webnovel

MY EX-FIANCE #1

Isang taon na ang lumipas ngunit sariwa parin sa ala-ala ng dalaga ang sakit na sinapit .

Akala niya puro nalang kasiyahan ang mararamdaman niya sa feeling ng kanyang ex-fiance .

Ngunit isang akala lamang ang lahat. Lahat nang pagmamahal, oras ibinigay na niya. Ngunit isang "sorry" and "goodbye" lamang nawasak ng tuluyan ang buo niyang puso.

"Move on! Madaling sabihin ngunit mahirapa gawin!" Napabuntong hininga na lamang si Nicole kapang naiisip ang nakaraan.

"Ang lakas ko mag advice sa mga kaibigan ko kapag broken hearted sila, ngunit sa sarili ko hindi ko man lang alam paano i-apply ang mga sinabi ko sa kanila .Mas lalong hindi ko alam kong paano simulan." Kausap nito sa kanyang sarili.

Ba't kaya ganoon! Binigay ko naman ang lahat sa kanya, pagmamahal ko , ngunit bakit nagawa niya parin akong saktan?

Kaiwan-iwan ba ako?

Kapalit-palit ba ako?

Hindi ba ako sapat para sa kanya,  nagkulang ba ako?

Ganoon, ba talaga ang pagmamahal , kahit lahat na binigay mo, sakit parin sa puso ang kapalit nito?

Bakit may mga taong minsan na nga lang magmahal nagawa pang saktan sila, tulad nalang ng walang hiya kong fiance pinagpalit ako sa iba!.

Ang hirap mag move-on ..

Ikaw paano ba? share mo naman sa akin,

nahihirapan na kasi ako ehh .

Sabihin na nating 1 year na ang lumipas pero andito parin yung sakit , nakatatak na sa puso't isip ko .

Sabihin niyo nga sa akin mahirap ba akong mahalin?

Hindi ba ako worthy sa pagmamahal niya?

Babae din naman ako , mahina pagdating sa emosyon .

Hayop nga nasasaktan tao pa kaya..

sana..

sana..

sana...

Hindi na kami ipagtagpo ng tadhana ..

Sana sa muling pagkikita namin, kaya ko na siyang harapin at kaya ko nang makita na hawak na siya ng iba.

Sabi nga nila love is sacrifice , kong mahal mo pakawalan mo,kong mahal mo maging masaya ka para sa kanya.

Pero siya ang kasiyahan ko, ginawa ko siyang mundo ko, pero dahil mahal n mahal ko siya pinakawalan ko at pinalaya ko.

Sabi nga ng lahat "kaakibat ng pagmamahal ang masaktan".

"But also love is painful" nasabi ko na lamang sa sarili ko.

--kasalukuyan--

Ma, alis na po ako!"paalam ko, sabay halik sa may noo habang nagmamadaling lumabas ng pinto.

"Sige anak ingat ka and goodluck!"  ningitian ako ni mama at niyakap ng mahigpit. "Salamat ma! I love you!" nagmadali na akong lumabas ng bahay.

Mahirap nang malate, baka hindi pa ako tanggapin sa trabaho ko .

Oo nga pala first of all, papakilala ko muna ang sarili ko sa inyo.

Im Nicole Marie Fortesa 24 years of age . I'm single and ready t0 mingle but honestly,I'm broken can you fix me? They said that I'm completely gorgeous on my blue eyes , dark hair ,  and perfectly tanned skin .

Papunta na ako sa pinag aplyan ko ng trabaho, first interview ko pa namn ngayon . Syempre kahapon lang ako tinawagan at ngayon ang interview ko .

Kailangan kong magpa impress sa boss namin kasi kailangang kailangan ko ang trabaho na ito para sa papa ko .

Meet my father Jacquin Fortesa, 57 years of age ..

Ang papa ko, he is my hero. Lagi syang nandyan kapag nahihirapan ako lalo na nung sobrang nasaktan ako. Yung tipong gusto ko ng mawala , yung tipong ikakamatay ko noong mga panahon na iyon. But he let me realize na dumating lang sya sa buhay ko para maranasan ko ang sumaya , masaktan at lalo na ang magmahal.

Ngunit hindi kami ang itinakda .

May sakit sa puso ang papa ko. Kaya kailngan ko ng malaking sahod para maipagamot ko siya.

Nung mga panahong iyo, sinisisi ko ang tadhana bat ba kasi ang lupit niya sa akin ,, bakit niya pa pinakilala sa akin ang lalaking iyon.

"Miss. andito na po tayo! " sabi ni mamang driver sa akin .

Kaya bumalik ako sa katawang lupa ko lalim na pala ng pinag iisip ko . Hindi ko tuloy namalayang andito na pala kami.  Bakit kasi bumabalik pa siya sa alaala ko.

Kaya bumababa na rin ako , ngunit hindi parin umaalis si manong.

"Beeeppp" ay palakang walang bahag ! Napalundag ako sa lakas ng tunog.

Nang lumingon ako si manong driver pala. Sinimangutan ko siya. Ano na naamn kaya ang problema nito.

"Miss ang bayad mo" napapitlag ako sa lakas ng boses ni manong. "Tssk" kaya lumapit ako dito.

"Manong!naman pakihinaan ang boses, nakalimutan ko lang naman !" sabay abot ng bayad. "Pasensya na manong" hinging paumanhin ko.

Tumingin tingin ako sa paligid mabuti at kami lang ni manong ang nasa highway , hindi pansin ang kanyang pagsigaw.

Sa totoo lang ng halungkatin ko ang bag ko wala yung wallet ko. Mabuti nalang at may pera sa bulsa ng bag ko . Kung wala jusko,mas nakakahiya baka mag sisigaw si manong .

"Okey lang iha !Sa susunod wag mo na siyang isipin kasi hindi ka mahal non. Wala kasing forever iha! " huling sabi ni manong bago tuluyang umalis sakay ng kanyang taxi.

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang taxi na papaalis. 

"Hindi lang pala ako ang bitter pati si mamang driver! " napaing ako sa aking iniisip.

Habang papasok sa building,  nagdadasal ako na sana tanggapin ako,  na sana nasa akin ang katangihan na hinahanap nila.  Sana sa akin mag fit ang trabho na available.

"This is it! Fighting! Relax Nicole ,you can do it" bulong niya sa sarili niya .

下一章