webnovel

This is Now the Emergency

>Sheloah's POV<

Tiningnan ko si Veon. "Veon... ano'ng oras na," tanong ko sa kanya at tiningnan niya yung relo niya.

"Exactly 4:00PM," sagot niya sa tanong ko at tiningnan ko yung classmates namin.

Plano naming kumuha ng mga melee weapons sa home economics room tapos yung ibang makukuha namin ibibigay namin sa brave three para kahit paano, may gagamitin silang pamprotekta sa classmates namin.

"Guys," tinawag ko ang atensyon nila. "Mga 4:30, aalis ako kasama si Veon, Josh at Tyler. Kukuha kami ng resources sa SM pero unang pupuntahan namin is the home economics room para kumuha ng knives na magagamit ni Dean, Ace at Edward," sabi ko at nakatingin yung mga classmates namin sa akin.

Tumayo yung adviser namin at nilapitan nila kami. "Bilisan niyo, ha? It's dangerous out there," sabi ng adviser namin sa kanya and the four of us gave her a smile.

Binalik ko yung tingin ko sa classmates namin." Dito tayo for 2 days. Once na bumalik kami rito mamaya with resources gagawa kami ng panibagong plano para makaalis tayo rito on the 3rd day. Hindi tayo tatagal dito," sabi ko at nagsimula na nagbulungan yung classmates namin. Siguro nabigla sa short amount of time na pwede kami mag-stay dito.

"'Wag niyo muna problemahin 'yan. Hintayin niyo lang kami and leave it to us. Makakapag isip din kami ng plano," sabi ko sa kanila and they all calmed down.

"Sheloah... mag ingat kayo., sabi ni Dean sa akin at nginitian ko siya.

"Keep your phones on silent. Mamayang gabi siguro by 6 or 7 pag dating namin dito, masarap ang dinner natin," sabi ko sa kanila at nginitian nila ako. Inspiration for them to trust us, and for them to calm down and wait patiently.

Kinalabit ako ni Tyler at tinignan ko siya. "Pag bababa na tayo, it's best if we use these hard sticks for melee," sabi niya sa akin at binigyan niya kami ng sticks. One meter long. One for me, Veon and Josh.

Nginitian ni Josh si Tyler. "Kinuha mo 'yan sa gilid ng rooftop, 'no? Yung para sa billboard ng school," sabi ni Josh at nginitian ni Tyler si Josh.

"Hindi naman natin kailangan yang billboard na 'yan. Wala na tayong sportsfest," sagot ni Tyler sa kanya at tumawa kaming apat ng onti.

I shook my head at tinignan ko yung mga classmates namin. Once na pagkalabas namin sa rofftop na ito, kailangan naming bilisan para makaalis na rin kami ng school at punta na kami ng SM. No'ng tiningnan ko yung phone ko bigla ko naalala yung family ko.

Ano kaya nangyari sa mga family namin? I forgot! We're supposed to contact them ngayon na may nangyayaring ganito para malaman kung okay lang sila! Damn! What kind of daughter am I forgetting my own family? I didn't mean to!

Tiningnan ko yung classmates ko with a slight panic at kinuha ko yung attention nila. "Guys... hindi ba kayo nag-aalala sa family niyo? You have your phones, right? Call them. Ask if they're okay. Nakalimutan natin sila," sabi ko sa kanila at no'ng pagkasabi ko ng ganito, they also panicked and they rushed in their pockets in search of their phone.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung phone number ng mom ko pero sinabi na unattended siya. "Shit," Sabi ko at tinawagan ko naman yung number ng tito ko. Hinintay ko kung magpi-pick up siya.

I love my family so much. Close na close ako sa kanila. I don't know what I'll do without them! Marami ako'ng natutunan sa kanila. Marami kaming pinagsamahan. Yung family ko, kahit may problema, masayahin parin kami at nagtutulungan kami. Ayaw ko mawala sila sa buhay ko.

The ringing of the phone made me panic even more. Ang tagal niyang i-pick up! I wish and pray to God na sana okay lang sila. Sana ligtas sila.

Tiningnan ko yung classmates ko at naka-scatter sila para kausapin ang family nila. Yung iba nagte-text, yung iba nakita kong umiiyak sa saya dahil good news na okay lang sila. Yung iba nakikita kong umiiyak sa lungkot dahil hindi na nila mo-contact yung family nila.

Lumingon ako at tumingin ako sa baba. "Pick up the phone, pick up the phone, pick up the phone…" Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko at sa wakas! Tinanggap nga yung tawag!

"Tito," sabi ko over the phone, at narinig ko na ang tahimik ng bahay. Naririnig ko yung heavy breathing sa phone. Si tito nga ba ang kausap ko? "Umm… tito," sinabi ko pero mas nag aalala ako. Hindi kasi nagsasalita agad.

"Sheloah," Sabi ng tito ko with his deep and familiar tone at no'ng pagsalita niya, I let out a sigh of relief at napaupo agad ako sa sahig at napaiyak ako ng onti dahil sa saya na nararamdaman ko.

Safe si tito! Safe si tito, thank God! Pero yung iba… safe ba?

"Tito… yung iba? May nangyari ba," tanong ko sa kanya at medyo hindi ako nakakapagsalita ng maayos dahil sa panic na nararamdaman ko para sa ibang family members namin.

"Hindi..." Halatang may lungkot sa boses ng tito ko.

"Sino…" Hindi ko alam kung pa'no sabihin. "Sinong nawala," tanong ko parin kahit napakahirap sabihin.

"Ang natira na lang ako, mama mo, asawa ko, at si Ivan. Tatlo mong pinsan atsaka si mama… wala na," sagot ni tito at hindi ko na napigilan ang iyak ko.

Ang daming nawala sa amin.

Naririnig ko rin ang iyak ng tito ko.

This zombie apocalypse… it's too much!

"Nasaan kayo," tanong ng tito ko at nilipat ko yung phone ko sa right ear ko.

"Nandito kami sa rooftop. Yung section lang namin, actually. Ewan ko kung may iba pang survivors. Kami ni Veon, Josh at Tyler ang nag lead ng klase papunta rito. Most of it was my plan, pero nag cooperate sila at wala sa amin ang nawala," sagot ko sa tanong ng tito ko.

"That's good." Reply niya sa sinabi ko at tumayo ako at may naisip akong bagong plano.

"Paano kayo nakatakas sa mga zombies diyan," tanong ko naman sa tito ko.

"Ginamit ko si papa." sabi niya and I felt my heart rush. He used grandpa.

Not literally used my grandpa. We meant that tito used his father's gun. Si lolo kasi hes's now in heaven with the Creator. Maaga siyang namatay. He was a soldier then naging police officer. Sabi ng lolo ko kahit sundalo siya, nilipat siya sa different department so instead of being a soldier, he became a police but he still enjoyed his work. No'ng namatay si lolo, yung baril niya napunta kay tito and we promised to use it in emergencies.

And this is now the emergency.

Napaisip kong mag update everyday kasi I have a reader who noticed me. :3 Shout out to @Lyze, thank you for noticing me and for remembering me! Nakakataba ng puso. <3

I changed my mind. I will now update one chapter EVERYDAY! Oh, ang bait ko na, ha? ;)

Do me a favor guys, and please do paragraph comments if ever you notice typos and grammatical errors. :)

And... to my readers there, comment naman kayo diyan! :D Rate din, review or give powerstones naman, oh. ;)

MysticAmycreators' thoughts
下一章