webnovel

Like A Real Family

TAHIMIK AT WALANG IMIKAN, iyon sila Isaiah at Klara habang nasa sasakyan sila pareho. Kahit pa nangungulit at panay ang salita ni Alyana, pulos matitipid na sagot lang kadalasan na tugon nila sa bata. Hanggang sa marating nila ang malaking grocery store sa bayan ng Santa Luisa ay wala pa din sila imikan. Hindi niya din alam paano kikibuin si Isaiah matapos ang pinagsaluhan nilang halik kanina. Kung hindi pa nila parehong nadinig ang malakas na tinig ni Alyana ay wala sila balak na tumigil na dalawa.

Naunang bumaba si Isaiah nang maihimpil nito ang sasakyan sa malawak na parking lot ng grocery store para pagbuksan silang dalawa. Kinuha ni Alyana ang kamay niya at hinila siya papasok sa grocery store. Sumunod lang sa kanila si Isaiah matapos nit makausap ang parking attendant. Lahat ng taong masalubong nila ay binabati ni Alyana at nakikipag-usap kay Isaiah.

Gano'n ba kakilala ang mag-ama sa lugar na iyon. Doon niya napagtanto na dapat umpisahan na niyang kilalanin ang dalawa. Alam naman kasi niya na matatagalan bago mahanap ni Isaiah ang totoo niyang identity lalo't wala siya ni isang maalala na impormasyon tungkol sa sarili.

"Some of them were papa's colleagues. Yung iba naman kamag-anak namin at mga magulang ng kaklase ni Alyana sa school." Ani sa kanya ni Isaiah nang makasabay ito sa paglalakad niya.

Tulak tulak nito ang isang push cart habang nasa unahan naman nila si Alyana at matamang sinusuyod ang shelves ng mga paborito nitong pagkain.

"Mababait naman silang lahat kaya wala ka dapat ipag-alala. Except to one person."

"Sino?" tanong niya dito.

Pasimple nitong tinuro ang isang may edad na babae na nakatayo sa hardware section ng grocery store na kinaroonan nila. She's in a formal attire, hair is neatly tied in a bun style and wearing a heavy make up. May kainitan pa ang panahon kaya hanga siya sa may edad na babae at nakakapag-make up ito ng gano'n kabigat.

"Residente ba siya dito?"

"Nope, she's from the other barrio. Hilig niya pumunta dito sa Santa Luisa para bumili ng mga lupa. Target niya 'yung farm ko pero hindi ko binebenta iyon." Paliwanag sa kanya nito. Nakita niyang kumuha si Isaiah ng naka-promo na gatas at nilagay iyon sa push cart. Dinampot niya iyon at tiningnan mabuti ang packaging. "Why? Is there something wrong?"

"Mag-e-expire na 'to in fifteen days. Bilhin na lang natin yung isahan kaysa ito."

Pumayag naman ito at kinuha ang dalawang lahat ng gatas na katulad noong naka-promo. Lumapit sa kanilang dalawa si Alyana at nakita niyang halos mapupuno na ang dala nitong maliit na basket ng mga kung ano anong pagkain. Yumukod siya at isa isa tiningnan ang mga kinuha nito. "Yana, lahat ba 'to kakainin mo?" tanong niya sa bata.

"Hindi po." Mabilis na sagot ng bata.

"Bawasan natin 'to, okay lang?"

Tinatanya niya pa rin ang ugali ni Alyana hanggang ngayon. Kahit kasi malambing ito sa kanya, pansin pa din ang pagiging makulit nito at dahil na-spoil din ni Isaiah kaya kung minsan nagiging pasaway ito. But being a mother to Alyana for a week, she learned how to be considerate with the child's feelings. Tumango si Alyana at tinulungan siyang piliin kung ano lang talaga ang kinakain nito.

"Paano mo nagawa 'yon?" tanong sa kanya ni Isaiah habang sabay nila pinagmamasdan si Alyana na sinasauli ang mga pagkain na hindi naman nito bibilhin.

"Ang alin?"

"The way you ask Alyana to pick what she really like and not to buy those food that she will not consume."

"Ahhh, unti unti ko na nababasa ang ugali ng anak mo. Most of the time, takaw tingin lang siya at nadadala ng inggit niya kaya panay pabili niya sa 'yo."

"Did you explain that to her?" Tumango siya bilang sagot. "And she understands?"

"Yes because she's a smart kid, Isaiah." Aniya dito saka nginitian ito.

Pinagpatuloy nila ang pag-go-grocery hanggang sa mabili na nila lahat ng nasa listahan nila. They were like a real family. Tinungo na nila ang counter para magbayad. Sinabi sa kanya ni Isaiah na mas malaki ang natipid nito ngayong grocery dahil sa ginawa niyang pamimili ng mga dapat at hindi dapat bilhin. Kahit papaano ay nakakatulong siya sa mga ito kapalit ng tulong na binibigay sa kanya.

"Hello, ate, may mommy na po ako," ani Alyana sa cashier na nag-aayos ng kanilang mga binili saka yumakap sa kanya. Ngumiti ang babae sa bata at sa kanya. "Mama, pwede ko na po ba inumin yung chocolate drink?" Tumango siya at kinuha iyong chocolate drink at binukas iyon saka inabot sa bata.

"Princess Charlotte?" ani nang tinig na nagmula sa kanyang likuran. Hinawakan siya nito sa braso kaya napaharap siya dito. "Ikaw nga. Matagal na ka nang hinahanap sa Aurum." Dagdag pa nito sa yumakap sa kanya.

~•~•~•~

Sino iyong babae na bigla na lang yumakap kay Klara? Is she part of Klara's missing identity and forgotten past?

CaireneLouisecreators' thoughts
下一章