webnovel

Zombie Attack 101

>Sheloah's POV<

I opened my eyes slowly at nakita ko agad yung sunlight sa rooftop. Yung iba naaarawan, yung iba hindi.

Habang tinitingnan ko kapaligiran ko, I smell something that made my hungry. Someone frying garlic and onion, and something like roasting meat. Nakita ko ang ibang parents nagluluto ng pagkain para sa aming mga students.

Talaga napahanga ako sa mga parents. Kahit ganito ang nangyayari, hindi nila nakakalimutan ang responsibilities nila as parents. Somehow and right now, we are going to pay them back. Madami silang ginagawa para sa kanilang mga anak.

Tumayo ako at naglakad sa rooftop. Nakita ko si Veon. "Good morning," bati ko sa kanya at nginitian niya ako.

"Good morning," bati niya rin sa akin at tiningnan niya ako. "Ano'ng oras na, Sheloah?" tanong pa niya at tiningnan ko ang orasan ko.

"7:23 ng umaga," sagot ko sa tanong niya at humikab siya.

"Nakakagutom naman ang niluluto ng parents. Ang bango. Siguro masarap 'yan mamaya pag kakain na," sabi ni Veon at nginitian ko siya.

Buti naman at nakakuha ng maraming resources sina tito at nakakuha rin sila ng stove at gas. Siguro sapat na rin yung mga baril at bullets na nakuha namin at kung sakali lumala ang sitwasyon, may nakuha rin si Tyler at Josh na grenades. Gagawa pa sina Sir Erik at Sir Jim ng melee weapons so I guess we have chances to live.

Pumunta rin daw sila ng pharmacy bago sila umalis. They said they tried looking for Pyramethamine and they did not find any so instead, they got more items for the First-Aid Kits and that they got a lot more for training and for emergencies. Muntikan na raw silang madisgrasya dahil muntikan nang makagat sina Tyler and Josh but Sir Erick, Sir Jim and my uncle saved them. All is well for all of them.

"Pagkatapos natin kumain at magpahinga ng onti, simulan na natin ang training," suggest ko kay Veon and he nodded at me.

Pumunta kami kung saan yung mga classates namin at nagising din sila dahil naamoy nila yung niluluto ng parents. Pinapanood ko silang mag stretch at tumayo. Parang nag camping lang kami, only without a tent.

Nginitian ko sila. "Good morning, guys! Pagkatapos natin kumain ng breakfast at pagkatapos natin magpahinga saglit, magte-training na tayo. Ang mga healers, teacher na muna natin si Isobel. Mga support, teachers are Josh and Tyler. Ang attackers, ang magtuturo sa inyo ay si Veon," explain ko sa kanila and they nodded at me sleepily. Mukhang inaantok pa sila.

Nilapitan kami ni Sir Jim. "Oh, kain na tayo. Tapos na kaming magluto at mag distribute ng food," sabi niya sa amin at nginitian niya kami.

Pumunta kami kung nasaan ang parents at napangiti kami sa pagkain na nakita namin. Halatang ang sarap dahil ginawa ng parents mismo at sa panic namin sa first day of the zombie apocalypse kahapon, hindi kami masyado makakain kaya ngayon, magpapakabusog kami.

Tiningnan namin ang parents. "Salamat po," sabay naming sigaw at nginitian nila kami.

Lahat kami nagsiupo sa sahig at kumain kami sabay-sabay kasama ang teachers at parents. Habang kumakain kami, lahat kami nagkukwentuhan at lahat kami nagbibigayan. Mga isang oras kami kumakain at isang oras na pagpapahinga. Tiningnan ko ang orasan at 9:33 na ng umaga.

Sumandal ako sa likod ni Veon at hinawakan ko yung tiyan ko. "Busog na busog ako kahit isang oras na tayo nagpapahinga," sabi ko at hinawakan din ni Veon yung tiyan niya.

"Ako rin. Nasarapan ako sa ginawa nila kahit simpleng scrambled eggs at fried rice lang ang kinain natin," sabi naman ni Veon at napangiti ako sa sinabi niya kasi naka-relate ako.

Nilapitan kami ni Sir Jim, kasama si Tyler at Josh. Nakiupo sila sa tabi namin at nginitian kami ni Sir Jim.

"Nakapag handa na kami ng weapons. Tapos si Sir Erick, nakagawa pa ng silencer para sa mga baril natin," sabi niya at na-amaze kami.

"Ang galing naman ni Sir Erick," sabi ko at tumango si Veon, Tyler, Josh at Sir Jim.

"Ang talino niya talaga; talented. Magaling talaga si Sir Erick," sabi pa ni Sir Jim sa amin at nginitian din namin siya.

Nade-develop na namin ang friendship namin kay Sir Jim. Siya kasi yung tipong teacher na kabarkada namin. During lessons minsan nagkukwento siya. Nakakatawa talaga. Nambu-bully pa siya minsan pero noong nakita namin siya sa home economics room, talagang nakakapagtaka siya.

Tumayo kaming lahat at tiningnan ko si Veon. "Game! Magturo na yung iba at yung iba makinig na sa panibagong lesson! Bagong subject ngayon is called 'Zombie Attack 101.'," sabi ko at tumawa yung mga kasama ko.

"Mga attackers, pumunta sa right side ng rooftop. Teacher niyo si Veon. Siya na ang magbibigay ng baril niyo galing sa bag at may silencer na rin kayo roon. Mga healers, sa left side ng rooftop. Teacher niyo si Isobel. Ibibigay naman niya sa inyo yung small pouches niyo with First-Aid Kit and other medical things. Ang mga supports since marami kayo, doon kayo sa gitnang part ng rooftop at ang teacher niyo si Tyler at Josh. Yung sticks niyo ibibigay namin ni Sir Erick," explain ni Sir Jim sa mga classmates namin at tumango sila.

Pumunta kami sa respective places na naka assign sa amin at pumunta ako sa left side, kung saan ang mga healers. Mostly na healers, girls. Well, actually… lahat ng healers dito girls.

Siguro ako lang ang dual purpose sa grupo namin. Healer at attacker ako pero for now, healer ako. Umupo kami sa sahig at dinistribute ni Isobel yung boxes namin kung saan ang First-Aid Kit at ang ibang medical na gamit namin. Pumunta siya sa harapan namin at kinuha niya yung box niya.

"Okay. So magsisimula na ang medical training natin," sabi niya at pinipigilan niya yung tawa niya. "'Di ako makapaniwala na tuturuan ko kayo," dagdag sabi pa niya at natawa kaming healers na tuturuan niya.

"Sige, sige. Start na talaga. Sorry," sabi niya at huminga siya ng malalim. "Since tuturuan ko kayo, unang-una sa lahat… dapat niyong maalala pag may inaasikaso kayo, is 'wag kayo mag panic. Calm down. Kung sino man ang takot sa dugo, medyo mahihirapan kayo mag cope up sa lesson pero subukan niyo, okay," dagdag sabi pa ni Isobel at tiningnan niya ako.

Alam niya na takot ako sa dugo pero here goes the medical training I indulged myself upon. Good luck to me! Sana 'di ako himatayin when the time comes na maraming dugo na talaga akong makikita.

Salamat sa pagbabasa! Comment naman po. :3 Hehe.

MysticAmycreators' thoughts
下一章