webnovel

Game Over

ELLE

"Elle, are you there?" I heard Vanessa's Voice. Hindi ako kumibo, dahil panigurado, kukulitin at kukulitin lang niya ako especially nung bigla akong nagwalk-out kanina right after giving my congratulatory message kila Kyle..

"Saan naman kaya yun nagpunta? Tss." She hissed at narinig ko ang kanyang footsteps indicating paalis na siya ng CR.

I waited for 5 minutes bago tuluyang umalis sa CR. Mabuti na lang at kinarga ko na yung purse ko, dahil kung hindi, tiyak na babalik pa ako doon sa loob.

Naglakad ako nang mabilis paalis ng hotel, pero nasa may lobby pa lang ako nang marinig ko ang boses ni Patty.

"BAKLA! SAAN KA PUPUNTA?" Hindi ko siya nilingon, sa halip ay bigla akong tumakbo. Kailangan kong mapag-isa ngayon. I need a drink..

"WAIT! BAKIT KA TUMATAKBO!" Hinahabol ako nila Patty at Vanessa. Gusto ko mang tumawa dahil nakasuot ng 7 inches heels si Patty habang si Vanessa naman ay 5 inches heels at tumatakbo sila at hinahabol ako, pero there's no time to laugh anymore.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko at sakto naman na nasa may bintana ng kotse ko na sila.

"ELLE?! OPEN THIS DOOR! ANO BANG NANGYAYARI SAYO?!" Inis na sigaw ni Vanessa saakin. Pero sa halip na sagutin or pagbuksan sila ay pinaandar ko agad yung kotse ko.

"I'm sorry, guys. It's just that, I need to be alone this time.. Just this time.." Bulong ko at mas lalong binilisan ang pagtakbo nang kotse ko.

Dahil maaga pa para magpunta sa bar at for sure naman ay sarado pa yun, ay nakarating ako sa isang open area/space. Ang instructions na binigay saakin, you can throw something freely. Kahit anong gusto mo, for as long as babayaran mo lang after.

Pinili ko ang plato.. Oo, dahil mas mura ito compared sa ibang babasagin dito.

I grabbed all my strength as I release all my frustrations in life at nagsimula nang itapon ang hinahawakan kong mga plato.

"AAAAHHHHHH!!! I HATE YOU!!!!!" Sigaw ko

"ANG SAKIT-SAKIT! BAKIT KAILANGAN KONG HARAPIN TO?!! AAAAAHHHHHHHHH!!!" Halo-halo na yung nararamdaman ko. Pait, galit, sakit at pakiramdam ko ay trinaydor ako ng tadhana.

"NAGING MABAIT NAMAN AKONG ANAK KILA MAMA AH?!! HINDI AKO NANG-APAK NG IBANG TAO NEITHER LOOK DOWN AT THEM, PERO TO DESERVE THIS?! ALL OF THESE??!! SERIOUSLY?!!" Bigla akong napahagulgol dahil sa sobrang sakit.

"NAGMAHAL LANG NAMAN AKO! MINAHAL KO SI NICK, PERO INIWAN AKO DAHIL ANO?! DAHIL HINDI AKO NAGING SAPAT SA KANYA! NASAKTAN AKO NOON! PERO DUMATING SI KYLE AT TINULUNGAN NIYA AKONG BUMANGON ULIT!" Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko pero wala na akong pakialam kahit pa naka-make up ako na tiyak na magkakalat yun.

"YES, WE STARTED AS PLEASURE BUDDIES! AS **** BUDDIES! I PLAYED HIS FEELINGS, REJECTED WHEN HE CONFESSED HIS FEELINGS FOR ME, BUT I TRIED TO FIX IT UP, BUT DAMN WHAT HAPPENED?!! WHAT HAPPENED?! IT'S TOTALLY USELESS!!" Sabay bato ko ulit ng plato sa dingding.

"AND OH YOU'RE RIGHT! IT'S MY FAULT TO BEGIN WITH! KUNG HINDI KO GINAWA YUNG CONDITIONS NA YUN, EDI SANA MATAGAL NA KAMING MAY LABEL NA DALAWA! EDI SANA HINDI KAMI NAGKASAKITAN AT HINDI HAHANTONG SA GANITO ANG LAHAT?!! GAGA AKO EH! TARANTADA!!" Hindi ko na mabilang kung ilang plato na yung binasag ko, at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong umiyak dahil sa sobrang sakit.

"SORRY DAHIL NAGING DUWAG AKO! SORRY KUNG NAGING ABUSIVE AKO! SORRY KUNG NAGING SELFISH AKO! SORRY KUNG NAGING TANGA AKO! AT SORRY DAHIL NABUHAY AKO SA MUNDONG TO!" Napaupo ako dahil sa sobrang pagnginig ng mga tuhod ko.

"WALA AKONG IBANG HINANGAD KUNG HINDI ANG MAGING SAPAT SA IBANG TAO. I TRIED EVERYTHING THAT I CAN. I PASSED THE ARCHITECT EXAM, FOUND A GOOD JOB, MADE MY PARENTS PROUD OF ME, PERO HINDI KO INAASAHANG DARATING SI KYLE SA BUHAY KO! HINDI KO HINILING YUN!" Napahawak ako sa dibdib ko as I tried to breathe heavily

"BAKLA! OMG!" Biglang dumating sina Patty at Vanessa at niyakap nila akong dalawa.

"Your hand! It's bleeding!!" Panic na sabi naman ni Vanessa saakin. "Wait! Wait! I need to do something!" Sabi niya at biglang tumayo ulit. Hinawakan naman ni Patty ang kamay ko ay hinahaplos ang likod ko

"Here." Sabi naman ni Vanessa at kinuha ang kamay ko at tinali niya. First aid? I don't know anymore.

"Ano bang nangyayari sayo, Bakla?! Bat nagkakaganito ka ngayon?" Nagtatakang tanong ni Patty saakin.

"You know what?! My biggest regret is not fighting for my love. Hinayaan ko siyang mawala. Sana nung una palang, pinaglaban ko na siya. Gaga tong kaibigan niyo eh.." Nalungkot sila sa sinabi ko habang ako, patuloy pa rin sa pagtulo yung mga luha ko

"To tell you honestly, Kyle and I had something back then. But it was just a pure pleasure like fulfilling and satisfying the needs of each other. But all I thought hanggang doon lang yun, walang mabubuo saamin na something apart from being **** buddies, pero you know what happened?" I smiled bitterly.

"Kyle admitted his love for me, but because I was too numb and dumb back then, I rejected his love for me. Kaya ako nagpunta sa Tagaytay pero nung mga panahong iyon, nakakaramdam na ako ng kakulangan saakin, hanggang sa paunti-unti kong narealized na mahal ko na siya. Mahal na mahal.. Kaya I came back...,but..." Bakas sa boses ko yung matinding sakit at lungkot habang ikinukwento ko sa kanila yung nangyari saakin

"Nalaman ko na nakatakda na palang ikasal si Kyle kay Michelle. Kyle tried everything to stop the wedding, kinidnap ako ni Kyle pero hindi rin nagtagal yun dahil naaapektuhan ang company namin dahil sa kagagawan ko kaya hinayaan ko na lang na mapunta sa iba si Kyle... kahit hindi na siya saakin.." Biglang nagsimulang pumatak ang mga luha ko. At naramdaman kong niyayakap nila ulit ako at hinihimas yung likod ko.

"Ang sakit makita na ikinakasal sa iba si Kyle. Ang sakit makitang may hinahalikang iba si Kyle at sa harap ko pa mismo... Ang sakit.. Parang namamanhid ako sa sobrang sakit.." Hagulgol ko sa kanila.. Hindi maubos-ubos yung luha ko, no? Yan ata talent ko eh.

"Kung naging mas matapang lang siguro ako, marahil hindi namin pagdadaanan ang lahat nang ito.. I'm sorry!" Napakapit ako sa kanila dahil sa sobrang panginginig ng katawan.

"I'M SORRY, KYLE!!! I'M SORRY!!" Hagulgol ko.

Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang dati, ang nangyari...

The damage has been done..

There's no such thing neither medicine can recover it that easily...

But time does...

Time heal all wounds...

But I realized one thing...

That between US.

Between Me and Kyle..

"It's Game over.."

下一章