webnovel

I HEARD YOU

NAPABANGON SI Demetineirre. Pakiramdam niya ay mayroon siyang narinig na bulong ng isang babae. Malamyos ang tinig noon. Pakiramdam niya, nanlalamig siya at nanayo ang mga balahibo—katakataka dahil nasa isang mainit na lugar siya. Underworld is hell. Day and night, it was a reign of fire.

Kahit saang sulok ng underworld, panay panaghoy ng mga naghihirap na kaluluwa ang naririnig niya. Naipilig ni Demetineirre ang ulo. Imposible ang narinig niyang malamyos na tinig. Mukhang nakatulog siya ng buong himbing at nanaginip lang. Wala naman siyang ibang eksplanasyon sa nangyari kundi iyon lang. Aba, sino ang gagawa noon? Walang ibang puwedeng demon ang magpataw sa kanya ang orasyon. Selyado siya. Mayroong invisible armor laban sa ibang demons. Ligtas siya sa mga kalaban.

Nagkibit balikat siya at nahiga ulit. Ipinikit niya ang mga mata at napakunot ang noo ng mayroong nakita. It was a face of a lovely woman. She looked innocent. Very captivating and mesmerizing. Kasalanan ng mga mata nito. Makakapal ang pilik noon at mapupungay. Parang inaakit siya habang nakaawang ang mga labi...

"Whoa!" gulat na bulalas ni Demetineirre at napabangon. Gulat na gulat siya sa nakita sa isip. Ngayon, sigurado na siya. Someone was trying to penetrate his in thoughts! Biglang naginit ang ulo niya. Walang sinumang gumawa noon sa kanya! Kunsinuman iyon ay isa itong pangahas at humanda ito. Hindi niya mapapalampas ang kalapastanganang iyon!

下一章