webnovel

MHR | Chapter 34

Dalawang linggo matapos umuwi ni Luna mula sa pagdalaw kay Ryu sa Philadelphia ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Marco.

Kasalukuyan siyang nasa campus para sa unang araw ng klase matapos ang Christmas season. Nagpaumanhin muna siya sa guro nila bago lumabas ng classroom at sinagot ang tawag.

"How are you, Luna?"

Tumikhim muna siya upang hawiin ang kaba. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan sa tawag na iyon, pero may palagay siyang balita ang hatid ni Marco.

"I'm all right. How's Ryu?"

"Still sleeping."

Malungkot siyang ngumiti. Marco made it sound like Ryu was not in a critical condition.

"Pauwi na kaming lahat sa Pilipinas. I am just calling to give you an update about the investigation."

"Nahanap na ba ang mga lalaking nanakit kay Ryu?"

"Yes. All of them have been apprehended. Lahat sila ay umamin na napag-utusan lang."

She held her breath. "Sinabi ba nila kung sino ang utak sa... nangyari?"

"Yes, they did. And the mastermind has also been arrested."

"Sino ang may gawa nito kay Ryu, Marco?'

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya. "Stella Reyes."

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang marinig ang pangalang binanggit ni Marco.

That sounds familiar...

"Stella Reyes is Stefan Burgos' half sister, Luna."

That's when her eyes widened in shock. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na may kinalaman si Stefan at ang kapatid nito sa nangyari kay Ryu. Stefan's sister was the reason why he used her against Ryu. Now, the situation had gotten worse— their vendetta was getting serious.

Napasulyap siya sa bintana ng classroom nila at sinilip mula roon ang desk ni Stefan. Hindi ito pumasok sa unang araw ng klase at noon lang niya napansin. Naisip niyang may kinalaman ang hindi nito pagpasok sa pagkakahuli sa kapatid.

Nanlulumong sinapo niya ang noo. "Bakit? Bakit iyon ginawa ng kapatid ni Stefan kay Ryu? Tungkol pa rin ba ito sa damdamin nitong hindi nasuklian ni Ryu noon? Bakit hindi na lang nila ito tigilan? Hindi pa rin ba sila masaya na sinira na nila ang reputasyon nito sa unibersidad at—"

"Ginawa iyon ni Stella dahil sa galit matapos bugbugin ni Ryu si Stefan. She wanted to avenge her brother, hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Ryu sa kapatid."

"Avenge her brother by attempting to murder Ryu? Sapat bang dahilan iyon para pagtangkaan ang buhay ng iba? Kung hindi pa nakapag-sumbong ang batang nakakita sa nangyari at dumating ang mga pulis ay baka napatay ng mga lalaking iyon si Ryu!" She was horrified and pissed at the same time.

Sinaktan ni Ryu si Stefan dahil sa ginawa nitong panloloko sa kaniya, and somehow, she felt guilty for that. Pero sapat bang dahilan iyon para pagplanuhan ni Stella na patayin si Ryu upang maghiganti?

Napapikit siya sa sobrang panlulumo. Bakit may ganoong klase ng tao?

Ryu had been in a coma for several weeks now. He did not deserve it, Ryu did nothing wrong! Marami ang nasasaktan sa kasalukuyang kondisyon nito, paano kung hindi na ito magising?

Please.... No. Muli siyang nagmulat at inalis sa isip ang ideyang iyon.

Si Marco ay muling nagsalita. "I got a call from one of the men we hired to investigate and he reported that Stefan is with his sister now. Kapag napatunayan na may alam ito sa nangyari ay wala rin itong ligtas."

Hindi na siya sumagot pa. Kapag napatunayan na may kinalaman din si Stefan sa nangyari kay Ryu ay hinding-hindi niya ito mapapatawad.

She had forgiven him for fooling and using her. But being part of his sister's heinous act? No. Never.

"Si Stefan Burgos ang una naming pinaghinalaan kaya hindi na rin kami nagulat nang ma-kompirma ng mga imbestigador na si Stella ang may pakana ng lahat. Her phone was hacked and there we found the evidence we need to point her as the main suspect."

Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga. Napahawak siya sa pader ng corridor dahil pakiramdam niya ay para siyang mauupos na kandila.

"Kasama naming babalik sa bansa si Tita Iris para asikasuhin ang kaso. We'll see you then."

Tumango siya at tuwid na tumayo. "Please call me once you're back. I'd like to see everybody."

*****

Ilang araw matapos matanggap ni Luna ang tawag na iyon mula kay Marco ay dumating na nga ang mga ito mula Philadelphia kasama ang mag-asawang Donovan.

Napag-alaman niyang si Mrs. Daria ay lumipad patungong Estados Unidos upang samahan si Ryu habang ang mag-asawa ay naroon upang asikasuhin ang kasong ini-sampa sa mga suspects.

Si Stefan ay napatunayang walang kinalaman sa ginawang pag-utos ng kapatid na bubugin— halos patayin— si Ryu. He was also interrogated and in fairness to Stefan, his statements were consistent. He had no idea that his sister was planning on hurting Ryu Donovan. At kahit si Stella ay itinangging sangkot ang kapatid.

Stefan was devastated after learning that his sister would be facing an uphill battle againts the Donovans.

At hindi nagsayang ng panahon ang mag-asawang Donovan. A case was filed againts Stella Reyes and the eight other men who brutally attacked Ryu.

Eventually, the case proceeded to court and Stella Reyes was found guilty beyond reasonable doubt of frustrated murder for plotting the attack that almost killed Ryu Donovan. Whilst the eight other men, who were only paid to do the job, were charged with serious physical injury at the very least.

Si Stefan, matapos hatulan ang kapatid ay wala nang nagawa kung hindi manlumo at tahimik na umiyak.

Subalit sa kabila ng pagkapanalo ng kaso, ay hindi pa rin magawang magdiwang ng grupo at ng pamilya Donovan.

Dahil hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring naka-a-alam kung magigising pa si Ryu...

Most of his injuries were healed. His wounds from the attack had left scars, but what everybody was scared about was if Ryu would still wake up.

Would he still wake up, though?

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

下一章