusto nyang ma solo si Barbie." Sabi ni Baron.

"I think, it's time for Yveth to show up." Sabi ni Thew.

"What? Hindi ba sinabi ko na sayo na pilitin mo si Yveth na wag ng isali si Barbie sa cheering na yan." Sambit ni Thew.

"I know, pero mas okay ng na co-control natin ang situation pag kasama ni Barbie si Yveth kesa diyan sa Jean na yan na hindi natin alam ang binabalak kay Barbie."

At na gulat ang tropa na parang close na ulit yung dalawang dating mag best friend.

"I second demotion!" Sabi ni Gaile.

"Um. Ako din! At least si Senior Yveth kayang ma control ni Thew kaya go rin ako." Sabi ni Uno.

At sumangayon na rin sila Dana at Baron.

"Ano? Diyan ka nalang?" Tanong ni Thew kay Kenny.

"Sige na, count me in."

At pinuntahan nga ng tropa itong si Barbie para sabihin na kailangan nitong pumunta sa practice sa cheering.

"Cheering squad?" Pagulat na sambit ni Jean na pag dating nila Kenny eh sinusubuan pa ng pagkain itong si Barbie.

"Um. Sumali ako."

"Pero nakain ka pa pwede bang mamaya nalang or maybe bukas nalang. I'm not here tomorrow eh."

"Ahm... Ano kasi..."

"She need to practice! Barbara halika na!" Sambit ni Kenny na hinila si Barbie ng bahagya papalapit sa kaniya.

Patuloy naman silang kinukuhanan ng video.

Pinigilan ni Jean si Kenny at hinawakan rin nito ang kamay ni Barbie.

At pinag aagawan na nga ng maglaon nung dalawa itong si Barbie.

"Sandale!" Pagalit na sambit ni Barbie na kumawala sa pagkakahawak sa kaniya nung dalawa.

"Sorryy Boo, but you need to eat first before you go."

"She can eat there so don't bother. Halika na Barbara!"

Barbie sighed "fine, kakain na muna ako bago pumunta sa practice. Gaile, can you tell to Senior Yveth that I will be there kakain lang muna ako."

"Ah, o-- okay... Don't worry sasabihin namin."

"Um. Thanks."

"Si-- Sige alis na kami." At kasama nga sa pag alis nya ang pag hila kay Kenny na ayaw pang mag paawat sa pag tawag nito kay Barbie kaya tinulungan na sya ni Uno para alisin ito roon.

Sumunod na rin naman ang iba at naiwan na nga itong sila Barbie at Jean.

"They're bad influence for you. I will tell tita Amanda na bumalik na ulit kayo sa Manila. Ako ng bahala sayo."

"Ha? Nako, hindi na salamat nalang pero I'm happy that I'm here and hindi sila bad influence actually they all top students. Kaya don't worry about me."

"But, this is not place for you."

"Ahm... I know you're worried about me pero ito na ko ngayon probinsyana. At proud ako dun kasi sobrang babair ng tao dito sa province. Ahm... Don't get me wrong mabait naman din ang nga tao sa Manila. Pero kasi sa province may fresh air may magagandang tanawin tapos tahimik din."

"But you're not sanay pa here."

"Um. Siguro nung una nag aadjust pa ako pero nung umalis si Mommy tapos iniwan nya ako kila Uncle Bruce madami akong natutunan."

"What? Where is Tita Amanda?"

"I don't know she just left me a letter that says na mag tatrabaho sya sa ibang bansa na until now wala parin akong balira sa kaniya."

"Ha? Aren't you worried about her?"

"Of course I am! But I know mom is fine alam ko rin na may gusto syang ma- accomplish kaya I let her hindi naman nga ako pinababayaan nag papadala sya ng pera every month."

"Ahhh... My baby girl is now a lady."

"Tsss! Baby girl ka diyan! Matapos mo kong tawaging "boo" feeling ka diyan!"

"Sus! You know me talaga."

"Pero why are you here ba talaga? Nakita ko si Channel yung original "boo" mo nag punta ng Hawaii. Anong meron?"

"Tsss! Don't mention her!"

"I knew it! Kaya ba andito ka para pag selosin sya?"

"Ha? Ah... Eh... Hindi naman sa ganun bebe."

"Sus! Wag ako Jeanalyn!"

"Oo na! We broke up na eh."

"Eh? Pero, hindi ba alam na ng madla na may relasyon kayo?"

"Um. And because of that thing sa pag amin namin na we're part of LGBT Community marami kaming naging conflicts."

"Kaka overthink mo yan for sure."

"Yeah. Sighhhh..."

"Do you me to talk to her?"

"You want to help me?"

"Sus! There's two thing why are you here. One nga is gusto mong mag selos sakin si Channel kasi alam mong ipapalabas ito sa tv and sa youtube at pangalawa gusto mong tulungan kita para magka ayos kayo. Tapos ending nire ako pa mapapasama."

"Hoy hindi ah! Alam mo namang parehas ka naming close friend ni Channel. Kaya sure ako makikinig yon sayo."

Barbie bonked her "aww!!! That hurts ha! Kuya videographer wag nyo yun cut!"

"Yan, diyan ka magaling eh ako ang mapapasama sa fans nyo."

"Ha... Ha... Kuya videographer paki cut po yun super duper kind po talaga nitong bff ko na ito eh. Di ba baby girl? Love na love mo talaga ko eh."

"Heh! Makapag practice na nga lang. Babush!!!"

At iniwan na nga ni Barbie itong si Jean.

"Ha? Wait lang!!! Barbie!!! Kuya videographer let's go na sundan natin sya!"

"Opo Miss."

下一章