webnovel

Chapter 2

Atasha's brain had suddenly gone haywire and her heartbeat tripled. Parang kakawala ang puso sa loob ng dibdib niya. Hindi dahil sa tanong ni Kurt kundi dahil sa sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Habang pinipilit niyang I-shut down ang primitibong bahagi ng utak na may kinalaman sa atraksiyon niya dito, saka siya lalong naging physically aware dito.

His cologne was very manly. But he was the man who exuded too much potency without even trying. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi siya makahinga. Sa sobrang kaba ay parang wala sa sarili tinalunton ng daliri niya ang neckline ng evening gown niya at binasa ang labi.

"I could think of another way to settle our debt," she answered in half-whisper. Sa halip na maging matapang ang boses niya ay lalo iyong humina. Parang isang mahina at desperadang babae tuloy ang dating niya.

Umangat ang gilid ng labi nito. Bad. That meant something bad. "Thanks for the offer but I can get that for free."

"What?" tanong niya at bahagyang natulala.

"I mean there are more willing and able bodies," he said flatly as he looked at her body without a hinge of interest. "You can serve better as my wife, Miss Gatchitorena. Wala akong planong tumanggap ng iba pang paraan ng pagbabayad sa mga pagkakautang ninyo sa akin."

She fumed when everything dawned to her. Akala nito ay gusto niyang ibigay ang katawan dito bilang pambayad sa utang. Hindi niya napigilan ang palad niya at sinampal ito. "You bastard!"

Hinaplos nito ang nasaktang palad subalit hindi nag-iba ang mga mata nito. They remained cold when he looked at her. "Thank you!"

"You deserve it! Akala mo ba natatakot akong mapunta sa kalsada? Mas gusto ko pang mamalimos kaysa magpakasal sa iyo!" nanggagalaiti niyang sabi at tinalikuran ito. "And I am not offering my body. Hinding-hindi sa iyo!"

"I still intend to collect, Miss Gatchitorena. Don't worry, hindi ko idadagdag sa sisingilin ko ang pananampal mo sa akin," he said in a chilling voice.

Mas lalo niyang binilisan ang lakad. She wanted to get away from him. "You'll pay for this!" mahina ngunit mariin niyang usal. Nobody treated her that way. And he had no right! Wala pang gumawa nang ganoon sa kanya. She was a respected woman. Wala pa siyang ginawa para maging masamang babae ang tingin nito sa kanya. How dare him!

Habol niya ang hininga nang makabalik sa loob ng mansion. Magre-retouch sana siya sa powder room nang mamataan niya ang ka-date na si Denzel.

"Atasha, where have you been?" tanong nito at hinila siya pabalik sa table nila. "Kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na ako."

"No. Nasa garden lang ako. I find it hard to breathe in here."

Kumunot ang noo nito. "Doon din nagpunta si Rieza."

"Yeah, I saw him," kaswal niyang sabi at ini-refill ang hawak na wine glass.

"Anong sabi niya sa iyo?"

Natigil siya sa pag-inom ng red wine at ngumiti. Ayaw niyang mapansin nito na may kakaiba sa kanila ni Kurt. "I just said hello. Tinanguan lang niya ako."

"Iyon lang?" naghihinalang tanong nito.

"Ano ba ang pag-uusapan namin? Wala akong alam sa business at wala akong interes sa politics." She was not stupid. She was well informed in politics and business. Political Science ang tinapos niya noong college. Wala lang siyang hilig sa ganoong discussion. She found them boring and monotonous.

"Good. Beware of him," anito at bahagyang binigyan ng matalim na tingin si Kurt na kapapasok pa lang. Sinalubong ito ng governor ng lalawigan at tinapik sa balikat. "May usap-usapan na plano niyang magpakasal sa isang babae na nagmula sa angkan ng mga pulitiko. You know Rieza. He will do everything to get the Congressional slot this coming election. And he might set his eyes on you."

"Oh, really?" usal niya at pailalim na tiningnan si Kurt mula sa glass wine habang umiinom mula doon. Then her lips thinned in contempt. Alam na niya ang plano ni Kurt mula sa simula. But it still annoyed the hell out of her when she heard people talk. Pagtatawanan lang siya ng marami oras na malaman ng mga ito na siya ang napili ni Kurt.

"And the girls around here are so excited," Denzel expressed with too much scorn in his voice. May bahid ng iritasyon sa mga mata nito nang igala ang tingin sa mga babaeng nagpupukol ng humahangang tingin kay Kurt. "Gusto nilang malaman kung sino sa kanila ang pipiliin ni Rieza. They didn't mind if the man would only use their family's political background. Mga wala talaga silang isip."

"You can't blame them. Kurt is a nice catch. He is gorgeous, rich and virile. Matagal nang maraming babae ang may gusto sa kanya," parang wala siya sa sarili habang sinasabi iyon. She was echoing Bettina's words. Lumalabas tuloy na kahit siya ay ganoon din ang opinion kay Kurt.

He scowled "Don't tell me you also like him."

Natauhan siya nang mahimigan ang galit sa boses ni Denzel. Tumawa siya nang nanunuya. "I am not like them, Denzel."

Kung alam lang nito, siya ang sawimpalad na babae na napili ni Kurt Rieza na magpakasal dito. Napakamalas talaga niya. Kung pwede lang na makipagpalit siya ng kapalaran sa isa sa mga babaeng naghahabol kay Kurt.

Ginagap ni Denzel ang kamay niya. "I know. I like you because you are different from them. Kailan mo ako sasagutin, Ash?"

Napipilan siya. Kababata niya si Denzel. Teenager pa lang sila ay nililigawan na siya nito. Ilang beses na niyang sinabi dito na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya subalit hindi pa rin ito tumigil sa panunuyo. Hindi naman niya ito maitaboy. Bukod sa kaibigan ito ng pamilya, ito rin ang kasama ng Daddy niya nang mapatay ito. Nagtamo ng tama ng bala si Denzel sa balikat kaya may simpatya siya dito. Mas maswerte lang ito sa daddy niya dahil nabuhay pa ito.

"Do you want more brandy?" alok niya at tiningnan ang baso nitong wala nang laman.

Lumungkot ang mukha nito. "Kahit kailan, hindi mo ako sineryoso. Ano ba ang ayaw mo sa akin, Ash? I love you and I will do everything for you."

Ngumiti siya upang I-console ito. "There is nothing wrong with you. Wala lang sa isip ko ang mga bagay na iyan ngayon."

And besides, Denzel was also a politician. Wala itong ipinagkaiba kay Kurt Rieza na mataas din ang ambisyon. Ang kaibahan lang, alam niyang matagal na siyang gusto ni Denzel. Mas kilala niya ito.

"Pero pwede naman akong dumalaw sa inyo, hindi ba?"

"Oo naman. Lagi ka namang welcome sa bahay namin. After all, you are my friend," nakangiti niyang sabi para hindi bumigat ang loob nito.

"Kailan kaya magbabago ang pagtingin mo sa akin?"

Nagkibit-balikat lang siya at uminom ng champagne. Dahil hindi niya alam kung masasagot niya ang tanong nito. Marami pa siyang problema. At ang pinakauna niyang dapat resolbahin ay si Kurt. How could she get rid of him?

"I SWEAR, sa akin siya nakatingin," sabi ni Joanna, isa sa mga nag-volunteer na sumali sa livelihood project na pinasimulan ng grupo nila Atasha. Nasa garden siya sa hacienda nila kung saan naka-set na ganapin ang meeting.

Ang mga miyembro ay pawang anak ng mga maiimpluwensiya sa mundo ng pulitika at negosyo sa Davao. Kasali pa rin siya doon dahil sila ng Mama niya ang bumuo ng grupo. Ipinagpapatuloy lang niya ang nasimulan nito.

"No, sa akin!" kontra naman ni Samantha, isa ring volunteer at anak ng isang sikat na businessman sa Davao. "Dahil ako ang kausap niya. Why should he waste time looking at you? Ako na nga ang nasa harap niya."

"Daddy mo ang kausap niya at hindi ikaw," kontra naman ni Joanna.

"Basta ako, isinayaw niya," nang-iinggit namang sabi ni Wesley. "So no argument about it. Ako ang gusto niya."

"Isinayaw ka lang niya dahil ipinagduldulan ka ng Mama mo," kantiyaw naman ni Samantha dito.

Umirap si Wesley. "Whatever you say, he likes me!" Kinalabit siya nito. "Atasha, hindi ba ako ang gusto niya?"

"Sino?" tanong niya habang binabasa ang agenda ng meeting nila para sa araw na iyon. Hindi pa sila makapagsimula dahil hindi pa dumadating ang head ng grupo nila, ang anak ng governor na si Ruth.

"Si Kurt. Ako ang gusto niya, di ba?"

Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. "I don't know. Hindi ko naman siya tinitingnan noong party." Talagang iniiwasan niyang tingnan si Kurt. Kapag nakikita kasi niya ito ay kumukulo lang ang dugo niya.

"Taga-saang planeta ka ba, Atasha? Ikaw lang yata ang immune sa charms niya," nakatirik ang mata na sabi ni Wesley.

Ngiti lang ang isinagot niya kahit nagngingitngit na siya. Charm? Kailan pa naging charming ang kumag na iyon? Nang magsabog yata ng charm sa mundo, naghihilik pa siya. She was sure it was not charm. It was something else. But she didn't know what it was. Baka naman gayuma o may pagka-sorcerer ito

Ipinagpatuloy ulit ng tatlo ang pagpapatalbugan kung sino ang gusto ni Kurt. Pero sa pagkakataong ito ay ni-retouch din ng mga ito ang make up.

Siniko niya si Melissa, ang treasurer ng grupo. "Ano ba ang ipinunta ng mga iyan dito?" mariin niyang bulong.

"Para pag-usapan si Kurt Rieza."

Nalukot ang mukha niya. "Hindi tayo Kurt Rieza fans club. Alam ba nila na livelihood program ang topic natin at hindi ang lalaking iyon?"

Nagtataka siya kung bakit kasama ang tatlo. Malayo kasi sa bokabularyo ng mga ito ang tumulong sa ibang tao. Sa palagay nga niya ay lalagnatin ang mga ito kapag dumikit sa mga mahihirap.

"Pabayaan mo na. Magdo-donate ng malaking halaga ang magulang nila."

"Aside from that, I doubt it kung may iba pa silang pakinabang sa atin," she stated cynically.

"Excuse me po, Señorita Atasha. May nagpadala po ng bulaklak sa inyo," anang katulong at inabot sa kanya ang isang bouquet ng stargazer.

"Salamat po." Excited niyang kinuha ang bulakalk Puro roses ang nata-tanggap niya dati. Noon lang may nagpadala ng paborito niyang bulaklak sa kanya.

"Kanino nanggaling?" tanong ni Melissa.

Pati iba ay nakiusyoso. "Walang card," nanghihinayang na sabi ni Samantha. "Baka naman isa sa mga na-meet mo sa parties. Baka isang DOM kaya nagpapa-mysterious effect pa."

"Huwag naman sana DOM," kontra ni Melissa.

"Kailan kaya ako padadalhan niyan ni Kurt?" nangangarap na sabi ni Wesley.

"In your dreams! Dahil ako ang padadalhan niya," ngingiti-ngiting sabi ni Joanna. "Hanggang ilusyon lang kayo."

Tumayo siya sa kinauupuan bitbit ang bulaklak. "Ipapasok muna sa loob." Nagpapanting ang tainga niya kapag pinag-uusapan si Kurt. Nakakasira ng araw.

"Hurry up! Ruth is here," sabi ni Melissa nang pumasok sa gate ang itim na Ford Expedition. May kasunod pa iyong ibang sasakyan kung saan lulan ang bodyguard ni Ruth. Subalit ang ipinagtataka niya, walang sasakyang Ford Expedition ang pamilya nila Ruth. BMW ang madalas nitong gamit.

"He's here!" tili ng tatlong babae habang nakatingin sa sasakyan.

"He?" nagtataka niyang usal. Nasagot ang tanong niya na ng bumaba ng sasakyan si Kurt at inalalayan pababa si Ruth. Nang-aakusa niyang tiningnan si Melissa. "What the hell is he doing here?"

"Kinausap siya ni Ruth noong party," kagat ang labing sagot ni Melissa. "Inimbitahan siya na maging consultant natin sa project. After all, kasama siya sa major sponsor natin. Baka daw may ideas siya para mapaganda ang project natin."

"Oh, hell!" galit niyang bulalas. "Bakit hinayaan ninyong magmagaling iyan? I bet, kaya kasama ang mga babaeng ito dahil sa kanya."

"Huwag ka nang magalit, Atasha," pakiusap nito.

"Papasok muna ako. Start the meeting without me. Ihahanda ko ang mirienda," sabi niya at nagmamadaling pumasok ng bahay nang makitang papalapit si Kurt. Binigyan niya ito ng matalim na tingin bago pumasok. Hinahamon siya nito. Pwes, hindi siya magpapatalo.

下一章