webnovel

Lungkot at Galit

>Sheloah's POV<

"Paano nawala si Ace," gulat na tanong ni Veon at nakaluhod parin si Dean sa sahig, umiiyak.

"Nag uusap lang kami malapit sa bonfire. Tapos no'ng tumayo kami para lapitan yung ibang kaibigan namin, bigla na lang may bumaril sa kanya," kwento ni Dean at nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

Hindi siya naging zombie. Bigla na lang siya binaril. Pero ang tanong… sino ang nagbaril sa kanya? May traydor ba sa grupo namin?

"Sino'ng bumaril? Nakita niyo ba," pasigaw na tanong ni Isobel. Halata yung galit sa tono ng boses niya. Dean just shook his head. Meaning, hindi niya nakita kung sino yung bumaril kay Ace.

"Is it possible that there would be traitors in our section," tanong ni Tyler at lahat kami napatingin sa kanya.

"Imposible naman na may traydor dito sa section 4A. Kilala ko kayong lahat. Wala naman sa section niyo ang may malaking galit kay Ace," sagot ni Sir Erick sa tanong ni Tyler and we all agreed to what he said.

Totoo naman kasi. Ace is like the clown of the section at wala namang galit sa kanya.

Tiningnan namin si Dean na patuloy paring umiiyak sa sahig. Nilapitan ko siya, at hinawakan ko yung balikat niya. "Don't worry. Lahat tayo nagagalit dahil sa ginawa ng taong 'yon kay Ace. Kung sino man siya… humanda siya sa atin," sabi ko at tinulungan kong tumayo si Dean.

"Sheloah… ano'ng gagawin mo," tanong ng tito ko sa akin at huminga ako nang malalim. Naiinis ako. Nawalan kami ng kasama.

Sa sobrang galit ko, wala na akong pakealam. Kung masakit yung katawan ko dahil sa aksidente kanina. Tumakbo ako palabas ng 7-11 at sinundan ako nina tito, Sir Erick, Veon, Josh, Tyler at Isobel.

Nagtataka sila kung ano ang gagawin ko. No'ng pagkalabas ko, nakita ko si Ace, nakahiga sa sahig. Nabaril siya ng dalawang beses sa dibdib niya. Maraming dugo ang nakapalibot sa kanya. Kahit takot ako sa dugo, parang ngayon nawala na. Namatay ang kasama namin at ang nararamdaman ko ngayon ay…

Lungkot at galit.

Maraming classmates ko ang nakapalibot kay Ace. Yung iba, umiiyak tapos yung iba hindi makapagsalita dahil sa nangyayari. Natatakot dahil iniisip nila na baka sila yung susunod na patayin.

Nilapitan ko si Ace at hinawakan ko yung kamay niya. "Salamat sa tulong mo. Hindi namin makakalimutan ang pinagsamahan natin sa klaseng ito," bulong ko sa kanya at tumayo ako.

Nilapitan ako ni Veon. "Okay ka lang? Tumatakbo ka na, eh, yung katawan mo hindi pa okay," sabi niya sa akin at tiningnan ko siya and I smiled at him slightly.

Hindi muna ako nagsalita. Pumunta ako sa gitna ng lugar kung nasaan kami at tinitingnan nila ako. Nagtataka sila kung bakit ako ganito at kung ano ang gagawin ko. Naiinis ako at nagagalit at the same time.

Huminga ako ng napakalalim at sumigaw ako. "Sino yung pumatay sa kasama namin," pasigaw kong tanong at nagulat yung iba kong classmates at biglang tumahimik yung buong lugar.

Nilapitan ako ni Veon at ni Isobel. "Uy… kalma lang," sabi sa akin ni Isobel at hinawakan niya yung balikat ko. Hindi ko pinansin yung sinabi niya dahil ayaw ko na hindi bigyan ng pansin yung pagkapatay ni Ace.

Nilapitan ng mga parents si Ace at hinawakan ng nanay ko ang balikat ko. Gusto niya akong tumigil. Tiningnan ko siya and I gave her a slight smile to not let her worry.

"Kung sino man yung pumatay kay Ace, lumabas ka na," dagdag sigaw ko pa at pumunta si Veon sa harapan ko.

"Tama na. Wala ka sa tamang kalagayang magsimula ng away," sabi sa akin ni Veon at tiningnan ko siya.

"Gano'n na lang ba 'yon? Wala lang para sa atin ang pagkapatay ni Ace," tanong ko sa kanya at huminga siya ng malalim.

"Hindi sa gan'on. Nag aalala lang kasi nadisgrasya ka kanina at ngayon binibigla mo yung katawan mo," sagot ni Veon sa tanong ko at tiningnan ko siya.

Medyo naiiyak na ako kasi hindi ko tanggap na nawala na si Ace sa amin. Kahit hindi kami close, importante si Ace kasi kasama siya sa grupo namin.

Niyakap ako ni Isobel at inayos niya yung buhok ko. "Naiintindihan ka namin, Sheloah. Pero ngayon, manahimik na lang muna tayo. Dasalan na lang natin si Ace. Nandoon naman na siya sa Heaven, binabantayan tayo," sabi ni Isobel sa akin at umiiyak na ako.

Lahat kami tumahimik, at lahat kami nagdadasal para kay Ace. Hindi namin siya makakalimutan. Kahit siya yung classmate namin na loko-loko na palaging tinatawag ng teacher namin dahil sa kakulitan niya, siya yung classmate namin na pag nag seryoso, gagawin niya talaga. No'ng nag volunteer nga siya, hindi ko akalain na gagawin niya para sa buong klase. Magaling siya at ang bait niya.

May narinig kaming sound galing sa dahon ng puno at lahat kami tumingin kung saan namin narinig yung tunog. May bumaba na lalaki na may hawak na baril at nginitian niya kaming lahat nang masama.

Rate my chapters, give power stones, comment, or leave a review. ^^ If you want another fantasy story, but it's very short, read "The Arcane Book."

Salamat sa pagbabasa! ^^

MysticAmycreators' thoughts
下一章