webnovel

Personal Leave

ELLE

"Anak? Maaga ka ata? Maaga bang natapos ang party niyo?" Bungad saakin ni mama pagpasok ko ng unit.

I tried to look fine to the point na ngumiti ako ng pilit.

"Opo ma, nagenjoy nga po ako eh. Sige na po ma, akyat na po ako.." Paalam ko kay mama pero alam kong napapansin niya na yung mugto kong mga mata.

"Ganoon ba anak? Oh siya, umakyat ka na at magpahinga.." Tugon ni mama saakin. Nag-goodnight kiss lang ako kay mama tsaka umakyat na sa kwarto ko. Nilagay ko sa table ko yung purse at hinubad ang suot kong heels.

Pumasok ako sa loob ng bathroom tsaka binuksan ng todo ang shower at hinayaang mabasa ang buong katawan ko.

'I love you, Elle.'

Tila bumabalik sa aking alaala ang boses ni Kyle. Hindi ko namamalayang unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko..

"I'm so sorry, Kyle. I'm sorry for hurting you so bad.. You showed nothing but pure kindness to me, pero sinaktan lamang kita. I'm sorry, Kyle.." Sabi ko at biglang napaluhod.

Napahawak ako sa aking dibdib at parang kumikirot ito.. I stayed there for about 25 minutes bago ako nagbanlaw ng katawan.. Sinuot ko na yung pambahay ko na damit at humiga sa kama ko at tanging ang ceiling lang nitong unit ko ang nakikita ko..

Maraming nangyari sa araw na ito, at hindi ko kayang harapin ito agad. Kailangan kong makapag-isip. I grab my phone and texted our boss na si Mr. Albert. After that, tinapon ko kung saan man yung cellphone ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.

Kinaumagahan, since day off naming lahat ngayon, nagsimula na akong magimpake. Yes, magbabakasyon ako. Usually, binibigyan kami ng 7days personal leave ng kumpanya per year, at gagamitin ko na ito ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake ko nang biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Anak? Aalis ka ba?" Tanong niya saakin. "Opo, ma. Magbabakasyon na muna po ako. Gusto niyo pong sumama saakin?" Alok ko sa kanya. Narinig ko na huminga ng malalim si Mama saakin kahit hindi ako nakaharap sa kanya, alam kong nag-aalala ito saakin.

"Anak, kung may problema ka, pwede mo naman ishare saakin. Makikinig ako, promise. " Mama said to me. I sighed at tumingin sa kanya.

"Wala po akong problema ma, siguro stress lang po ako sa work kaya ganoon. " Sabi ko at muling pinagpatuloy ang pagiimpake ko.

"Anak.." Muling tawag saakin ni mama.

"Okay lang po talaga ako, ma." I assured her and smiled. She also smiled at me pero mukhang nag-aalala pa rin.

"Basta kung may problema, andito lang ako nak ah? May pagkain na sa baba, bumaba ka na lang kung nagugutom ka na anak. " Sabi ni mama at hinawakan ako sa ulo at umalis na..

Aalis na ako mamaya, pupunta ako sa resthouse namin sa tagaytay. Okay na siguro yun, malayo. Malayo sa problema, malayo sa trabaho, at malayo kay Kyle..

Kinagabihan, naghahanda na ako para sa bakasyon. Pagkababa ko, nadatnan ko ang mga malulungkot na mukha nila mama at papa.

"Ayos ka lang ba talaga anak?" Tanong ni papa saakin. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Basta kung may problema, huwag kang mahihiyang sabihin saamin ng mama mo ah?" Dagdag niya ulit.

"Salamat po, mama at papa." Nagyakapan muna kami bago ako umalis.

I assured na hindi ko makikita si Kyle bago ako umalis, at salamat naman at hindi siya lumabas sa unit niya.. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang tagaytay.

Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko kung sino, si Patty. Sinagot ko naman ito

"BAKLA! SAN KA PUPUNTA?! BAKIT KA NAGPERSONAL LEAVE NANG HINDI KAMI SINASABIHAN HA?! ANG DAYA MO!!!" Hindi pa man din ako nakakapag-hello, yan na agad ang bubungad saakin

"Oo nga babae! May problema ba? Kasi kagabi sa party bigla ka na lang nawala eh after mangyari yung insidenteng yun.." Singit din ni Vanessa sa usapan. So conference call pala to?

"Guys, wala akong problema okay? Gusto ko lang munang enjoyin ang sarili ko. Tsaka nakapag-paalam naman din ako kay Mr. Albert at umokay siya sa paalam ko.." Sabi ko habang nasa pagda-drive pa rin yung atensyon.

"But still dapat sinabihan mo pa rin kami bakla! Gusto rin naming magbakasyon kasama ka! Pero mukhang gusto mo talagang mapag-isa kaya, okay." Patty said.

I heard Vanessa's sigh. "I guess it turns out this way huh? Ingat ka sa pagdadrive at huwag mong kakalimutan ang pasalubong para saamin ni Patty."

"Tama bakla! Enjoyin mo ang personal leave mo dahil sa susunod, kami rin ni Vanessa ang magbabakasyon!" Sabi ni Patty at tumawa. In-end ko na ang tawag at nagdrive na ulit.

Hours passed bago ako nakarating sa tagaytay, sa rest house namin. Pinagbuksan naman ako ng guard ng gate.

Pagkapark ko doon, agad akong nagtungo sa kwarto ko.

"Here's you key, Ms. Elle. Enjoy your stay po." Sabi ni Claire at ngumiti saakin.

"Thank you." Tipid kong tugon sa kanya atsaka ngumiti sa kanya. Pinagmasdan ko ang buong paligid nitong room ko..

Tahimik.

Malamig.

Malinis..

Mabango..

at siguradong magkakaroon ako ng peace of mind...

Ito nga ang kailangan ko.

Tinabi ko ang mga gamit ko at humiga sa kama. Ang lambot at ang lamig ng kamang hinihigaan ko.

Bigla kong inisip na nagpunta ako dito hindi para alalahanin ang mga nangyari kagabi, kundi para matuon sa iba ang atensyon ko.

Maya-maya pa'y, bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Kyle..

Mula kay Kyle..

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito o hindi, tinitigan ko lang ang caller's I.D.

Makalipas ang ilang tawag niya saakin, ay bigla akong nakatanggap ng text mula sa kanya.

'Elle, please let's talk. Alam kong nasa tagaytay ka ngayon having your personal leave, pero kailangan nating mag-usap. Nasaan ka sa tagaytay? Pupuntahan kita. Please, Elle. I love you.'

Napapikit ako sa huling sinabi niya sa text niya.

Kyle, why are you making things so complicated?

Bakit pinapahirapan mo sarili mo saakin? Bakit pinapahirapan mo ako?

I sighed at in-off ang cellphone ko dahil alam kong tatawag at tatawag si Kyle saakin ngayon.

Humarap ako sa bintana, at tumingala sa langit.

Ang ganda ng mga bituin, nakakainggit. Parang nakakawala ng frustrations ko sa buhay..

If only....

If only ganoon lang kadali, Kyle...

*Sighed*

下一章