HINDI mapakali si Liyah. Idinala siya ni Thyago sa favorite nitong restaurant na Vertigo. The place was so romantic. At hindi bagay sa kanila ni Thyago.
"Bakit hindi ka kumakain? Don't you like the food? O baka naman gusto mo na subuan pa kita?" tanong ni Thyago.
"Thyago, I am not in the mood for this. Ang totoo, marami akong iniisip. Baka mamaya madagdagan pa ang problema ko kapag inaway ako ng babaeng gusto mo."
"Hindi ka niya aawayin. I promise. Maliban na lang kung gusto mong awayin ang sarili mo."
"Ano?" bulalas niya. "This is not the time for joke."
"Mukhang hindi nga maganda ang mood mo. Huhulaan ko. Problema mo na naman si Elvin?"
"Nagku-kwento ba sa iyo si Kuya?" tanong niya.
"Hindi. Napapansin ko lang na malungkot siya. Lagi naman niyang sinasabi na masaya silang mag-asawa."
"That's not true. A few days ago, they were arguing about money. Gusto ni Eyna na bumili ng mahal na beach house sa Phuket. Alam mo naman siguro kung gaano karangya ang lifestyle niya. It is more than my brother can handle."
"Ikino-consider na ng kapatid mo na kumuha ng loan."
"Dahil natatakot siya na iwan siya ni Eyna. Napakababaw, hindi ba? Iiwan niya ang kapatid ko dahil di lang maibigay ang kapritso niya. Akala ko pa mandin magiging masaya si Kuya Elvin ngayong kasal na sila."
Di niya alam na magiging impyerno ang buhay ni Elvin kay Eyna.
"Pinasok iyan ng kapatid mo. I think he is old enough to handle the situation. Wala naman tayong karapatan na manghimasok sa kanila."
"Paano kung hindi na niya makaya? Tatanga na lang ba tayo at hahayaan siyang mahirapan?"
"Liyah, pareho lang naman tayong concern sa kapatid mo. But we can't do anything to help at the moment. Pagdating kay Eyna, hindi naman siya nakikinig sa advice ng kahit na sino. He is so in love. Si Eyna lang ang nakikita niya."
"Ganyan ka rin ba kapag in love ka?"
Mataman siya nitong tinitigan. "Hindi ko alam. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako pinapansin ng babaeng gusto ko. Masyado siyang naka-focus sa ibang bagay kaya hindi na niya ako nakikita."
Di siya makakibo at sumubo ng broccoli and shrimp. Iyon na namang babaeng gusto nito ang ino-open nito. Kung makatitig ito sa kanya, parang siya ang babaeng tinutukoy nito. And it gave her an unsettling feeling.
"Huwag mo na akong titigan ng ganyan. Hindi ako makakain."
"Liyah, kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Paano ka makakapansin ng mga guwapong katulad ko kung puro si Elvin na lang ang iniisip mo?"
Hindi pa ba niya ito napapansin? Heto nga at kanina pa siya nito nililigalig. Ano pa ba ang ipinagkaiba niya sa mga babaeng kinikilig kapag nakikita ito? Lumalabas pa nga na naging diversion lang nila sa usapan ang kapatid niya.
"M-May iba ka pa bang pupuntahan?" tanong niya. Gusto na sana niyang umuwi para mawala na ito sa isip niya.
"Oo. May iba pa tayong pupuntahan."
"Saan na naman?"
"Sa Moon Bar na katabi lang nito. Maganda doon."
Nang ilahad nito ang palad sa kanya ay tinanggap niya iyon. Parang hindi niya matanggihan ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya.
Halos lahat ng mga mata ng tumutok dito. And compare to those party girls, she looked so plain. Ni hindi nga siya nag-make up. Subalit ni minsan ay di niya naramdaman na inalis ni Thyago ang tingin sa kanya.
Iginala niya ang tingin sa bar. "The music is a bit loud."
"Gusto ko lang naman na mag-enjoy ka. Saan mo ba gusto?"
"Wala. Gusto ko lang na makapag-kwentuhan tayo."
"Hindi ka ba naiinis kapag nag-uusap tayo?"
Umiling siya. "Hindi. Kasi nakikinig ka sa akin. Kaso baka naman ikaw ang nabo-bore sa company ko."
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Never. Kahit nga titigan lang kita nag-e-enjoy na ako. Why do you have to be so beautiful?"
"Parang gusto kong isipin na binobola mo lang ako. Pero dahil maganda naman talaga ako, hindi na lang ako kokontra."
Humalakhak ito. "Let's go. Mukhang magandang maglakad-lakad sa tabi ng river ngayon dahil mainit ang panahon. Masarap magkwentuhan doon."
May isang polo fan si Thyago na kinausap ito sandali. "Excuse me, Thyago. I will wait for you outside." Parang mababasag na ang eardrums niya sa ingay at nagsisimula nang sumakit ang ulo niya.
"Sige. Susunod ako agad. I promise."
Nakaharap siya sa bandang elevator na nakatayo sa harap niyon. But while they were waiting for the elevator door to open, they were kissing ardently.
Nakilala niya ang lalaki bilang playboy na Thai-Filipino businessman na si Florence Cerudo. He was an avid polo fan. Ilang beses din siya nitong niyayang mag-date pero tinanggihan niya. Women were all over him because he was filthy rich. Pero hindi naman siya nai-impress sa mga lalaking tulad nito.
Iiiwas na sana niya ang tingin nang mamukhaan niya ang babae. It was Eyna. Hindi siya maaring magkamali dahil kilala niya ito. Anong ginagawa nito kasama si Florence na isang kilalang playboy. And she had no business kissing him. Asawa ito ng Kuya Elvin niya. Nagtataksil ba ito?
Tumakbo siya at tinawag ang pangalan nito. "Eyna!"
Subalit pumasok na ito sa elevator. The two united in an intimate embrace as the elevator door concealed them.
Kinalabog niya ang metal na pinto ng elevator. "Open up!"
Gusto niyang matiyak na si Eyna nga ang nakita niya. Galit na galit siya. Gusto niyang makita rin siya nito para mapahiya niya ito sa panloloko nito sa kapatid niya. Subalit di na bumukas pa ang elevator.
"Liyah, anong problema? Bakit umalis ka agad?" tanong ni Thyago. "Sabi mo hihintayin mo ako, di ba?"
"I saw Eyna kissing another guy. Nakapasok na sila sa elevator. Sinusubukan ko silang habulin."
"Then what will you do? Kokomprontahin mo siya?"
"Dapat lang naman, hindi ba? Niloloko niya ang kapatid ko. She has no right. Papayagan mo bang gawin niya ito kay Kuya, Thyago?"
She was shaking with too much anger. Oras na mahuli niya si Eyna at mapatunayan niyang nagtataksil ito, kakalbuhin niya ito.
Mahigpit na hinawakan ni Thyago ang balikat niya. "Relax. You have to calm down. Hindi na natin sila maabutan sa ngayon. At kung maabutan man natin, wala tayong solid evidence. Pwede niya iyong I-deny sa harap ni Elvin. Sa huli, baka ikaw pa ang mapasama."
"Ano ang gagawin natin? Hayaan na lang sila?"
"Matutulungan kitang makahanap ng ebidensiya kung gusto mo."
"EYNA, gusto mo bang sumunod ako sa iyo sa Phuket? Maluwag ang schedule ko bukas," narinig ni Liyah na sabi ni Elvin habang nagluluto siya ng agahan.
"Elvin, masyado ka namang killjoy. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Puro babae kaming lahat tapos sasama ka pa?" asik ni Eyna.
"Napapadalas kasi ang pagsama-sama mo sa kanila. Ni hindi na tayo nagkakasama tuwing weekends. Ayaw mo na ba akong makasama?"
"Next time, Elvin. Male-late ako. Naghihintay na sila sa akin." Maya maya pa ay narinig niya ang angil ng papalayong sasakyan ni Eyna.
"Kuya, mag-breakfast na tayo," yaya niya dito.
"Wala na akong gana," mahina nitong wika. "Bakit parang ayaw na akong makasama pa ni Eyna? Masyado na ba akong busy sa trabaho ko?"
"Kuya, it is not your fault. Nagtatrabaho ka para sa kanya. At kung may chance ka naman, inaalagaan mo siya. Masyado mo lang siguro siyang mahal."
"Natural lang iyon dahil asawa ko siya. I will give everything for her."
Natatakot siya sa maari nilang matuklasan sa pagpapa-imbestiga kay Eyna. Ayaw niyang masaktan ang kapatid niya.
Thanks po sa mga nagmagandang-loob na mamigay ng pamaskong handog for Bagyong Tisoy victims sa Masbate. Candies are okay din po or gelatin para mapasaya ang kids. Used toys are also welcome kasi it will help the kids na traumatic ang experience dahil sa bagyo.
Just PM us on Facebook: Team Norte Akyat For A Cause. Thank you!