webnovel

MHR | Chapter 24

Huminto si Luna sa paglalakad nang hapong iyon nang marating ang exit gate ng school.

Mag-a-alas sais na ng gabi subalit sa mga oras na iyon ay papalubog pa lang ang araw dahilan upang mag-kulay dalandan ang paligid. Ang mga maliliit na sanga ng puno ng acacia na nakapaligid sa loob at labas ng school ay nagkalat, at ang munting mga dahon nito'y nagsisiliparan dala ng pang-hapong hangin.

Maliban sa kaniya ay iilan na lang ang mga naroong estudyante na katulad niya'y pauwi na rin. Ang mga kasama niyang nag-practice ng volleyball ay nauna nang umuwi samantalang siya ay dumaan pa sa library para hiramin ang librong kailangan niya para sa homework.

Sa tuwing uwian ay hindi niya maiwasang sandaling matigilan kapag napapa-daan siya roon. A silhouette of a man always comes in mind, standing there, hands in his pockets, with a playful smile on his lips as he wait for her. Mahigit dalawang linggo na rin matapos ang huli nilang pagkikita.

Mahigit isang linggo na rin nang mabalitaan niyang bumalik na sa school ang Alexandros at ganoon din si Stefan. Sinubukan niya ito minsang lapitan at kumustahin subalit para lang siyang hangin na hindi nito pinansin. Iniwasan siya nito na parang isang may malubhang sakit na ikina-iiling na lang nina Dani at Kaki.

Subalit sa kabila ng mga iyon, ay nakapagtatakang wala siyang maramdamang sakit o pagdaramdam. She would just shrug her shoulders and move on. Doon niya napagtantong tinanggap na niyang hindi na magbabalik ang samahan nila ni Stefan. At okay lang siya roon.

Dahil tulad nga ng naisip niya noong nakaraan, kung ganoon siya ka-daling hiwalayan ni Stefan ay marahil, hindi talaga siya nito ginusto.

Muli niyang sinulyapan ang gilid ng gate kung saan laging naka-pwesto si Ryu Donovan upang hintayin siya at muling sirain ang araw niya. She smiled. Kung bakit, ay hindi niya alam.

Hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa rin bumabalik si Ryu. At sa tingin niya ay tuluyan na nga itong pinaalis sa school. Iyon na sana ang huling semestre bago ang pagtatapos nito sa kolehiyo pero nang dahil sa ginawa nito kay Stefan ay hindi mangyayari iyon.

'I'm not sorry for what I did to him. He deserved it'. Iyon ang naaalala niyang isa sa mga sinabi ni Ryu nang kinompronta niya ito tungkol sa ginawa nito kay Stefan.

Ayon sa mga estudyanteng nakakakilala kay Ryu at sa buong Alexandros ay hindi nang-a-agrabyado ng iba ang lalaki, o nananakit nang walang matibay na dahilan.

Maliban sa kaniya, may ibang dahilan kaya si Ryu Donovan para gawin iyon kay Stefan? Ngayon ay iyon ang tumatakbo sa isip niya.

Muli ay tumingin siya sa gilid ng gate saka bumuntong hininga.

Why am I feeling this loneliness? Is it because he's not where he's used to be?

Yumuko siya at umiling. Nasanay lang siya at ngayon ay naninibago dahil wala na ito sa paligid. Iyon lang iyon. At hiling niya ay sana, sa darating na mga araw, ay mawala na ang kung anuman ang nararamdaman niyang iyon at bumalik na siya sa dati.

Without Stefan Burgos and Ryu Donovan in the picture.

*****

Subalit lumipas pa ang mga araw at linggo, at lalo lang tumindi ang nararamdaman ni Luna. She's started to get confused and question herself why.

Why was she feeling that way?

Why was she thinking of him more often?

Why has she started to wish that he would appear to a place she's used to see him and give her his naughty smile?

And why the hell was she missing him?

Totoo nga ba ang sinasabi nilang saka lang malalaman ang importansya ng isang tao kapag nawala na ito?

"Luna!"

Napapitlag siya at napahawak sa dibdib nang bigla siyang gulatin ni Dani mula sa likuran. Naglalakad siya nang umagang iyon sa corridor patungo sa classroom nila nang bigla nalang siyang kalabitin ni Dani.

Ang lakas ng tawa nito pagkatapos. Si Kaki na nasa likuran lang nito ay napa-iling lang,

"Why did you do that?" nakasimangot niyang tanong.

"Eh kasi naman, kanina pa kita tinatawag habang nakasunod kami sa likuran mo pero para kang wala sa sarili at hindi ako naririnig," nakatawa pa ring sambit ni Dani.

Hindi siya sumagot, ang mukha ay yukot pa rin sa inis. Halos takasan siya ng espirito nang gulatin siya nito.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?" ani Kaki.

Umiwas siya ng tingin, "Wala—" natigilan siya at huminto sa paglalakad.

"What's wrong?" si Dani na nahinto sa pagtawa at sinundan ng tingin ang dahilan ng pagkatigalgal niya.

Nakita nilang tatlo si Stefan na lumiko sa kabilang dulo ng corridor kasunod ang pitong miyembro ng Alexandros.

Sabay na napasinghap sina Kaki at Dani.

"Ano na namang gulo ang mangyayari?" Dani hissed.

Bago pa man siya nakapag-isip ng tama ay mabilis siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ng mga ito. Sumunod din sina Kaki at Dani.

Ang corridor na nilikuan ng mga lalaki ay patungo sa entrance door paakyat sa roof top ng apat na palapag na highschool building. Pagka-liko ay nahuli pa ng tingin ni Luna ang pagpasok ng mga ito sa steel door. Nahinto siya.

"What are we doing?" pabulong na sambit ni Dani.

"We are going to follow them," ani Luna.

"Why?" si Kaki.

Sandaling nilingon ni Luna ang dalawa, "Hindi ba kayo nagtataka kung bakit magkasunuran sina Stefan at ang grupo? Masama ang kutob ko." Muling ibinalik ng dalaga ang tingin sa pintong pinasukan ng grupo bago mabilis na humakbang patungo roon. Pagpasok sa pinto ay narinig niya ang sunud-sunod na hakbang ng mga lalaki paakyat sa hagdan, sa puntong iyon ay nasa ikatlong palapag na ang mga ito. Sumunod siya at nag-umpisang umakyat.

Sina Dani at Kaki ay nakasunod lang din sa likuran ni Luna, pawang maingat sa mga hakbang upang hindi sila mapansin ng mga sinusundan nila.

Nasa pangalawang palapag na sila nang marinig nila ang langitngit ng steel door sa taas. Binilisan pa lalo nila ang mga hakbang paakyat.

Nahinto lang sila nang marating ang tuktok kung saan bahagya lang na naiwang nakabukas ang pinto. Doon ay sumilip ang tatlo.

Sa rooftop, ay malinaw nilang nakikita si Stefan na nakapamulsang hinarap ang grupo.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

下一章